HinovelDownload the book in the application

Chapter 7 7

Shanti.

Nagising ako ng dahil sa taong nag do-doorbell na hindi ko alam kung sino.

Inis akong napasambunot sa aking buhok dahil sa antok na nararamdaman.

Pupungaspungas akong bumaba at naglakad sa aming gate.

Binuksan ko ito at halos mawalan ng hininga sa taong nakikita ko sa harap ko ngayon.

Pukingina!

Joskolord ako po'y inyong patawarin sa aking maagang pagmumura pero po kingina kasi nang taong nasa harapan ko ngayon.

Siya po ay hayop sa kagwapuhan.

Siya po ang lalaking mahal ko ngunit ako'y itinaboy iniwan at sinaktan lamang.

Sinara ko ulit ang aming gate, nag babakasakaling ako'y nananaginip lamang at tulog pa.

Pero nagising ang lahat ng dapat magising sa akin ng makarinig ng boses na nanggagaling sa labas.

"Shanti…" Sa sobrang kaba at gulat pati ata muta kong tuyo ay nagulat kaya nalaglag ito sa aking nakangangang labi. Jusko po. Ang sarap.

Ay este ang saklap.

Ano ang aking gagawin? Bakit ba kasi siya nandito? Anong ginagawa niya kainis naman oh. Hindi pa ako nag to-toothbrush at alam kong masaklap ang amoy neto.

Huminga ako ng malalim at muling binuksan ang aming gate.

Nakaharap ko ang miserable niyang muka. Ang gago mukang tanga!

Maluha-luha itong nakatingin sa kawalan.

Pero agad ding napabaling sa akin ang tingin ng marinig niyang binuksan ko ang gate namin.

"Shanti…" Pumasok ito sa amin at akmang yayakapin ako ng pigilan ko ito. Seryoso ko itong tiningnan.

"What are you doing here?" Mahina at mariin kong tanong sa kanya.

"Nandito ako para humingi ng tawad sayo, please sana patawarin mo ako…" Nagmamakaawang sabi ko nito.

"At bakit ko naman gagawin iyon? Pagkatapos mo akong iwan, pagsalitaan ng masasakit na salita at pag-palit pupunta ka rito para humingi ng tawad? Well tangina mo kahit kantahin mo pa ang sorry ni Justine bieber hindi ko yan tatanggapin." Gigil na sabi ko rito. Tangina niya talaga naiinis ako sa kanya! Naalala ko si Reya, alam kong mabait si Reya pero doon ako pinagpalit ng gagong to eh. Ang sakit eh sobra.

"Babe naman… Please patawarin mo ako… Nabigla lang naman ako." Napangisi ako.

"Nabigla? Tanginang rason yan!" Gigil na sabi ko rito, nabigla siya? Aba ang sarap niya namang sapakin kung ganon.

"Babe… Hindi ko sinasadya yung mga nangyari, pinag sisihan ko na, mahal na mahal kita eh…" Sinampal ko ito. Isang dragon na sampal.

"Ay sorry nabigla rin ako." Namumula at napabaling sa kaliwa ang pisngi niya ng dahil sa Dragon with apoy kong sampal.

"Para saan pa iyang sorry mo? Ha?!" Inis na taong ko sa kanya pero malungkot lang itong tumingin sa akin at yumuko, maya maya lang ay narinig ko ang mga hikbi niya.

Gulat na gulat akong napititig sa kanya, totoo ba ito? Umiiyak siya sa harap ko? Hindi ko alam pero kumikirot ang puso ko. Ayoko siyang nakikitang ganyan.

Mahal ko siya eh. Mahal ko pa siya…

Unti unti itong lumuhod sa harap ko at niyakap ang bewang ko.

"S-sorry… sorry kasi gago ako sorry kasi sinaktan kita sorry kasi napaiyak kita sorry kasi iniwan kita I'm sorry for being a jerk b-babe… M-mahal na mahal kita." Hindi ako umimik at hinayaan lamang siya.

"Miss na miss na kita eh, I miss your eyes your nose your lips, I miss the whole you I miss everything about you… I miss this wonderful feeling that you only have ever given me. Sa tuwing nakikita kita naiisip ko lahat ng mali ko, sa tuwing nakikita kitang masaya kasama yung lalaking yun nasasakan ako, naiisip ko na kaya mo nang mag isa ng wala ako na kaya mo nang maging masaya ng wala ako. Its hurts really bad, Its hurts seeing you happy without me, it's hurts to not be the reason why you smile… I still love you Shanti… I love you with all my heart, I love you more than I ever loved anyone. Ikaw parin Shanti… Ikaw parin yung tinitibok ng puso ko ikaw parin yung hinahanap hanap ko ikaw parin… Ikaw parin yung iniisip ko umagat gabi, Ikaw parin yung mahal ko. Ikaw parin…" Umiiyak na pahayag nito, hindi ko rin maiwasang hindi maiyak.

