HinovelDownload the book in the application

Chapter 8

“BELIEVE IT or not but between Alaric and I, he’s the better monster, Gianna.”

Pabiling-biling sa kama si Gianna, nang hindi niya na makayanan ay tuluyang bumangon na siya. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya ang mga binitiwang salita ni Caleb ilang oras na ang nakalilipas.

Her life had been in a total circus the past weeks. And since day one, she had been meaning to uncover Caleb’s reasons behind his revenge. Pero ngayon namang nalaman niya na ang sagot ay natakot siya. Natatakot siyang paniwalaan ang nasaksihang katotohanan sa mga mata ni Caleb. Natatakot siyang alamin kung totoo nga bang may kinalaman si Alaric sa pagkamatay ng fiancée nito. How could she face the fact that the man she was supposed to marry was being accused as a murderer by his own brother?

“But… no. Ric could never do that.” Naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha.

God knew how much she wanted to hold on to Alaric’s words but how could she explain the secrets he kept from her for years? Napakarami nitong itinago sa kanya, mga bagay na bilang girlfriend nito ay dapat alam niya. Katulad na lang nang pagkakaroon nito ng kapatid na kakambal pa nga kung tutuusin. And what was his real connection to Erin’s death? And God... why wasn’t she even informed about Erin and the baby?

How she wished she could hear Alaric’s side right at that moment. Because after everything she heard, she doubted if she could ever ease her mind again. Pero pinutol ni Caleb ang lahat ng linya ng telepono roon. Wala rin siyang mahanap na computer o kahit laptop man lang na maaaring makatulong sa kanya nang sinubukan niyang maghanap noong nakaraang araw. Manang Rosing didn’t have her phone anymore. Tanging si Caleb lang ang nakikita niyang gumagamit ng cellphone pero palagi nitong dala iyon. Ang mga gwardya naman kahit alam niyang nirerespeto siya ay hindi man lang siya pinansin noong tangkain niyang magtanong tungkol sa telepono.

Naguguluhang nagpalakad-lakad si Gianna sa kanyang kwarto. Nang mapagod ay napaharap siya sa sariling reflection sa malaking salamin na naroon. Sa kabila ng kalituhang nararamdaman ay nagawa pa ring bumalik sa isip niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Caleb. Napahaplos siya sa mga labi. Muli ay naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Sunud-sunod na malalalim na paghinga ang pinakawalan niya pero para bang may nagwawalang daga pa rin sa kanyang dibdib.

Geez, ano bang nangyayari sa’kin? Umpisa pa lang ay alam niya nang hindi makakabuti para sa kanya ang gaya ni Caleb. Every single day that Gianna spend with him, he was making her question things, even her very own feelings and it kind of scared her. He intrigued her in ways she had never felt before. And worst, he was making her compare...

Caleb was a real jerk, he says the cruelest things but when he decides to turn on that gentleman mode of him, that caring mode of him, she couldn’t help but melt and wonder why she ever got mad at all. Muli niyang naipilig ang ulo nang maalala ang kapatid nito. Nakokonsensiyang napakagat-labi siya pagkatapos ay napasulyap sa wall clock. Alas-nwebe y medya na ng gabi.

Pinaibabawan ni Gianna ng robe ang suot na pantulog at lumabas na ng kwarto. She needed to go, distract herself or else, she would go crazy with lots of things going in and out of her mind... and heart.

PATUNGO na sanang kusina si Gianna para magtimpla ng kape nang may marinig siyang paghikbi na para bang nanggagaling sa sala. Madilim roon at wala siyang maaninag na kahit ano. Nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok. Sa kabila niyon ay lakas-loob niyang inabot ang pinakamalapit na switch at binuksan ang ilaw.

Nakahinga siya nang maluwag nang malamang hindi pala siya nag-iisa. Sa couch ay naroon ang apo ni Manang Rosing, nakatalungko sa mga binti nito habang humihikbi. Kumunot ang noo niya. Nilapitan niya ang bata at maingat na naupo sa tabi nito.

“Hindi ka dapat nagtitipid sa kuryente. Mayaman ang may-ari ng bahay na ‘to.” Magaan na sinabi niya. Inangat ng bata ang maamong mukha nito at mabilis na tinuyo ang mga luha gamit ang maliliit pang mga kamay. “Bakit ka nag-iisa? Nasaan ang Lola mo?”

“N-natutulog na po.” Tila nahihiyang sagot nito.

She smiled softly. The boy reminded her of Gabriel, her favorite kid back at the orphanage. Mahiyain rin ang huli pero bibo at napakalambing nito kapag nakuha na ng isang tao ang loob nito. “Ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog?”

Lumungkot ang anyo ng bata. “H-hindi po ako makatulog. Naiwala ko po kasi ang bracelet na regalo sa’kin ni Tatay kaninang naglalaro ako sa buhanginan. Hindi ko na po mahanap.”

