HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 7

“HI! Kamusta?” Ngingiti na hindi si Rubick. Hindi niya alam kung kinakabahan ito o ano.

“Di ba dapat na ako ang nangangamusta sa ‘yo?” Pagpapagaan niya sa sitwasyon.

“Well, I am good.”

Katahimikan na ulit ang bumalot sa paligid. Ang awkward na naman ng pakiramdam niya. Aware na aware siya sa malakas na tibok ng dibdib niya na palagay niya ay maririnig na ng kaharap.

“I-I missed you.”

Bigla ang ginawa niyang pagbaling kay Rubick. Did she hear it right? Si Rubick ang tipo na hindi mo maririnig magsalita ng mga ganoon. Hindi siya showy pero marunong namang makipagbiruan sa barkada. Basta, hindi siya mahilig maglabas ng nararamdaman. Kaya iong marinig niyang magsalita ng ganoon ang binata, talagang nakakagulat.

“Really? ‘Di ba, the last time I remember, pinaalis mo nga ako? Feeling ko nga no’n, pinalalayas mo na ako sa buhay mo.” Ismid nga niya rito.

Akala ba nito, makakalimutan niya ang bagay na iyon? Hah! Gusto niya ng malinaw na usapan.

Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. Saka siya hinarap. Nangungusap ang mga mata ni Rubick. Kumikinang sa ‘di niya alam kung luha ba o ano? And he looks so amazing with that. Kunsabagay, kailan ba niya ito nakita na hindi kaaya-aya? Rubick will always be Rubick to her. A beautiful man. An attractive hunk. A kind-hearted—

“Look. I am sorry for what I’ve did the last time. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko ginawa iyon.”

And a man with a mannered but fragile heart…

“Because you shut yourself close from me.” Punong-puno ng kasiguraduhan na sambit niya.

Ayaw nitong ipasilip ang mundo nito sa kanya. They’ve been friends, a close one. Pero hindi siya nito pinasisilip sa buhay nito, hanggang doon lang siya sa saradong pintuan.

“Belle… kasi…” Saglit itong nagbawi ng mga mata. Napapunta sa hawak nitong brown envelope.

“Ganoon ba ang tingin mo sa akin? Na isa akong judgemental na tao?” Bigla ay sabi niya. Iniisip niya kasi, baka kaya ganito ito sa kanya ay takot na mahusgahan. Kung nagawa nga itong tanggapin ng pamilya niya, bakit siya ay hindi?

“Hindi…” Umiling-iling ito. “Wala sa ‘yo ang problema. Nasa akin.” Bumuntong-hininga ulit si Rubick. At sawang-sawa na siya sa mga ganitong linyahan.

It’s not you it’s me… darn thing!

“Matapos ang nangyari, mas lalo kitang hindi makalimutan.”

Mas lalo?

“You know, ngayon lang nangyari sa akin ito. ‘Yong mga nakasama ko, nakakalimutan ko naman kaagad. Alam kong alam mong madami ding babae ang napa-link sa akin. Pero pagdating sa ‘yo kasi…”

Napangiti si Lahynna. Nagugustuhan niya ang sinasabi nito. At pareho pala sila ng nararamdaman dahil hindi na din niya ito makalimutan. Magmula pa noong unang beses siya nitong halikan.

“Maybe, you just missed me.” May panunuksong sambit niya.

“Well, I already said that.”

Nang magkahulihan ulit ang mga mata nila ay ‘di siya maaaring magkamali sa nakikita. Passion and desire were showering alternately right through his handsome very eyes. Dahil roon ay parang may mainit ring sensasyong nagsisimulang mag-apoy sa kanyang kalooban.

Nagbawi siya ng mga paningin dahil nag-aalala siyang baka kung saan pa mauwi ang titigan nilang iyon.

“Belle…”

“I’ve missed you, too.” Putol niya sa sinasabi ni Rubick.

Nanlaki ang mga mata nito sa pagkagulat.

“You heard it right.” Natatawang pagkumpirma pa niya.

Inabot niya ang kamay nitong may hawak na envelope.

“Congratulations at good luck sa bagong obligasyon. You made the right choice kasi magkakasama na tayo sa trabaho.”

Ngumiti ito at sandali pa ay si Rubick na ang nakahawak sa kamay niyang nakahawak rito kanina. Gusto pa niyang magtanong patungkol sa ama nito at sa naging desisyon nito pero gusto niyang ito na ang magkusang magbukas sa kanya.

