By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
fb: Michael Juha Full
-------------------------
Alas kuwatro pa lang ay handa na ako. Nakapaligo na, matagal na nag-toothbrush. Napagpantasyahan ko kasi na baka – baka lang… makikipaghalikan si Miss Lorraine sa akin kung kaya ay grabe ang paglilinis ko sa aking bibig. Pagkatapos ay nagpabango, nilagyan ng gell ang buhok, isinuot ang bagong T-shirt. At dahil wala namang pasok, nakamaong lang. Rugged na rugged. Bad boy ang dating. Pero poging-pogi naman. Sa porma pa lang, talo ko pa yata ang isang heartthrob na artista. At upang madagdagan ang pogi points, pinitas ko ang isang pulang rosas sa garden ng mama ko at isiniksik iyon sa likurang bulsa nag aking maong. “Ah… tingnan natin kung walang mangyari sa diskarte ko na ‘to” ang bulong ko sa sarli.
Nasa silid-aralan na ako mga alas 5 pa lang. Inilagay ko ang rosas sa flower vase sa table ni Miss Lorraine. 5:30 eksakto, nakapasok na si Miss Lorraine sa classroom.
“Shit! Hayup! Ang sexy!” ang sigaw ng utak ko. Naka-maong din si Miss at naka-puting shirt na bakat na bakat ang katawan, lalo na ang pinagpapantasyahan ko at ng lahat ng mga lalaking estudyante sa campus – ang dibdib niya. “Good morning Miss!” ang pagbati ko sa kanyang nakangiti.
“Good morning Michael! An aga mo ah!”
“Opo! Nasa akin kasi ang susi, Nakakahiya naman po kung ma-late ako!” ang sagot ko.
Nang maupo na si Miss Lorraine sa harap ng teacher’s desk, napansin kaagad niya ang bulaklak sa flower vase. "Saan nanggaling ito, Michael?" ang tanong niya.
"Ah, dala ko po, Miss..."
"Para sa akin?" sabay tawa.
Napatawa na rin ako, "Opo!"
"Wow... ang sweet naman" sabay hugot niya noon at inilapit sa kanyang ilong at inamoy-amoy.
Natuwa rin ako sa pagpansin niya sa bulaklak na dala ko. "May bayad iyan Miss" ang biro ko sana sa kanya. Ngunit hindi ko na sinabi iyon. Naunahan na ako ng hiya.
Nakondisyon na ang utak ko sa pag-structure ng bulletin board. Tiningnan ko ito at pinaplano sa isip kung paano ito pagandahin. Nakahanda na rin ako kung may ipapa-cutout, ipapadikit, ipapalinis. Noong tinawag nya akong lumapit sa kanya, akala ko ay may i-aabot na gunting o materials na gagamitin. Nilapitan ko siya, Nang nasa harap na ako ng kanyang mesa ay inutusan niya ako. “Ikot ka rito sa tabi ko!”
Umikot nga ako sa mesa at nang nasa tabi ko na siya, bigla siyang tumayo. Nagkadikit ang mga mukha namin. Hinawakan din niya ang aking ulo.
Natulala ako, lumakas ang kabog ng dibdib. “Miss...?” ang tanong ko. Ibayong kalituhan ang aking nadarama.
Di sya sumagot. Bagkus, idiniin pa niya ang dibdib nya sa dibdib ko, ang mga mata ay nakatitig sa akin. Ramdam ko ang pag-init at ang pagdaloy ng kiliti sa buo kong katawan. Tila hindi ko na kaya.
Dahil sa tumigas kong pagkalalaki, tinablan din ako ng hiya. Kaya tinanong ko na lang siya tungkol sa gagawin namin. “A, e… Miss, nasaan na po iyong mga material…” Hindi ko na magawang ipagpatuloy pa ang sasabihin gawa ng pagdiin nya ng kanyang mga labi sa mga labi ko.
Napakabilis ng mga pangyayari. Dahil halos hindi ako makapaniwala sa ginawa niya, hinayaan ko munang paglaruan ng mga labi ni Miss ang mga labi ko. Hindi ko rin malaman ang gagawin. Maya-maya lang ay naalimpungatan kong yumayakap na rin ako sa kanya. Nagyakapan kami, naghalikan. Naalipin na ang utak ko sa sobrang kiliti at sarap sa ginawang laplapan namin ni Miss Lorraine.
Akala ko ay may mas matindi pang mangyayari. Ngunit kumalas din si Miss Lorraine. Natulala na naman ako. Nalito kung ano ba talaga ang gusto niya. Ang nasambit ko na lang, habol-habol pa ang paghinga at naupo sa isang silya malapit sa desk nya. “Miss m-magsisimula na ba akong mag-structure? N-nasaan na po ba iyong gagawin ko?”
