Naki-table naman sa amin yung mga blockmates ni Trick. Eh dinadaldal rin naman ako nung mga lalake pero yung mga babae, hindi ako pinapansin. Mga echuserang ‘to.
"Ellie, ano bang nakita mo dito kay Trick at pinatulan mo ‘to?" Tanong ng isa sa kanila.
"Wag nga kayo! Gugulo niyo eh. Dun na nga kayo!" Pabirong pagtataboy ni Trick sa kanila.
Nakakaaliw lang sila tignan. Iba kasi yung highschool friends sa college friends eh. Though nakikita ko naman na nag-eenjoy ‘tong si Trick sa company nila. Mas siraulo pa rin siya kapag nag-ge-get together kami ng mga classmates ko nung highschool.
"Pero bilib din ako sayo, pre. Daming chicks na may crush sayo pero kita naman nating lahat, stick to one." Sabi naman ng isa sabay tinapik ng malakas yung likod ni Trick.
"Eh buti hindi kayo nagkakasawaan?" Tanong nung isang babae.
"Bakit naman kami magkakasawaan? Sus. Nagkakasawaan lang naman kapag naghahanap ka ng wala sa karelasyon mo eh." Sagot ni Trick.
Nakita ko naman yung tsinitang babae na parang malungkot yung mukha niya habang nakikinig lang sa amin na magkulitan.
"Hoy Sarah, tahimik mo dyan? Parang kanina ang hyper mo pa ah." Biglang tanong naman sa kanya ng katabi niyang babae rin.
"Ah wala, eto kasing si Trick, patama yung sagot." Sabi naman nung Sarah sabay binato pa ng fries ang boyfriend kong matakaw.
"Alam mo, hindi mo naman kasalanan na nagbreak kayo. Yung boyfriend mo yung siraulo para iwan ka. Kaya kung ako sayo, kalimutan mo na yun." Sabi naman ni Trick sabay taas baba pa ng dalawang kilay.
Hindi ko alam kung maiinis ako dito kay Trick o kay Sarah. At hindi ko rin alam kung bakit.
"Oo nga! Mas gwapo pa kami dun kaya ang swerte niyo! Hahaha." Sabi naman ni Nathan. Isa sa mga maiingay sa grupo nila. Eh nagyabang, ayan, nakailang batok yata ang natanggap niya.
"Hoy wag ka nga. Ako lang gwapo sa inyo noh! Pero sorry na lang ang ibang girls, may Ellie na ko." Biglang banat naman nitong si Trick habang inakbayan ako. Inasar-asar pa tuloy kami.
Yung mga girls naman, okay naman pala sila kapag nagtagal. Except nga lang dun kay Sarah, yung tsinita. Tahimik niya kasi saka pangiti-ngiti lang.
After ilang oras, nagdecide na rin kaming umuwi ni Trick. Yung blockmates niya, ewan ko kung san papunta. Yung mga lalaki, nang-aasar pa. Iuwi daw ako diretso at wag kung san saan dadalhin.
"Ang kulit ng mga friends mo, bebs. Infairness, ang gugwapo rin." Sabi ko kay Trick habang nasa biyahe kami pauwi.
"Ako lang gwapo sa mga yun sabi eh." Sabi naman niya sabay hinawakan yung kamay ko.
Oo nga pala, may kotse na ’tong si Trick. Pero minsan nagcocommute pa rin kami dahil sa trip lang namin. Tulad ngayon. Kaya nakakalibreng chansing ’to eh.
"Kapal mo talaga noh. Tapos yung Sarah, close ba kayo nun?" Pasimple kong tanong.
Aba syempre, malay ko ba kung gaano na sila ka-close ng boyfriend ko diba. Pero may tiwala naman ako dito kay Trick. Alam ko namang hindi ako ipagpapalit nito. Haha, ganda kong ‘to.
"Hmm, hindi naman. Pero kasi diba, bihira ang engineering na babae. Eh ayun, kaya parang tropa tropa din namin sila." Sagot ng boyfriend kong nilalaro lang ang kamay ko.
"Ahh." Sabi ko na lang.
"Yiheeee. Nagseselos siya." Pang-asar ni Trick.
"Nagtanong lang nagseselos na agad? Assuming lang?"
"Eh bakit ganyan ka mag-react? Yiheee!" Di ko na lang siya pinansin at nagpatugtog na lang ako.
Maximum volume. Para di ko siya marinig na nang-aasar kasi naaasar na ko eh.
Nung naglalakad naman na kami papunta sa bahay namin, hindi naman kami nagpapansinan pareho. Hindi naman ako galit, pero parang wala lang din talaga ako sa mood makipagkulitan.
Hanggang sa makarating kami sa bahay at nagmano pareho kay nanay, hindi pa rin kami kumikibo pareho. Napansin yata ni nanay kaya nagtaka siya.
"Oh, nag-away ba kayo? Tahimik niyo ah."
"Nay, bihis lang ako ha." Sabi ko at umakyat na ko papunta sa kwarto namin.
