KABANATA 12
Eris Mesina
Hindi ko inalis ang tingin sa lalaking nasa harap ko kahit inaakit na ako ng mga pagkain na nakahain sa hapag. Magkakasabay kaming kumain nila Mama, Uhm Leonardo at Kiro.
"Eris ija? Bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?"
Nginitian ko si Mama. "N-namangha lang po ako sa ga pagkain." Pagpapalusot ko. Ayaw ko namang sabihin na tinititigan ko 'yong apo niya, si Leonardo Alexius Rivelio.
Sinulyapan ko sa huling pagkakataon si Leonardo bago ko hawakan 'yong kutsara't tinidor.
"Naiilang ka ba kaybaby Le— este Alexius?"
Nabitin sa ere 'yong pagsubo ko sana ng pagkain. Kaagad kong naibaling kay Leonardo 'yong attensyon ko. Muntik na akong mapa-ubo nang makita kong nakatingin din siya sa akin. Hindi ko pinahalata na nagulat ako, sa halip ay tinaasan ko siya ng kilay na siya namang ikinakunot ng noo niya.
"Kung ayaw niyang makasabay ako, umalis na langsiya. Wala siya sa sarili niyang bahay para mag inarte." Aniya.
Biglang kumulo yung dugo ko sa sinabi niya. Gigil na gigil ako sa kanya. Ibinaba ko 'yong hawak ko atsaka siyanginitian, isang pekeng ngiti. Bakas sa mukha nito ang gulat at napansin ko din ang bahagyang pamumula ng pisngi at tainga nito.
"Mister Leonardo,hindi ako nag-iinarte. Atsaka WALA naman akong dahilan para umayaw na makasabay ka, it is an honor na makasabay ka sa hapag." Sarkastiko kong sabi habang nakangiti pa din.
Bakas sa mukha ni Leonardo ang pagka-inis.
"You call me what?"
"Mister Leonardo, duh."
Narinig ko ang pagtawa ni Kiro.
Napasinghap ako nang padabog niyang inilapag 'yong kutsara sa plato. Kumalansing ito kaya nanakit ang tainga ko.
"Don't call me Leonardo."
So anong gusto niyang tawag ko sa kanya? Atsaka bagay nga eh, ang panget ng pangalan niya tapos panget din ang ugali niya oh 'di ba? Bagay na bagay.
"Tatawagin kita sa pangalang gusto k— "
"Alexius! Call me Alexius, damn it!" Putol niya sa sinasabi ko.
Napairap na lang ako. Ang arte naman.
Tumikhim si Mama. Nahiya tuloy ako bigla. "Pasensya na po."
"It's okay, naiintindihan ko at ikaw naman Alexius." Ibinaling ni Mama ang tingin kay Alexius na nakatingin pa din sa akin. Problema nitong lalaking 'to?
"Umayos kang bata ka. Hindi maganda ang sinabi mo kanina kaya humingi ka ng tawad kay Eris."
Do'n lang naalis ni Leonardo--- este Alexius ang tingin sa akin. Hindi makapaniwala niyang tiningnan si Mama. Tila ba nainis ito.
"No Mama. Totoo naman ang sinabi ko. Wala siyang karapatang mag-inarte lalo na't nasa teritoryo natin siy--- "
"Alexius! Humingi ka ng tawad kay Eris!" Putol ni Mama sa sinasabi ni Alexius.
"Mama, kumalma ka po." Pagpapakalma ni Kiro kay Mama. Inabutan niya ito ng tubig na kaagad din namang ininom ni Mama.
Napalunok ako. Kinabahan ako bigla. Mukhang ako pa ang magiging dahilan ng pag-aaway nila Mama at Alexius. Bumuntong hininga ako.
"Ah, Mama! Okay lang po. Kumain na lang po tayong lahat, hindi ba Alexius?" Pinandilatan ko siya ng mata. Binigyan ko din siya ng 'Tama-na-look'
Saglit kaming natahimik bago ipagpatuloy ang pagkain. Mabuti na lang at nagawan ko kaagad ng paraan bago pa lumala ang alitan.
