HinovelDownload the book in the application

Chapter 10 Huli

Syn.

Nakatingin ako kay Shanti at Cian na masayang nag uusap ngayon.

Napabuntong hininga ako at napayuko, masaya silang nag tatawanan at nag aasaran na parang walang Syn sa mundong ito.

Tumayo ako at lumayo muna sa kanila.

It's been a years. Matagal tagal na rin pala simula nung mangyari ang pag uusap namin ni Shanti sa aking sasakyan. Napatulala ako at inalala ang nangyari nong gabing iyon.

"S-syn..." Nanginginig narin ang boses niya.

"K-kung m-mahal mo na siya at ayaw mo na sa akin handa akong pakawalan ka para sa kaligayahan mo. Dahil ayokong nakikita kang nasasaktan ng dahil sa akin." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Handa akong masaktan para lang lumigaya siya dahil hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan ng dahil sa akin... Mahal na mahal ko siya.

"G-go... kung gusto mo na siya puntahan okay lang sa a-akin..." Napaluha ako ng sabihin iyon. Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman. Para akong hindi isang lalaki.

Lalo akong nanghina ng lumabas siya sa aking sasakyan.

Napatakip nalang ako sa aking muka at humagulgol, putangina! Bakit ganito magmahal napakasakit! Hindi ko ata ito kaya... Mahal na mahal ko si Shanti.

Ilang minuto pa akong ganoon ng maramdaman kong bumukas ang pinto ng driver seat.

At nagulat ako ng maramdaman kong may kumandong sa akin at niyakap ako ng napakahigpit.

Natanggal ko ang aking mga palad na tumatakip sa luhaan kong mga mata at nakitang nakayakap sa aking ang babaeng pinaka mamahal ko.

Naramdaman kong basa ang aking leeg at nanginginig ang mga balikat nito sa kaka hikbi.

"Shanti..." Hindi makapaniwalang bulong ko.

Ang mahal ko! Nandito siya!

"S-sorry Syn... Sorry baby sorry." Umiiyak na sabi nito. Agad na pumulupot ang mga kamay ko sa bewang niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Sorry din baby ko... Mahal na mahal kita. Hindi kita kayang ibigay sa kanya ayoko akin kalang mahal ko." Malambing na bulong ko sa kanya at hinaplos ang buhok niya.

"Sayo lang din ako baby, hindi ako papayag na sumuko ka. Si Cian kaibigan ko lang talaga siya. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko pangako." Iniharap ko ito sa akin at pinunasan ang basang basang pisngi nito. Tinitigan ko siyang mabuti.

"Sorry baby sa mga nasabi ko... I didn't mean it. I was just so stupid to say those fucking harsh word to you baby. I love you please kung nagseselos ka wag mo nang pigilan kung gusto mong ipakita sa lahat ng babae na iyo lang ako ayos lang, kung gusto mo araw araw tayong mag tetext at mag tatawagan, gusto ko ipakita mo ang totoo mong nararamdaman dahil ayokong nakikita kang nahihirapan just be yourself baby. I want my possessive jealous girlfriend back. I loved you and I will always love you Shanti ko." Tumango tango siya, hinawakan ang dalawang pisngi ko.

"Sorry din Syn, Nagkamali rin ako. Alam ko namang nakakasakal ang mga ginagawa ko sayo pero pangako simula ngayon alam ko na ang limitasyon ko. May tiwala ako sayo isa lang akong praning na babae. Mahal kita... Mahal na mahal, sorry sa mga nagawa kong kasalanan sayo sa mga nasabi ko, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko habang buhay. Pangako. I love you baby..." Naiiyak na sabi nito at siniil ako ng isang magaan na halik na agad kong tinuhunan, hanggang sa lumalim.

Napaungol ako sa sarap. Naramdaman kong may nabubuhay sa akin at hindi ko hahayaan na mangyari ang gusto ng katawan ko.

Huminto ako sa pag halik sa kanya at pinagdikit ang mga noo namin.

Gumalaw siya sa ibabaw ko kaya napahiyaw ako. Fuck.

