HinovelDownload the book in the application

KABANATA 6

KABANATA 6

Third person's point of view.

Kanina pa nila napapansin ang pananahimik ni Alexius. Nakatingin lang ito sa sa kanang kamay niya. Nakakapanibago lang dahil kanina ay halos boses at sigaw niya lang ang maririnig sa loob ng sasakyan tapos ngayon tahimik lang ito, hindi rin sila tinatadtad ng mura.

Kinalabit ni Ian si Alexius. "Hoy, anong nangyari sa'yo?"

Hindi siya nito pinansin. Lutang na lutang ito, para ngang walang naririnig.

"Anong nangyari sa pinsan mo? Himala at ang tahimik niya. Napansin ko rin na namumula siya, Tangna baka may sakit 'yan kaya ganyan. Hindi ba madaling dapuan ng sakit ang mga bata?!" Nag papanic na sabi ni Ian.

Tiningnan siya ng masama ni kiro. "Wala 'yang sakit, Kinikilig siguro yan. May babae kasi na humalik kasi sa noo niya."

Hala, nakita pala ni Kiro.

Nagulat si Angelo at si Ian. Pero ang gulat nila ay napalitan ng tawanan. Napahawak pa si Ian sa tiyan niya habang si Angelo naman ang nagpapadyak sa kakatawa, do'n bumalik ang dating Alexius.

"Anong pinag sasabi mo?! The fvck?! Ako kinikilig?! No fvckin' way!" Susugurin niya sana yung dalawang mokong na tumatawa kaso napigilan siya ng seatbelt na ikinabit sa kanya ni Kiro

"T-that girl kissed me! Wala siyang karapatang halikan ako sa noo." Nakabusangot siya.

Gustong-gusto niya na talagang bangasan ang tatlo niyang kasama, kung hindi niya lang talaga kailangan ng tulong ay hindi siya mag titiis na makasama itong tatlong 'to.

"Bakit ka namumula? Pft!"

"Will you shut up?! Tulungan niyo na lang ako." Inis niyang sabi.

"Kinawayan pa niya pabalik." Nakangising sabi ni Kiro.

Hindi malaman ni Alexius kung ano ba ang pumasok sa isip niya't kinawayan pabalik 'yong babaeng 'yon. Hindi lang 'yon, pamilyar pa sa kanya ang babae na 'yon. Parang nakita na niya pero hindi niya matandaan kung kailan at saan.

Naiinis na talaga siya, Paano kaya siya matutulungan ng tatlong 'to eh puro pan t-trip lang naman ang ginagawa sa kanya. Bakit ba naman kasi siya isinumpa ng mama niya.

Napasabunot na lang siya sa sarili. Hindi niya alam na may kakayahan pala ang Mama niya na sumumpa ng isang tao. Nagulat nga siya sa sinabi nito na lahat ng sinasabi nito ay nagkakatotoo kapag galit. Kaya siguro hindi ito nagagalit.

"Tutulungan ka namin, huwag kang mag-alala."

Tila biglang naging maamong tupa si Alexius sa sinabi ni Kiro. "Siguraduhin niyo lang. Tsk!"

Bigo silang mahanap ang taong hinahanap nila, ang pamilya Perez at ang pamangkin nito. Pupunta na lang sila bukas sa kompanya ni Alexius para hanapin ang resume ni Perez.

Bumalik na lang sila sa condo ni Kiro at do'n nagpalipas ng gabi. Hindi naman makatulog si Alexius dahil sa nangyari sa kanya. Inaalala niya ang kompanya niya. Walang nag aasikaso nito at kailangan-kailangan niya ng bumalik, kaso paano siya makakabalik sa kompanya niya kung bumalik siya sa pagkabata?

Napapikit ng mariin si Alexius, Fvck! anong gagawin ko?

...

Kinabukasan. Hindi namalayan ni Alexius na nakatulog na pala siya sa byahe. Gising na siya ngayon pero hindi pa rin siya dumidilat. Nagpapanggap pa siyang tulog katulad ng pagpapanggap natin noon sa tuwing pinipilit tayong patulugin sa hapon noong mga bata pa tayo.

"Alam na nga natin ang address ni Perez pero wala namang tao do'n." Bumuntong hininga si Kiro.