"Psh! sana mabilaukan siya." Sabi ko sa sarili. Bulong lang naman kaya hindi nila narinig.
"Ack! Water! I need water!"
May bumagsak bang bulalakaw? Bakit nagkatotoo ang sinabi ko?
"Shit! I said I need water! Will you please hurry up?! Ack! damn it!" Sigaw niya sa katulong na nagsasalin ng tubig.
Nanginginig ang mga kamay nito habang sinasalinan ng tubig 'yong baso Alexius at mukhang paiyak na din ito. Ibinaling ko sa iba 'yong tingin ko bago ko itulak 'yong baso ko papunta sa harap nito.
"Inumin mo." I said bago ipagpatuloy ang pagkain. Nagutom tuloy ako bigla. Nakakatakam din naman kasi 'tong mga pagkain na nasa hapag.
Si baby Leo kaya nagugutom na? Kanina pa kasi siya wala. Nakatulog kaya 'yong batang 'yon?
"Uhm may tanong po ako. Si baby Leo po nasaan?" Tanong ko. Napatigil silang tatlo sa sinabi ko. Nabilaukan pa nga si Kiro habang si Alexius naman ay namutla.
Anong nangyari sa dalawang 'to?
"A-ano Eris nasa kwarto si Baby Leo, nakatulog?" Biglang sagot ni Kiro. Tiningnan nito ang pinsan nang sabihin niya 'yon.
Anong meron? Atsaka bakit parang hind sigurado si Kiro sa sagot niya? Patanong kasi ang pagkakasabi niya.
"Baka nagugutom na kasi yung cute na batang 'yon--- " Naputol ang sinasabi ko nang biglang tumayo si Alexius. Nakayukom ang kamay nito at para bang nanghihina siya. Kung kanina ay namutla lang siya, ngayong naman ay putlang-putla na siya.
"Alexius apo? Ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka?" Tumayo si Mama. Akmang lalapitan sanasiya nito kaso bigla na lang itong naglakad palayo.
Nakatingin kaming lahat kay Alexius na pagewang-gewang na naglalakad palabas. Ano kayang nangyari do'n? Sinenyasan ni Mama si Kiro na sundan ang pinsan nitong bipolar.
Saktong paglabas ni Kiro ay ang siya naman pag tunog ng cellphone ni ko. Tumatawag s tito. Nagpaalam muna ako kay Mama na lalabas muna para sagutin ang tawag. Sinagot ko 'to kaagad nang makalabasa ako sa dinning area.
"Hello?"
[Hello ate Eris? Papunta po kami ni Papasa apartment mo po. Sayo daw po muna ako tutulog kasi babalik ulit si Papa sa ospital.]
Si Yuan pala. "Sige sabihin mo kay tito na wait lang kasi pauwi pa lang ako."
[Sige po! Mag play po tayo mamaya ate Eris ah! Bye na po ate ko! I labyu po!]
Napangiti siya sa kakulitan ng pinsan."Bye rin Yuan. Lab din kita." Aniya bago ibaba ang tawag.
Mukhang uuwi ako ng hindi natatapos ang pagkain. Hays, nakakapanghinayang ang sasarap pa naman ng mga ulam.
...
Leonardo Alexius Rivelio.
Sa kabilang dako.Hindi namamalayan ni Alexius na naiyukom niya na pala ang kaniyang palad. Sobrang sama rin ng tingin niya kay Eris na kasalukuyang nakatalikod kaya hindi siya nakita nito.Naiinis siya. Oo, naiinis siya sa narinig niya. Ewan niya ba kung bakit basta bigla na lang sumiklob ang inis niya nang marinig ang pangalang YUAN.
