“WHAT ARE YOU DOING HERE?”
Nang-uuyam na ngumiti si Caleb sa naibulalas ni Alaric matapos nitong makabawi sa ilang segundong pagkabigla nang madatnan siya nito nang umagang iyon na prenteng nakaupo sa sala sa bahay ng mga magulang nila.
“Where are your manners, brother? Mabuti pa ang mga katulong sa labas, sinabihan ako ng ‘welcome back’.” Imbes ay sagot niya at akmang lalapit rito para tapikin ito sa balikat pero umiwas ito.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Caleb. Bakit ka bumalik?”
Kumunot ang noo niya. “At bakit hindi? Last time I checked, this is also my house. Besides...” Pinagpag niya ang suot na leather jacket. “Would you rather prefer I went straight to Gianna’s apartment and pretend to be you?” Napangisi siya nang makita ang paniningkit ng mga mata ni Alaric. “Relax, Ric. Bumalik lang ako para sa kasal mo. I wouldn’t miss it for the world.”
“I don’t remember inviting you, Caleb.”
“Oh,” He feigned innocence. “And here I thought my invitation just got lost. You are hurting me, brother.”
Akmang magsasalita pa si Alaricnang gambalain sila ng katulong at sabihing may emergency call ito mula sa ospital. Ilang segundong tila alumpihit ito bago sa wakas ay sumunod sa katulong.
“I will get back on you later.” Nagbabanta ang boses na sinabi nito.
Nagkibit-balikat si Caleb. Balak niya sanang magpunta sandali sa kanyang dating kwarto nang marinig niyang bumukas ang pinto.Hindi pa man siya pumipihit paharap sa bagong dating ay naramdaman niya na ang malambot na katawan na bigla na lang yumapos sa kanyang baywang. Nalanghap niya rin ang mabining amoy ng babae.
“Surprise!” Malambing na sinabi nito. “I miss you, Ric.”
Nahulaan niyang ito si Gianna base na rin sa pamilyar na boses nito na walang ipinagkaiba ng makausap niya sa telepono. He grinned. Kinalas ni Caleb ang mga braso ng dalaga na nakayapos sa kanya at walang pagmamadali sa kilos na humarap rito para lang mabigla sa nabungaran. Sure, he was expecting a beautiful woman but he was not expecting a woman as beautiful as the one he was actually seeing right now. Rex was right, Gianna had such a flawless Snow White skin but he forgot to mention that she also had the face of a queen.
Damn you, Ric.Naislaoob ni Caleb. So all these time that I was in pain, you were with this girl enjoying heaven.
Sa naisip ay nagdilim ang kanyang anyo.
“May problema ba, Ric?”
“Wala naman, masaya lang akong nandito ka.” Mabilis na sagot ni Caleb. Bago pa man makuhang sumagot ni Gianna ay maagap na hinapit na niya ito sa makipot na baywang nito at hinagkan sa mga labi. He was taken aback, too, by the sweet sensation of her lips against his. This woman was full of surprises. And he loved surprises. Palihim siyang napangiti habang hinihintay ang pagbabalik ni Alaric.
Come on, brother. Where are you? It’s show time.
NANIBAGO ang pakiramdam ni Gianna nang bigla siyang siilin ng halik sa mga labi ni Alaric. Mapangahas iyon at tila... nagpaparusa. She knew Alaric’s kisses. It was always warm, tender, and light. Sa naisip ay bigla niyang naimulat ang mga mata. She was greeted by the dangerous glint in his eyes that made her quiver. It was the same green eyes she knew and yet, they looked completely different.
Wala sa sariling naitulak niya ang binata.“A-ano ba’ng nangyayari sa’yo, Ric?”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Ano sa tingin mo?”
Kumunot ang noo ni Gianna. Saka niya lang tuluyang napagmasdan ang itsura nito. Nakasimpleng pantalong maong lang ang lalaki, brown na t-shirt na pinaibabawan ng itim na leather jacket at tinernuhan ng itim ding rubber shoes. But as far as she could remember, Alaric never wore rugged attires. He was always formal in his signature coat and slacks. Kung hindi naman ay naka-long sleeved ito pero slacks pa rin ang itiniterno roon, malayong-malayo sa itsura ng kaharap niya nang mga oras na iyon.
