By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
fb: Michael Juha Full
-------------------------
Feeling euphoria pa rin ang utak ng mga katropa ko nang magreport na kami ng school. Nagka-hangover sa unang karanasan nila sa babae. Hindi rin namin maiwasan ang mag-umpukan, sikretong magkukuwentuhan, magtatawanan sa mga kalokohan.
Nasa ganoong kasarap ang aming kuwentuhan nang pumasok sina Roselyn at Maila. Bigla ko na namang naalala ang cp ko. Kinapa ko iyon sa aking bag ko at tiningnan, isinet sa silent mode para hindi tumunog kapag nagring.
Tila kinuryente ang buo kong katawan sa pagkakita k okay Roselyn. Magkahalong kaba at pananabik ang aking nadarama. “Syeeet! Ang ganda talaga ni Roselyn ko!” ang sigaw ng utak ko. Habang nagbangkaan ang mga katropa, ang isip at tainga ko naman ay nakatutok kina Roselyn at Maila, palihim na minanmanan ang kanilang ginagawa at pilit pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan. Ngunit dahil sa ingay ng kuwentuhan ng barkada, wala akong marinig. Hindi ko natiis ang aking sarili. Tumayo ako at lumapit sa inuupuan nina Roselyn. Nang nasa harap ko na sila, kinuha ko ang isang bakanteng armchair at paharap sa kanilang naupo roon, ang mga paa ay naka-buka at ang mga braso ay itinukod sa sandalang likod ng upuan. Astig ang porma.
Lumaki kaagad ang mga mata ni Roselyn sa nakitang ayos ko at biglaang pagsulpot sa harap niya.
“Hi Roselyn, Maila! Good moring!” ang pagbati kong ubod ng ka-preskohan.
“Hayyyy Maila! Wala ka bang napansin?” ang birit ni Roselyn.
Ngiting pigil ang itinugon ni Maila sa pasaring ng kaibigan. Tinampal niya ang balikat ni Roselyn, na parang sinabing, “Hoy, ayan ka na naman! Cool ka lang!”
“Syempre naman, nandito ako, dapat lang na mapansin mo.” ang sambit ko.
Tinapik niya ang braso ni Maila. “Maila! Maila! Pigilan mo ako, ang lakas ng hangin! Nakakasira ng mood!” Tapos ako naman ang hinarap “At ikaw, hindi kita kinakausap! sabay irap.
“Roselyn naman… di mo ba ako na-miss? Dalawang araw na nga akong na-suspinde tapos ganyan ang pasalubong mo sa akin?”
“Miss mong mukha mo. Ang kapal!” sabay pagdadabog ng mga notebooks nya.
“A, e… Roselyn, mag-CR muna ako ha? Dito ka muna” ang pagsingit naman ni Maila na nakahalata na may kakaiba sa batuhan namin ng mga salita.
“Huwag mo akong iwan dito…” ang sambit ni Roselyn kay Maila na nakatayo na at handa nang umalis.
“Hmmmm… kunyari pa to” ang bulong ko sa sarili.
“D’yan ka lang. Sandali lang ako.” ang sagot naman ni Maila, sabay tumbok sa pintuan ng silid-aralan.
“Dalian mo ha! Nasusuka ako! May nakakadiri rito. Eewww!”
“Bye Maila!” ang pagsingint ko naman, pahiwatig na gusto ko nang umalis siya.
Nung nakaalis na si Maila, hindi na ako nagsalita. Tinitigan ko lang si Roselyn. Yung titig na tila nagmamakaawa, nagsusumamo, lungkot na lungkot ang mukha na may halong drama at pa-cute. Tatlong segundo, isang minuto, isa pa uling minuto, at isa pa… Ganun lang ang ayos ko, mistulang naalipin ng kung anong magic, pinagmasdang maigi ang kabuuan ng mukha ni Roselyn – simula sa buhok, noo, kilay, ilong, mata, pilik-mata, mapupulang mga labi at bibig; ang kinis at maamong mukha. Tila nalulusaw naman si Roselyn sa mga titig ko sa kanya. Nanatiling nakayuko, halatang nag-blush, hindi makapagsalita. Kung napaka-ingay niya nang naroon pa si Maila ay kabaligtaran naman sa sandaling iyon. Noon ko lang siya napagmasdan ng ganoon kalapit at ganoon katagal. Hanggang sa ang lumabas na mga kataga sa aking bibig ay, “Roselyn, I’m sorry!”
Mistula ring biglang natauhan si Roselyn at nanumbalik ang tamang pag-iisip. Ang maamong mukhang tinitigan ko ay tila biglang nagbagong-anyo at naging tigre uli, ang mga mata ay nanlilisik. “I’m sorry your face!”
“Ano ba? Ganito na lang ba tayo? Parang mga aso’t pusa na palaging nag-aaway?”
“E, sino ba ang nang-aaway sa atin? Ikaw itong antipatiko eh! Sobrang yabang, sobrang bilib sa sarili.”
“Kaya nga nag-sorry na eh…”
“Ayoko nga!”
“Ano ba ang puwedi kong gawin upang mapatawad mo?”
