HinovelDownload the book in the application

Chapter 4 Four

Natapos din sa wakas ang finals! Grabe, stressful! Ang hirap mag-aral. Buti na lang kamo may taga-timpla ako ng kape kapag inaantok na ko pero kailangan pa ring magreview.

"Mamaaaa! Gitingin mo na ti papa, punta na tayo mall!" Sigaw ni Chacha sa akin paglabas niya ng kwarto. Ako naman, eto, naghahanda ng almusal namin. Kararating ko lang dito sa kanila at tulog na tulog pa ang damuho samantalang umalis naman sila pops at moms dahil may event na pupuntahan.

"Baby, ikaw na gumising kay papa. Nagluluto pa si mama oh." Sabi ko naman kay Chacha. Ayun ang bata, takbo agad paakyat sa kwarto ni Trick.

"Hmmm, bango naman." Bigla na lang may nagsalita mula sa likod ko. Malamang si Trick yun. Nakasakay sa balikat niya si Chacha na nakasabunot naman sa buhok ni Trick na bagong gising.

"Ang cute niyong magkuya. Picture nga!" Nagmadali naman akong kunin yung BB ko sabay picture sa kanilang dalawa. Wacky pa talaga ang mga pose eh.

"Bebs, anong magandang gawin ngayong sembreak? Out of town kaya tayo?" Tanongni Trick habang kumakain na kami ng almusal.

"Wow, bebs. Yaman mo ah. May out of town ka pang nalalaman dyan." Pang-asar kong sagot sa kanya.

"Eto naman oh, syempre gusto ko lang din naman mag-enjoy. Ang hirap kayang mag-aral. Tignan mo nga eyebags ko, ilang layers na? Ikaw din, meron na. Diba, parang reward na lang natin yun sa sarili natin." Todo-explain naman ‘tong si Bebs.

Sabagay, kung tutuusin kasi, ang hirap din ng course nitong si Trick. Dami nilang ginagawa.Yung mga plano-plano chuchu. Basta pang engineering. Di ko rin nga maintindihan. Tuwing pinapanuod ko siyang gumagawa ng ganun, yung sa blueprint ganun, nakikita ko yung eagerness niyang matapos yun ng maayos at malinis talaga.

"Ikaw, baby, san mo gustong pumunta?" Tanong ko naman kay Chacha na busy kumakain. Tignan niyo, magkapatid talaga ang dalawa sa katakawan eh.

"Ano?! Sasama pa natin tong dwendeng ’to? Wag na, bebs!" Pang-asar naman ni Trick kaya tinignan siya ni Chacha ng masama. Ang cute cute talaga.

"Syempre, joke lang baby. Dapat kasama ka kasi malulungkot kami ni mama kung wala ka diba?" Biglang bawi naman ni Trick sabay sinubuan pa si Chacha.

"Mama, guto ko ta beach." Biglang sabi ni Chacha nung maubos na yung laman ng bibig niya.

"Beach?" Tanong ko sa batang si Chacha.

Nagtinginan lang naman kami ni Trick sabay nag-high 5. Matagal na kasi namin plano ni Trick mag-beach kaya lang laging nauudlot dahil minsan may exam or minsan may ibang lakad. Kaya siguro eto na yung perfect timing.

"Sige baby, ayain na rin natin si moms at si pops since anniversary na rin nila diba." Sabi naman ng excited na si Trick.

"Yeyyy! Magbibeach tayo!" Sigaw ng bibong si Chacha.

Nagplano naman kami ni Trick nun at pumayag din sila moms at pops. Sinama rin pala namin si nanay para naman makapagbakasyon din ang napakaganda kong lola.

"Bebs, wag ka masyadong magbabad sa araw ha? Baka maging kape ka na." Pang-asar ko kay Trick na excited masyado lumangoy sa dagat.

Andito na nga pala kami sa subic. Medyo maraming tao since sembreak nga kaya marami-rami din ang nagbabakasyon.

"Tara na kasi, bebs! Langoy na tayo!" Hila naman sa akin ni Trick.

