HinovelDownload the book in the application

Chapter 3

“HEY, it’s been a long time.” Mahinang sinabi ni Alaric bago niya ibinaba ang mga puting rosas na dala, mga rosas na paborito ng kauna-unahang babaeng minahal nila ng kapatid niya. Naupo siya sa damuhan saka sinindihan ang dalang mga kandila.

Pinaglandas niya ang hintuturo sa bawat letra ng pangalang nakaukit sa lapida. “Sana nakinig ako sa’yo noon.” Sumilay ang malungkot na ngiti sa mga labi niya. “Kasi tama ka noong sabihin mo sa ’kin na isang araw, makakahanap rin ako ng babaeng para sa’kin. Because I was able to find Gianna.”

Magsasalita pa sana siya nang mag-ring ang kanyang cell phone. Nagsalubong ang mga kilay niya nang malaman na ang kaibigan ni Gianna na si Sierra ang nasa kabilang linya. Kumakabog ang dibdib na sinagot niya ang tawag nito.

“Bakit mo naman tinangay kaagad ang bestfriend ko, Ric? Ni hindi mo man lang pinagpalit ng damit. Nagpakasal na ba kayo at-“

Bigla siyang napatayo. “What are you talking about? Hindi ko kasama si Gianna ngayon.”

“Ano?!” Tumaas ang boses ni Sierra. “Pero bakit ang sabi ni Manong Guard, pagkalabas ko daw para bumili ng lunch ay dumating ka na at sinundo siya? Imposible namang magkamali ‘yon. Matagal ka nang kilala no’n-“

“Pero imposible rin na-“ Dumilim ang anyo ni Alaric nang maalala ang mga salitang binitiwan sa kanya ni Caleb noong nakaraang gabi. “I will call you again, Sierra.” Sinabi niya saka mabilis nang tinapos ang tawag.

“I can never really escape the past... can I? No matter how much I run away from it, it runs with me and hunts me every time.” Mapait na naibulong ni Alaric bago nagmamadali nang umalis ng sementeryo. Habang nasa daan ay pinilit niyang tawagan si Gianna pero si Sierra uli ang nakasagot niyon. Nalilitong sinabi nito na naiwan daw ng dalaga ang lahat ng gamit nito sa boutique.

Nanggigigil na nasuntok niya ang manibela. “Damn it, Caleb! When will this end?”

“THREE, TWO, ONE...”

Eksaktong natapos sa pagbibilang si Caleb nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Ngumisi siya nang makita niyang ang pangalan ni Alaric ang rumehistro sa screen. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kamang kinahihigaan ng tulog na tulog pa ring si Gianna bago niya sinagot ang tawag ng kapatid.

“It’s exactly two hours before you called, Ric. What took you so long?”

“Damn you, Caleb! Saan mo dinala si Gianna?”

“Secret.” Sandali niyang nailayo sa tainga ang cell phone nang marinig uli ang pagsigaw ng kakambal. “I told you to guard her well, didn’t I? You ignored my warning. Poor Gianna,” Pumalatak siya. “Nagsusukat na nga lang ng wedding gown, natangay pa.”

“Dammit! I swear if something happens to her, I will kill you!”

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Caleb. “That was harsh, brother. But don’t you think you should be careful with your words since you know, she’s with me?” sagot niya bago muling lumapit sa kinahihigaan ni Gianna at naupo sa tabi nito. Pinaglandas niya ang mga daliri sa makinis na pisngi ng dalaga. Bahagyang natunaw ang galit sa puso niya nang mapagmasdan ang maamong mukha nito.

Saglit niya ring nalimutan ang plano niyang dukutin si Gianna nang makita ito kanina. She looked like a goddess in her immaculate white wedding dress. Lalong tumingkad ang kaputian nito sa suot nito. Simple lang ang ayos ng dalaga. Walang make-up at nakalugay lang ang kulay brown na alon-along buhok pero lutang na lutang pa rin ang ganda nito.

“Utang-na-loob, Caleb, ‘wag mo siyang idamay dito.” Bahagya nang humina ang boses na sinabi ng kakambal. “Bring her back and I promise I will do anything you want.”

He gritted his teeth upon the simplicity of Alaric’s words. “Fine. Madali lang naman akong kausap, Ric. Bring back Erin’s life and I will bring back your precious Gianna.”

Hindi niya binigyan pa ni Caleb ng pagkakataong makasagot si Alaric. Maagap na pinutol niya na ang tawag at ibinulsa ang cellphone nang makita niyang unti-unti ng nagkakamalay ang dalaga. Ilang sandaling tila disoriented na pinaglakbay nito ang tingin sa paligid matapos nitong imulat ang kulay amber na mga mata nito.

Marahang tumikhim siya. “Hello again, Snow White.”

Mabilis na napabangon ang dalaga. “You tricked me!”

“Don’t worry; I apologized before I did that.”

Naningkit ang mga mata nito. “Nasa’n ako? Bakit mo ‘ko dinala dito? I’m supposed to get married in six days!”

