HinovelDownload the book in the application

KABANATA 11

KABANATA 11

Eris Mesina

Tatlong araw na ang lumipas. Simula nang makauwi kami galing sa pamamasyal ay hindi na bumitaw sa akin si baby Leo. Kung hindi ko siya buhat ay nakasunod naman siya sa akin. Kapag nababanggit ko rin ang pangalan ng pinsan kong si Yuan ay nagagalit siya at pinaghahampas ako.

Kasalukuyang naka salampak sa carpet si baby Leo habang nanunuod ng cartoons, ako naman ay nagtutupi ng mga damit namin na nilabhan ko kahapon. Napatigil ako sa pagtutupi nang biglang tumunog 'yong cellphone ko. Sinagot ko kaagad ang tawag nang makita ko kung sino ang tumatawag, si Kiro.

"Bakit?"

[Uhm gustong makita ni Mama si Alexiu—este baby Leo. Namimiss niya na daw.]

"Kailan daw?"

[Ngayon. Magpapadala ako ng susundo sa inyo.]

Bago pa man ako makasagot ay binabaan niya na ako. Dial tone na nga lang ang narinig ko. Bastos siya! Babaan ba naman ako, tsk!

"Binabaan ako." Naiiling kong sabi. Tinigil ko ang pagtutupi ko atsaka lumapit kay baby Leo.

Binuhat ko siya at nag paikot ikot. "Wie! Baby Leo kailangan mo ng maligo~"

Namutla siya sa sinabi ko. "No! I downt huwant!"

Tinawanan ko lang siya. "Maliligo na si baby leo at makikita ko nanaman ang little willy niya hahaha----aray!" Napakasadista talaga ng batang 'to! Pero kyut naman.

"You will never see my little willy again!"

Tinawanan ko na lang ulit siya. Dinala ko na siya sa banyo. Binibiro ko lang naman siya. Hinubad ko ang damit at short na suot niya atsaka siya nilagay sa malaking palanggana.

"Rap— weyp weyp! Swambady welp!"

Mas lalong lumakas ang tawa ko. Weyp daw, alam ko na rape 'yong sinasabi niya pero ang cute ng weyp.

"Alam mo na ang gagawin baby leo, tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na." Sabi ko atsaka lumabas ng banyo.

Pumasok ako sa kwarto. Nilagay ko sa bag 'yong mga kailangan kong dalhin na gamit ni baby Leo. Naghanda rin ako ng gatas na iinumin niya atsaka inilagay sa bag. Nagbihis na lang ako dahil nakaligo naman na ako.

Nag suot ako ng puting long sleeves at pulang palda na lagpas tuhod. Tinernuhan ko rin ito ng kulay light pink na 3 inch heels. Kailangan maayos ang suot ko dahil Mama daw nila kiro at baby Leo ang mame-meet ko. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko at nagpulbos.

"Aym pinish!"

Dali-dali akong lumabas ng kwarto dala ang baby towel ni baby leo. Inabot ko ito sa kanya, siya na daw ang bahala sa sarili niya. Nakabalot sa katawan niya ang towel ng lumabas siya ng banyo.

"Bakwit ganyan ang suot mo?" kunot noong tanong niya sa akin.

Pumasok ulit kami sa kwarto. Nilapag ko siya sa higaan atsaka ko inabot sa kanya ang damit na susuotin niya.

"Kasi aalis tayo." Inalis ko ang tuwalya na nakabalot sa katawan niya bago ko siya lagyan ng pulbos sa tiyan, Likod at sa leeg.

"Huwer are we going?"

Sinuot ko na sa kanya yung kulay blue na short at white na t-shirt na may naka print na maliit na elephant. Sinuotan ko na rin siya ng medyas at kulay blue na sapatos. Ang kyutie niya!

"I said huwer are we going?" Tanong niya ulit.

"Namimiss ka na daw ng Mama niyo." Sabi ko.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Medyo namutla rin siya. Magsasalita sana ako ng biglang may bumusina. Sundo na ata namin 'yon.