Bakit ito tumawag kay Eris?! Anong pakay ng batang 'yon?! At talagang sinabihan pa ni Eris ng lab din niya ang Yuan na 'yon?! Kung siya si superman na may laser sa mata, sa malamang na-laser na niya si Eris sa sama ng tingin niya.
"Alexius ano bang nangyayari sa'yo?" Inalalayan siya ni Kiro paakyat sa hagdan.
Hinampas niya ang kamay nito.kawawang kiro, napagbuntungan pa ng inis. Nagpatuloy na lang siya sa pag-akyat kahit nanghihina na ang mga tuhod niya.
"Damn it!" Inis niyang sabi. Nilingon niya si Eris na nakatayo pa rin sa kinatatayuan nito.
"fvck! hindi niya dapat ako makita!" Aniya. Napakapit siya kay Kiro dahil nawalan na talaga siya ng lakas, idagdag pa ang sakit ng ulo niya na parang pinupukpok ng martilyo.
"shit shit! Cous ano bang nangyayari say--- "
"S-shut up! M-maririnig ka niya! Tangna! Hindi n-niya dapat ako makita." nauutal niyang sabi.
Napahawak siya sa ulo niya ng mas lalo itong sumakit. Muntik na din siyang mapasigaw sa sakit ngunit pinigilan niya dahil malalagot siya kapag nakita siya ni Eris. Kapag nakita nito na bumabalik siya sa pagiging si baby Leo.
Nilingon ni Kiro si Eris. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala na ito.
"Bumabalik ka na sa pagiging si baby Leo? May ginawa ka nanaman kasing nakasakit ng damdamin ng tao. Si Eris at yung katulong kanina, kaya ayan." Aniya ni Kiro.
Pumasok sila sa dating kwarto ni Alexius. Habol hininga si Kiro nang mailapag niya sa higaan ang pinsan niyang bumabalik na ulit sa pagkabata.
"Argh! It hurts!" Daing nito habang sapu-sapo ang ulo.
Unti-unting dumidilim ang paningin niya hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.
...
3rd person's POV
Napailing si Kiro habang nakatingin sa pinsan niyang si Alexius na nagiging si baby Leo na ulit.
"Kung humingi ka na lang kasi ng tawad edi hindi ka nahihirapan. feel na feel mo ata na maging si baby Leo, tsk." Naiiling niyang sabi.
Akmang kukumutan niya sana ito ng biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Eris na tila ba nagmamadali.
"Oh, bakit nakahubad si baby Leo?" Takang tanong ni Eris.
"Napuno na kasi yungpampers niya tapos naihi siya kaya hinubaran ko na."Ngumiti ng alanganin si Kiro.
"Buti na lang at nagdala ako ng extrang damit. Nga pala, nasaan 'yong pinsan mong si Alexius? diba kasama mo siya?"
"Ah ano nagpunta na sa kwarto niya."
Hay naku Eris kung alam mo lang. Lumapit na siya kay baby Leo na nahihimbing ng tulog. Napahagikhik pa siya ng makita ang little willy nito. pft! Ang kyut! Wala pa sa kalahati ng hinliliit niya ang laki nito.
"Baby Leo na kita ang little willy!" natatawang sabi ni Eris bago ilabas ang cellphone.
"Ate eris!" Dinamba ni Yuan ng yakap 'yong hita ni Eris.
Mabuti na lang maayos ang pagkakabuhat niya kay baby Leo. Tulog na tulog pa din ito.
"Hello Yuan!" Yumuko siya atsaka ito hinalikan sa pisngi.
Binigay niya 'yong susi ng apartment niya sa tito niya. Pagkabukas ng pinto ay kaagad din silang pumasok.
"Pamangks, ikaw na muna ang bahala sa pinsan mo. Hindi ko siya pwedeng dalhin sa ospital kaya iiwan ko na muna sa'yo."
Nakangiti siyang tumango. "Sige po tito. Paki kamusta po ako kay tita, pasabi din po na dadalaw ako sa susunod na linggo."
