Naglalakad kami pauwi sa bahay nang magkahawak ang kamay pero hindi nag-uusap. Dati rati naman naming ginagawa ‘to pero ngayon, LQ na naman kasi kami.
"Bebs naman kasi eh, nakita mo namang may ginagawa pa kami eh. Sana nauna ka na lang." Reklamo ko kay Trick. Eh kasi naman, gumagawa kami ng case study namin sa bahay ng isa kong kaklase at sumama itong si Trick. Kaya lang, atat namang umuwi.
"Ano ba, Trick! Kainis naman ’to eh. Nakakahiya sa groupmates ko. Ish." Sabi ko ulit habang pinipilit kong tanggalin yung napakahigpit na hawak ni Trick sa kamay ko.
"Oh ayan! Sige, bumalik ka na don. Sorry ha. Gusto ko lang namang magpaalaga. Masama po kasi pakiramdam ko. At gusto ko sanang girlfriend ko po ang mag-alaga sa akin. Sige na, pasundo ka sa groupmate mo. Uwi na ko. Bye." Sagot naman ni Trick. Nakakainis. Hindi ko tuloy alam kung sa kanya ako maiinis o sa sarili ko eh. Bwisit.
Nagwalkout naman siya agad. Ano pa nga bang magagawa ko kundi sundin siya. Napakamatampuhin talaga nitong boyfriend ko. Hay.
"Bebs! Uy!" Sigaw ko habang hinahabol si Trick.
"Eto naman oh, Beeeee *ubo ubo*…eeebs!" Sigaw ko pa rin kaya lang medyo namaos ako kaya natigil ako sa pagsigaw. Ayun ang boyfriend ko, hindi ko alam kung babatuhin ko na ng sapatos sa sobrang layo at tinatawanan lang ako.
"Ikaw! Anong masama ang pakiramdam ang sinasabi mo dyan ha?!" Sigaw ko sabay hawak sa noo at leeg niya.
"OMG! Bakit ang init mo?! Bebs naman eh. Halika na nga, uwi na tayo!" Sabi ko at hinila ko na siya agad pauwi sa bahay nila. Ganito naman kasi talaga si Trick eversince. Hindi nagsasabi kung anong nararamdaman. Alam niyo naman diba. It took him years bago umamin. Kahit ilang years na kaming magkasama, hindi pa rin talaga siya agad nagsasabi ng nararamdaman niya.
Pagdating namin sa bahay ni Trick, inasikaso ko naman agad siya. Syempre, girlfriend eh, pero feeling nanay naman. Anong oras pa lang din naman kasi at wala pa sila Tita kaya yung kasambahay lang din yung andito.
"Bebs, matulog ka muna dyan ha. Dito lang ako, at magreresearch. Para kahit inaalagaan kita, nakakatulong pa rin ako sa groupmates ko. Online nga lang." Sabi ko kay Trick habang kinukumutan siya. Lamig na lamig eh. Kung pwede ko lang siyang yakapin muna, kaya lang kasi, nakakaguilty na umuwi ako agad eh yung groupmates ko, gumagawa ng case study namin.
"Bebs, dito ka na lang sa tabi ko please? Please?" Pacute naman na sabi ni Trick habang tinatapik yung space sa tabi niya.
"Eeeeeeeeeeeeeh. Dito na lang ako, bebs. Para makahiga ka ng maayos." Sagot ko naman. Nandito kasi ako ngayon sa study table ni Trick. Eh gusto niya dun na lang ako sa tabi niya sa kama. Ayoko naman dun. Kasi baka ma-tempt ako ng napakalambot niyang kama na matulog na lang imbis na magresearch eh.
Oo, yung kama ang magtetempt sa akin, hindi si Trick. Kala niyo ha.
Dahil hindi umepekto yung pagpapacute ni Trick, dinaan naman niya sa pagtatampo. Bigla ba namang tumalikod at nagtalukbong sa kumot. Ang cute talaga ng boyfriend ko oh. Kaya ang ginawa ko, dinala ko yung laptop sa kama niya at dun na ko pumwesto. Pero bago ko simulant ang research, mukhang kailangan ko munang amuhin ‘to.
"Bebs, ‘wag ka na po magtampo, okay? Eto na oh, andito na ko. Tabi na tayo. Pleaaaase?" Sabi ko habang niyuyugyog ng bahagya si Trick.
"Deh wag na, bebs. Sige na, mag-aral ka na. Tutulog na ko." Sagot naman ni Trick na nakatalikod pa rin.
Kelangan palitan ang strategy.
Tinabi ko muna ang laptop at medyo humiga at niyakap si Trick mula sa likod.
"Bebs.." Bulong ko.
Walang sagot, nakatulog na yata ‘to.
"Bebs.." Bulong ko ulit pero mas malapit na sa tenga niya this time.
"Sorry na po?" Pacute kong sabi habang binoblow ko yung tenga niya na may malakas na kiliti. Oh eh di napaharap siya sa akin.
Pagkaharap niya sa akin bigla ba naman akong tinignan ng masama.
"Ano? Galit ka pa rin? Iniwan ko na nga mga groupmates ko para alagaan ka. Ayoko namang may masabi sila kaya nga kahit sa research man lang may maitulong ako. Tapos ikaw naman, kung makapagtampo akala mo--asffghjkl" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan.
Malamang sa lips diba, natigil ako sa pagsasalita eh.
Nung una, dinikit niya lang. Hanggang sa unti-unti na niyang pinalalim na halos pareho na kaming nawalan ng hininga.
*hingal*
"Teka lang, bebs. Loko ka, nakikipagbati lang ako eh." Sabi ko sabay pout.
"Sige, magpacute ka pa dyan. Gusto mo pa ng isa noh?" Nagpapacute na tanong ni Trick.
"Loko-loko! Magpahinga ka na nga. Dito lang ako, di ako aalis." Sabi ko kay Trick at umayos na ko ng upo sa kama at sinimulan ko ng magresearch.
Hindi pa ko nangangalahat ng bigla na lang yumakap si Trick sa bewang ko habang nakadapa siya.
Tinignan ko naman siya at nakita kong nakatitig lang siya sa akin.
"Ano na naman?" Tanong ko nang nakataas ang kilay.
"Hmm, ilang years na lang, bebs. Mga tatlo? Tapos araw-araw na tayong ganito." Sabi ni Trick habang nakatitig pa rin sa akin.
Hindi talaga nagbabago yung paraan ng pagtitig ni Trick. Yung katulad pa rin ng dati, nakakalunod.
"Kaya pa, bebs?" Parang double meaning naman yung tanong ni Trick. Parang tinatanong ako kung kaya ko pa ‘tong ginagawa kong pagreresearch at kung kaya ko pa ‘tong relasyon namin.
"Basta kasama ka, bebs. Lahat kakayanin." Sagot ko sabay kiss sa kanya, sa noo lang. Mahirap na, maadik pa ko sa lips eh.