“Bakit mo ginawa iyon, Belle?” Nangunot ang noo niya sa seryosong tanong nito. Hindi niya ito maintindihan. “Bakit sa akin mo ibinigay? Hindi kay Szade na alam kong kaisa-isa mong naging boyfriend at sobra mong minahal.”

Sandali siyang natigilan. Naiintindihan na niya. Iniisip rin ng dalaga kung ano ang sagot sa tanong dahil sa totoo lang ay hindi niya din alam. Pero bigla din naman niyang nabawi ang sarili. Nginitian ni Lahynna si Rubick.

“Ayaw mo ba?”

“No! Hell! Siyempre gusto ko.” Mabilis na sabi nito. “Pero nagtataka lang kasi ako. Are you just desperate to get rid of your—”

“Hindi ko alam. Siguro. Kasi iyon ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Szade e.”

Natawa siya. Come to think of it. Ayaw niya iyong ibigay kay Szade pero ibinigay niya ng walang pagdadalawang-isip kay Rubick? Bumaling siya kay Rubick. Nginitian nalang ito ulit.

“Nah! I just wanted to experience it with you. I think that was the real reason.” Napailing siya sa sarili bago ‘di napigilang ibulalas ang isang bagay. “Ang gwapo mo naman kasi. Ang hot pa!” Parang ang landi ng tunog ng boses niya.

But damn, who cares!? Sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Ganoon ang character niya at wala siyang balak baguhin. Hindi niya maramdaman ang pagkailang habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa maselang bagay na iyon. At hindi rin naman niya maintindihan ang sarili kung bakit. Sabi niya no’ng una, okay nang hindi pinag-uusapan. Pero mas okay pala na pag-usapan.

“Yeah. I know right. Ang gwapo-gwapo ko talaga.” Tumango-tango si Rubick na natatawa.

Kunway inirapan naman ito ng dalaga. Alangang sabihin niya na hindi e totoo naman. “Concieted.” Kunwari ay irap ni Lahynna rito.

“I just agreed with what you said.” Depensa ni Rubick. “Can we start again? Being friends again, like that?”

‘Friends? But friends didn’t kiss. Friends didn’t do what we’ve done.’

“Friends with benefits?” susog niya. Sinusubok ang binata.

Tumawa si Rubick. “‘Yon ba ang gusto mo?”

“Bakit? Ako lang ba ang may gusto?” Napanguso siya rito.

‘Dahil ayaw mo ng relasyon kaya friendzoned nalang tayo.’

Sa pagkagulat niya ay inabot siya nito at hinagkan sa mga labi. “Siyempre, gusto ko din.” Pilyong ngumiti ang binata. Nang-aasar. Kumindat pa ito sa kanya. Siniko nga niya si Rubick. Tumawa naman ito. Bihira itong maging ganoon ka-light ang mood. Usually ay tahimik lang ito. Hindi makikipagbiruan kung hindi bibiruin.“I wanted to be with you but I know I can’t.” Napailing-iling ang binata. “I can’t offer you anything yet.”

“You had…” Napatitig si Rubick sa kanya. Nagtatanong ang mga mata. “Di ba nga kaka-offer mo palang sa ‘kin ng friends with benefits at tinanggap ko na?” Sinundan niya iyon ng tawa dahil pakiramdam niya, nagiging seryosong masyado ang aura ni Rubick. At ayaw niya sa ganoong manner nito. Gusto niyang light lang. Happy lang.

Medyo nalilito siya sa mga sinasabi ng binata. Gusto nitong magkasama sila pero sinabi nito na hindi nito gustong makipagrelasyon. E’ ano pa nga ba ang magiging stand nila? Ang labo-labo. Parang ang hirap naman pumosisyon sa buhay ni Rubick. Pero kahit ganoon, gusto niyang sumugal. Ayaw niyang mawala si Rubick at ang dating meron na sila.

Ngumiti ito sa kanya at napatango-tango. “I am going to be a better person. Pipilitan kong hind maging katulad ng tatay ko. I promise.” Derekta ang mga mata nitong nakatitig sa kanya na tila nagbibitiw ng isang malaking pangako.

Nginitian din ni Lahynna ang binata at humilig sa balikat nito. Hindi niya eksaktong maintindihan kung anong bagay ang hindi nito gusto sa ama. Siguro ang pagiging babaero, na ginaya lang nito bilang pagrerebelde.

“Mabuti ka naman talagang tao e. Hindi mo dapat pagdudahan ‘yon. Tinulungan mo nga ako noon, di ba?”

