HinovelDownload the book in the application

Chapter 7

“GIANNA,” A faint smile appeared on Caleb’s lips while walking to his room. “Una sa lahat, hindi siya marunong magluto. She sucks at that department but at least, she’s been honest about it. She tried a lot of times actually and I do admire her but...” He laughed. “The food really tastes awful.”

“Wow,” Napasipol si Evan. “Is it just me or did I really hear you say you admire her?”

“But I do, buddy. I admire how big her heart is.” Kumunot ang noo niya. “Ano namang masama ro’n?”

Nagtatakang napasulyap si Caleb sa screen ng para tingnan kung naroon pa rin ang kaibigan sa kabilang linya. Natahimik kasi ito. “Naisip ko lang, ganyang-ganyan ka rin noong kakikilala pa lang natin at napagkwentuhan natin si Erin. You said it started with you admiring her for being a teacher.” Tumikhim ito. “And there’s nothing wrong about you feeling that way again, bro. It’s just that... last time I checked; she’s still your brother’s girl.”

Natigilan si Caleb. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero walang boses na lumabas mula roon. Ini-off niya na lang ang cellphone. Nang makarating sa sariling kwarto ay ini-lock niya agad ang pinto. Lumapit siya sa isang cabinet at dahan-dahang binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang isang nakataob na naka-framed na litrato.

Parang nauupos na kandilang napasandal si Caleb sa kama bago niya sinilip ang litrato. Muli niyang nasilayan ang buhay na buhay na ngiti ng kanyang dating fiancée.

“Lumalayo na ba ako sa plano, Erin?” Mariin siyang napapikit. Kasabay niyon ay hinayaan niyang pumasok ang mga mapapait na alaala sa kanyang gunita na pinilit niyang isiksik sa pinakamalalim na bahagi ng puso niya sa nakalipas na mga taon. Muli, nakaramdam siya ng matinding pagsisisi at galit para sa naging buhay niya sana... para sa mga pangarap niya na sa isang iglap ay winasak ng kapatid.

Nag-iinit ang mga matang napatitig si Caleb sa larawan. Muli ay sumiklab ang galit niya para kay Alaric. He and Erin could have had their own family now. Hindi sana siya nabuhay na parang patay sa nakalipas na mga taon. Hindi sana siya nagkakaganito at sana, wala siya sa Jordan, Guimaras ngayon para maghiganti. Alaric made him like this.

I’m sorry, Erin. I was lost for a while. I promise it won’t happen again.

HINDI na natuloy pa ang tangkang pagkatok ni Gianna sa library nang marinig niya ang malakas na pagsigaw ni Caleb mula sa loob. Alanganing napatingin siya sa dalang umuusok pang tasa ng kape. Hindi na lang sana siya tutuloy kung hindi lang niya narinig ang pangalan ni Manang Rosing.

Ilang ulit siyang napahugot nang malalalim na hininga bago siya naglakas-loob pumasok. “Caleb, dinalhan kita ng-“

Natigilan siya nang pag-angat niya ng mukha ay sumalubong sa kanya ang lumuluhang si Manang Rosing. Ngayon niya lang nalamang nakabalik na pala ito. Nakakunot-noong napasulyap siya kay Caleb na walang kaemo-emosyon ang mukha. “Ano’ng problema? Bakit siya umiiyak? She just came back, right?”

“I fired her.”

Napasinghap siya. “Pero... pero akala ko, naiintindihan mo? Her reasons are valid, Caleb. Her daughter-“

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng binata. “And who cares about her daughter?”

“Ano bang nangyayari sa’yo?” Naibulalas niya. Hindi niya na nagawang hintayin pa ang sagot nito. Nagmamadaling inilapag niya ang kape sa lamesa nito at maagap na dinaluhan ang ginang. Inakay niya ito palabas.