Maliban na lang kung... may kakambal ang fiancé niya na kamukhang-kamukha mismo nito. Pero imposible. Kung meron man, sana nalaman niya na noon pa. Pero paano niya maipapaliwanag ang mga pagkakaiba?
Pinilit ngumiti ni Giana para kalmahin ang sarili. “Ric, I don’t understand-“
“That’s understandable because I’m not Ric.” Umawang ang kanyang mga labi. “I’m Caleb, his twin brother. Finally, we’ve met, Snow white. Pagpasensyahan mo na nga lang kung masyado akong naging excited kaya nauna ang halik bago ang introduction-“
Napatili si Gianna nang mula sa kung saan ay bigla na lang dumating ang sa wakas ay nakilala niyang si Alaric at dinaluhong ang lalaki ng suntok.
ILANG SEGUNDONG tila natulos sa kinatatayuan si Gianna bago siya nakahuma at nakialam sa dalawang lalaking kasalukuyang abala sa pakikipagpambuno sa isa’t isa.
Nang akmang muling aangat ang kamao ni Alaric ay napasigaw na siya. “Ric, tama na, please!” Nabitin sa ere ang kamao nito. “Come on, you are not like that.”
Alanganin siyang lumapit sa kanyang fiancé at ibinaba ang kamay nito. Sa loob nang ilang taong nakasama niya si Alaric, ni minsan ay hindi niya ito nakitang nagalit. He had always been gentle and kind. And that was exactly what she liked the most about him.
Tuluyan nang binitiwan ng isang kamay ni Alaric ang jacket ng kakambal nito na para bang reflection lang nito kung haharap sa salamin. Maliban na lang sa maliwanag na pagkakaiba ng preference ng mga ito sa pananamit. Alaric was wearing the same navy blue long sleeved shirt that she gave him last Christmas which he paired with black slacks and his favorite leather shoes. Bukod sa kulay emerald na mga mata ng magkapatid, matalim ang kay Caleb habang nag-aalala naman ang kay Alaric, ay wala na halos ipinagkaiba ang dalawa. Maski ang morenong kulay, taas at tikas ay magkaparehong-magkapareho ang mga ito.
Marahas na pinahid ni Caleb ang tumulong dugo mula sa mga labi nito bago ito tumuwid ng tayo. Muli niyang naramdaman ang tensiyon sa katawan ni Alaric nang kumuyom ang mga kamay nito.
“Don’t look at me like that, brother. Your fiancée and I just kissed.” Akmang muling susugurin ni Alaric si Caleb nang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. “Oops, kalma lang. It was just a friendly kiss on the lips... right, Snow White?”
Napahugot si Gianna nang malalim na hininga. Kahit damang-dama niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi ay pilit na inignora niya ang lalaki. Sa halip ay tumuon ang kanyang mga mata sa katabi.
“Hindi mo nabanggit sa ’kin na may kapatid ka, Ric.” Nagtitimping sinabi niya. “At kakambal pa nga kung tutuusin.”
“Talaga, Ric? Idini-deny mo na ‘ko ngayon? Ouch. That hurts, you know.”
“Will you please turn off that jerk mode of yours for a while and leave us alone? I need to talk to my fiancé and not to you.” Hindi na nakapagpigil na pambabara ni Gianna kay Caleb. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap na nahalikan siya ng binata at nagpahalik siya rito kahit pa sabihing halos nakabawi na rin siya sa panununtok rito ng kanyang fiancé. Ngayon ay napagtagni-tagni niya na ang mga sinabi noon sa kanya ni Alaric.
Si Caleb marahil ang sinasabi nitong natitirang kapamilya na may galit rito at hindi niya maintindihan ang bagay na iyon. Dahil kung tutuusin ang dapat pa nga ay si Alaric ang magalit rito and not the other way around considering his nasty attitude. It was her first time to ever see Caleb but she knew she could not simply trust him. Every single thing about the man radiated danger.
