HinovelDownload the book in the application

Chapter 3 3

"Okay class dismissed." Ani ng aking Prof.

Agad akong tumayo at lumabas ng classroom.

Isa akong fashion designer 20 years old.

Nagulat ako ng may makabangaan ako, pag tingin ko si Brianne pala ang isa sa mga kinakatakutan dito.

Bitch siya sa bitch pero alam ko mabait ito.

"Sorry..." Nakayukong sambit ko. Ngumiti ito sa akin.

"Okay lang." Tumango lang ito at umalis na dahil tinatawag ata ito nf masugit niyang manliligaw na si Jayce Scott. Ang swerte niya sa lalaking iyon kung sakali.

Habang nag lalakad ako hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga nangyari.

Halos apat na araw na rin iyon nang yari.

Hindi niya ako sinuyo at hindi siya nag sorry.

Wala lahat, siguro nga wala na. Wala na talaga.

"Hi Syn!" Napaangat ako ng tingin ng matanaw ko si Syn at si Reya na magkasama at mga kababaihan na madalas lumandi kay Syn noon kahit kasama pa ako nito.

Dati kapag ako kasama nito hinahatak ko agad si Syn palayo at niyayakap.

Pero si Reya? Hinayaan niya lang itong landiin ng iba. Kahit na magkahawak sila ng kamay, ang sakit.

Ito ba ang gusto niya? Na kapag kasama dapat siya hindi ka mag seselos?

Nagsalubong ang tingin naming dalawa. Wala akong pinakita na kahit anong emosyon sa kanya.

"Ohh. Nandito pala ang girlfriend himala hindi ka ata selosa at possessive ngayon? Anyare? At bakit si Reya kasama mo Syn?" Narinig kong tanong ng isa.

Wala akong makitang kahit anong emosyon sa mata niya. Hindi ako nag salita sa sinabi ng babae.

Girlfriend? Girlfriend pa ba akong matatawag kung may ka holding hands ito?

Hindi na. Wala na kami... Kahit wala siyang sinabing break na kami.

Para sa akin wala na. Tinapon na niya ako at pinagpalit sa iba.

"Ehem!" Agaw atensyon ni Reya sa amin. Tumingin ito kay Syn at ngumiti, ngumiti rin sa kanya ang dati kong nobyo.

Humarap si Syn sa mga babae at pinakita ang kamay nila ni Reya na magka-holding hands.

"Wala na kami ni Shanti at kami na ni Reya." Nakangiting pahayag nito sa mga babae na ikinadurog ng puso ko.

Ang bilis naman niyang maka-move on at makahanap ng iba.

Gulat na gulat ang mga babae.

"OH MY GOD! Wala na kayo ng Possessive girlfriend mo?!" Gulat na tanong nila.

Lumakad na ako at madadaanan ko sila kaya rinig na rinig ko ang sinasabi nila.

"Impossible!"

"God! Hindi yan papakawalan ni Shanti-possessive!"

Napadaan ako sa kanila at nakatitigan ko ito sa mata.

Wala akong ipinakitang kahit anong emosyon sa kanya at ganon din siya.

Ang sakit pero kailangan kong mag pakatatag.

Umiwas ako dito ng tingin at walang lingon likod na umalis.

Ang bilis niyang maka move on at agad na may ipinalit sa akin.

Apat na araw palang eh. Apat.

Hindi ata uso sa kanya ang 3 month rule.

Napatawa ako ng mapakla, two years. Tinapon niya ang two years namin para lang sa babaeng hindi marunong mag selos at hindi siya pag hihigpitan.

Nakakapagod, makaka move on din ako. Pangako...

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free