HinovelDownload the book in the application

KABANATA 2

KABANATA 2

Eris Mesina

"Tito, mas kailangan niyo po itong pera kaysa sa akin." Umiling si tito sa sinabi ko. Ayaw talaga niyang tanagapin 'yong pera.

"Pamangks, kailangan mo 'yan, isa pa pinaghirapan mong kitain 'yang pera. Ibayad mo na lang 'yan sa utang mo dito sa apartment mo."

Napanguso ako. Kahit kailan talaga si tito. "Mauunawaan naman po 'yon ni manang Mersi atsaka may konting ipon pa naman po ako kaya tito tanggapin mo na po 'to." Inabot ko ulit yung pera.

"Pamangks naman! Mumultuhin ako ni ate at ng papa mo. Ayoko nun! Alam mo naman na takot ako sa multo." aniya. umakto pa si tito na natatakot.

"Mumultuhin ka po talaga nila kapag hindi mo tinanggap itong pera." Natatawa kong sabi. Pwersahan ko nang inilagay sa palad ni tito yung pera. Ibabalik niya sana ulit pero pinigilan ko siya. Pinandilatan ko pa nga ng mata kaya hindi na talaga siya nakapalag.

Bumuntong hininga si tito bago ibulsa ang pera. "Babayaran ko rin pamangk—"

"Huwag na po tito." putol ko sa sinasabi nito.

"Anong wag na? Pamangks! Mumultuhin talaga ako ng ate at ng papa mo!"

Napasampal ako sa sarili ko. Napakaisip bata talaga ni tito. Pinipilit niya pa ring magpatawa kahit na may pinagdaraanan sila ni tita.

"Akong bahala, sasabihin ko sa kanila na wag ka pong multuhin."

Nguuso siya. Ano ba 'to si tito, feel na feel ang pag p-pout, feeling bagets hahaha!

"Sure ka d'yan? Mamaya multuhin talaga nila ako— katakot!"

Natatawa akong tumayo. "Oh siya tito! Uwi ka na, walang kasama si tita do'n pati na 'yong pinsan kong cute. Baka bugbugin ka ni tita, lagot ka."

Bigla siyang napasinghap. "Paktay! Mabubugbog ako ni misis! Sige pamangks! Kita kits— ay teka, bakit pala nakapang-alis ka? Aalis ka ba? Anong oras na ah." Nameywang si tito. Tinaasan pa niya ako ng kilay.

Hindi ko pala nasabi sa kanya na may trabaho na ulit ako at kung anong klaseng trabaho ang meron ako ngayon.

"Papasok po ako sa trabaho."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Anong trabaho? Gabing-gabi na ah— jusko! Pamangks?! Bakit gano'ng trabaho ang pinasok mo—"

"Tito, huwag pong madumi ang utak okay? Sige na to, larga na." Pabiro kong tinulak si tito palabas sa apartment ko.

Wala na rin naman siyang magagawa dahil kailangan niya ng umuwi pero bago siya tuluyang umalis ay pinagbilinan niya muna ako na mag-ingat sa daan at isarado ng maigi ang pintuan ng apartment ko. Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin ako, nakasalubong ko pa si manang Mersi.Kinuha ko na 'tong tiyansa na ito para maki-usap. Lumapit ako kay manang at nagmano.

"Manang." paano ko ba ipapaliwanag kay manang? Nahihiya na ako, ang laki na ng kulang ko sa renta ng apartment.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng paliwanag nang tapikin ako ni manang sa balikat. Nginitian pa ako ni manang kaya nakita ko yung maganda niyang postiso.

"Nuunawaan ko. Nakasalubong ko kanina 'yong tito mo at naipaliwanag na sa akin. Atsaka ka na magbayad kapag nakaluwag-luwag ka na." Aniya. Bigla akong nakahinga ng maluwag. Nakakahiya na talaga. Mabuti na lang talaga at maunawaini at mabait si manang. Mag a-advance na lang ako ng sahod para makabayad kaagad ako

Pinasadahan ako ng tingin ni manang mula ulo hanggang paa. "Ija, saan ang lakad mo? Gabing na ah."

"Sa trabaho po." Napakamot ako sa batok.

"Oh siya, mag-ingat ka sa daan. Iyong binigay ko sa'yo na pepper spray dala mo ba?"

Tumango ako bago tapikin ang shoulder bag ko kung nasaan 'yong pepper spray. "Palagi ko pong dala."

Tinapik ako ni manang sa balikat bago umalis. Napatingin ako sa cellphone ko. Hala! Late na ako!

...

Dalawang oras na ang lumipas pero nakakaramdam na ako ng antok at pagod. Hindi pa kasi ako sanay sa ganitong klase ng trabaho.