"Eh hindi nga pwede, tulungan ko muna sila moms na magluto. Kayo na muna ni Chacha saka ni Pops. Go na!" Taboy ko naman kay Trick. Hindi rin naman nagtagal at ayun na, nagkukulitan na ang mag-aama.

"Alam mo nak, natutuwa talaga ko sa inyo ng anak ko eh. Kahit kayo na, para pa rin kayong magbest friends." Sabi ni moms habang nag-aayos kami ng lunch.

"Oo nga eh, pansin ko rin kay Trick, kahit maraming kalokohan, mapagkakatiwalaan mo talaga. Para bang kampante ako lagi basta andyan siya para sa apo ko." Singit naman ni lola na busy naman kakatikim sa mga nakahain.

Nangingiti na lang ako dito habang nagpapaypay sa iniihaw kong barbeque. Kung sila nga natutuwa para sa aming dalawa, ako pa kaya.

Swerte kosa boyfriend ko noh.

"Nginingiti mo dyan, bebs? Mukha kang ewan." Biglang sulpot ni Trick mula sa likod ko.

"Problema mo? O, alam ko namang gutom ka na." Sabi ko naman sabay dikit ng barbeque sa bibig niya.

"Ouch! Init!" Reklamo naman niya.

"Ay sorry, bebs!" Sigaw ko habang pinapaypayan yung mukha niya.

"Tingin mo makakatulong yang pagpaypay mo sa mukha ko?" Pagsusungit ni Trick.

"Eto naman, di ko naman po sinasadya." Sabi ko sabay alis sana para kumuha ng yelo sa cooler.

Hindi pa ko nakakaalis ng bigla na lang niya kong hilain pabalik sa kanya.

"Ano? Kukuha lang po ako ng yelo para dyan." Sabi ko sabay nguso sa lips niya.

"Ikaw, nang-aakit ka talaga eh noh? Alam mo namang lips mo lang makakapagpagaling dito tapos ngumunguso ka pa dyan. Kapag ako, nadala.. Sige ka, ikaw rin ang kawawa." Pagbabanta ng nang-aasar ng mukha ni Trick.

"Anong kawawa?! Loko ka talaga noh. Kakasabi pa lang ni nanay na kampante siya sayo tapos ganyan pinagsasabi mo? Sumbong kaya kita!" Sabi ko sabay tulak sa kanya.

Bumalik naman ako sa pagpaypay sa mga barbeque pero si Trick hindi na umalis sa tabi ko. Nakaakbay lang naman siya na may halong pang-aasar habang ako naman ay busy nagpapaypay.

Minsan nga napapansin ko may mga napapatingin sa amin eh. Paano kasi ang lakas mang-asar ni Trick kaya minsan, nakukuha namin yung atensyon ng ibang tao.

"Papa, tigiyan mo na nga ti mama. Kuyit kuyit niyo eh.Gutom na to!" Sigaw ni Chacha mula sa cottage namin.

"Oh narinig mo yon? Tigilan mo na daw ako at gutom na ang baby natin." Sabi ko kay Trick.

"Ha? Gutom na baby natin?" Tanong ni Trick na nanlaki ang mata sabay hawak sa tiyan ko.

"Hoy! Bakulaw ka talaga. Mamaya marinig kanila moms, ano pa isipin ng mga yun. Umayos ka bebs, tatamaan ka sa akin!" Sigaw ko sa kanya sabay tulak ng malakas.

"Anong tatamaan?! Matagal ka ng may tama sa akin, bebs." Sagot naman ni Trick sabay kindat.

Natatawa na lang ako sa mga hirit niya eh. Loko talaga ’to.

"Isa! Papatayin na talaga kita dyan, dun ka na nga!" Sigaw ko naman sa kanya na nagpipigil ng kilig.

"Matagal na kong patay noh!" Sagot niya habang naglalakad patalikod pero nakaharap pa rin sa akin.

"Ano na namang hirit yan?" Naka-cross arms kong tanong.

"Patay na patay sayo." Sabi niya sabay flying kiss.

"Weeeeh? Korni!" Sabay sabay na sigaw nila moms, pops, nanay at Chacha.

Korni daw eh mukha namang mas kinilig pa sila sa akin. Hay sarap ng may lovelife.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free