Kung nagkamali man kasi ito ng madaming beses, hindi naman ibigsabihin noon na masamang tao na si Rubick.

Tumuwid ito sa pagkakaupo. “Naaalala mo pa pala iyon? Sa palayan?”

“Oo naman. Paano ko makakalimutan iyon?”

Tumahimik na si Rubick. Kung anuman ang iniisip nito ay ito lang ang nakakaalam. Pero nagulat rin siya nang makamaya-maya ay nagsalita ito.

“Maybe you were just so inlove with Szade that you didn’t care to notice I am there. Pakalat-kalat sa paligid mo.”

Napaisip siya sa sinabi na iyon ni Rubick. She noticed him. She just didn’t pay attention. Siguro dahil hindi naman niya talaga ugaling tumingin sa iba lalo at nasa loob siya ng isang seryosong relasyon.

But she noticed him…

“Maybe…” nasabi nalang ni Lahynna.

“Let me stay beside you. Baka matulungan kitang makalimutan mo si Szade. At ako… baka makalimutan ko na ang parating pag-iisip sa ‘yo kapag magkalapit tayo palagi.”

Hindi naging maganda sa pandinig ni Lahynna ang mga sinabi ni Rubick. Ayaw niya sa ideya na gusto lang pala nitong makapag-move forward kaya muling lumapit sa kanya. Ano? Naghahanap ng closure?

Pero kasi, ‘di ba nga malinaw nitong sinabi na hindi ito pumapasok sa relasyon? Siguro, susulitin nalang nga niya ang mga sandali na makakasama ito. Baka makalimutan na rin niya ang mahirap pangalanang damdamin niya para kay Rubick. Baka kasi, tama ang naiisip ni Rubick.

With their set up now, having the benefits of skinship, they’ll explore the feelings they felt after what happened and find what’s wrong with them both. What just happened was a fruit of lust, yes. At kung makaka-get over naman sila pareho sa mga pakiramdam na naging resulta ng pagtawid nila sa limitation, baka bumalik na din sa dating lugar ang mga damdamin nila. Mas okay na ‘yon kaysa naman sa mag-iiwasan sila. Mas mahirap ayusin kung magpa-partways sila. Ayaw din naman niyang masira ang samahang matagal-tagal na din nilang nabuo.

“SARAP sapakin ng lalaking iyon.” Narinig ni Lahynna na reklamo ni Rubick.

Sakay sila ng Ducati nito. Coding kasi ang Audi nito kaya ang Ducati ang dala nang pumunta sa kanila. Dumaan lang talaga ito para mag-good morning sa kanya at dederetso na sa meeting place ng mga ka-meeting galing sa main branch ng DJP sa Cebu. Sakto namang may bibilhin siya sa bayan kaya isinabay na siya. Well, weekend kaya libre ang buong araw niya. Pwede silang magkasama ni Rubick kung wala lang itong meeting.

Anyway, maski naman hindi weekend ay magkasama sila. Sa trabaho. Sa pag-uwi at maski sa lunch at merienda. Halos hindi na sila mapaghiwalay malibang ginagawa at inaasikaso ang kani-kanilang trabaho sa DJP.

“Bakit? Ano bang problema?” tanong niya rito.

Wala itong helmet. Ibinigay sa kanya ang helmet nito dahil mas kailangan raw niya ng proteksyon. That is one of so many things she admired to him. Selfless ito. Ibibigay ang lahat maski wala nang matira dito.

“‘Yong lalaking ‘yon! Magkakandabali ang leeg sa paglingon sa ‘yo. Nag-over take pa ha? Palibhasa, legs pa lang… tsk!”

“Ayan ka na naman, ha? Legs na naman.” Nakangusong tinampal niya ang likod ni Rubick. “Hipon lang ba talaga ako? Katawan lang ang mahalaga? ‘Di mo man lang unahin ‘yong mukha ko?”

Narinig niyang tumawa si Rubick. “Hindi naman niya kita ang mukha mo dahil sa helmet. Pero kung nakita niya, malamang magpapakasagasa ‘yan, makasilay lang sa ‘yo.”

“Sus! Bola.” Pakli niya. Pero ang totoo ay natutuwa siya sa hindi man direct pero para sa kanya ay compliment pa din.

