HinovelDownload the book in the application

Chapter 9 9

Dumiretso ako sa classroom nila. Sabi ko kasi ay sabay kaming uuwi ngayon pero kanina ko pa siya tinetext hindi siya nag rereply.

Papalapit na ako ng makita ko ang dalawang tao na magkalapit at parang dinurog ang puso ko ng mapagtantong si Shanti iyon at ang gunggong na si Cian.

Nanginginig ako sa selos, lalo na ng makita kong hinalikan nong Cian si Shanti sa Noo at pisngi pagkatapos ay niyakap! Fuck. Hindi agad ako nakalapit dahil nakita ko kung paano siya ngumiti at tumawa sa gago na iyon. Tumalikod sila at nakita ko kung paano siya akbayan ni Cian.

Ako lang dapat eh. Ako lang dapat ang nginingitian niya ng ganon.

Aalis na dapat sila ng tawagin ko si Shanti at hinila ang kamay niya na ngayon ay hawak na ng Cian na yon.

Matalim kong tinitigan si Cian at nagsalita.

"Huwag kang susunod." Mariin kong sabi pero ngumisi lang ito sa akin.

Sasapakin ko na sana ito ng may pumigil sa aking kamay.

"Okay lang ako Cian." Si Shanti at siya na ang humatak sa akin papunta sa kotse ko.

Nangmakapasok kami sa kotse ay agad akong nagsalita.

"Why the hell did you fucking let him kissed you?!" Gigil na sabi ko rito pero tinitigan niya lang ako. Fuck.

"It's just a friendly kiss! At sa cheeks lang naman iyon! Cian always do that at nasanay na ako!" Fuck. That was hurt.

Lagi palang ginagawa ni Cian iyon sa kanya eh.

Pero bakit kapag ako ang hahalik ayaw niya?

"Nasanay kana? Tangina naman Shanti! Hindi naman ata tama na mag papahalik ka sa Cian nayon dahil may boyfriend ka na! At bakit kapag siya okay lang na halikan ka in public bakit pag sa akin ayaw mo?! Nakakahiya ba akong kasama? Kinakahiya mo na ba ako?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapasigaw.

Ang sakit na sakanya mismo nanggaling iyon. Kahit pa sa pisngi lang iyon masakit parin.

"Hindi kita kinakahiya! Pwede ba? Ikaw naman ang may gusto non diba?! Na huwag na akong maging mahigpit o clingy at bawasan ko ang pagiging selosa o possessive ko? Sinusunod naman kita ah, hindi na nga kita pinapakialaman eh. Kapag ba may lumalapit sayong babae nagseselos ba ako?! At pinaghihinalaan ba kita?! Diba hindi naman?! kaya huwag mo akong pakialaman kay Cian dahil wala kaming ginagawang masama. Ito naman talaga gusto mo diba? So ano pang pinuputok ng butchi mo diyan? Ginagawa ko lang maman ang gusto mo!" Ang sakit. Hindi ako nakaimik dahil tama naman siya eh. Ako naman ang nagsabi non sa kanya, ginagawa niya lang kung ano daw ang gusto ko. Pero God knows na hindi ko sinasadyang sabihin ang mga iyon at kung sa tingin niyo ay sadya, pinagsisihan ko na iyon. Kung gusto ko iyon mangyari bakit nasasaktan ako ngayon?

"Bakit ba nagkakaganyan ka?! Muntik mo nang sapakin si Cian kung hindi pa kita napigilan! Paano nalang kung nasapak mo siya hah?! Masyadong makitid yang pag iisip mo!" Hindi ko na ata kaya pakinggan ang susunod niyang sasabihin, napatakip ako ng aking mga palad sa aking muka. Lalaki ako pero lahat naman siguro ng lalaki pwedeng umiyak kapag nasasaktan na diba?   

Putangina! Ang sakit sakit! Naguunahang nagsilabasan ang mga luha ko at nagsimula ng umalog ang mga balikat ko.

"S-syn…" Hindi ako umimik at hinayaan siya. Nahihiya ako sa kanya dahil kasalanan ko naman kung bakit siya nagkakaganito eh.

Ako ang nagsira sa relasyon namin. Ako…

"S-hanti…" "I-it's fucking hurt…" Nanginginig ang aking mga boses. Sa kanya ko lang naman naipapakita ang kahinaan ko, ang tunay na Syn kapag walang Shanti.

Dahil siya lang naman ang kahinaan ko eh. Wala ng iba.

"Tao lang din naman ako, nasasaktan nagsisisi nanghihinayang at nagkakamali…" Tinitigan ko siya at hindi na nagabalang punasan ang mga luha ko.

"Shanti…  I don't know what to do anymore… Ang sakit eh, minsan naiisip ko kung para sa akin ka ba talaga Do I deserve you or should I let you go? Naguguluhan na ako dahil sa tuwing iiyak ka, naiisip ko na karapat dapat ba ako sayo? dahil hindi kita napapasaya. Sa tuwing ngingiti ka kasama siya naiisip ko na pakawalan ka nalang dahil baka nga hindi tayo para sa isat isat dahil hindi kita magawang pasayahin o pangitiin kagaya ng ginagawa niya, na baka siya talaga ang karapat dapat sayo at mahal mo…" Napabuntong hininga ako dahil sobrang naninikip na ang dibdib ko. Lumuluha narin siya at napayuko ako.

Nasasaktan ko nanaman siya. Umiiyak nanaman siya… Ang sakit. Mahal na mahal ko si Shanti at hindi ko kayang nakikitang nagkakaganito ng dahil sa akin.

"S-syn…" Nanginginig narin ang boses niya.

"K-kung m-mahal mo na siya at ayaw mo na sa akin handa akong pakawalan ka para sa kaligayahan mo. Dahil ayokong nakikita kang nasasaktan ng dahil sa akin." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Handa akong masaktan para lang lumigaya siya dahil hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan ng dahil sa akin… Mahal na mahal ko siya.

"G-go… kung gusto mo na siya puntahan okay lang sa a-akin…" Napaluha ako ng sabihin iyon. Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman. Para akong hindi isang lalaki.

Kaya kong gawin lahat mapasaya lang siya… Kung si Cian ang kaligayahan niya ayos lang sa akin… Kahit sobra akong masasaktan sa desisyon ko ayos lang mapasaya ko lang siya. Mahal na mahal ko si Shanti… sobra.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free