Her senses activated. The kid was just the perfect distraction she needed. Muli siyang ngumiti at sinikap na huwag magpaapekto sa pagsigid ng inggit sa kanyang dibdib. Masuwerte pa rin ang batang ito dahil kahit paano ay nakasama nito ang mga magulang. Nabigyan ito ng pagkakataong makilala ang mga magulang nito, isang bagay na ipinagkait sa kanya. And now, he got something as a reminder of them while she had none.

Gianna breathed heavily before she cupped his little face with her hands. “Matulog ka na. Tomorrow, you will have that bracelet back. I promise you that.”

Nangislap ang mga mata ng bata. “Talaga po?”

Tumango siya. “Talagang-talaga.”

Nasorpresa siya nang mabilis siyang hinagkan ng bata sa pisngi. “Salamat po.”

Sa isang iglap ay naglaho na ito sa kanyang paningin. She sighed. Tumayo na siya at ibinuhol nang mariin ang tali ng robe na suot. Paglabas niya sa front door ay agad siyang sinalubong ng dalawang gwardya.

“May kailangan po kayo, ma’am?”

“Oo. May kailangan tayong hanapin.”

“HAVE you reviewed Mr. McNally’s proposal? I honestly think that it was good, man. For a resort that beautiful, I think it justifies the price he mentioned and-“

“Aside from beers and exercises that don’t work, can you suggest what other things I can do to finally sleep?” Wala sa loob na naitanong ni Caleb sa kaibigang si Evan. Kanina niya pa paulit-ulit na binabasa ang sinasabi nitong dokumento pero walang pumapasok sa utak niya na anomang impormasyon. Sa halip ay puro mukha ni Gianna ang naroon na pilit niya mang iwaksi ay bumabalik-balik pa rin.

“Baka naman kaya hindi ka makatulog ay puro paghihiganti ang nasa isip mo?”

“Heck, ni hindi nga pumasok sa isip ko ang bagay na ‘yan ngayon.” Frustrated na naihilamos ni Caleb ang mga palad sa kanyang mukha. “This is so unfair! Damn, why do I keep thinking about Gianna’s face? And what the hell is with her kiss? Why does it bother me? And why couldn’t she believe Ric could be worse than me? Ano bang mero’n sa lalaking ‘yon para pagkatiwalaan niya nang husto?”

Naibato ni Caleb ang katabing bote ng alak sa tindi nang panggigigil na nararamdaman. “Why can’t she just trust me for once? I know I’ve been a jerk but I wiped her tears twice! Hindi niya man lang ba maikokonsidera ang bagay na ‘yon? Damn it!”

Nagsalubong ang mga kilay ni Calebnang tumawa si Evan sa kabilang linya. “Look, I met Sally, one of my wife’s friends. Modelo siya at may photo shoot sila dyan sa Pilipinas this weekend. Ibibigay ko sa kanya ang address mo para mabisita ka niya dyan sa Guimaras. Take a break for a while and date, man.”

Napailing siya. Isipin niya pa lang ang suggestion nito ay nababagot na siya. “A debate with Gianna is still better than a date with someone else.”

Muling natawa ang kaibigan. “Sinasabi ko na nga ba, eh! You fell in love along the way, buddy.”

Bigla siyang nakaramdamnang matinding pagkaalarma. Nanlalamig ang mga kamay na pinilit niyang tumawa. “You’re hilarious, Evan. Imposible ang sinasabi mo. Mahal ko si Erin kaya nga-“

“Minahal mo siya. Emphasize the past tense, man.” Seryoso nang sinabi ni Evan. “Five years ago, there was no doubt she’d be your reason for avenging but five years after, I doubt that. I honestly think it was your supposed-to-be happy life that you’re fighting for now, Caleb.” He froze. “Wala namang masama kung magmamahal ka ulit, bro. Pagkatapos nang lahat ng pinagdaanan mo, you deserve that. Erin would understand, believe me. At tungkol naman sa kapatid mo, hayaan mo nang kapalaran ang humusga.”

“I... I can’t just forgive, buddy. To forgive is too much and to forget requires a whole damn lot.”

“Alam ko. Ang sinasabi ko lang naman ay magkaroon ka naman ng iba pang buhay na wala nang kinalaman sa paghihiganti mo. Live, Caleb. God, for years I’ve been meaning to tell you that.”

Hindi niya na nakuhang sumagot. Ibinaba niya ang cellphone at nahahapong ipinikit ang mga mata. Muli ay nanumbalik sa isip niya ang magandang mukha ni Gianna habang nakapikit at hinahagkan siya. Damn.

Mabilis na idinilat niya ang mga mata at tumayo. Hinablot niya ang kanyang jacket sa kama at lumabas ng kanyang kwarto. Sigurado ang mga hakbang na tinungo niya ang silid ni Gianna. Sunod-sunod na kumatok siya roon.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free