Dali-dali kong binuhat si baby leo. Kinuha ko yung bag bago lumabas ng kwarto. Sinigurado ko na nakatanggal lahat ng saksak bago kami lumabas. Halos takbuhin ko na yung mahabang pasilyo para makababa kaagad. May iilan pa akong kapitbahay na nakasabay pababa. Kunot noo silang nakatingin sa akin pati na rin kay baby leo. Nginitian ko na lang sila.

"Hello po." Bati ko kaagad kay manong driver ng makalapit kami sa kanya.

Nginitian niya ako bago kami pagbuksan. Pagkasakay namin ay isinarado niya yung pintuan ng sasakyan bago siya sumakay. Pinunasan ko yung pawis ni baby leo. Kumunot ang noo ko ng mapansin kong namumutla si baby leo, parang hindi rin siya mapakali.

"Baby leo? Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

"Y-yeah."

Hindi ko maalis ang tingin ko kay baby leo. Namumutla talaga siya. Kalong kalong ko lang siya buong byahe, medyo natagalan ang byahe dahil traffic.

Pumasok ang sasakyan sa isang magarang subdivision. Malalaking bahay ang bumungad sa akin, halata na mayayaman ang nakatira. Unti-unting bumabagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa huminto kami sa isang napakalaking gate na kulay ginto. Namangha ako ng kusa itong bumukas. May Malaki ring kamera at gumagalaw ito.

"Woah, sa inyo 'to baby leo?" Mangha kong sabi. Pero si baby Leo nakatulala lang sa kawalan at nanatili pa rin siyang tahimik.

Umandar ulit yung sasakyan. Mas lalo akong namangha ng makita ko kung gaano kalaki ang mansyon. Sobrang laki nito, sa tinggin ko nga mga isang daang tao ang kasya sa mansyon na 'to. May malawak na hardin rin kaming nadaanan na punong-puno ng magagandang bulaklak.

Tiningnan ko si baby leo na bigla na lang yumakap sa akin. Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay niya.

"Baby Leo, okay ka lang ba talaga?" Tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot.

Hindi ko napansin na huminto na pala yung sasakyan. Basta pinagbuksan na lang ulit kami ni manong ng pinto. Nagpasalamat ako pagkababa.

"Baby Leo nandito na tayo."

"Don't leave."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Don't leave?"

"Huwag mo akong iiwan mamaya."

Ngumiti ako. "Oo naman. Basta good boy ka lang."

"Good boy lang ako." Sinubsob niya yung mukha niya sa leeg ko pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Napapansin ko lang na parang palagi niya ng ginagawa 'yon, Yung isusubsob niya yung mukha niya sa leeg ko. Hays, lahat naman ng baby ganun ang ginagawa.

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang bumukas yung pintuan ng mansyon. Halos benteng mga babae na nakauniporme ng pang katulong ang bumungad sa akin. Nakahilera silang lahat.

"Welcome to Rivelio mansyon." Sabay-sabay nilang sabi bago sila yumuko.

Parang narinig ko na sa kung saan. Pamilyar talaga sa akin 'yong apelyido nila baby Leo at Kiro. Saan ko nga ba narinig 'yon--- RIVELIO?! NAALALA KO NA! ANG APELYIDO NG EX-BOSS NG TITO KO AY RIVELIO! Tama ako! Bakit ngayon ko lang naalala?!

Hindi makapaniwala kong tiningnan si baby Leo. "Kadugo mo siya, Rivelio ka."

Inalis niya 'yong pagkakasubsob ng mukha niya sa leeg ko atsaka ako tiningnan. "w-h-huway?"

"Rivelio ang kasi ang apelyido ng lalaking nagpatalsik sa tito ko, nagkamali lang naman ng ibinigay na folder atsaka rivelio rin ang nagpaasa sa akin na magkakaroon na ako ng trabah----" Naputol ko yung sinasabi ko ng biglang may nagsalita mula sa kung saan.

"Leo, Welcome back."