Napatangu-tango si Caleb. “Right. But not anymore.” Tumayo na siya at tinalikuran si Gianna. “By the way, we are in my paradise. Private property ito kaya ‘wag ka nang mag-aksaya ng panahon sa paghingi ng tulong. No one would hear you aside from the guards and Manang Rosing who would not even try to help you.”

“Ano ba talagang gusto mo?” Garalgal na ang boses na tanong ng dalaga.

Caleb turned around to face Gianna. He refused to be affected by her tears. “Good question. Gusto kitang agawin sa kapatid ko. Magpapaagaw ka ba?”

BINALEWALA ni Gianna ang mga namutawi sa bibig ni Caleb. Sa halip ay napatitig siya sa wedding gown na suot niya pa rin nang mga sandaling iyon. Hindi siya makapaniwalang sa isang iglap ay hindi na matutuloy ang kasal niya at ang pangarap niyang magkaroon ng sariling pamilya, isang bagay na kahit kailan ay hindi niya naranasang magkaroon.

Her throat started to clench. Her eyes burned with the tears she could not contain anymore. “Paano mo ‘to nagawa sa sarili mong kapatid? Why do you hate Alaric so much?”

Tumigas ang anyo ni Caleb. “Quit looking at me as if I’m the worst man on the planet, Gianna. Because between Alaric and me, he’s the real monster.” Nang-uuyam na tinitigan siya nito. “Who knows? Baka nga all these years, pinaglalaruan ka lang pala niya.”

“Hindi totoo ‘yan. Alaric would never do that to me.” Napailing pang sagot niya. “He loves me and I love him.”

“Wow. Love is really blind, deaf and... Stupid.” Maanghang na sinabi ni Calebbago tuluyan nang umalis ng kanyang kwarto.

Ilang minuto siyang nanatili lang na tulalang nakatitig sa saradong pinto nang makarinig siya ng sunud-sunod na mga katok. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at iniluwa ang isang matandang babae na sa palagay niya ay naglalaro sa singkwenta ang edad.

Alanganin itong ngumiti sa kanya. “Magandang hapon, ineng. Ako si Rosita, maaari mo akong tawaging Manang Rosing.” Ibinaba nito ang mga bitbit na paper bags sa gilid ng kama. “Ipinabibigay ni Sir Caleb ang mga ito, nandito na daw ang lahat ng mga kakailanganin mo. At kung nagugutom ka na, nakapagluto na ako. Pwede ka nang kumain sa ibaba kung gusto mo.”

Mabait ang bukas ng mukha ng ginang at bigla pakiramdam ni Gianna ay nakasilip siya ng munting pag-asa kahit pinangunahan na siya ni Caleb kanina na walang tutulong sa kanya sa lugar na iyon.

Tumayo siya at nakikiusap ang mga matang nilapitan ang ginang. “May cell phone po ba kayo, Manang Rosing? Pwede po bang makigamit?”

“Pasensya na, ineng pero ang sabi ni Sir sa akin ay-“

“Please? Ikakasal na po kasi dapat ako pero kinidnap po ako ng... ng...” Muling tumulo ang mga luha ni Gianna nang maalala ang amo nito. “Ng alanganing tao, alanganing hayop na Boss nyo.”

Hinawakan ni Manang Rosing ang mga kamay niya. “Naniniwala naman ako sa ’yo, ineng. Ang lagay nga ay suot mo pa ang damit pangkasal mo pero ako kasi ang mananagot kay Sir kapag-“

“Kahit saglit lang po, Manang. Please.”

Malakas na bumuntong-hininga ang ginang bago iniabot sa kanya ang 3210 na cell phone nito mula sa bulsa. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magising si Gianna ay nakahinga siya nang maluwag. Dahil ibig sabihin ay may signal pala sa lugar na iyon. “Sandali ka lang, ha? Puntahan mo ako kaagad sa ibaba kapag ‘tapos ka na.”

“WHERE ARE YOU?” Ang nag-aalalang bungad ni Alaric kay Gianna sa kabilang linya matapos nitong marinig ang boses niya. Napatayo siya sa kama at sumilip sa bintana. Mga puno ng niyog, asul na dagat at ang puting-puting buhangin ang sumalubong sa paningin niya. Under normal circumstances, she would have appreciated the lovely scenery, but not now. Not when her heart was still too dazed by the sudden changes in her life.

“Hindi ko alam, Ric. ‘Yon ang problema, hindi ko alam kung nasaan ako.” Sumasakit ang ulong sinabi niya. “All I can see are trees and... and...” Her voice trailed off.

“Hush, sweetheart. I will get you out of there, okay? I promise you that.”

“Alam ko.” Kahit paano ay ngumiti si Gianna. Alam niyang hindi siya bibiguin ni Alaric. “Ikaw na muna sana ang bahala sa mga bata.” Napahugot siya nang malalim na hininga. “At tungkol sa kasal-“

“What the hell?!” Agad na napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon mula sa kanyang likod. Naroon at nakatayo si Caleb. His face was unreadable. Kinakabahang tinapos niya na ang tawag at itinago ang cell phone sa kanyang likod. Lihim siyang nagsisi na hindi man lang nai-lock ang pinto at hindi rin naramdaman ang pagdating ng lalaki.