Mahigpit na kumapit si Manang Rosing sa kanyang braso pagkasara niya ng pinto. “Ineng, w-wala na akong pera. Naubos na sa mga gastusin sa ospital. N-nasa ospital pa kasi ang anak ni Martha. Premature kasi ang bata. T-tulungan mo naman ako.” Nabasag ang boses nito. “Wala na akong ibang mapaghahanapan ng trabaho.”

“Ipinapangako ko po, gagawin ko ang lahat para makabalik kayo sa trabaho nyo, Manang.” Pinilit niyang ngumiti. Tulad nito, nalagay na rin siya sa ganoong sitwasyon noong kasalukuyang nasa ospital nang ilang linggo ang mother Annita niya bago ito binawian ng buhay. Nanganib rin siyang mawalan ng trabaho dahil sa ilang beses na pagliban para mabantayan ito.

Pinapunta niya na muna si Manang Rosing sa sala bago niya binalikan si Caleb sa library. “Ano ba’ng problema mo?” Salubong ang mga kilay na tanong niya. Hindi niya ininda kung abala ito sa ginagawang pagbabasa ng mga dokumentong hindi niya maunawaan katulad ng ugali nito. “Alam mo kung gaano kakailangan ni Manang ang trabaho niya. I thought we’re already clear on that and now this? Ano na naman ba’ng nangyayari?”

“Wala naman,” He shrugged. “Na-realize ko lang na masyado na pala akong nagiging mabait sa’yo. And I don’t wanna play nice anymore, Gianna. That’s not me.”

Nalito siya. “Hindi ko naiintindihan.”

“Hindi mo naman kailangang intindihin.” Tumayo na si Caleb at nagsimulang maglakad palabas. “Just accept the fact that she’s fired and get over it.” Akmang bubuksan na nito ang pinto nang pigilan niya sa braso.

“Nangako akong tutulungan si Manang Rosing na makabalik sa trabaho niya, Caleb. And I meant it.”

Kumislap ang interes sa mga mata nito. “How noble. Are you telling me that you’re willing to do whatever I ask in exchange of her job?”

“Yes.”

CALEB’S jaw clenched. Gusto niyang sigawan ang babaeng matapang na nakatayo sa harap niya dahil palagi na lang nitong inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili, dahil sobra-sobra na ang ginagawa nitong pagpapahalaga sa ibang tao but then... it was her. It was in her nature. And seeing the determination in her amber eyes meant that things were working according to his plan. That was to use Gianna’s own heart to torture her and his brother.

“Stupid. Hindi mo ba alam na pwede kang ipahamak ng pagiging mabuti mo?”

“It doesn’t really matter.”

Caleb gritted his teeth. He should be happy he was succeeding but hell... he wasn’t. Damn it, Gianna. Bakit ikaw pa? Bumuntong-hininga siya saka nag-iwas ng tingin.

“Fine, then. Here’s what I want you to do.” Lumapit siya sa couch at prenteng naupo. “I want you to sit on my lap and kiss me on the lips. And Manang Rosing will get her job back with all the benefits.”

Dinig na dinig niya ang malakas na pagsinghap ni Gianna.

Kapag natapos na ang lahat ng ito, pangako, babalik ako sa’yo at hihingi ng tawad... kahit paulit-ulit pa. Until then... I will be the loathsome jerk and you as my ever caring collateral damage. He whispered before he tried his damnest to harden his heart.

ILANG SANDALING natulos sa kinatatayuan si Gianna bago siya nakahuma. Hindi makapaniwalang napatitig siya kay Caleb. She couldn’t believe his transformation. Yesterday, he seemed... caring. And now, that dangerous glint was back in his bright green eyes that sent shiver running down her spine.

“Ano’ng... ano’ng nangyari, Caleb?”

For a moment, she thought she saw sadness in his eyes but it was too swift that she began to doubt. His voice was harsh when he spoke. “I told you, nothing happened. So what now, Gianna? Will you do what I said or will you let Manang Rosing lose her job? Poor Manang. Sa edad niyang ‘yon, mahihirapan na siyang makahanap pa ng trabaho ngayon.”