Napatingin kaming dalawa sa may ari ng boses na 'yon. Isang matandang babae ang nakita namin, papalapit siya sa amin ni baby leo at halata sa mukha niya ang pagiging mataray. Jutko, nakakatakot!

Hindi na ako nakapalag ng kuhanin niya sa akin si baby Leo. 'Yong mukha naman ni baby Leo ay hindi mapakali atsaka parang naiiirita siya.

"Salamat sa pag aalaga sa kanya and from now on, tatawagin mo na akong Mama." Nakangiti niyang sabi na nagpanganga sa akin.

Tawagin ko na raw asiyang mama, feeling close na ba kaagad ako?Sinenyasan niya lahat ng katulong na iwan muna kami. Kinurot kurot niya yung pisngi ni baby Leo.

"Nandito na pala sila." Sabi ni Kiro na kakapasok lang. Pinapaikot pa niya sa hintuturong daliri niya 'yong susi ng sasakyan.

"Follow me. May kailangan tayong pag usapan bago kami mag BONDING ni alexiu---I mean ni Leo."

Biglang napanguso si baby Leo. Naku! Napaka cute talaga ng batang 'to!

Nagsimula ng maglakad si Mama. Hindi sa feeling close ako, pero kasi sabi niya 'yon daw ang itawag ko sa kanya. Donya nga sana ang itatawag ko kaso baka bigla akong tarayan. Umakyat kami sa ikalawang palapag. May mga nadadaanan kaaming mga picture frame na nakasabit sa pader. Karamihan ay puro family picture. May picture rin ng isang babae na may buhat buhat na baby---Teka si baby leo ba 'to?

Napahinto ako sa paglalakad atsaka pinagmasdan ng maigi yung picture. Hindi ko namalayan na napahinto rin sila sa paglalakad.

"Oh, its Leona and that baby is her son Leric--- "

"ITS ME! THAT'S MY MOM!" Biglang sigaw ni baby Leo kaya hindi ko na naintindihan yung huling sinabi ni mama.

Napatango ako. "Ang bata pa po pala ng Mama ni baby Leo."

Tiningnan niya si baby Leo. Kumunot rin ang noo niya pero kaagad ring nawala at napalitan ng ngisi.

"Yup, ang bata pa nga. Let's go. Importante ang kailangan nating pag-usapan." Nagsimula na ulit maglakas si uhm mama. Pumasok kami sa isang pinto. Nanlaki ang mata ko ng makita kung nasaan kami. Nasa balkonahe kami na tanaw na tanaw ang malawak na lupain pati na rin 'yong hardin.

Sinenyasan niya na umupo ako na sinunod ko naman. Umupo rin si Mama sa kaharap kong upuan habanh kalong kalong niya si baby Leo, si Kiro naman umupo sa katabing upuan ni mama.

"So ija, anong pangalan mo?" Tanong ni mama.

"Uhm, Eris po."

"Eris what?"

"Eris Mesina po."

Ngumisi si mama bago niya tingnan si baby leo. "So Eris, kamusta naman ang pag-aalaga sa apo ko?"

Napakamot ako sa batok. "A-ayos naman po. Medyo mahirap pero keri ko naman po."

"Sinsaktan ka ba niya?"

Tiningnan ko si baby Leo. "Uhm minsan po pero nabawasan naman po ang pagiging sadista ni baby Leo. Nabawasan po ng mga one point five percent."

Kumunot yung noo ni baby Leo. Nagpumilit siyang umalis sa pagkaka kalong kay mama atsaka lumapit sa akin. Pagewang gewang pa siya. Tinaas niya yung magkabila niyang kamay.

"B-bu-buhat." Nakanguso niyang sabi. Medyo namumula anh tenga at pisngi niya.

"Pft! buhat." Rinig kong bulong ni kiro.

Binuhat ko si baby leo atsaka kinalong sa hita ko. "Uhm, may tanong po ako sa inyo. k-kaano ano niyo po si Leonardo Alexius Rivelio?" Biglang mapaubo si kiro at si baby leo sa sinabi ko. Si Mama naman ay nakangisi.

