KABANATA 1
Third person's point of view.
"Where are you going baby?" Mapang-akit na sabi ng babaeng nakasiping niya.
Sinuot niya ang long sleeve niya na nagkalat sa sahig pati na ang pantalon niya. Hindi man lang niya pinansin ang tanong ng babae.
"Aalis ka na kaagad?" Narinig niya ang pagtayo nito sa higaan at ang paghakbang nito palapit sa kanya.
Umigting ang panga niya nang pumulupot angkamay nito sa bewang niya at kasunod nito ay ang pagdampi ng labi nito sa kanyang leeg. Huminto siya sa ginagawa niya.
"Huwag ka munang umalis, let's have fun again!"
Napangiwi siya. Nakakainis ang matinig nitong boses. Gusto niya nga itong busalan nang hindi makapagsalita.
Tinulak niya ito palayo sa kanya. Hindi niya pinansin ang hubad nitong katawan. Napailing na nga lang siya. Hindi siya makapaniwala niya isiniping niya ang babaeng 'to. Hindi naman ito magaling sa kama, ni hindi siya nito napaligaya. Nasayang lang ang oras niya.
"Why did you push me?!" Inis na sigaw nito.
Kinuha niya ang wallet niya atsaka dumukot ng tag-iisang libo, hindi na niya binilang kung magkano ito, basta niya na lang itong ibinato sa harap ng babae.
"You fvckin wasted my time. By the way, you're boring." Aniya bago ito talikuran.
Narinig niya ang pagsigaw nito at ang pagtawag nito sa kanya pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.
Yumuko ang bodyguard niya na nag-aabang sa labas ng hotel room. May iilan siyang nakasalubong at karamihan sa kanila ay iniiwasan siya. Sino nga ba siya? Bakit nga ba siya iniiwasan ng mga tao? Well, siya lang naman si Leonardo Alexius Rivelio, isa sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. wala itong puso, halata naman dahil sa ginawa niyang pagbato ng pera sa babae. Wala siyang sinasanto pagdating sa negosyo at sa ibang tao that's why he's known as the Ruthless businessman.
Nakasakay na siya sa elevator at kaagad na pinindot 'yong down button. Saktong pagsara ng pinto ng elevator ay ang siyang pagtunog ng cellphone niya.
[S-sir, n-nandito po yung CEO ng Yuo company, tungkol daw po sa proposal ang ipinunt—]
"Tell him that I don't have any plans on being his business partner. If he stil insist on staying, then let the guards drag him out of my building." Aniya bago putulin ang tawag. Wala siya sa mood makipag-usap sa kahit kanino ngayon.
Umigting lalo ang panga niya nang bungguin siya ng kung sino nang makababa siya ng elevator. Tiningnan niya ito ng masama kahit na matanda ang nakabunggo sa kanya, he don't care. Ni hindi niya nga ito nirespeto.
That's him, iyan si Leonardo Alexius Rivelio.
Padabog na ibinagsak ni Alexius ang mga folders na binigay sa kanya ng secretary niya. Galit siya, galit na galit.
"What the fvck is this? Report ba to?! This folder, all of this is just a fvckin trash!" Hinagis niya ito sa secretary niya.
Napayuko na lamang ang secretary niya. Hiyang-hiya ito at natatakot na din. Bakit siya na lang palagi ang pinagbubuntunan nito ng galit? Inabot niya lang naman, hindi naman siya ang gumawa ng mga sales report na kailangan nito.
"Sir, a-ang sabi po kasi ni Mr. P-perez 'yan na daw po 'yong sales ngayong buwa—"
Padabog niyang pinindot 'yong intercom na konektado sa speaker ng buong building.
"Aron Perez, you're fvckin fired. Get out of my building and never show that face of yours." walang emosyon niyang sabi.
Sumandal siya sa sandalan ng swivel chair niya. He pinched the bridge of his nose.
"Get out, Santillan. Get the fvck out!"
Nagmamadaling lumabas 'yong secrerary niya, muntik pa nga itong madapa sa sobrang pagmamadali. Kailangan na kailangan niya ang sales report na 'yon para mapag-aralan niya bago ang meeting kasama ang mga board members.
Puro papeles mula sa ospital ang nilalaman ng folder, hindi sales report.
Maya-maya pa'y biglang bumukas
'yong pintuan ng opisina niya. Iniluwa nito ang empleyado niya--- no let me rephrase that, dati niyang empleyado.
"What are you doing here? Hindi ba't sinabi kong umalis ka na."