Gusto niyang paniwalaang nagbibiro lang si Caleb pero walang bakas munti mang pagkaaliw sa tono at anyo nito.

“I don’t wanna play nice anymore, Gianna. That’s not me.” Sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi nang maalala ang sinabi nito. And there she was, a fool for believing he could somehow change not knowing that he was just playing with her all along.

Mariin siyang pumikit sandali para kalmahin ang sarili bago sa nagyeyelong boses ay sinabing, “I will never stoop that low, Caleb.”

Gianna turned her back and walked out on him as fast as she could. Paakyat na sana siya sa hagdan patungo sa kanyang kwartonang madaanan niya ang nakayukong anyo ni Manang Rosing habang nakaupo ito sa sofa sa sala. Sa tabi nito, naroon ang isang batang lalaki na inosenteng nakatingin sa kanya, naglalaro sa lima hanggang anim ang edad.

“Si Miguel, apo ko sa nasira kong panganay. Isinama ko muna dahil walang mag-aalaga. Magkasama kasing naaksidente ang mga magulang niya noon. Si Martha, hindi na pwede. Ang asawa ko naman, abala sa pamamasada.” Malungkot na sinabi ng ginang nang marahil ay maramdaman ang presenceniya. Tila nagpipigil lang na muling umiyak ang mukha nito nang tumayo at inakay ang apo palapit sa kanya. “Base sa itsura mo, hindi na ako tinanggap, ‘di ba?”

Napakagat-labi si Gianna. The two reminded her of her past, something that she was very vulnerable about. And right at that moment, how she wished she wasn’t an orphan like the kid shyly smiling at her. Sa mga sandaling iyon ay nahiling niyang sana, hindi niya naaalala ang mother Annita niya kay Manang Rosing...

Ilang sandaling nagtalo ang isip at puso niya bago siya pilit na ngumiti. “N-nagkakamali po kayo. Ang totoo niyan... ‘sabi ni Caleb, pwede na kayong magtrabaho ngayong araw. Dadagdagan niya rin daw po ang benefits na matatanggap n’yo.”

Mahigpit na napayakap sa kanya ang ginang. And she welcomed that warm hug... for a consolation before she let go. Nagpaalam siya rito bago muling bumalik sa library. Naroon pa rin at prenteng nakaupo si Caleb na parang hindi na nasorpresa sa muling pagbabalik niya.

“Pagkatapos ng lahat ng mga sinabi at ginawa mo ngayong umaga, hindi ko alam kung makakaya ko pa bang magtiwala sa ’yo.” Gianna said, her voice was replete with agony. “But I’m counting on your words.”

Bago pa magawang sumagot ni Caleb ay mabilis na naupo na siya sa mga hita nito habang may lakas pa siya ng loob. Hinawakan niya sa batok ang binata saka pikit-matang hinagkan sa mga labi.

ILANG segundong natulala si Caleb bago niya ipinaikot ang mga braso sa makipot na baywang ni Gianna. As much as possible, he didn’twant to kiss her back but God, he couldn’t just let her sweet lips brush against his. He was about to move when she stood up and let go.

Damn it! He muttered under his breath while fighting the urge to grab her and kiss her. But the need that he couldn’t understand was too strong that he stood up and turned away. The desire burned him inside that it overwhelmed his whole system. Lumapit siya sa study table at kunwari ay may tiningnan roon para ma-distract ang sarili.

“I hope you will at least be true about what you said. I’m going now.”

Naglaho ang kahuli-hulihang bakas ng kagustuhan niyang mahawakan si Giannanang marinig ang nagyeyelong boses nito. Napasulyap siya sa mukha nito. Her face was devoid of any emotion. Sandali siyang napayuko. Pagharap niya uli sa dalaga ay tinapatan niya ang expression nito.