"Apo ko rin siya. Kilala mo siya hindi ba?" Aniya atsaka tiningnan si baby leo.

"Uhm, opo kilala ko po siya. Pinaasa po kasi ako ng apo niya, pinaasa niya ako na magkaka trabaho na ako. Pinatalsik niya rin po sa trabaho 'yong tito ko na nagkamali lang naman po ng naibigay na folder." Natahimik sila sa sinabi ko."Huwag po kayong magagalit sa sasabihin ko ah, Yung apo niyo po ba na 'yon ay pinaglihi sa sama ng loob? Grabe po kasi ang sama ng ugali! Nakakainis! Kapag nakita ko nga po siya ay babangasan ko siya--- ay sorry po." Napahilamos ako sa sinabi ko.

Ano ba naman 'yan Eris! nasa teritoryo ka ng Rivelio! Atsaka paano na lang kapag nandito pala yung Leonardo na 'yon at narinig ang mga pinagsasabi mo?! Tanga mo talaga Eris!

Biglang tumawa si Mama na nag-pagulat sa akin. "Eris ija! Totoo lahat ng sinabi mo atsaka wag kang mag sorry. Pwede mo ring bangasan ang lalaking 'yon kapag nagkita kayo. Hindi ba Leo?" aniya bago tingnan si baby Leo. "By the way, Kiro dalhin mo muna si baby leo sa kwarto ng makapag pahinga."

Tumayo si kiro atsaka kinuha sa akin si baby leo na tahimik lang. Mukhang inaantok kayaa tahimik. Pero cute pa rin naman. Sinundan ko lang ng tingin si baby leo hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Ngayon ako nakaramdam ng kaba. Nginitian ko si mama na nakatingin ngayon sa akin. Pinagsiklop niya ang magkabila niyang kamay.

"Gusto kong ikaw ang mag ayos ng party para sa birthday ng apo ko, ni baby Leo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mama.

"Po? Ako po? Pero bakit po ako?"

"Becase I want to. Malapit ka na rin sa apo ko. Gusto ko din kasing ma-experience niya na magkaroon ng birthday party. Kaya please ija, pumayag ka na." Aniya ni Mama.

Gusto niya na ma experience ni baby Leo ang birthday party? Hindi ba siya naka-experience?

"Please Eris."

Bahala na! para kay baby Leo!

"Sige po."

Pumalakpak si mama. "Good! Sa April 28 ang birthday niya, dalawang araw na lang na natitira. Good luck!" Aniya with matching kindat.

Good luck sayo Eris!

...

Leonardo Alexius Rivelio

Kaagad siyang inilapag ni Kiro sa higaan nang makarating sila sa kwarto ni baby Leo---este Alexius. Hindi makapaniwalang tumingin si Kiro sa pinsan niya.

"Kailan ka pa naging anak ni ate Leona? Hindi ba kapatid ka niya? At kailan ka pa naging si Lerick na pamangkin natin?" Nakangising sabi ni Kiro.

Bumuntong hininga si Alexius. "Sinabi ko lang 'yon para hindisiya magtaka. Idon't want her to know about this curse, pagtatawanan niya lang ako."

"Pft! Hindi naman siguro ibubuko ni Mama na isinumpa ka niya. Pasalamat ka at kamukha mo ang pamangkin natin. Ang labas tuloy ay tita ko si ate Leona kahit ang totoo ay pinsan ko siya." Natatawangsabi ni Kiro bago umupo sa tabi ni Alexius.

"Bakit hindi ka na lang mag sorry sa tito niya para alisin na ni Mama ang sumpa sa'yo? Madali lang naman humingi ng sorry, cous."

Napa 'Tsk' si Alexius. "That old man. Nagkita kami nitong nakaraang araw. He kept on saying na ako ang dati niyang boss, damn it!"

Tinapik ni Kiro ang balikat ng pinsan. "Cous, Dati na siyang empleyado ng Papa. Nasubaybayan niya na rin ang paglaki natin kaya hindi mo siya masisisi kung mamukhaan ka niya."