“Huwag na... Tapos na.” ang tugon lang nya sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.
“Iyon na iyon???” ang tanong ko uli.
“Oo… iyon na iyon.” ang sagot niya uli. “Sige umuwi ka na. Uuwi na rin ako.”
Napakamot na lang ako sa aking ulo. di ko talaga maintindihan kung ano ba talaga ang trip niya, nagmamaktol ang isip, “Ang labo!” Itatanong ko pa sana kung kailan uli sya magpapatulong sa pag “structure” ng bulletin naming ngunit naunahan na ako ng hiya. Kaya nagpaalam na lang ako at dali-daling tinungo ang pintuan ng silid aralan. Kahit naguguluhan at nabitin, napangiti pa rin ako sa aking sarili at may pasipol-sipol pa. “Mukhang suwerte yata ang bulaklak na napitas ko kaninang umaga” ang bulong ko sa sarili.
“Sikreto lang naten yun ha?” ang pahabol ni Miss Lorraine bago ako tuluyang makalabas ng kuwarto. Tumango lang ako, sabay bitiw ng pamatay na ngiti.
Simula noon, naging mas close pa sa akin si Miss Lorraine. Syempre, hindi maiwasang hindi magduda ang iba kong mga ka-klase, lalo na si Roselyn at ang mga katropa kong manyak.
Isang araw, hindi sumipo ang isang teacher namin sa isang subject kaya naisipan kong magpunta ng library. Nabigyan kasi ako ng warning ng terror na guro namin sa History. Kaya serious mode ako sa oras na iyon, nag-reasearch sa assignment. Kahit naman kasi ganoon ako ka pilyo, nag-aaral din naman ako kahit papano, lalo na at may warning pa talaga.
Nasa gitna ng katinuan ang utak ko nang mapansing nakaupo pala sa harap ko ang best friend ni Roselyn na si Maila, at nag-iisa lang siya. Inikot ko ang paningin sa paligid, nagbakasakaling naroon din si Roselyn. “Himala, hindi yata sumama sa best friend nya.” Bulong ko sa sarili nang hindi ko nakita roon si Roselyn. Umandar na naman ang pagka-pilyo ko, Naisipan kong kausapin ang best friend nya at asarin din. Tumayo ako, tumabi ng upuan.
“Ehem!” ang pagparamdam ko nang mapansin na kahit tumabi na ako ng upuan ay dinedma pa rin niya ako.
Lumingon sya, ngumiti lang atsaka bumalik uli sa pagsusulat ng notes. “Himalang di mo yata kasama ang best friend mong masungit?” ang tanong ko.
“Ah... si Roselyn. Nasa hospital siya. Dinala roon ang mama niya at sya ngayon ang nagbabantay.” ang paliwanang ni Maila.
“Hah? Bakit? Anong nangyari sa mama niya?” Bigla akong nahimasmasan at medyo tumino ang takbo ng utak.
“Bigla na lang nag-collapse eh. Pero ok na raw ngayon. Over-fatigue lang daw. Baka bukas ay makakalabas na siya ng ospital…” Natigil si Maila at binitawan ang may pagka-lokong ngiti. “Uy... concerned siya sa best friend ko!” ang dugtong niya.
“Hindi ah!” matigas kong sagot. “Syempre, nagtataka ako bakit hindi kayo magkasama ngayon samantalang halos magkapalit na ang mga mukha nyo sa sobrang dikit sa araw-araw ninyong pagsasama!” ang pang-ookray ko pa “At... Bakit siya ang nag-babantay at hindi ang papa nya?” ang dugtong ko pang tanong.
Tiniklop ni Maila ang kanyang notes na tila nakukulitan. “Sige, sasabihin ko sa iyo ang totoo ha, para naman tantanan mo na ang best friend ko sa pang-aasar. May problema ang pamilya ni Roselyn... OK?”
“Ha?” ang pagkabigla kong tanong. Tila na-curious.
“Oo. At may trauma ang kaibigan ko sa mga nangyayari sa pamilya niya. Nahirapan pa syang tanggapin iyon.”
Di ko lubos maipaliwanag ang aking naramdaman sa narinig. Kahit hindi ko alam ang buong estorya niya, tila lumambot ang aking puso para kay Roselyn. “Ganyan pala ang karanasan niya...” ang bulong ko sa aking sarili. “Iyan ba ang dahilan kung kaya siya masungit sa mga lalaki?”
Tumango si Maila. “At lalo na sa iyo!” sabay dilat ng mga mata niya at turo sa mukha ko.
“Bakit? E, di ba crush niya ako? Super crush pa nga eh!”
“Dahil marami kang babae!” ang pasigaw nyang sabi, nakadilat uli ang mga mata.
Napakamot ako sa ulo ko. “E, hindi ko naman siguro kasalanan kung magkakagusto sa akin ang mga babae, ‘di ba?”
