NANG SA WAKAS ay makaalis na si Caleb ay mabilis na tumayo si Gianna at ini-lock ang pinto bago siya muling bumalik sa kama at napahawak sa mga labi niya. Sa dinami-rami ng mga naging kaguluhan sa buhay niya mula nang makilala niya ang lalaki, hindi niya maintindihan kung bakit nagawa pang sumingit ng halik nito sa mga bagay na higit niyang dapat pagtuunan ng pansin.
Sinorpresa siya ng ginawa ni Caleb na paghalik sa kanya dahil kakaiba iyon kaysa sa nauna. Masuyo iyon na tila ba kinakalma siya. It was as if he was trying to reach out to her... in his own way. It didn’t work, though, because it only troubled her even more.
It made her question the real man behind the tough façade of Caleb Montero because if he was somehow capable of giving tenderness, then why would he think of destroying his own brother’s wedding? Anong nangyari sa magkapatid noon para gawin ito ni Caleb ngayon? Napakarami niyang katanungan at sa ngayon, tanging si Caleb lang ang makakasagot ng mga iyon pero duda siya kung aamin ito sa kanya. Because the man strikes her as a human switch that could easily turn on that human mode of him when he wants to and then quickly turn it off and be a monster flirt the next moment.
Malakas na bumuntong-hininga si Gianna bago niya napansin ang mga paper bag na nasa gilid ng kama. Kinuha niya ang mga iyon at isa-isang tiningnan. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya nang makita ang tig-isang dosenang lace underwears roon. Meron ding tatlong negligee at tatlong pajama set. Bukod roon ay puro sundresses na ang mga naroon at dalawang pares ng flat sandals.
Napailing siya bago kumuha ng damit at nagtungo sa nakapinid na pinto sa loob ng kwarto na sa palagay niya ay banyo. Pagbukas niya roon ay hindi nga siya nagkamali ng hinala. Naroon na at nakahanda lahat ng mga gagamitin niya sa pagligo. Malungkot na tinitigan niya nang matagal ang sarili sa naroong salamin habang suot ang wedding gown niya bago iyon mabigat sa loob na tinanggal.
“Goodbye, family life...” bulong ni Gianna kasabay nang muling pagtulo ng kanyang mga luha. “And welcome to the unknown.”
NAGISING SI GIANNA kinabukasan nang maramdaman ang init na dumadampi sa kanyang balat. Pagmulat niya ay nasilaw siya sa liwanag na nanggagaling sa nakabukas na bintana sa gawing kaliwa ng kanyang kama.
“Gising ka na pala, ineng. Gusto mo na bang bumaba para magkape?”
Inaantok pang napatingin siya kay Manang Rosing na hindi niya namalayang nasa kwarto niya pala. Siguro ay ito ang nagbukas ng bintana. Mayamaya ay kumunot ang noo niya. Ang alam niya ay ini-lock niya ang pinto noong nagdaang gabi...
“Pasensiya na po, Manang pero paano po kayo nakapasok?” Alanganing tanong niya. “Ang alam ko po ay...”
“Maraming duplicate key si Sir.” Tila naaaliw na ngumiti ang ginang. “Sa katunayan ay tatlo ang ibinigay niya sa akin para kung sakali daw na maiwala ko ang isa at maisipan mong itago ang isa ay may matitira pa.”
Nanlaki ang mga mata ni Gianna. “Ano ho? Aba, sana hindi niya na lang ako pinagkwarto! Wala rin naman po pala akong privacy.”
Napakamot si Manang Rosing sa batok nito. “Iyon nga rin ang naisip ko noong una.” Sagot nito bago nagpaalam na sa kanya.
Marahas na napabuga siya ng hangin bago tuluyan nang bumangon at inilibot ang tingin sa buong silid. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang dalhin siya roon ni Caleb ay ngayon niya lang nagawang pagtuunan ng pansin ang kinaroroonan dala ng galit sa lalaki.