Napahilamos siya sa sarili. Paano niya maitatago ang sikreto niya? Kung bakit ba naman kasi hindi na lang siya mag sorry sa kasalanang nagawa niya.

"Teka, matanong ko nga. May nararamdaman ka na bang kakaiba kay Eris kaya ayaw mong mag sorry sa tito niy--- aray!" Daing ni Kiro. Sinuntok niya lang naman ito sa sikmura.

Naramdaman ni Alexius ang pamumula ng pisngi niya. Mas lalong namula ang pisngi niya nang maalala ang nangyari. Wala sa sarili niyang tiningnan ang kamay. He touched her boobies and he just claimed Eris as his property. Hindi niya alam pero ang init talaga ng dugo niya sa Yuan na 'yon.

"No. Never."

"Gago, namumula ka. Deny pa."

Tiningnan niya ito ng masama pero tinawanan lang siya ng loko.

"Nga pala may kasalanan ka rin pala kay Eris. Siya pala 'yong pinaalis mo dati para sa job interview sana."

Natahimik ulit si Alexius. Nagulat nga siya nang malaman niya, na si Eris pala 'yong pinaalis niya dati at si Eris din ang nagsisigaw sa galit sa labas ng opisina niya.

"Babangasan ka niy— " hindi na natuloy ni kiro ang sinasabi niya. Kaagad siyang lumayo kay Alexius.

"The fvck! Alexius anong nangyayari sa'yo?!" Nag-aalala niyang sabi.

Kunot noo tiningnan ni Alexius si Kiro. Nagtaka siya dahil hindi niya na tiningala si Kiro, sa halip ay magkapantay na sila. Paraang may kakaiba din siyang nararamdaman. Nagiba din ang pakiramdam niya sa katawan niya. Weird.

"What?"

"B-b-bumalik ka na sa tunay mong anyo!"

"Oka— WHAT?!"

Dali-dali siyang humarap sa human size mirror. Halos mapatalon siya sa tuwa nang makita ang itsura niya.Hindi na siya maliit! hindi na siya baby! Bumalik na siya sa dati niyang anyo kaso wala siyang damit. Nakahubad na siya ngayon dahil nasira ang damit na suot niya. Laki ba naman ng katawan niya tapos ang liit ng suot niya kanina. Kinapa niya 'yong mukha niya, sinisigurado na totoo ang nakikita niya, Na hindi siya namamalikmata. Kinurot pa niya ang sarili niya, baka mamaya panaginip lang pala. Hindi makapaniwala niyang tiningnan ang sarili sasalamin.

Nagbalik na si Leonardo Alexius Rivelio! Hindi na siya si baby leo!

"I-im back!" Nakangiti niyang hinarap si kiro na napatakip naaman ng mata.

"Congrats, himalaat wala kang ginawang masama." Aniya ni kiro sabay hagis ng kumot sa pinsan niyang nakahubo.

...

Eris Mesina.

Napabuntong hininga ulit ako. Pagkatapos akong kausapin ni ehem Mama ay umalis din siya kaagad. Sinabi niya lang na dito kami maghahapunan ni baby Leo.

Speaking of baby Leo, nasaan kayasiya? Namimiss ko na kaagad 'yong cute na batang 'yon. Kinuha ko 'yong baso na pinag-inuman ko para maibaba ko na sa kusina ng mansyon na ito.

Lumabas na ako sa balkonahe. Mamaya babalik ako. Pwede naman sigurong maglibot. Nasa pasilyo na ako nang makita ko ulit 'yong mga picture frame na nakasabit sa pader. Pinakatitigan ko 'yong litrato ni baby Leo at ng mommy at daddy nito. Ang ganda at ang bata pa ng mga magulang ni baby Leo.