"Malamang nasa ospital. Hindi ba nga ang sabi ng mama nila ay may sakit ang asawa nito." Aniya ni Angelo.

"Malaki ang kasalanan ni Alexius sa taong 'yon. Tinanggalan niya ito ng trabaho, muntik nang mamatay ang may sakit nitong asawa kaya galit na galit si mama. Ayan tuloy sinumpa niya si Alexius. Hindi naman nain alam kung saang ospital naka-admit ang asawa nito, no choice talaga tayo kundi gawin ang original plan."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Kiro. Original what? Ano naman ang plano naman ang tinutukoy ng tatlong kumag na 'to?

Naramdaman niya ang pagtigil ng sasakyan kaya idinilat na niya ang mata niya

"Nasaan tayo?"

Tinanggal ni Ian ang seatbelt na naka kabit sa kanya, pagkatapos ay binuhat siya.

"Shit! Sabi ng wag niyo akong bubuhatin!" Inis niyang sabi. Binaba naman siya ni ian.

"Wow ah, parang may virus naman ako kung magpapalag ka."

Tiningnan niya ng masama si Ian bago ibaling ang tingin sa tatlong palapag na building. Parang apartment. Ano naman ang ginagawa namin dito?

"Halika na, alalayan niyong umakyat ng hagdan si Alexius, baka biglang magpagulong-gulong 'yan." Natatawang turan ni Kiro.

Hindi niya na pinansin ang sinabi ni kiro. Tulad nga ng sinabi ni Kiro, inalalayan siyang umakyat ng hagdan.

Napagod nga siya dahil ang liliit ng hakbang niya tapos hanggang second floor pa ang inakyat nila.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Alexius Asked pero hindi man lang siya pinansin ni Kiro. Nakatuon lang ang attensyon nito sa hawak nitong papel

Huminto sila sa isang pintuan. Akmang kakatok na sana si Kiro nang may maalala siya. Umupo siya para mapantayan si Alexius.

"Magtataka siya kung bakit ganyan ka magsalita kaya mag panggap ka muna. Umakto ka na para talagang isang bata. Nga pala, anong pangalan ang ibinigay mo sa babae kahapon?"

Kahit nagtataka ay sinagot niya ito. "Leo."

"Leo, magpanggap ka muna." Tumango-tango si Kiro bago tumayo. Tiningnan ulit nito 'yong papel na hawak bago kumatok sa pintuan.

Nakaka ilang katok na si Kiro pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.

"Wala atang tao." Aniya ni Ian.

Napabuntong hininga si Kiro. "Nasa ospital din at— "

Isang boses ng babae ang pumutol sa sinasabi ni Kiro. Napatingin sila sa pinagmulan ng boses. Nanlaki ang mga mata ni lexius ng makita kung sino ang nagsalita. Hindi lang si Alexius ang nagulat pati na si Kiro.

"Sino kayo?" Binaba nito ang hawak na plastik.

"Ah eh— "

Napatigil sila nang itaas nito ang hintuturo at itinuro kay Kiro. "Parang nakita na kita—Ah! Ikaw 'yong lalaki sa playground nitong nakaraang araw. Pero teka, anong ginagawa niyo sa harap ng apartment ko?"

Mas lalong nanlaki ang mata ni Alexius at Kiro.

"Apartment niya?! Ibig sabihin?! Oh shit! Itong babaeng humalik sa noo ni Alexius ay ang pamangkin ni Perez?!" Aniya ni Kiro sa sarili.

Napatingin sina Ian at Angelo kay Kiro. Muntik ng magmura si Alexius, paano ba naman ay bigla siya binuhat.

"The fvck?" Bulong niya. Tiningnan niya ng masama si Kiro pero ngiti lang ang iginanti nito.

...

Eris Mesina.

"This is Alexiu—I mean Leo. My c-cousin." Aniya ng lalaking nakatayo sa harap ko. Hindi nakaligtas sa aking magagandang mata ang pawis nito sa noo at ang pamumutla nito, mukha tuloy siyang espasol.

Nalipat ang tingin ko sa batang buhat-buhat nito. Sa tingin ko nasa tatlong taon pa lang siya, ang cute at nakakagigil ang maala siopao nitong pisngi. Kagatin ko kaya? Charot lang.