“You are not done yet, Gianna.” Iminuwestra niya rito ang couch. “Sit first.” Walang salitang naupo ang dalaga. Dinukot niya ang cell phone sa bulsa ng jacket na suot at idinayal ang contact number ng kapatid.

Hindi pa man nakakapag-hello si Alaric ay sunud-sunod na nagsalita na si Caleb habang deretsong nakatingin sa dalaga. “Hello again, Ric. I just want to give you an update about your beloved Gianna. You know, you have such a righteous sweetheart out here. Sino ba naman ang mag-aakalang willing siyang halikan ako pabalikin ko lang sa trabaho ang kasambahay namin dito? How noble, right?” Kitang-kita niya ang unti-unting pagdiin ng mga daliri ni Gianna sa kinauupuang sofa. Halos bumaon ang mga kuko nito roon.

“Go to hell, Caleb!” Sagot ni Alaric.

“Oh, I’ve been through there back and forth, brother. Ikaw pa nga ang nagdala sa’kin ro’n, ‘di ba? O baka nakalimutan mo na?” Walang emosyong sinabi niya. “But if I were you, I’d move heaven and earth to get her back now. Because who knows what we’ll do next?” Pinindot niya na ang end button at ibinulsa ang cell phone saka humarap kay Gianna. “Now, you can go.”

Kumuyom ang mga kamay ng dalaga. Mabilis na tumayo ito at tiyak ang mga hakbang na lumapit sa kanya. Umigkas ang palad nito. Sa isang iglap ay nakapaling na sa ibang direksiyon ang mukha niya.

“If you’re going to be a jerk, at least be consistent!”

And then she ran away.

Just like that.

“HINDI pa raw ho siya nagugutom, Sir. Iyong baso lang po ng gatas ang kinuha.”

Naiinis na napabuga ng hangin si Caleb bago ibinaba ang pinag-aaralang hotel reports na ipinadala sa kanya via mail ng kaibigang si Evan ilang oras pa lang ang nakalilipas.

Sumasakit ang ulong hinilot-hilot niya iyon. Noong nagdaang gabi pa siya walang matinong tulog. Parang sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Gianna. He tried working out in the middle of the night, he even drank few bottles of beer but he still couldn’t rest his mind and sleep. His mind kept coming back to Gianna’s soft lips, to that divine feeling brought by her mere touch and to that... one silly kiss that made him go nuts. Hell.

“Nasaan na siya ngayon?”

“Nasa veranda po.”

He groaned. That woman was really testing his patience. Kahapon pa walang maayos na kain si Gianna. Puro gatas lang ang kinukuha nito kapag pinadadalhan niya kay Manang Rosing.

“The woman’s gotten under your skin. Admit that.” Bigla, bumalik sa isip ni Caleb ang mga salitang iyon na naka-attache sa ipinadalang report ni Evan. Naipilig niya ang ulo. Damn you, Evan! Ginugulo mo lang ang isip ko.

Marahas na napatayo siya at tinahak ang daan patungong veranda. Naroon nga ang dalaga at tahimik na nakatingala sa langit. Napipikon na nilapitan niya ito at hinatak sa braso.

“Kahit ngayong gabi lang, Caleb, hindi mo ba ‘ko pwedeng patahimikin na muna?” parang pagod na pagod na tanong ni Gianna nang humarap sa kanya. Natigilan siya. In her white tunic dress that barely reached her knees; she looked like a goddess, ready to bless light in the darkness of night. “Kung gusto mo na namang makipagtalo, ‘wag ngayon, please. I’m tired.”

Saka lamang siya nahimasmasan. “Do you even realize that you haven’t had a decent meal since yesterday?”

“And that’s supposed to be good news, right? Dapat nga matuwa ka pa na nagkakaganito ako dahil alam mong makakaapekto ito sa kapatid mo.”