Waitress ako sa isang bar, mabuti na nga lang at tinanggap nila ako hindi katulad ng CEO na 'yon na pinaalis ako kung kailan job interview ko na, psh. Nakakainis talaga. Paasa siya! Umasa ako na magkakaroon na ako ng trabaho! Gigil ako sa kanya kung sino man siya! Kapag nakita ko talaga siya ay naku, ewan ko na lang kung anong mangyayari.

Binuhat ko ulit 'yong tray kung saan nakalagay ang mga baso na naglalaman ng iba't-ibang klase ng inumin. Ingay at mausok, iyan ang sumalubong sa akin. Maraming tao ngayon dahil friday, ang iba pa sa kanila ay naka-suot po ng office uniform. Nakakainggit, buti pa sila. Nakapagtapos naman ako ng kolehiyo pero napakamalas ko talaga pagdating sa trabaho, palagi akong hindi natatanggap.

"Eris! Tulungan mo si Klarence doon sa table 23." aniya ng boss namin.

Tumango ako't ipinagpatuloy ang paglalakad ko. Medyo nahirapan pa ako dahil marami akong nakakasalubong. Napatigil ako sa paglalakad nang mag-ring 'yong cellphone ko. Nilipat ko muna sa kaliwa kong kamay 'yong tray bago kuhanin sa bulsa 'yong phone. Nagtaka ako nang makita kung sino ang caller.

Eh? Anong oras na ah? Bakit tumatawag si tito? Sinagot ko na ang tawag.

"Tito?"

[P-pamangks...]

Bakit nanginginig ang boses ni tito?

"Bakit po?"

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

[A-ang tita m-mo...N-nandito kami sa o-ospital ngayon."

Nabitawan ko anghawak kong tray pati na ang cellphone ko sa sobrang panghihina't panginigig. Naririnig ko rin ang pagtibok ng puso ko. Si tita...kailangan kong puntahan si tita. Kailangan nila ako. Humahangos na lumapit sa akin ang isa sa mga katrabaho ko.

"Eris, anong nangyari?

Nanlaki ang mga mata nito ng makita akong umiiyak.

"Anong nangyari?! Bakit ka umiiyak?!"

"K-kailangan kong pumunta sa ospital."

Paulit-ulit siyang tumango. Pinagpaalam niya ako sa manager namin bago ihatid palabas. Siya rin ang nag-tawag ng tricycle na sasakyan ko. Please, huwag niyo pong ilagay sa kapahamakan ang tita ko.

"Kailangan niya ng maoperahan. Kung hindi kaagad iyon mangyayari ay baka mas lalo lang lumala ang sakit niya at ang malala pa, baka lumaki ang bukol sa matres niya."

Iyan ang bumungad sa akin nang makarating ako sa emergency room. Napahilamos ako sa sarili. Anong gagawin namin? Wala pa kaming hawak ni tito na pera pang opera.

"Doc, ihahabol na lang po namin 'yong bayad. Please operahan niyo na po 'yong tita ko." Pagmamaka-awa ko.

Hahanap ako ng isa pang trabaho—hindi, hahanap ako ng mga trabaho. Tatlo o apat, kakayanin ko basta maoperahan lang si tita. Wala na akong pakialam kung maabuso ang katawan ko, ang importante ay ang buhay ng tita ko. I can't bear losing my auntie who took care of me when my parents died. Hindi ko kayang mawalan ulit ng mahal ko sa buhay.

"Kailangan munang mag bayad o kahit downpayment."

Naiyukom ko ang kamay ko. "Ihahabol naman namin yung bayad Doc. Operahan niyo na si tita parang awa niyona. Uunahin niyo pa ba 'yong pera kaysa sa buhay ng tao?"

Hinawakan ako ni tito sa balikat. " pamangk—"

"Ang unfair tito! Pera na lang talaga ang inuuna ng mga tao kesa sa buhay ng iba!"

Galit, iyan ang nararamdaman ko ngayon. Pera, pera! Puro na lang sila pera! Kapag mahirap ka babaliwalain ka lang. Humingi ng paumanhin yung doctor bago kami iwan. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapa-upo sa sahig. Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang galit.

"Pamangks, ako ng bahala. Sisiguraduhin kong maooperahan ang tita mo. Mag m-macho dancer ako sa nightclub malapit sa bahay nami—"

"Tito! Wag kang ganyan!"

Natawa siya sa reaksyon ko. "Pamangks! Pinapatawa lang naman kita. Oh siya tumayo ka na diyan puntahan na natin ang maganda mong tita." He said with a smile.

Alam kong pilit lang ang tawa at ngiti ni tito. Nasasaktan siya at alam kong nahihirapan din siya.

...

Third person's Point of view.