Malamig sa mga mata ang kulay langit na wallpaper ng kwarto na tila tatlong beses ang laki sa kwarto niya sa apartment niya sa Manila. Halatang mga mamahaling gamit lang ang naroon mula sa carpet, paintings, kama, hairdresser, closet at iba pang mga gamit. Kung sabagay ay wala sa kalibre ng lalaki ang bumili ng kung ano na lang...
Naipilig ni Gianna ang ulo saka tumayo na at nag-ayos ng sarili. Pinili niyang isuot ang bulaklaking sundress na ang haba ay umabot lang hanggang kalahati ng mga hita niya. Tinernuhan niya iyon ng puting sandals. Itinali niya lang ang lampas balikat na buhok bago siya lumabas. Namangha siya nang bumungad sa kanya ang malawak at eleganteng kabahayan na puti at itim lang na kulay ang nangingibabaw. Halatang lalaki ang nakatira roon dahil wala man lang siyang nakitang woman’s touch roon. Mayroon man siyang vase na napansin ay wala namang mga bulaklak na nakalagay. Napailing siya bago bumaba sa hagdan na naaadornohan ng pulang carpet.
Kumalam ang sikmura ni Giannanang malanghap kaagad ang mabangong aroma ng sa hula niya ay niluluto ni Manang Rosing pagkarating niya sa huling baitang ng hagdan. Akmang susundan niya ang naaamoy nang may marinig siyang pamilyar na boses mula sa kung saan. Kumunot ang noo niya at inilibot ang tingin sa buong paligid. Saka niya lang napansin ang nakabukas na pinto ilang hakbang ang layo sa kanya.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo roon. Habang papalapit siya nang papalapit ay napansin niyang library iyon. Sa pinakasentro niyon ay naroon ang nagmamay-ari ng lugar na abala sa pakikipag-usap sa cell phone nito. Simpleng pantalong maong at cotton long sleeve shirt lang ang suot ni Caleb pero para itong isang hari pa rin na tuwid na tuwid na nakatayo paharap sa bintana, patalikod sa kanya.
“Isa siyang doktor, Evan. He can just cure his broken heart.”
Nahigit niya ang hininga. Nahulaan niyang si Alaric ang pinatutungkulan nito sa kabilang linya.
“I can’t stop yet, man. Not until I’m sure I’ve completely ruined him.” He inhaled sharply. “Ni wala pa nga siya ngayon sa kalahati ng naranasan ko noon.”
“Jerk!” Hindi napigilang naibulalas ni Gianna dahilan para mapalingon si Caleb sa kanya. “Wala akong naiintindihan sa nangyari sa inyo noon ng kapatid mo dahil unang-una, hindi ka naman nagpapaliwanag. But in the process of ruining Alaric’s life, aren’t you even aware that you’re ruining mine as well?”
“’Exactly the point, Gianna. To ruin Alaric, I have to start with you because you are his weakness.” Tila walang anumang sagot nito bago ibinulsa ang cell phone. “At wala na ‘kong pakialam kung sino man ang masagasaan ko... as long as I get my revenge.”
Naikuyom niya ang mga kamay. “’Wag mong baguhin ang buhay ng ibang tao dahil lang nabago na ang buhay mo.”
Dumilim ang anyo ni Caleb. “Madali lang para sa’yong sabihin ‘yan palibhasa hindi mo alam kung paano ang mawalan. Ano nga ba namang alam mo sa bagay na ‘yan kung wala ka pang muwang nang basta ka na lang iwan ng mga magulang mo sa kung saan?”
“TAMA KA.” Gianna said while pulling herself together. “Wala pa nga akong muwang noong iwanan nila ako pero malaki pa rin ang nawala sa’kin, Caleb. Kalahati ng buhay ko ang nawala nang basta na lang akong iwanan sa orphanage. I lost my real identity, my roots and my parents without even knowing anything about them.”
Napatingala siya sandali para kontrolin ang mga luhang nagbabantang pumatak mula sa kanyang mga mata bago niya nagawang humarap sa tila nagulat na anyo ni Caleb. “And just four years ago, nawala rin sa ’kin ang Mother Annita ko na nag-alaga sa’kin buong buhay ko. You see, I don’t have a past, Caleb. I only have a present...” She smiled bitterly. “And I’m not even proud of it because of everything I’m going through right now, thanks to you.”