“Hand me that phone, Gianna.” Matigas na sinabi nito.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cell phone. “A-ayoko.”

“Hand me that phone or else I will give you something to be guilty about. I will fire-“

“I hate you.” Walang nagawang sinabi niya bago iniabot rito ang cell phone.

Sandaling natigilan si Caleb. “It’s okay. I didn’t ask you to love me in the first place.”

Bumuka ang bibig ni Gianna para lang maitikom din iyon sa bandang huli. Sa tindi ng galit niya ay wala na siyang iba pang masabi kay Caleb. Humugot siya nang malalim na hininga. Sa buong buhay niya, ngayon pa lang siya nakaramdam ng matinding galit sa isang tao. Maski nang magkaisip na siya atmalaman na iniwan lang siya ng kung sino sa gate ng isang orphanage ay hindi niya nakuhang magalit nang husto dahil lumaki siyang sagana sa pagmamahal ng Mother Annita niya at ng mga itinuring niyang kapatid sa orphanage kaya bago sa kanya ang nararamdamang matinding galit ngayon.

Tinalikuran na ni Gianna si Caleb at akmang babalik na lang sa kama nang bigla siya nitong hatakin sa braso. Nanlaki ang mga mata niya. Bago niya pa tuluyang mamalayan ay nakapikit na ito at hinahagkan na siya sa mga labi.

YOU HAVE TWO OPTIONS, man. A, take her away, drop her in the ocean and let the sharks take care of her or B, make her fall in love with you. That would definitely devastate Ric.

Naidilat ni Caleb ang mga mata nang maalala ang mga sinabing iyon sa kanya ni Evan bago niya pansamantalang iniwan rito ang pamamalakad sa mga hotel na pinagsososyohan nilang magkaibigan sa iba’t ibangbahagi ng Amerika.

Pagmulat niya ay bumungad sa kanya ang mga mata ni Gianna. Kitang-kita niya ang pinaghalu-halong takot, pagkalito at pagkagulat na nakabanaag sa mga iyon dahilan para mabitawan niya ito. Para bang nanghihinang napaupo ang dalaga sa sahig. None of his plans included kissing her. Ni hindi nga sineryoso ni Caleb ang payo ng kaibigan noon pero aminado siyang wala pa siyang konkretong plano para sa bihag niya maliban na lang sa sirain ang nakatakdang kasal nito sa kapatid niya.

But when she said she hated him, it was as if she really... meant it. He did not know why but the fear in her eyes and the disgust in her voice kind of affect him in ways he could never figure out. Kung titigan siya ni Gianna ay parang siya na ang pinakamasamang nilalang na nakilala nito and he knew he had to do something about it that’s why he kissed her, hoping to somehow comfort her which obviously did not happen. Because it only made matters worse.

Damn it! Napailing siya bago isinenyas sa dalaga ang dalang tray ng pagkain na pansamantala niyang inilapag sa bed side table nang madatnan niya itong may kausap sa cell phone kanina.

“Kumain ka na.” Mahinahon nang sinabi ni Caleb. “Alam kong hindi ka pa nakakapag-lunch simula nang dalhin ka ni Alaric sa boutique ng kaibigan mo.”

“Salamat na lang.” Malamig na sagot nito. “I would rather starve myself to death.”

Sa isang iglap ay nagawa niya nang maitayo si Gianna at hawak na niyang muli sa braso habang ang isang kamay niya ay nakasuporta sa baywang nito.

“All right, mamili ka. Kakain ka o hahalikan kita ulit.” Nauubusan na ng pasensiyang sinabi ni Caleb. Heck, if only she was notGianna Rodriguez, if only she was not his brother’s bride-to-be, he would really rather starve her to death and would not even think twice about it! “Though to be honest, I would prefer the latter. I mean, okay lang naman ang mag-diet paminsan-minsan, ‘di ba?”

Napasinghap si Gianna bago ito nagpumilit kumawala sa kanya at mabilis na lumapit sa bed side table. Kinuha nito ang tray, dinala sa kama at doon nagsimulang kumain. “Lumayas ka na.”

Ngumisi si Caleb. “Madali ka naman palang kausap.” Tinungo niya na ang pinto at palabas na sana nang muli niya itong lingunin. “I’m a little disappointed, you know. I thought you would prefer my kiss considering that it’s limited offer only and I’m giving it for free.”

Nagkulay-makopa ang mga pisngi ni Gianna. At bago pa makuhang rumatsada uli ng bibig nito ay maagap na lumabas na siya. Nang maisara niya na ang pinto, hindi niya napigilan ang amused na pagngiti, ang kauna-unahang totoong ngiti niya sa loob ng maraming mga taon.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free