“Anong gawin mo? Heto ha… simula sa gate ng school, maglakad kang paluhod papuntang classroom, nakahubad ang pang-itaas na damit. At magdala ka ng sampung dosenang red roses at sa likuran mo ay may nakadikit na poster na ang nakasulat ang ‘I’m sorry Roselyn, magpakatino na ako!’ O ano, kaya mo ‘yan?” Nahinto siya sandali. Alam kong hindi niya siniseryoso ang sinasabi. “At bakit nga pala; ano bang mayroon diyan sa patawad ko? Di naman importante iyan di ba?” sabay pabulong at dugtong ng, “Andami mo ngang babae dyan! Hmpt!”
“Narinig ko iyon. Bakit sino ba ang mga babae ko?”
“Hayyy naku!!! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Si Miss Lorraine! Yung mga taga-ibang section na parang mga pokpok, anlalakas ng mga tili kapag nagbabasketball ka at kinikindat-kindatan mo naman, iyong kapitbahay niyo na halos papasok na dito sa classroom natin at tatabi sa upuan mo para ka lang Makita at makaharutan. At iyong sa telepono noong araw na nasuspende ka, Camille ba yun? Sino yun?”
“Ah, nagseselos!” sa sarili ko lang, pinigilan ang pagtawa. “Hoy, mutya ng selos makinig ka. Si Miss Lorraine, syempre magbabait ako doon, nagbibigay din ng grade sa atin iyon. Iyong mga babaeng taga-ibang section, wala iyon, mga taga-hanga ko lang ang mga iyon, mga panis. Kasalanan ko ba kung may mga tagahanga ako? At iyong kapitbahay namin, alam mo namang hindi ko pinapansin iyon, ‘di ba? At iyong Camille na nakausap ko sa phone na akala mo cp ko yung nag ring nung nagdial ka ng number ni Marvin…” napakamot na ako sa ulo, di malaman kung paano i-explain, “A…”
“A… ano? Ano? O… Girlfriend mo nga!”
“Hindi nga… di ko siya kilala!”
“Yan ka na naman! Sinungaling ka talaga! Pano ko tatanggapin ang sorry mo, e hindi ko alam kung ano ang totoo sa mga pinagsasabi mo? Hindi mo kilala, e nagdate nga kayo, at ang sabi mo pa, siya lang ang babae mo, walang binatbat ang ibang mga babae!”
“Tangina, paano ba ‘to lusutan!” ang pagmamaktol ko sa sarili. “E, hindi mo rin naintindihan, eh!” ang sabi ko na lang.
“Ipaliwanag mo kasi para maintindihan ko.”
“A, e… ganito na lang. Puwede bang mag-usap tayo mamayang gabi, mga alas 8:00 sa park? Nandyan na si Ma’am o magsisimula na ang klase.” sabay turo kay maam na nandoon na sa harap ng klase.
“Hindi pwede ah!”
“Bakit?”
“Mag-usap sina Marvin.” ang pagsingit ni Maila na nakapuwesto na sa upuan nya.
“Hah? P-pano? Bakit?” sabay kamot ko sa ulo, nagulat na nagkaroon na pala sila ng contact at malamang na mabuking ang pagpapanggap ko.
“Sinulatan ko kasi” ang sagot uli ni Maila na ang bibig ay mabilisang tinakpan ni Roselyn. “…sa pangalan ni Roselyn at sinabing may itatanong si Roselyn sa kanya.” ang pilit na pagpatuloy ni Maila.
“Ano bang itatanong niya roon?” ang tanong ko kay Maila. “At bakit ikaw ang sumulat?”
“E, ayaw nya eh.” ang turo niya kay Roselyn. “Kasi, nagcha-chat sila. Nagbigay ng number iyong tao. E nang tinatawagan na ang number na ibinigay niya, hindi naman sumasagot. Ano iyon? Tapos, nag-try akong mag text, wala ring sagot.”
“Patay!” sabi ko sa sarili “Kaya pala may nagtitext sakin na hindi ko kilala. Si Maila pala iyon! Buti na lang at hindi ko sinagot!”
“O, e… sasama ka ba sa pag-uusap nila mamaya?” ang tanong ko kay Maila.
“Oo naman! Best friend ko yata iyan… at ako lang naman ang may crush kay Marvin…” sabay tawa, kinilig sa sinabi.
“Michael! Go back to your seat!” ang sigaw ni Ma’am.
Bumalik nalang ako ng upuan, kinakabahan at nalilito kung paano lulusot. Sa buong klase na iyon ay naglalakbay ang aking isip sa kung anong gagawin upang hindi mabuking. At may nabuo akong plano.
Pagdating ng lunch break sinadya kong hanapin si Marvin at kinausap. Napag-alaman ko na hindi pa pala sila nagkausap ni Roselyn. Nagulat na nga lang daw siya at may sulat sa kanya si Roselyn samantalang hindi naman sila magkakakilala.
“Do you have a crush on her?” ang tanong ko kaagad.
“Kind of… but it’s her best friend I really like.”
“Ah, Maila! Good, because you know, I love Roselyn. And she is mine, ok?” ang sabi ko.
“No problem bro. she is yours” ang sagot niya. Kaya laking tuwa ko na rin na hindi pala niya type si Roselyn. “Mukhang magkasundo kami nito, hehehe.” Sa sarili ko lang.