"Stop it baby..." Ngumisi lang ito sa akin.

"Okay po." Sabi nito at hinalikan ulit ako.

Hinalikan ako nito sa Noo "This is mine." Sa mata "Mine." Sa pisngi "Mine" at sa labi "Mine alone." Pinigilan ko ito at humalakhak.

"Nakakarami kana baby." Ngumingising sabi ko sa kanya pero gumalaw lang ulit ito sa ibabaw ko.

"Fuck!" Napahalakhak ito sa itsura ko.

"Baby stop it! Alam mo namang hindi ko kukunin sayo ang bagay na iyon hanggat hindi pa tayo kasal." Malaki ang respeto ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Alam ko baby... Alam ko na hindi mo pa kukunin iyon, kilala kita at alam kong malaki ang respeto mo sa akin, kahit pa na tayong tayo na ang bagay na inuupuan ko ngayon ay alam kong titiisin mo ito para sa akin." Ngumingising sabi nito. Kaya napangiti ako.

"Oo kaya ikaw, huwag mo na siyang galitin lalo, baka di na talaga yan makapag pigil." Agad siya umalis sa pagkakakandong sa akin. Mabilis niya lang nagawa iyon dahil pa side lang maman siyang nakaupo sa akin.

Lumabas din ako ng kotse ko at niyakap siya.

Nagulat ako ng bigla ako nitong hatakin papasok ulit sa university at dinala sa field na kung saan maraming estudyanteng nakatambay.

"Si Syn ay para kay Shanti lang! At si Shanti ay para kay Syn lang." Sigaw nito kaya napatingin sa amin ang ibang mga estudyante lalo na ang mga babae na nag simula nanamang nagbulungan.

'Nako ayan nanaman si Shanti.'

'Alam na namin yan! Pero mas bagay talaga kami ni Syn.' Napatingin siya sa babaeng nag sabi non.

"He's fucking mine back off bitch!" Mariing sabi nito sa babae.

'Oo na sayo na! Possessive talaga.' Napangisi ito sa mga bulong bulungan na rinig naman namin lalo na sa huling salita.

Humarap ito sa akin at agad na umakap sa batok ko at siniil ako ng isang malalim na halik. Halik na agad kong tinugunan.

Wala akong pakialam kung maraming makakita.

Ito ang Shanti ko, Shanti na hindi nahihiya na halikan ako kahit saan. Shanti na ipinagmamalaki ako. Shanti na lalambitin at laging nakaakap sa akin. Shanti na proud na ako ang boyfriend niya.

Siya si Shanti, ang babaeng mahal ko. Ang babaeng mahal na mahal ni Syn.

"You are mine." Shanti.

"Yes baby I'm yours at akin ka lang din." Bakas sa mga mata namin ang saya.

"I love you Syn ko." Malambing na sabi nito sa akin.

"I love you too my possessive jealous girlfriend." I said then kissed her again.

Naputol ako sa pag iisip ng maramdaman kong may yumakap sa aking likod.

Amoy palang alam ko na kung sino ito.

"Baby..." Humarap ako sa kanya at niyakap din siya.

"Tapos na kaming mag usap mahal ko." Napasimangot naman ako ng makita ang nakakaasar na muka ni Cian. Nakakabwisit talaga ang mga ngisi nito.

"Hey Love bird's, gotta go bye." Kumindat pa ito at lumabas.

Hahalikan ko na sana si Shanti ng bumukas ulit ang pinto ng bahay namin. Sumilip ang ulo ni Cian at kumindat ulit.

"And enjoy!" Bago pa ako makapagsalita naisara na nito ang aming pinto.

"Bwisit talaga iyang Cian na iyan." Humalakhak lang ito sa akin.

Muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Sobra ko talagang mahal ang babae na ito.

"Huwag ka nang mainis kay Cian. Ikaw talaga kahit kailan parang bata." Tiningnan ako neto sa mga mata ko at malambing na nginitian.

"Love you mahal ko." Madamdaming sabi niya sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at hinalikan siya.

"I love you too Shanti ko... I love you my Possessive Jealous wife."

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free