“Naiinis ako sa mga taong tumitingin sa ‘yo at alam kong nase-sexy-han sila sa ‘yo. Bwisit! Kung hindi ko lang kaibigan si Lief at kung hindi lang siya mas bata sa akin, sinuntok ko na siya no’ng pool party.”

Lalo nang lumobo ang puso at ego niya. Bakit ganoon? Kapag ibang tao ang nagsasabi sa kanya na sexy siya, nababastusan siya. Pero kapag si Rubick, parang masayang-masaya pa siya. She took it as a compliment when the words were coming from him.

Nababaliw na yata siya. Ang gulo kasi ng utak niya. Dapat consistent ang mga reaksyon niya. Pero nagiging biased ata siya pagdating sa binata.Nakarating sila sa bayan at sinamahan siya nito sa supermarket para sa gusto niyang bilhin. Ganoon naman si Rubick. Kahit gaano ito kaabala, hindi ito nawawalan ng oras para sa kanya. Kahit na nga mga bagay na di nito dapat gawin para sa kanya ay ginagawa nito.

“Magbibiyahe nalang ako pauwi. Baka ma-late ka na sa meeting time.” Sabi niya kay Rubick matapos makapagbayad sa kahera.

“Hindi. Ayos lang ‘yon. Maiintindihan naman nila.” Sabi nitong inabot ang supot ng mga pinamili.

“Ako, hindi ko maiintindihan.” Kontra ni Lahynna. “Alam mo bang nakakainis maghintay ng bongga? And besides, hindi porke anak ka ng may-ari ng DJP, pa-VIP ka na.”

“VIP naman talaga ako.” Tumawa si Rubick at pinisil ang pisngi niya.

“Aw! Ano ba?!” Tinampal niya ang kamay nito at saka hinimas ang pisngi na pinisil nito.

“Cute mo kasi.”

“Matagal na.” Ingos niya. “O, lakad na. Uuwi na din ako.”

“Opo, Mommy.” Nang-aasar na sambit nito.

“Tse!”

“Hatid nalang kita sa terminal.”

Hindi na siya tumanggi pa tutal ay mukhang desidido na naman ito.

“O, lakad na. Okay na ako dito.” Pagtataboy niya kay Rubick nang makasakay na siya ng dyip.

“Mamaya. Kapag umalis na ang jeep.”

Lumingon ito sa kung saan na parang may tinitingnan sa malayo.

“Magtatagal pa ito. Madami pang bakante o?”

“‘Yong lalaking ‘yon o? Tingin ng tingin sa ‘yo.” Salubong ang mga kilay na sabi ni Rubick.

Nilingon niya ang tinutukoy nito. ‘Yong lalaking nag-overtake sa kanila.

“Sinusundan ka yata ng gunggong na ‘yon e. Admirer mo ba ‘yon?” Madilim na ang gwapong mukha ng binata.

“Aba malay ko, di ko nga ‘yon kilala.” Baka naman kasi coincidence lang na nandoon din ‘yong lalaki.

Sa pagkagulat niya ay hinila nito ang kanyang braso at inabot ng isa pang kamay ang supot ng mga pinamili niya.

“Ihahatid nalang kita. Di bale nang matagalan ako. Kaysa naman nag-aalala ako na may lalaking sumusunod-sunod sa ‘yo.”

Hindi na niya alam kung paano pa magre-react sa mga gestures ni Rubick.

Hindi kaya…?

Hindi.

Hindi porke sinabi nito na hindi siya nito makalimutan ay dapat na siyang mag-assume na pwedeng may love na itong nararamdaman sa kanya. Hindi ganoon kasimple ang pag-ibig. And he said he didn’t do love.

Nah! Whatever! Basta maligayang-maligaya siya sa mga sandaling iyon na kayang iwan ni Rubick ang mga mahahalagang bagay para lang masiguradong safe siya. Iyon palang ay parang natutunaw na ang dalaga. He was such an adorable… and a great man.

Indeed.

ARAW ng linggo. Tradisyon na ng pamilya ni Lahynna na sabay-sabay silang magsimba. At maging si Rubick ay nakisama na din sa bonding ng pamilya niya. Tuwing linggo ay sumasama rin ito sa kanila. Pero pagkatapos ay ipinagpapaalam siya sa kanyang mga magulang para mamasyal, mag-mall o mag-food trip.

Agad naman ang pagpayag ng kanyang Mama habang ang kanyang Papa, puro paulan ng pangaral at bilin kay Rubick.

“Basta pagkatapos niyong mag-date, iuuwi mo ng buo ang anak ko, ha, Rubick?” Pahuling salita ng Papa niya.

