HinovelDownload the book in the application

Chapter 5 Five

Dumating naman ang hapon saka lang kami ginanahan nila moms at nanay magbabad sa dagat. Yung tipong di na gaanong mainit. Pero si Trick ayun, at tustado na.

"Tara bebs, langoy tayo dun sa malalim." Aya ni Trick sa akin ng bigla siyang sumulpot sa tabi ko.

"Ayoko nga! Chachansing ka lang eh!" Sabi ko sa kanya.

Pero wala talagang makakapigil sa kanya dahil hinila na niya ko papunta sa malalim. Hindi ko na nga maramdaman yung lupa eh.

Marunong naman akong lumangoy pero tinatamad ako kaya nakahawak lang ako kay Trick. Kaya ayun, nakayakap lang ako sa likod niya na parang nakapiggy back.

"Huy bebs, lalim na dito. Balik na tayo dun, baka hanapin tayo nila moms." Sabi ko kay Trick.

"Eto naman, ngayon na nga lang kita masosolo."

Tumigil din naman sa paglangoy si Trick. Maya-maya magkaharap na kaming dalawa habang nakalagay pa rin yung mga kamay ko sa leeg niya at nakayakap naman siya sa bewang ko.

Tapos bigla bigla na lang siyang nanghahalik. Una sa noo lang, sunod sa ilong. Nung sa lips na, maraming maraming beses niyang dinampi yung labi niya pero bigla na lang niyang kinagat yung lower lips ko.

"Aray ko naman bebs!" Sabi ko sa kanya sabay kurot sa ilong.

"Dapat pala di kita sinolo, baka ano magawa ko sayo bebs." Nakakalokong sabi ni Trick sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Loko ka talaga noh! May tiwala parents natin sa atin kaya hindi natin dapat i-break yun." Sabi ko at mas hinigpitan pa ang yakapan namin.

"Yayakap pa lalo, nahihirapan na nga kong magpigil!"

"Hahahaha, sorry ka bebs. Ganda ko eh." Sabi ko sabay hiwalay sa kanya at lumangoy palayo.

"Kapal mo bebs. Ganda? San banda? Ha?" Ayun naman at nagsimula na ang kulitan at habulan namin sa dagat. Buti na lang kamo hindi na mainit at enjoy nang magbabad.

Nang mapagod na kami bumalik na rin kami sa pampang. Diretso naman kami sa kanya-kanyang kwarto at nagbihis na since wala naman na kong balak magswimming ulit.

Mabilis lang yun at nasa may pampang na kami ulit at nanunuod ng sunset. Maraming beses na naming napanuod ni Trick ang sunset na magkasama pero parang kakaiba yung ngayon.

Habang nakatitig lang sa papalubog na araw, ang dami kong naiisip.

'Yung kung gaano na kami katagal na magkasama ni Trick.

Kung ano-ano nang pinagdaanan namin.

Parang wala naman nga kaming masyadong problema eh. Bukod siguro sa medyo nagiging mas busy kami habang tumatagal dahil sa pressure sa schoolworks.

Pero sa kabila ng mga yun, eto kami, going stronger.

Tama, stronger. Syempre strong na kami eh, kaya stronger. May masabi lang talaga eh noh.

"Malalim pa sa dagat iniisip mo bebs. Ano ka ba, malunod ako niyan." Bigla na lang yumakap mula sa likod ko si Trick.

"Hay nako, kapal mo talaga bebs. Hindi ikaw ang iniisip ko noh!" Sabi ko sa kanya sabay tulak sa mukha niya.

"Aba sino yan nang mapatay na! Wala kang pwedeng isiping iba, bebs, ako lang." Niyakap naman niya ko ng mas mahigpit sabay nilagay niya yung ulo niya sa shoulders ko.

"Possessive mo talaga, bebs. Alam mo namang ikaw lang eh." Sumandal naman ako sa ehem sa matipuno daw niyang dibdib.

"Basta bebs, alam ko namang magiging mas busy na tayo eh. Pero kaya natin yan, ilang sems na nating nakaya. Mas kakayanin pa natin hanggang matapos ha? Hanggang sa magkatrabaho na tayo. Hanggang sa mag-asawa na tayo. Hanggang sa magkaroon na tayo ng sarili nating baby. Hmm?" Pacute na sabi ni Trick.

Ha. Sarap lang ipagmayabang nitong si Trick. Nakakatuwa lang na naiisip niya na yung future at magkasama kami dun.

"Ikaw talaga, masyado kang advance." Sabi ko sabay kurot sa ilong niya.

"Eto naman, syempre gusto ko lang may goals tayo diba. Gusto ko magkasama tayo sa mga plano natin. Tsaka naglalambing lang po ang future husband mo."

"Sus. Ikaw talaga bebs. Alam mo ba.."

Unti unti akong humarap kay Trick sabay sumabit, deh joke, nilagay ko mga kamay ko sa batok niya.

"Ano?" Sabi naman niya at hinapit ang bewang ko.

"Hmm, hindi ko na ma-imagine ang future ng wala ka Mister Trick Romero." Sabi ko sabay kiss sa lips niya. Smack lang ha.

"Marami pa tayong sunset na papanuorin at maraming marami pa tayong pagdadaanan. Kaya ikaw, walang iwanan ah?" Sabi ko sabay suntok ng mahina sa may puso niya.

Hinawakan naman niya yung kamay ko sabay hinalikan yun.

Hindi naman kami medyo mahilig sa kiss ano?

Sorry naman, sweet kami ng boyfriend ko eh.

"Walang bibitaw." Sabi ni Trick sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko sabay nanuod na lang uli kami ng sunset.

--

Natapos na rin kaming mag-enroll para sa second sem, sa wakas! Kaya eto, padate-date muna kami ni Trick dahil wala pa naman kaming magawa.

"Daya mo, bebs! Pinakamaaga mong class, 10AM pa. Ako, 8:30. Madaya talaga!"Reklamo ko habang nagcocompare kami ng sched ni Trick at nakatambay lang kami dito sa McDo.

"Ganun talaga pag gwapo, bebs. Di ka pa nasanay!"

Hay nako po, mayabang talaga ’to kahit kelan. Dun naman ako sanay na sanay.

Nagkukulitan lang kami ni Trick nang may dumaan na magbabarkada. Halong babae at lalake at mukhang schoolmates din namin.

"Uy bro, andito ka pala. Tapos ka na mag-enroll?" Tanong ng isa sa mga lalaki.

"Oo, bro. Ay bebs, friends ko. Mga bro, girlfriend ko, si Ellie. Wag mo na silang tignan, pangit mga yan." Pakilala naman ni Trick sa amin pero tinakpan naman mga mata ko. Loko talaga ’to.

Nag-hi naman sila sa akin at yung iba nang-asar pa. Ganda ko daw eh. Ansabeeeh.

Yun naman yun eh. Medyo familiar na yung iba sa kanila since ilang years na rin kaming magkakaschoolmates.

"Uy Trick, anong block mo? Sana magkakablock tayo ulit." Singit ng isang maputi at tsinitang pacute babae. Oo, pacute siya para sa akin. Bakit ba.

"Ah 3B ako, kayo ba?"

"Yey! Blockmates tayo!" Biglang tili niya. Ay te, kumikiri.

Sino ba ’to. Tinignan ko naman si Trick sabay sinubuan ko ng maraming fries pero nakangiti ng plastic. Natawa tuloy friends niya. Tawa tawa kayo dyan.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free