"Syn…" Bakit nga ba kailangang matapos ang lahat? Hindi ko alam…

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Masakit parin eh, masakit na agad niya akong ipinag palit. Masakit na baka nandito lang siya sa harapan ko kasi baka hiwalay na sila ni Reya at gagawin niya akong isang panakip butas.

"Patawarin mo ako Shati… Parang awa mo na. Kaya kong ipaliwanag lahat." Sabi nito habang nakaluhod parin, isa lang naman gusto kong marinig sa kanya eh. Gusto kong malaman kung ano so Reya para sa kanya, kung mahal niya ba ito o kung sila pa. Kinakain na ako ng insecurities ko.

Kapag narinig ko ang gusto kong marinig, papayag na akong kantahin ni ang sorry ni Justine Bieber at paoatawarin ko talaga siya.

Mahal ko eh. Mahal na mahal…

"Bakit ka nandito? Dahil ba hiwalay na kayo ni Reya?" Mahinang tanong ko rito.

"Hindi. Hindi kami mag hihiwalay." Nasaktan ako sa sinabi niya kaya Marahs kong tinanggal ang pagkakaakap niya sa bewang ko at tinulak siya palayo. Tumulo ang mga luha ko. Ang sakit.

"Hayop ka! Kung ganon ano pang ginagawa mo dito?! Pag sasabayin mo kami?!" Tumayo ito kaya pinagpapapalo ko ang dibdib niya. Pero hinuli niya ang mga kamay ko at hinapit ako sa bewang.

"Hindi kami mag hihiwalay dahil una sa lahat hindi naging kami." Napatigil ako sa narinig at mas parang tumigil ang mundo ko sa sumunod niyang sinabi.

"At pangalawa pinsan ko siya." P-pinsan? Pinsan niya lang si Reya? Oh my god!

"Anak siya ng pinsan ni Mama kaya hindi mo siya kilala, kahit itanong mo pa kay mama at sa lahat ng mga kamag anak ko." Tulala parin ako.

"At pangatlo, hindi kita niloloko loyal ako sayo dahil mahal na mahal kita." Niyakap niya ako ng napakahigpit at ganon rin ang ginawa ko. Oh god.

"I love you Shanti…" Tumango tango lang ako sa kanya habang mangiyak ngiyak parin. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa nalaman.

Humiwalay siya sa akin upang hawakan ang aking dalawang pisngi. Unti unti niyang nilalapit ang kanyang muka sa akin at agad akong naalerto. Tinulak ko agad ang muka niya dahil alam kong hahalikan niya ako.

"Bakit?" Gulat na tanong nito. Umiling iling ako sa kanya.

"Hindi pwede hindi pako nag to-toothbrush." Napahalakhak ito at niyakap ako.

"Kaya pala ganoon ang amoy." Pang aasar nito, hiningahan ko ang palad ko at hindi naman masyadong mabaho. Hindi naman nakakamatay.

"Asar ka!" Pero hinigpitan lamang neto ang yakap sa akin.

"Hayaan mo na mahal parin kita kahit hindi ka mag toothbrush ng isang taon." Napahalakhak ako at niyakap din siya.

"I miss you too." Sabi ko rito at pumikit.

"So tayo na ulit?" Tumango tango ako sa sinabi niya at agad niya akong binuhat at inikot ikot.

"Yes! I love you Shanti!" Humalakhak lamang ako sakanya at niyakap siya ng napakahigpit.

Alam kong ayos na kami, pero alam ko ring may magbabago na… May mga kakatakutan kami, may iiwasan. Maraming magbabago sa aming relasyon gawa ng nangyari. Kahit magbati man kami ngayon alam kong hindi na ito ulit magiging kagaya ng dati. Alam kong hindi na… 

A/N

Oh guys! Paalala lang po short story lang ito, baka sabihin niyo easy to get si Shanti ah. May mga pagdadaanan pa sila wag kayong magalit sakin kung mabilis niyang pinatawad si Syn ganyan talaga ang nagagawa ng pag mamahal. :*

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free