Nagtaas ng mga kamay si Caleb bago ngumisi. “Sige na nga, mananahimik na muna ako.” Akmang tatalikod na ito nang tila may makalimutan dahil muli itong bumaling sa kapatid. “’Wag kang mag-alala, Ric, matalino si Snow White. She knew how to differentiate a great kiss from a lousy one. And when I say lousy, I’m referring to...” Nagkibit-balikat ito. “I don’t know... You?”
Alaric’s jaw clenched. “Save it, Caleb. If you want to fight, today is not the right time for that.”
“Sure. Mamaya na lang ulit, okay?” Muling ngumisi si Caleb bago tumingin sa kanya. “Bye for now, Snow White. I will see you again soon.” Kinindatan pa siya nito bago tumalikod at umakyat sa hagdan.
Napapagod na napaupo si Gianna sa sofa nang tuluyang mawala ang lalaki sa kanyang paningin.
“I... I DON’T KNOW how to start.” Pagbasag ni Alaric sa katahimikan sa pagitan nila.
Bumuntong-hininga si Gianna. “You can start by saying you’re sorry.”
“I’m sorry.” Humarap siya sa binata nang maramdaman niya ang pagtabi nito sa kanya sa sofa. Ikinulong nito ang mga pisngi niya sa mainit na mga palad nito. “Okay ka lang ba?”
Napailing siya. “Paano ako magiging okay? He kissed me. And I let him be thinking it was you.”
Hindi niya inaasahan nang dumukot si Alaric ng panyo mula sa bulsa ng slacks nito at masuyong pinunasan ang kanyang mga labi. Nang hindi makuntento ay magaan na hinagkan siya nito sa kanyang mga labi. “Okay na ba?”
Frustrated na humiwalay si Gianna sa binata. “You don’t get it. Next week na ang kasal natin pero ang dami ko pa rin palang mga bagay na hindi alam tungkol sa’yo. Ano, wala na bang ibang darating na kamukha mo ulit? Baka naman triplets pala kayo, sabihin mo na ngayon para hindi na ‘ko magulat.”
“Wala na. Dalawa lang talaga kami.” Bahagya nang nakangiting sinabi ni Alaric bago siya muling hinagkan sa kanyang mga labi. “Look, I can’t explain everything right now until I get to talk to Caleb. Pero ipinapangako kong sasagutin ko ang lahat ng tanong mo kapag kasal na tayo.”
Walang nagawang tumango na lang si Gianna. Sa dalawang taon na pinagsamahan nila, alam niyang walang gagawin ang binata na ikasasama ng loob niya. At panghahawakan niya iyon.
“I love you.” Malambing na sinabi nito.
“I love you, too.”
Masuyong idinikit ni Alaric ang noo nito sa noo niya. “Magiging maayos rin ang lahat, I promise you that. Basta iwasan mo muna si Caleb sa ngayon. He could be a real flirt and a jerk combined when he’s up to something.”
“NOW, I KNOW why you’re hiding her.” Agad na sinabi ni Caleb pagbungad ni Alaric sa wine bar sa bahay nila. Siguradongnaihatid na nito si Gianna sa apartment.
Naningkit ang mga mata ng kanyang kakambal. “’Wag mo siyang idamay dito, Caleb. She’s a good woman.”
“And a great kisser, too.” Panggagatong pa ni Caleb sa galit ni Alaric. Although deep inside, he could still smell the woman’s divine scent, the sweet taste of her lips against his and the warm feeling brought by her embrace...
Sa isang iglap ay hawak na ni Alaric ang kuwelyo ng damit niya. “So, ito ang dahilan kung bakit ka bumalik? Para sirain ako?”
“Oo.” Walang gatol na sagot niya. “I haven’t forgotten every single thing that happened in the past, Ric.”
“So, this all comes down to Erin.” Para bang napapagod na binitiwan siya nito. “Pagkalipas nang limang taon, bakit ngayon pa, Caleb?”
“I could not think of a perfect timing than your wedding, Ric. I always knew you’d love again and marry. At tama ako.” Tumalim ang pagkakatingin niya rito. “Five years are worth it.”
“And what if I don’t get to marry?”
Nagkibit-balikat siya. “Then I would think of a plan B. I wouldn’t mind waiting forever, brother. See, that’s the beauty of revenge. It doesn’t care about the time. It just wants to get even.”