"Sige na, mauna naako pamangks." Ginulo nito 'yong buhok ni Eris bago umalis.
Sinarado na muna ni Eris 'yong screen na pinto bago niya ilapag sa sofasi baby Leo. Katulad ng palagi niyang ginagawa, nilagyan niya ulit ng unan yung gilid nito para hindi malaglag.
"Yuan? Kumain ka na ba?"
"Opo ate! Play po tayo!" Magiliw nitong sabi bago ulit dambahin ng yakap si Eris.
"Namiss kita Yuan!" Nakangiti niyang sabi habang pinupugpog ng Halik ang pisngi ng pinsan.
"Ako rin po ate Eris, pero bakit po siya nandito?" Tinuro niya si baby Leo.
Umupo si Eris sa paanan ng natutulog na bata. "Kasi inaalagaan ko siya kaya dito siya nakatira."
Napanguso si yuan sasinabi ni eris. "Alaagan mo rin po ako, baka agawin ka niya po sa akin."
Hindi namalayan ni eris na nagising pala si baby Leo. Nagulat na lang siya ng bigla siya nitong yakapin. Nilapit pa ni baby Leo 'yong maala siopao nitong pisngi sa mukha ni Eris, tila baayaw nitong ipakita si Yuan na nakanguso.
Mahirap na baka maagawan siya.
"Downt pout! Uwi ka sa inyo! I towld you dat she's mine!"
Napanganga si Eris sa sinabi ni baby leo. Jutko, anong nangyayari? Hinigpitan ni baby Leo ang pagkakayakap niya kay Eris nang pwersahan siya nitong inilalayo kay Eris. Sa Eris niya.
"No! Huwag mong yakapin ang ate eris ko!" Aniya Yuan
"I will hug her bwikash she's mayn!" Sigaw naman ni baby Leo. Hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya.
Napatulala lang si Eris. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa dalawang bata na nag-aaway ngayon. Kasalanan niya.
"Akin lang si ate eris ko!"
"No! She's mine! Back off you stinky kid!"
"Ako ang nauna! Mas lab ako ni ate Eris! Nisabihan niya ako ng aylabyu kanina!" Sigaw ulit ni yuan na nagpatigil kay baby Leo.
Biglang lumuwag ang pagkakayap niya kay Eris, napayuko din siya.
"Hay salamat at tumigil na rin." Nakahinga ng maluwag si eris.Hindi niya kasi alam kung paano niya aawatin itong dalawa.Tiningnan niya si baby Leo. Nanginginig ang balikat nito.
"Baby Leo?" Akmang tatapikin niya sana ito pero bigla itong umiwas.
"Don't touch me!"
Napapoker face si Eris. "Hindi pa kita nahahawakan."
Galit na inangat ni baby Leo yung mukha niya. Nanlaki ang mga mata ni Eris nang makita itong umiiyak. Hala! lagot umiiyak si baby Leo!
"Bakit ka umiiyak?" Pinunasan niya 'yong pisngi nito pero iyak pa din 'to ng iyak.
"Because you said I love you to that stinky kid!"
"Ay grabe naman baby Leo, stinky kid talaga. Hush na, huwag ka na umiyak--- "
"Aym mad at you! I hate you--- "
"I love you too baby Leo, huwag ka na magtampo." Putol niya sa sinasabi nito. Niyakap niya si baby Leo pagkatapos ay pinugpog niya ito ng halik sa pisngi.
Hindi makagalaw si Alexius aka baby Leo. Hindi niya inaasahan na gagawin 'yon ni Eris, na sasabihan siya nito ng I love you. Oo, halos lahat ng naikama niyang babae ay sinasabi ang salitang 'yon pero wala siyang nararamdaman. Ngayon naman ay halos lumabas ang puso niya sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Bigla ding nag Dugtog dugtog ng malakas ang puso niya.
Uh oh! Alexius--- este Baby Leo, no'ng nakaraan yung little willy mo ngayon naman ay ang puso mo, pft!