HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 4

“Hynna...” May iniabot na baso si Lief kay Lahynna.

Bigla tuloy naalarma si Rubick dahil alak ang laman noon. Kumawala siya sa mala-sawang pagkakalingkis ni Eina sa braso niya at malalaki ang hakbang na lumapit sa pool area. Nasa akma na ng pag-inom si Lahynna nang agawin niya ang baso mula rito.

“Hey!” angal ng dalaga sa biglang pagsulpot niya. “Akina nga iyan!”

“Bawal sa ‘yo ang uminom, ‘di ba?” pasitang sambit niya at tuluyang itinapon sa bermuda grass ang laman ng baso.

Hindi niya maintindihan si Lahynna. Hindi na ba nito mahal ang buhay nito para gawin ang mga ipinagbabawal rito ng doktor?

Yes. May sakit si Lahynna. Idiopathic Dilated Cardiomyopathy. Alam niya ang pinagdaanan nito, mahigit anim na buwan na ang dumaan. Ang pag-atake ng sakit nito na kamuntik na nitong ikinamatay. Kung may isang buwan ding hindi nakasama sa barkada nila si Lanryd at ‘di rin sila nakatambay sa bahay ng mga ito dahil kailangan ni Lahynna ng total rest.

Kung gaano katagal noon si Lahynna sa ospital ay halos makatira-tira na din siya sa ospital sa mga ganoong panahon. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na umiyak ang mga magulang nito habang nasa ICU ang dalaga. At kung gaano karaming beses niya ding tinapik ang braso at balikat ni Lanryd para palakasin ang loob nito. Pero para bang sa bawat pagtapik ay loob niya ang pinatatatag. Pilit naniniwala na makaka-survive ito.

Lihim lang siyang nakasuporta dahil ‘di naman siya nagpapakita kay Lahynna noon. Hindi niya kayang makita ang sitwasyon nito sa loob ng ICU, baka mauna pa siyang mamaalam sa mundo.

Ginusto niyang hunting-in noon si Szade. Ito ang nagbigay ng matinding sama ng loob sa dalaga na dahilan ng pagkakaroon ng atake. Pero dahil hindi iyon magawang sisihin ng mga magulang ng dalaga sa nangyari rito, pinilit niya ring pababain ang galit niya kay Szade.

‘It is not his entire fault. Hindi maiiwasan na ‘di aatakihin si Hynna dahil inborn na sakit niya iyan. Ang pwede lang nating gawin ay magdasal para sa kanya. Masasayang lang ang oras natin sa galit.’ Iyon ang narinig niyang sinabi ng Mama ni Lahynna sa Papa nito noong gustong kumprontahin ng huli si Szade.

Hindi biro ang naging agony at takot nilang lahat, lalo na noong mag-flat line ito. Indeed, it was a big miracle she survived it. Anim na buwan na din ang dumaan magmula nang mangyari iyon pero hindi pa din niya makalimutan.

Pagkatapos ay ganito na makikita niyang iinom ito ng alak na bawal naman rito?

What is wrong with this woman?!

“Hindi naman ako maglalasing. Titikim lang ako.” Pangangatwiran pa ng babae.

“Oo nga naman, Kuya Rubick! Titikim lang. Di ko naman siya lalasingin.”

“Sige, pero ipapaalam ko muna ito kay Lanryd bago niyo gawin iyan. Ewan ko lang kung ‘di kayo mapagalitan ng parents mo, Lahynna Belle.”

Saka lumipad ang mga paningin niya kay Lanryd na may kaulayaw na babae sa may lounger. Bagong girlfriend na kailan lang pinakilala sa kanila. At nakalimutan na din niya ang pangalan. Busy iyon masyado kaya sinasamantala naman ni Lahynna ang pagkakataon.

Napapalatak tuloy siya.

Ang sumunod na nangyari ay umahon si Lahynna mula sa pool. Nagmamartsang umabot ng malaking tuwalya sa may bench at dumeretso sa front porch.

Pinigilan niya ang sariling matulala na naman sa kaakit-akit na kagandahang nakahayin kanyang harapan. Napaka-sexy talaga nito. Nakakaakit ng husto ang bawat pag-indayog ng mga balakang nito. At ang higit na nakaka-turn on ay ang katotohanang wala itong pakialam sa kung gaano ito kaakit-akit sa paningin ng mga naroroon.

Nagsimulang sumikip ang swimming trunks niya at gusto niyang umbayan ng suntok ang sarili. Just the thought and the sight of her made him fully aroused. At hindi tamang pagnasaan niya ang dalaga. Hindi rin tama ang ginawa niyang paghalik rito, last time. But she pursued him. At nawala siya sa sarili. Hindi niya na kinayang kontrolin ang sarili ng mga sandaling iyon. Kung nalalaman lang nito kung gaano na katagal niyang pinahihirapan ang sarili sa pagkontrol na mahawakan ang dalaga.

Ngayon, kailangan niyang umiwas para lang hindi nila matawid ang boundaries nila. Dahil kung magkakalapit pa ulit sila, hindi niya maipapangakong hindi niya maitutuloy ang ginagawa nila sa kanyang sasakyan nang araw na iyon.

Pinilit pakalmahin ni Rubick ang sarili. Kung gaano kahirap ay wala na siyang makuhang salita para ilarawan iyon. Ilang araw na din siyang nagtimpi. Napakahirap pakitunguhan ng kanyang sarili pagdating sa alaala ni Lahynna ng araw na iyon, sa loob ng kanyang sasakyan.