Tila frustrated na nahaplos ni Alaric ang noo nito. “God, Caleb-“
Malalim siyang huminga para kontrolin ang sakit na nanunumbalik sa sistema niya. “Just guard your precious Gianna so tight that I would not be able to come near her. Because you don’t know what I’m capable of when I’m in a revenge mode.” Inilagay ni Caleb sa bulsa ng polo ng kakambal ang calling card niya bago siya tumayo. “Call me in case of emergency which I’m sure... there will be.”
SUMILAY ang matamis na ngiti sa mga labi ni Gianna habang pinagmamasdan ang sarili suot ang kanyang wedding dress. Dapat sana ay kasama niya si Alaric sa final gown fitting niya pero tumanggi ito. Gusto daw nitong gulatin na lang ang sarili kapag nagkita na sila sa simbahan.
Hinatid lang siya ni Alaric sa boutique ng bestfriend niyang si Sierra na kagaya niyang lumaki sa orphanage at siyang personal pang nag-design ng wedding gown niya at pinangakuang susunduin na lang nito pagkalipas ng dalawang oras. Nitong nakalipas na ilang araw ay mistulang bantay niya ang binata dahil palagi itong nasa tabi niya. He calls her every now and then and checks on her in her apartment every day. She would often ask why but he would just shrug his shoulders and simply say he misses her. Her smile grew wider upon the thought. Alaric was really a sweet man.
Nang marinig ni Gianna na bumukas ang pinto ay na-excite siya. Iniwan kasi siya pansamantala ng kaibigan para bumili ng lunch nila sa labas. Mabilis na hinawi niya ang kurtina.
“Sierra, ano sa tingin mo?” tanong niya pagkatapos ay humarap sa kaibigan para lang mabigla sa nabungaran.
Standing in front of her was no other than the man Alaric told her to stay away from. It was Caleb Montero in his fitted carnation shirt, tight jeans, and dark glasses. She never thought that a lady’s favorite color would actually look good in a man.
What am I thinking?Nakokonsensyang naipilig ni Gianna ang ulo sa naisip. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Caleb. “And good afternoon to you, too, Snow White.” Hinubad nito ang suot na sunglasses at pinaglakbay ang mga mata sa kabuuan niya. “And as for your question before your pretty little eyes assessed me, I think you look... beautiful, very beautiful.”
Ramdam ni Gianna ang pamumula ng mga pisngi niya sa tahasang sinabi ng binata. “I didn’t assess-“
“Of course you did. But it’s okay. I don’t really mind.” nagkibit-balikat ito. “Pumunta lang naman ako rito para personal na mag-apologize sa ginawa ko noong nakaraang araw.”
Natigilan si Gianna. Muli niyang pinagmasdan ang anyo ni Caleb. His lips were smiling but there was something about his eyes that made her doubt the sincerity in his apology.
“Basta iwasan mo muna si Caleb sa ngayon. He can be a real flirt and a jerk combined when he’s up to something.”Bigla niyang naalala ang sinabing iyon sa kanya ng kapatid nito. And she knew Alaric would not dare say those words unless he meant it. And considering Caleb’s sudden apology after deliberately pretending to be her fiancé meant thathe could really be up to something.
Nilibot niya ang tingin sa boutique pero wala pa ring bakas roon ni Sierra. Bigla siyang kinabahan.
“Okay, you are forgiven.” Sinabi niya sa panalanging titigilan na siya ni Caleb. “Now, excuse me but I have to change.” Hindi pa man nakakasagot ang lalaki ay nagmamadaling tinalikuran niya na ito at akmang dederetso na sa opisina ng kaibigan nang pigilan siya nito sa braso.
“Since napatawad mo naman na ako, baka naman pwedeng humirit ako ng isa pang kasalanan sa’yo? ‘Tapos patawarin mo na lang ulit ako.”
Napasinghap si Gianna. Bago pa siya makalayo kay Caleb ay mabilis na tinakpan na nito ng panyo ang kanyang ilong. Nagawa niya pang sambitin ang pangalan ni Alaric bago siya tuluyang nawalan ng malay.