"S-sir! Patawarin niyo po ako. Nagkamali lang ako ng naibigay sa folder. Parang-awa niyo na ho, kailangang-kailangan ko ng trabaho. May sakit ang asawa ko't kailangan namin ng pampagamot niy—"
"I don't care about you and your sick wife. Now get the fvck out of here." Putol niya sa sinasabi nito.
Wala ng ibang nagawa si Perez kundi ang umiyak.
"Napakasama ng ugali mo!" sigaw nito bago lumabas ng opisina niya.
Napangisi siya. Walang puso.
Isang linggo na ang lumipas. Wala namang pagbabago. Palagi pa ring mainit ang ulo nito, palaging sumisigaw at sa loob rin ng isang lingggo na 'yon ay singkwentang tao na ang nawalan at tinanggalan niya ng trabaho.
Ang pinaka-ayaw niya kasi sa lahat ay 'yong tatanga-tanga. Maski maliit na pagkakamali ay hindi niya pinapalagpas. Gano'n siya kahigpit at kasama. Wala siyang pakialam sa mga tinatanggalan niya ng trabaho, kasalanan rin naman daw nila. He never listen to their plea's.
Kapag sinabi niyang you're fired, you are fired na talaga. Walang magagawa ang pagluhod, pagmamaka-awa at pag-iyak mo.
Napatigil siya sa pagtitipa nang may kumatok sa pintuan. Iniluwa nito ang sekretarya niya na halatang kinakabahan.
"Sir, nandito na po 'yong mag-aapply bilang sales manage—"
"Paalisin mo." He said.
"Pero s-si—"
"Papaalisin mo o mawawalan ka ng trabaho? You choose, Santillan. " Malamig niyang sabi na siyang ikinaputla ng sekretarya niya.
Kaagad itong napayuko. Halata pa rin ang panginginig nito sa sobrang takot.
"Papaalisin ko na po." Aniya bago ito lumabas.
...
Eris Mesina.
Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako matanggap? Paano kung—argh! Ang nega ko naman! Kaya mo 'yan Eris! Matatanggap ka! Ikaw pa!
"Ms. Mesina."
Napatingin ako sa tumawag sa akin. Siya 'yong secretary nung CEO ng companya na ito. Maganda ito at sa tingin ko ay nasa trenta na ang edad nito.
Ngumiti ako. "Okay na po ba? Magsisimula na po ba 'yong interview?"
"I'm sorry Ms. Mesina pero hindi na matutuloy ang interview."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. H-hindi na matutuloy? Ah baka busy kaya hindi matutuloy.
"Po? Na-move ho ba ang schedule?"
"Hindi, pinapa-alis ka na niya."
Kumunot 'yong noo ko. "Ano po?! Pero hindi ba po pumayag naman po siya? Nagpasa naman po ako ng mga kailangan pero bakit po biglang pinapa-alis ako? "
Napailing ito. "Hindi ko rin alam, basta ang sabi sa akin paalisin daw kita. Kung hindi daw kita papaalisin ay tatanggalan niya ako ng trabaho."
Umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo.Pakiramdam ko rin may lumalabas na usok sa ilong at tainga ko.
"Ano naman pong dahilan niya?! Siraulo po pala yang boss niyo! Pumayag siyang mag-apply ako tapos bigla na lang akong papaalisin?" napatingin ako sa pinto na nilabasan niya.
"Ija, umalis ka na lang. Ayaw kong matanggalan ng trabaho. Isa pa baka marinig ka niya't may gawing hindi maganda sa'yo."
Hindi ako nakinig sa sinabi nito sa halip ay lumapit ako sa pinto at pinagkakalampag ito.
"Wag kang papayag kung hindi mo naman pala gusto! PUMAYAG KANG MAG-APPLY AKO TAPOS PAPAALISIN MO LANG AKO?!" sigaw ko. Tumalikod na ako atsaka naglakad palayo.
"Pasensya na ija." narinig kong sabi ng sekretarya ng Walang hiyang CEO na 'yon.
Hindi naman ako magagalit ng ganito kung walang dahilan. Maraming dahilan kung bakit galit na galit ako sa ginawa niya. Una, pumayag siya kaya umasa ako na magkakatrabaho ako. Pangalawa, pinaghandaan ko talaga ang araw na 'to tapos paaalisin niya lang ako? Pangatlo, kailangan ko ng trabaho dahil may sakit ang tita ko at natanggal sa trabaho 'yong tito ko. Pang-apat, galit na galit ako sa ginawa niya dahil tinanggalan niya ng trabaho 'yong tito ko. Nagkamali lang naman ng ipinasang folder 'yong tito ko pero hindi siya nakinig sa paliwanag nito.
Napakawalang puso niya talaga. Tama nga sila. Masama ang ugali ng may-ari ng kompanyang ito.