He breathed sharply. “Stop this. Hindi ako gano’n kasamang tao, Gianna-“

“Wow, I’m shocked!” Walang kabuhay-buhay na natawa ang dalaga. “You actually refer yourself as human?”

Parang napapasong binitiwan niya si Gianna. Sandaling nagtalo ang isip at puso niya kung aamin rito pero sa bandang huli, nanaig pa rin ang kagustuhan niyang depensahan ang sarili. He would be damned if he would let her think the worst of him while still believing Alaric was her superhero. “Believe it or not but between Alaric and I, he’s the better monster, Gianna. He was the reason why my fiancée died five years ago. He made me like this.”

Inilahad niya kay Gianna ang mga nangyari noon sa pagitan nila ng kapatid at ng kauna-unahang babaeng minahal nila. Napasinghap ito kasabay ng pagtiim ng mga bagang niya. “Kung hindi sana siya hinarang ni Alaric noon, buhay sana si Erin ngayon! Kung hindi sana siya pinagtangkaan ng pinakamamahal mong fiancé, hindi siya tatakbo, hindi siya desperadang hihingi ng tulong, hindi siya masasagasaan! Kung hindi sana siya nagpakagago nang gabing iyon, sana natuloy ang kasal namin, sana may pamilya na ’ko ngayon. Sana masaya ako ngayon!”

“THEN FINE, Alaric is a criminal!” Punong-puno nang sigaw ni Gianna. “Pero ano ba ang ipinagkaiba mo sa kanya, ha? You are claiming that Ric was the reason why your fiancée died that’s why here I am...” Nabasag ang boses ng dalaga. “Trapped in a place where even Manang Rosing couldn’t tell me because of your revenge! Hindi mo ako kayang saktan kaya inilayo mo na lang ako! But aren’t you realizing that you’re killing me, too? And it hurts more, Caleb... because you’re doing it slowly.”

When her tears started to fall down, Caleb felt a sudden jolt in his chest. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, nakaramdam siya ng hiya sa sarili niya. He felt ashamed he was a jerk.

And when Gianna turned her back on him, he could just let her go to save themselves from more of each other’s word attacks. But before he even knew it, nasa likod na siya ng dalaga. Kinabig niya ito sa baywang kaya napaharap sa kanya.

He took her in his arms. “Do you know... that you’re cruel when you’re hurt? Kung tingnan mo ‘ko ngayon, parang ako na ang pinakamasamang nilalang sa buong mundo. Pero kung gano’n nga ako, sa tingin mo ba malaya mo pang masasabi ang mga nakakainsultong opinyon mo na ‘yan tungkol sa’kin? Pwede kitang iwan na lang sa kung saan o kaya ay alilain rito tutal, pagmamay-ari ko naman ang lugar na ito. I should make all the rules but no, I washed those freaking dishes, something I have never done before to save you from that work.”

“At...” Caleb cleared his throat and was somehow glad that Gianna seemed too weak to fight back. Though he still could hear her every sob. “At kinain ko kung ano lang ang nakaya mong lutuin sa loob nang ilang araw. I apologized though I shouldn’t have because I am fighting for all the right reasons here, Gianna. And hell, after all this, I still feel like saying sorry for causing those damn tears in your little judgy eyes. Kung titingnan mong maigi, trapped ka lang, Gianna pero doon na nagtatapos ‘yon. So, don’t you dare compare me to Ric because I am only half the monster that I planned to be when I’m with you.”

Slowly and gently, he released her. He wiped her tears once more. Pagkatapos ay lumayo na siya rito. Pero bago siya umalis, nilingon niya si Gianna. “And by the way, Erin was seven weeks pregnant when she died.” Mapait siyang napangiti nang makita ang pagguhit ng pagkabigla sa mga mata ng dalaga. “You see, Alaric took three lives in a row. Dahil nang mamatay ang mag-ina ko, pinatay niya na rin ako. Because since then, I didn’t know how to live anymore.”

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free