“Iyon na nga eh! Di mo kasalanan pero pinapatulan mo. Sandali...” nahinto si Maila. “Nanliligaw ka ba kay Roselyn?” ang tanong niya.
“Hindi ah!” Ang taranta kong sagot. “Bakit ako manligaw doon, E, ang taray-taray noon. Ayoko sa babaeng mataray.”
“E bakit interesado kang malaman ang buhay niya? U-uyy! Kinikilig ako.” ang biro nya.
Ngunit hindi ko siya pinatulan. Ngumiti lang ako sabay dampot sa knapsack ko at tumayo. “O sige Maila, salamat ha? At iparating mo kay Roselyn na sana okay na ang mama nya.”
“Okay. Pero wala man lang regards para kay Roselyn?”
Sinuklian ko lang ng isang pilyong ngiti ang tanong nyang iyon atsaka tumalikod.
Hindi ko lubos maintindihan ang naramdaman sa nalaman. Parang may kung anong pagkaawa sa kanya ang bumalot sa aking katauhan. Humanga rin ako sa katatagan na ipinakita nya. Sa kabila ng problema sa pamilya, nagawa pa rin niyang mangunguna sa klase, maging active sa mga school activities, at tumutulong pa sa mga ipinapagawa n gaming mga guro.
Simula noon, bumait na ako kay Roselyn. Kapag nakakasalubong ko siya, nginingitian ko na, hindi na pinapasaringan o kaya ay iniisnab. Ngunit ang masaklap ay ganoon pa rin siya sa akin. Kapag nginitian ko siya, iniirapan lang niya ako. Kung lalapit naman ako sa kanya, siya naman itong magwo-walk out. At hindi ko rin maintindihan kung bakit habang ini-ignore nya ako, mas lalo akong nasasaktan, or nacha-challenge. At siya na lang palagi ang laman ng isip ko. “Shit! In-love na kaya ako?” ang sigaw ng utak kong naging tuliro na rin sa mga nangyayari.
Nagkataon na may isang lalaking trasferee sa school namin na galing sa ibang bansa. Sa ibang section siya na-assign. Mestiso-Amerikano. Marvin ang pangalan. Sa unang araw pa lang ng pagsulpot niya, talk-of-the-campus na kaagad siya. Paano, halos ang lahat ng katangian na gusto ng babae ay nasa kanya na yata. Matangkad, may hitsura, palabiro at pala-kaibigan, magaling sa sport, matalino, at bagamat ganyan ang status niya, down-to-earth pa. Kaya marami ang nagkaroon ng crush, marami ang naging curious sa kanya, marami ang gustong maging kaibigan siya.
Dahil naguluhan na ang isip ko kung papano mapalapit sa akin si Roselyn, ginamit ko ang pagkakataon na iyon upang gumawa ng anonymous na sulat para sa kay Roselyn. Ipinadala koi yon sa kanya sa pamamagitan ng post office upang hindi niya ma-trace kung saan nanggaling. “Hi, Roselyn! You don’t know me yet but I heard a lot about you. I hope you can be my friend. I’m your secret admirer. I have my YM: marvinxxx@yahoo.com. I hope to keep in touch with you – on Friday at 8pm. Let’s chat? I’ll be there. I hope I’m not being too pushy. --Your secret admirer“
Sinadya ko talagang English ang gamitin sa sulat upang mag-isip si Roselyn na si Marvin ang sumulat sa kanya. Pati rin ang YM ay Marvin ang aking ginamit. Pagkatapos ng tatlong araw ay dumating ang sulat, nakita kong dala-dala ni Maila na nagttakbo papasok ng klase.
“Bhest may sulat ka!” ang excited na sabi ni Maila kay Roselyn habang inabot niya ang envelope na naglalaman ng sulat. Agad itong binuksan ni Roselyn at binasa. Nakita kong Nakibasa naman si Maila. Habang pinagmasdan ko sila, hindi naman magkamayaw ang kaba at excitement na naramdaman ko. Mistulang kinikilig ang dalawa habang pigil na nagtatawanan. Halos marinig ko ang pinag-uusapan nila. “Sige na Bhest… makipag-chat ka na sa kanya! Siya yan, si Marvin, iyong transferee!” Halata namang dry ang pagtanggap ni Roselyn sa mungkahi ni Maila. Iyon lang at isiniksik na ni Roselyn ang sulat sa kanyang notebook.
Hindi ko alam kung kakagat sya sa imbitasyon sa sulat ngunit alas 7:00 pa lang ng gabi, naroon na ako sa internet cafe upang mag-sign up ng isang bogus na account. Eksaktong alas 8:00 nang may biglang mag pop-up na message, “Hello! This is Roselyn. How are you?”