“Pa? Hindi kami nagde-date!” giit ni Lahynna sa ama.

Hindi na niya mabilang kung gaano na karaming beses niyang ipinilit iyon sa mga magulang. Complicated ang sitwasyon nila ni Rubick. They kiss, hold hands and shared secrets and thoughts about so many things. Pero wala silang relasyon maliban sa pagkakaibigan. They were friends… with benefits.

At ngayon niya nararamdaman na hindi niya gusto ang set up nila. Something was wrong with her. Dahil sa tuwing nagkakasama sila ni Rubick, palaki ng palaki ang estrangherong pakiramdam na meron sa kanyang kalooban.

Habang patuloy na ipinakikilala ni Rubick ang sarili sa kanya, dumadami rin ang mga bagay na nagugustuhan niya rito. And as time goes, all she wanted to do was keep him for her self.

Pero hindi naman kasi pwede.

‘…baka makalimutan ko na ang parating pag-iisip sa ‘yo kapag magkasama tayo…’

Kaya nabuo ang set up nila ay dahil gusto na nitong makawala sa parating pag-iisip sa kanya. At kung nagagawa man nitong makawala, paano naman siya? Mas lalo kasing lumala ang kondisyon niya dahil sa set up nilang iyon ni Rubick.At ang hirap-hirap isipin na matatapos din ang set up nilang friends with benefits. Ayaw niyang matapos iyon.

“Anuman ang gusto niyong itawag sa ginagawa niyong pagde-date, basta umuwi ka sa amin ng buo, Lahynna.” Ang salitang iyon ng kanyang Papa ang nagpabalik sa kanyang katinuan.

“Huwag po kayong mag-alala, Tito. Ibabalik ko po siya ng buo. Walang labis, walang kulang.” Natatawang sambit ni Rubick.

“Kahit may labis kapag sinoli mo si Hynna sa amin, Rubick. Okay lang.” Maberde ang ngisi ng Mama ni Lahynna sa kanila.

“Ma?” saway niya sa ina. “Kung anu-anong sinasabi niyo.” Ngumuso siya. “Papa o? Si Mama.”

“Pwede rin naman. Di baling labis. ‘Wag lang kulang. Basta lalaki ha?”

Napangiwi na si Lahynna. Kung bakit ba naman humingi pa siya ng tulong sa ama e magkakampi nga pala ito at ang Mama niya sa pagsusulsol sa kanyang makipag-date ulit.

‘Mga abnormal talaga.’

Hindi pa siya nasanay. Parati namang ganito ang mga magulang niya na minamadali siya. At iyon ay dahil nga sa sakit niya.

“O, pakinig mo, Belle? May bendesyon na tayo. Pwede na daw.”

Humalakhak si Rubick nang kurutin niya ito sa tagiliran. Maganda nga yata rito ang epekto ng pagkakasama nila. Parati itong nakangiti na parang walang pinoproblema. Alam niyang masaya ito sa kung anumang set up nila. Masaya rin naman siya. Dahil nakakasama niya ito. Naramdaman niya kung gaano kasarap maging special friend ni Rubick, at ang pag-aalaga nito.

Kung sana… sana ay meron nalang ‘sila’.

“O siya, mauna na kami, ha?”

Humiwalay na sa kanila ang mga magulang niya. Si Lanryd, kanina pang nakalayo sa kanila pagkatapos ng misa.

“So, where to?” Untag niya kay Rubick habang papalapit sila sa Audi nito.

“Kahit saan mo gusto.”

Una nitong binuksan ang passenger seat. Nang makasakay siya ay saka ito gumilid para makarating sa drivers seat. Napaka-gentleman nito.

“Wala na akong alam na pwedeng tambayan e. Lahat na napuntahan na natin.”

Ngumiti si Rubick. “I have a better idea.”

Nagsimula itong mag-drive at nagsimula na din ang walang hanggang panonood niya sa gwapong lalaki habang kumakalabog ang laman sa loob ng kanyang dibdib. Hindi niya mapigilan ang sarili. Kahit maghapon niya itong panoodin, hindi siya magsasawa. Ang mas pagsasawaan pa yata niya ay kapag hindi na niya ito makikita ng ganoon kalapit. Kapag hindi na niya ito makakasama at di na nila gagawin ang ginagawa nila ngayon.

She wants them to stay that way, forever. Kung pwede lang sana…

Kaso wala nga kasing forever para kay Rubick.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free