HinovelDownload the book in the application

Possessive Girlfriend

Gettegettes
7.0K · Completed
7.0K
Views
10
Chapters
7
Ratings

Summary

"Yes I get jealous alam mo kung bakit? Because what's mine is mine! Dahil minsan naiisip ko na baka maagaw ka na ng iba ...

TeenTrue LoveStudentCEO

Chapter 1 Simula

Prologue.

"Pwede ba?! Tama na! Ayan ka nanaman sa pag seselos mo! Puro ka selos selos! Wala namang dapat ika-selos! Fuck! Alam mo nakakagago na eh, Nakakasakal kana! Lahat nalang dapat ipa alam sayo kung saan ako pupunta kung sinong kasama ko kung sinong nagtetext sa akin! Tangina naman! Bakit lahat nalang dapat ipa alam sayo? Girlfriend lang naman kita! You're just my Possessive jealous girlfriend nothing more." Napahawak ako sa dibdib ko, ang sakit sa sobrang sakit napaluha nalang ako. Hindi ko akalain na magagawa niya akong sigawan sa harap ng barkada niya. Akala ko.. akala ko hindi niya ako magagawang pahiyain sa mga barkada niya. Pero wala! Nagawa na niya. And I'm "just" his possessive jealous girl friend? Just huh? Masama ba? Nakakasakal na ba? Nakakasawa na ba? Mahal ko lang naman siya kaya ako ganito eh.

"Please lang tigilan mo na ito. Just stop nagging me! Mas maganda pang si Reya ang kasama ko eh, tahimik lang lahat ng gusto ko ayos lang sa kanya pero ikaw? Kapag gusto ko ayaw mo! Gusto mo lagi nalang ikaw ang nasusunod. Kapag may kausap na barkadang babae mag hihinala agad! Ganyan ka ba talaga ka? Napaka bossy napaka selosa napaka-"

"S-stop." Hindi ko na kaya eh, masyado na siyang maraming masasakit na salita na nasabi. Sobra na eh.

"Ganyan pala ang tingin mo sa akin? So ayaw mong nag seselos ako?! Babae ako kaya may karapatan akong mag selos lalo na kung mahal mo ang isang tao! At inamin mo ring nag kakasama kayo ni Reya? Alam mo namang may gusto sayo si Reya pero dikit ka parin ng dikit! Dati tanong ako ng tanong sayo kung nakakasama mo siya pero ikaw lagi mo nalang itinatanggi! Syn naman! I just want you to be honest with me dahil ayokong naglilihim ka kasi diyan nasisira ang relasyon." Humahagulgol ma sabi ko sa kanya. Pero ngumisi lang siya at dinuro ako.

"Ayan! Ayan ka nanaman! Tamang hinala! Palagi ka nalang ganyan nakakasawa na yung pag uugali mong yan eh! Alam mo mahal kita pero hindi ko na alam kung kaya pa kitang pag tiisan at pakisamahan." Napahikbi ako sa sinabi niya.

"I just want you alone Syn. Mahal kita eh, I'm just jealous kasi feeling ko aagawin ka niya sa akin. Mahal na mahal kita eh." Napaluhod na ako sa kakaiyak pero parang wala siyang pakialam at tinignan lang ako. Nakita ko ang mga barkada niya na papaalis at hinayaan kami dito.

"Punyetang pag seselos yan! Just stop it!"

"Yes I get jealous alam mo kung bakit? Because what's mine is mine! Dahil minsan naiisip ko na baka maagaw ka na ng iba sa akin kaya ipamumuka ko nang akin ka! Akin ka lang!" Humahagulgol na sabi ko sa kanya. Pero imbis na matuwa siya sa sinabi ko lalo lang itong nagalit. Napayuko ako. Mahal niya ba talaga ako? O assuming lang ako.

"Mahal? Tanginang pagmamahal iyan Shanti Hailey! Kung ang makakapagpahinto ng pagiging selosa mo ay ang pagbawas ng pagmamahal mo sa akin. Please lang pakibawasan. O kung gusto mo Just stop loving me! Stop caring about me!" Napatulala ako sa sinabi niya.

That's it! Alam ko na kung saan tutungo ang usapang ito. Tumulo ng tumulo ang luha ko, nakatitig lang ito sa akin na parang wala lang ang sinabi niya. Tinitigan niya lang ako kung paano ako masira dahil sa sinabi niya. Napa ka sakit.

"S-stop loving you?" Tiningnan ko siya, tingin na punong puno ng lungkot at sakit.

"Is that what you want? Me stop loving you me stop caring about you? Fine! Gusto mo nang tahimik na girl friend kagaya ni Reya? Puta bakit hindi nalang siya ang syinota mo?! Tutal naman I'm just your possessive girl friend not your wife anytime pwede mo akong hiwalayan dahil nga selosa ako at nakakasawa. Fine." Wala itong imik at tinitigan lang ako na parang walang pakialam.

Napahikbi ako at nag salita.

"I'm Sorry... Sorry kasi gusto ko lagi kitang nakikita, sorry kasi lagi kitang iniisip, sorry kasi nagagalit ako kapag hindi kita nakikita, sorry sa kagustuhan kong nandito ka lang lagi sa tabi ko, sorry kasi napakahigpit ko sayo, sorry kasi nag seselos ako kapag may kasama kang iba, sorry kasi gusto ko ikaw na ang huli, sorry kasi nakakairita na ako, sorry kasi sawa kana, Sorry for wanting you to be mine. Sorry cause I just want you to be my last and I'm sorry for loving you too much... I'm sorry..." Wala itong imik, wala akong narinig na kahit ano na nagpasakit lalo sa nararamdaman ko.

Unti unti akong tumalikod sa kanya. Pero bago pa ako makatalikod sa kanya nakita ko siyang nag iwas nang tingin at tiningnan ang papalapit na si Reya.

"Syn!" Narinig ko pang bati niya kay Syn at narinig ko ang tugon na bati nito. Buti pa sa kanya may tugon sa akin na ang haba ng sinabi wala...

Tumalikod na ako. Halos hindi ako makalakad sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Hindi niya ako hinabol, hindi niya tinawag ang aking pangalan para bawiin lahat ng sinabi niya sa akin.

Bagkus ay sinalubong niya pa si Reya kesa habulin ako.

Isa lang ang napatunayan ko ngayon, hindi niya ako mahal. Hindi ako mahal ng lalaking mahal ko. Hindi...

Ang sakit sakit lang makitang mas gusto niya pang lapitan si Reya kesa sa akin na Girlfriend niya. Ang sakit sakit lang..

Start Reading
Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free