"Hello!" kinawayan ko ito. Tila ba nainis ito sa ginawa ko dahil bigla itong ngumuso.

"Ah miss, pwede bang ikaw muna ang mag-alaga sa kaibigan namin—este! sa pinsan ng kaibigan namin. " sabi naman ng isa sa mga lalaking kasama ni living espasol. Hindi ko alam ang pangalan niya kaya iyan na lang ang itatawag ko sa kanya, bagay naman eh.

Kumunot ang noo ko. "Nasaan ba magulang ni baby Leo?" tiningnan ko si baby Leo. Napangiti ako nang mapansin ko ang pamumula ng pisngi nito. Ang cute.

"A-ah! Ano nasa ibang bansa, n-nagt-trabaho?"

Teka nga! Binigyan ko si living espasol ng 'Wait-seryoso-ka' look.

Nameywang ako. "Bakit parang hindi ka sigurado sa sagot mo? atsaka bakit hindi ikaw ang mag-alaga kay baby Leo? Pinsan ka niya hindi ba?"

Pinsan niya tapos ayaw niyang alagaan, tsk!

"K-kasi ano hindi ko kaya atsaka baka m-madisgrasya lang siya kung ako ang mag-aalaga sa kanya.

May tama naman siya, baka mapano lang 'tong cute na batang 'to kung siya ang mag-aalaga kay baby leo baka mapahamak lang ito. Sakto, Nawalan ako ng trabaho. Naka-away ko kasi 'yong isa sa mga Costumer ng bar na pinag t-trabahuhan ko. Ang sama ng ugali eh, psh!

Kumunot ang noo ko nang maglabas ng mga iilang peraso ng papel si boy espasol. "Here, this is Leo's Birth certificate and mine. Pruweba na magpinsan talaga kami." Tinaas nito ang hawak na papel.

Pinakatitigan ko 'to. Magkaparehas ang apelyido nila. Ang cute talaga ng pangalan ni Baby Leo.

"Lewonado Alesus Rivelio." Bigkas ko sa pangalan ni baby Leo. Rivelio? Parang pamilyar sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa Birth certificate ni boy espasol. Kiro ang pangalan niya, hindi boy espasol.

Legit naman siguro 'to. Hindi naman siguro siya Scammer—este Kidnapper ng bata.

"Oo na—HOY!" Bigla na lang kasing pinabuhat sa akin si baby Leo, mabuti na lang at nahawakan ko kaagad ito ng maayos. May inabot siya sa akin na calling card.

"Ipapadala na lang namin 'yong gamit niya. S-sige! Mauna na kami!" Nagulat ako nang bigla silang tumakbo palayo.

Nagtutulukan pa sila, may muntik pa ngang madapa. Tinawag ko sila pero hindi sila lumingon. Pagbalik nila pagkakaltukan ko sila sa bunbunan nila. Ni hindi ko man lang sinabi kung anong pangalan nila. Jutko, sana lang talaga pinsan niya 'tong si baby Leo mamaya kidnapers sila, madamay pa ako.

Binaling ko ang tingin ko kay baby Leo na nakatingin din sa akin ngayon. Ang cute niya talaga!

"Hello baby Leo! Ako si ate Eris." kinurot ko 'yong pisngi niya. Napahagikhik ako nang ngumuso ito. Humikab ito bago sumandal sa dibdib ko.

Aba ang bata-bata pero marunong ng dumamoves. Ganito naman talaga ang mga bata. Hinaplos ko ang likod niya. Mabuti na lang at marunong akong mag-alaga ng bata.

Umalis ito sa pagkakasandal sa akin. Parang may something sa kanya. Tinitigan ko s'ya ng maigi. Grabe, ganda ng mata ng batang 'to. Ganda rin ng kilay, ilong at labi, nakakainggit jusko.

Muntik nang magdugtong ang kilay ko sa sunod nitong ginawa. Ang maganda nitong labi ay biglang ngumisi. Bigla akong kinilabutan.

Kasabay ng pag-ngiti ko ay ang pagdapo ng maliit nitong kamay sa aking dibdib. Nanlaki ang mga mata ko nang dumapo 'yong kamay niya sa dibdib ko.

"Hway ith it tho plat?"

Jusko...

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free