Sa ilang sandali ay tila nakita niya ang pagdaan ng guilt sa mga berdeng mata ni Caleb na agad niya ring pinagdudahan. “Ngayon mo sabihin sa ‘kin na hindi ko alam kung paano ang mawalan.” For a moment, he looked like he was about to say something but decided against it at the last minute. Napailing siya bago ito tinalikuran. Mabigat ang mga paang dumeretso siya sa front door. Nang buksan niya iyon ay sumalubong sa kanya ang puting-puting buhangin at ang para bang nag-aanyayang dagat.
Nagsisikip ang dibdib na ngumiti siya nang hindi kalayuan sa kanya ay may matanaw siyang mga lalaking nag-iikot sa paligid, nakasuot ng itim na damit ang mga ito at sa likod ay may nakalagay na security. Malapit rin sa mataas na gate ay nakita niya ang maliit na sementadong bahay na marahil ay tinutuluyan ng mga ito.
She sighed. Matagal niya nang gusto ang magbakasyon sa ganoon kagandang lugar kaya lang ay hindi na siya nagkaroon ng oras dahil sa trabaho. Pero ngayon namang naroon na siya, hindi niya man lang makuhang ma-appreciate ang lugar.
“Bakit ba ang hirap-hirap maging masaya, Lord?” Wala sa loob na naibulong niya.
“DAMN IT!” Naiinis na napasandal si Caleb sa kanyang swivel chair at mariing ipinikit ang mga mata. But even with his eyes closed, he could still see the hurt in Gianna’s golden eyes and the sadness in her voice... Masyado siyang nagpadala sa galit na nararamdaman kaya hindi niya na napag-isipang maigi ang mga sinabi.
“Heck!” Naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha bago tuluyang dumilat. “Why is that woman so transparent?” Naiinis na muli niyang hinawi ang kurtina para muling silipin ang dalagang kasalukuyan pa ring nag-iisang nakaupo sa buhanginan. Bago pa niya tuluyang mamalayan ay tila may sariling isip ang kanyang mga paa na humakbang palabas ng library at pinuntahan ang dalaga.
Nang makalapit na kay Gianna, malakas na tumikhim siya para agawin ang atensiyon nito.
Para namang walang kagana-ganang nilingon siya ng dalaga. “What now?”
Napalunok siya bago pinaglakbay ang tingin sa kabuuan nito. She still looked so heartbreakingly beautiful despite the gloom in her eyes. Ang nakapusod na alon-along buhok nito ay mabining isinasayaw-sayaw ng hangin na kapag nasisikatan ng araw ay lalong tumitingkad ang reddish-brown na kulay. Muli ay hubad sa make-up ang mala-anghel na mukha nito kahit alam niyang naisama ng secretary niya ang make-up set dahil ito pa mismo ang personal na pinabili niya ng mga gagamitin ni Gianna.
Nang manatili siyang walang imik ay tumayo na ang dalaga at akmang iiwanan na siya nang maagap na pigilan niya ito sa braso. Pero sa pagkakataong iyon ay mas maingat na hinawakan niya ito.
“Ano na naman ba ‘to, Caleb?” Bakas na ang kapaguran sa boses na tanong nito.
Hindi niya na nagawang pigilin ang sarili. Mabilis na hinapit niya ito sa baywang at niyakap. “I’m sorry.” Mahina niyang sinabi. “Nabigla lang ako.”
Sa una ay nagpumiglas si Gianna pero hindi niya ito binitiwan hanggang sa marahil ay hindi na nito kinaya. Unti-unti ay narinig niya ang paghikbi nito. Sandaling lumayo siya rito at maingat na pinahid ang mga luha nito.
“You are required to forgive me, you know.” He softly said. “Because I rarely say sorry.”
Bumakas ang pagkabigla sa anyo nito na bahagyang ikinangiti niya bago ito muling niyakap. Funny, he was comforting her but he felt like he was actually the one who was being comforted.
Why do I have this feeling... this weird feeling that you wouldn’t be alone in this roller coaster ride of yours, Gianna?