Napasinghap ang lahat nang makita nila ang boss nila na putok ang ibabang labi at may sugat sa pisngi. May iilang pasa din at magulo ang suot nitong suit. Ano nga bangnangyari? Nakipagbasag ulo lang naman siya sa dati niyang investor. Tinanggalan niya ito ng karapatan sa kompanya niya at ibinalik ang in-invest nitong pera. Masyado kasi itong pakialamero. Kala mo ang laki ng in-invest. Ang lakas pa ng loob na sugurin siya sa mismong harap ng kompanya niya. Pasalamat 'to at hindi niya 'to pinuruhan, sinuntok niya lang ito ng paulit-ulit, sinigurado niya na ilang buwan itong hindi makikilala. Napangisi siya.

Nasa kalagitnaan ng meeting si Alexius at kasalukuyan niyang sinisigawan ang mga empleyado niya na nag p-presenta ng mga powerpoint. Palagi naman siyang nakasigaw, hindi pa ba sila nasasanay?

"This is stupid. What kind of idea is this? Huh Ms. Delevega?! Sasayangin ng proyekto niyo ang pera ng kompanya."

Natahimik ang lahat. Padabog na ibinaba ni Alexius ang folder. Walang kwentang ideya't presentasyon!

Naputol ang katahimikan nang bumukas 'yong pinto. Iniluwa nito ang Mama niya— ang lola niya. Malalaking hakbang ang ginawa nito palapit sa naka-upong Alexius. Rinig na rinig ang paglapat ng takong nito sa sahig na kahoy.

Napatayo siya sa sobrang gulat. "Mama, what are you doing he—"

Isang napakalakas na sampal ang pumutol sa sinasabi niya. Naibaling pa niya sa ibang direksyon ang kanyang ulo sa sobrang lakas ng pagkakasampal sa kanya. Hindi lang siya ang nagulat sa ginawa ng lola niya, pati na ang mga empleyado niya.

"Hindi kita pinalaking ganyan Leonardo!"

"W-what are you saying mama?"

Nagulat siya nang paghahampasin siya ng lola niya. She even pulled his hair kaya napadaing siya sa sobrang sakit. Parang matatanggal 'yong anit niya sa sobrang lakas ng pagkakahatak nito. Mas masakit pa 'to kaysa sa pakikipagbasag ulo niya sa ex-investor niya! Seryoso! Legit 100 percent!

"M-mama?! What the hell?"Napahawak kaagad siya sa ulo niya nang bitawan siya nito. Pakiramdam niya natanggal lahat ng buhok niya.

"Napakasama mo! Wala kang puso! Paano mo nagawa 'yon?! Tinanggalan mo ng trabaho si Mr. Perez and because of you hindi niya maipagamot ang asawa niya! Inatake ang asawa niya at muntik na itong mamatay! It's all your fault Leonardo" Dinuro-duro siya nito. Bakas sa boses nito ang sobrang galit.

"It's not my fault Mama. Hindi ko kasalanan na nagkasakit ang asawa niy— "

Napatigil siya ng sampalin ulit siya ng kanyang lola, but this time mag-asawang sampal na ang natanggap niya. Isa sa kaliwa, isa sa kanan. Dinagdagan pa nito ng isa pang sampal para may kabit na.

"It's not your fault pero kasalanan mo kung bakit hindi niya nagawang ipagamot ang asawa niya! Stop hurting people Leonardo! Stop being a heartless man!" Bakas sa mukha nito ang lungkot at sakit. Hindi na niya kilala ang apo niya, ang Leonardong ipinalaki nila ng yumao niyang asawa.

"I don't even know you anymore Leonardo. hindi na kita kilala. Sana hindi ka na lang lumaki. Sana nanatili ka na lang sa pagkabata na walang kamuwang-muwang at hindi kayang manakit ng tao."

Tila binuhusan siya ng napakalamig na tubig ng marinig ang sinabi ng kanyang lola. Ni hindi niya nga rin namalayan na umalis na pala ito. Nanatili lamang siyang nakatayo at tulala. Sobrang sakit ng sinabi nito. Tagos sa puso ang bawat salitang itinuran ng lola niya, ng taong nagpalaki sa kanya.

Inangat niya ang kanyang ulo at tiningnan lahat ng empleyado. Nagbubulungan ang mga ito kaya mas nadagdagan ang galit na nararamdaman niya.

"All of you are fired! Pack your things and leave!" Sigaw niya.

Nalaglag ang mga panga at balikat nilang lahat. Nag-unahan pa silang lumabas nang sipain ni Alexius 'yong swivel chair na siyang naging dahilan para matumba ito.

Sana, sana nanatili ka na lang sa pagkabata na walang kamuwang-muwang at hindi kayang manakit ng tao.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free