Habang nagbibihis naman ako, narealize ko lang na bakit ako nagkakaganito. Eh dati naman kapag may kumakausap kay Trick, hindi naman ako madaling magselos. Saka isa pa, kapag nag-e-LQ kami, at ako ang nagagalit, hindi selos ang dahilan.
Oo na, nagseselos ako, okay. For the first time. Ish, kainis naman oh.
Bumaba rin naman ako agad para sana makipagusap na kay Trick.
"Eh nay, ang moody kasi ng apo niyo. Kaya ko lang naman siya inasar kasi ngayon lang yun nagselos. Natuwa lang ako. Pero wala naman siyang dapat pagselosan eh." Narinig kong sabi ni Trick kay nanay.
"Natuwa ka pa. Nako mga batang ’to, oo. Alam mo, hindi talaga selosa yang apo ko. Wala siyang kapatid diba, wala siyang kaagaw. Sanay yan na siya lang. Pero kahit ganun, kapag nagseselos yan, ibig sabihin, gusto niya sa kanya lang." Sabi ni nanay.
Eh only child ako diba. Kaya ganun.
"Pero, apo, yang si Ellie, bihira talaga yan magselos. Diba yun naman ang gusto ng mga lalaki? Yung hindi selosa?" Dagdag pa ni nanay.
"Oo nga po, nay. Pero kasi, natuwa lang ako. Sa tagal na namin ni Ellie, hindi pa yun nagseselos sa babae. Ang laging pinagseselosan niya, yung acads o kaya pagkain. Haha." Kapal talaga ng lalaking ’to.
"Loko loko ka talagang bata ka. Hala, akyatin mo na yun at baka hindi ka na kausapin forever." Sabi bigla ni nanay kaya napatakbo ako paakyat sa kwarto ko.
Nanay naman oh, papaakyatin pa. Eh pwede namang sa baba na lang kami magusap.
Nahiga na lang ako sa kama habang nakatitig lang sa kisame hanggang sa napapikit ako.
Maya-maya naramdaman ko naman si Trick na pumasok siya sa kwarto at humiga sa tabi ko. Wow diba, parang walang nangyare. Pinatong pa niya yung kamay niya sa tiyan ko na parang nakayakap. Ako naman, nakapikit lang. Nakikiramdam.
"Alam mo bebs, wala ka naman talagang dapat ipagselos dun kay Sarah eh. Maputi kaya yun saka tsinita. Eh ikaw, bilog mata mo tapos maitim ka. Wag ka ng kumontra, tanggapin mo ng maitim tayo. Pero di nga, natuwa lang ako na nagselos ka kaya inasar kita. Kasi nga, di ka naman marunong magselos. Pano, laki ng tiwala mo eh. Pero, loyal naman talaga ko sayo, kaya wag kang mag-alala. Ako nga ’tong seloso sa ’tin eh. Ikaw kasi, ang ganda mo masyado kaya kahit alam na ng buong mundo na boyfriend mo ko, may nagkakagusto pa rin sayo. Pero sorry na lang, akin ka na eh. Tsaka, sayo lang ako, okay? At alam kong gising ka, kaya pansinin mo na ko. Kundi, sige ka, hahalikan kita dyan hanggang sa di ka na makahinga." Nagbabantang sabi nitong si Trick at naramdaman kong nilapit niya yung mukha niya sa may ulo ko.
Hindi pa rin ako dumilat kaya maya-maya, naramdaman ko na lang na dumampi yung lips niya sa mga labi ko. Maraming maraming smack. Ginigising nga yata ako. Hanggang sa tumigil din siya pero nararamdaman ko pa ring malapit lang yung mukha niya. Ako naman ‘tong si ewan, napadilat ako dahil nagtataka kung bakit siya tumigil.
Walang nagsasalita. Nilulunod lang ang isa’t isa sa mga titig namin.
"First time kong magselos. Siguro kasi hindi ko kilala yung Sarah. Dati naman, okay lang eh. Pero hindi ko gusto yung feeling, promise. Naiinis ako sa sarili ko kasi nagselos ako." Sabi ko at umupo na sa kama.
Bigla naman siyang humiga at umunan sa lap ko. At tumitig lang uli sa akin.
"Kaya nga po wag ka ng magselos. Promise, yung susunod mong pagseselosang babae, sisiguraduhin kong mas maganda na sayo." Biglang sabi naman ni Trick.
Tinulak ko tuloy siya at tumayo na. Kainis ‘to. Tama bang ganun ang sabihin.
Pero bigla naman akong niyakap mula sa likod at pinatong yung baba niya sa may shoulders ko. Back hug.
"Eto naman, galit agad eh. Syempre, mas maganda sayo yun. Kasi sa akin magmamana. Gwapo ang papa, deh syempre magandang maganda ang magiging baby girl natin diba? Pero para fair sayo, sayo niya makukuha yung mata, ilong, matabang pisngit at cute na lips. Oh, deh lalong ang ganda nun. Pinaghalong kagwapuhan ko at kagandahan mo." Eh di parang kamukha ko rin kasi yun?
Hay nako, Trick. Galing mong magpakilig. Bwisit.