Kumunot ang noo ko nang may mapansin akong kakaiba. Teka, bakit ngayon ko lang napansin na medyo kulot si baby Leo sa picture na 'to at kulay tsokolate ang mga mata nito. Kayumanggi ang balat at may nunal sa baba ng labi niya. Si baby Leo talaga 'to hindi ba? Siya na mismo ang nagsabi.

Nadako ang tingin ko sa picture frame na may kalakihan. Lumapit ako para matingnan ko ito ng maayos.

Hala ang gwapo! Parang pamilyar din ang mukha niya. Ibinaba ko ang tingin ko sa nakasulat sa ibabang bahagi ng litrato. Napakalaki ng sulat at alam kong hindi ako nagkakamali sa nabasa ko. A-ang lalaking ito aysi...LEONARDO ALEXIUS RIVELIO?!

Hindi ako makapaniwala. Siya ito? Walang halong joke? Hindi ko inaasahan na ganito siya kagwapo. Alam ko lang ang pangalan niya pero ang mukha niya? Hindi. Gwapo nga pero ang sama naman ng ugali, tsk! Ngayon alam ko na kung anong itsura niya, lagot talaga siya saakin kapag nakita kosiya! Babangasan ko talaga siya!

Dinuro ko siya— este 'yong picture niya.

"Ikaw! Humanda ka sa aking halimaw na paasa ka! Babangasan kita! Ang sama ng ugali mo. Akala mo gwapo ka? hindi! Mukha kang kalabaw! Pati pagkakaroon ng trabaho papaasahin mo ako!? Akala ko sa pag-ibig lang aasa, hindi pala! Wala kang kwentang CE— " Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng putulin ito ng kung sino.

"Sino ang walang kwentang CEO?"

Napako ako sa kinatatayuan ko. A-ang lamig ng boses niya. Parang nag yelo ata ang buo kong katawan sa sobrang lamig. Hindi ito nababahiran ng mga emosyon.

"Look at me."

Napalunok ako.

"Are you deaf?"

Bumilang ako ng tatlo bago harapin ang taong 'to. Nabitawan ko ang hawak kong baso nang makita ko kung sino ang nagsalita. Napadaing sasakit nang may tumalsik na bubog sa paa ko. Nanatili ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa hindi kalayuan.

S-si L-leonardo Alexius Rivelio!

"The heck did you do?!" Lumapit siya sa akin atsaka ako inilayo doon sa mga bubog na galing sa nabitawan kong baso.

"May sugat ka."

Nandito siya! Narinig niya 'yong mga pinagsasabi ko kanina! Jutko! Nakakahiya! Argh! Ano ba Eris bakit ka mahihiya?! mabuti nga 'yon eh, narinig niya nang malaman niya naman kung gaano siya kasama!

"Narinig mo 'yong mga s-s-sinabi ko kanina?" Nauutal kong tanong.

Tiningnan niya ako ng masama. "I heard everything Eri--- I mean Miss."

Tinulak ko siya palayo sa akin. "Narinig mo rin siguro na babangasan kita kapag nagkita tayo." Tiningnan ko siya ng masama.

Nilagay niya 'yong magkabila niyang kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon. "Look Miss whoever you are, You can't do that lalo nat nasa teritoryo kita. Now shut up and clean this mess."

Napa-atras ako nang bunguin niya 'yong balikat ko. Hindi makapaniwala ko siyang nilingon. Napaka niya! Ang sama ng ugali talaga! Bungguin daw ba ako?! Pwede naman lagpasan niya na lang ako ah! Sama talaga ng ugali ng lalaking 'yon! Pasalamat talaga siya at pinsan siya ni baby Leo. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Shut up your face!

Tiningnan ko 'yog nabasag kong baso. Maghuhugas na lang ako para mabayaran itong baso na 'to, mukha pa namang mamahalin huhuhu! Napadaing ako nang biglang kumirot 'yong sugat ko. Daplis lang naman pero masakit pa din.

Tiningnan ko ulit 'yonng picture ng Alexius na 'yon. Magtutuos tayo! Hindi pa tayo tapos! Sisiguraduhin ko na mababangasan na talaga kita.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free