Maski pwede naman siyang kumuha ng ibang babaeng pupuno sa mga pangangailangan niya bilang lalaki ay hindi niya ginawa. Bukod sa nadala na siya kay Eina, nawalan na din siya ng gana sa ibang babae magmula nang mahalikan niya si Lahynna.

Darn! Lahynna was starting to destroy him again. Kay tagal bago niya nagawang iahon ang sarili. From being a destroyed man to a better one. Ngayong fully recovered na siya, bakit parang gusto niyang magkaroon ng relapsed? No, ayaw na niyang bumalik sa dating gawain. Tama na ‘yong mahabang panahon na pinagpipyestahan ng buong bayan ang buhay nila ng kanyang pamilya. Tapos na ang madidilim na panahon na iyon.

Naipilig ni Rubick ang sariling ulo. Susundan naman na sana ni Lief si Lahynna nang pigilan niya ang lalaki. “Ako na ang makikipag-usap sa kanya.”

“Sige. Tapos bahala kang tanggapin ang inis niya.” Sabi naman nito.

Binalewala lang niya si Lief. Susundan na niya si Lahynna nang humarang sa daraanan niya si Eina. But he dismissed her immediately. At para hindi mapahiya si Eina ay dumeretso ito kay Lief.

Nawalan na siya ng pakialam sa lahat.

Nakatutok ang atensyon ni Rubick kay Lahynna na naupo sa lounger na naroroon sa front porch. Padaskol na nagtuyo ito ng buhok.

Napapalunok tuloy siya at ‘di mapigilan ang sarili na mapatitig sa dibdib nitong gumagalaw habang walang ingat na nagkukuskos ng tuwalya sa ulo. Ah, halos mag-iisanglinggo na magmula nang mangyari ang nangyari sa loob ng Audi.

At kung hindi malakas-lakas ang control niya ay malamang na nauwi sila sa hindi dapat. She was so willing back then, at nadadala naman siya ng sitwasyon.

Oh, fuck!

Naramdaman yata ni Lahynna na nakatitig siya rito kaya bumaling ito sa direksyon niya at matalim na umirap. Sa halip na mainis ay napangiti pa ang binata.

What happened to the sweet beautiful young lass he met, two years ago?

Mas lalo itong gumanda ngayon. Pero kasabay ng pamumukadkad ng inosenteng ganda nito ang pagbabago rin nito bilang ito. She wasn’t sweet anymore. She turns to be a fierce and seductively beautiful woman. Iyon ba ang nagagawa ng broken heart sa isang babae? The sweet turns to be a fierce one?

Siguro.

Dahil malamang na malalim ang naging samahan ng dalawa ni Szade para masaktan ito ng ganoong kasobra. The thought made him furious. Hindi deserving ang Szade na iyon kay Lahynna!

And what the hell!? Kung naging malalim man ang samahan nito at ni Szade, tapos na ang lahat. At hindi na niya papayagang saktan ulit ng lalaking iyon ang babaeng…

…ang babaeng kauna-unahang nakaagaw ng atensyon niya.

Walang pakialam si Rubick kung gaano kalaki na ang naging pagbabago ni Lahynna. For him, she was still the sweet young lass he used to adore way back then. Adoration na nauwi na yata sa desire. Dahil wala na siyang ginawa kundi ang mag-imagine ng mga makamundong gawain kasama ito. At dahil ‘di naman iyon nangyayari kaya nagre-resort siya sa pagbaling sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya.

Nilagpasan niya si Lahynna at pumasok sa loob. Kailangan niya ng pansuhol para lumamig na ang ulong dalaga.

“HERE.”

Nilingon ni Lahynna ang narinig na nagsalita sa kanyang tabi. Nagulat pa siyang makita ang isang goblet na may lamang red wine. Umarko tuloy ang kilay niya.

“Akala ko ba, bawal akong mag-inom?” pasupladang tanong niya.

“Red wine iyan. Mababa ang alcohol content. At kaunting-kaunti lang naman para hindi mo masabing napakasama kong nilalang na pinagdadamot ko sa ‘yo ang bagay na kinasasabikan mo.”

Sa isip ni Lahynna ay may double connotation ang huling mga sinabi ni Rubick. Dahil bukod sa alak ay may mas higit siyang kinapapanabikan.

Ah!

The thoughts of him bring shivers down her spine. It was igniting the fire inside her. She could feel her blood became fiery while it flow to her veins. Napapikit nalang siya ng mariin. Gusto niyang sampalin ang sarili para magising mula sa mga makamundong nararamdaman.

At hindi nga ba naiinis pa siya rito?

Ito at ang pakikipaglampungan nito kay Eina ang dahilan kung bakit tinangka niyang tumikim ng alak. Gusto niyang maistorbo ang kanyang utak sa pag-iisip patungkol rito at ang kanyang mga mata na parating lumilipad papunta sa binata. Nafu-frustrate na siya ng sobra. Gusto niya itong lapitan at ilayo sa pinsan. Pero napipigilan siya ng isiping ano ba ang karapatan niyang gawin iyon?

“Kukunin mo, o… kukunin mo?” At marahang inalog ni Rubick ang hawak na baso.

Nang ngumiti ito ay para bang nahawi ang lahat ng bagay at tao sa paligid nila. Hindi niya maintindihan ang sarili. Noon pa man, kahit ngumiti lang ito ay nagagawa na nitong pawiin ang lahat ng hindi magagandang damdaming pumapaikot sa kalooban niya.

At gusto na talaga niyang mapantastikuhan sa sarili.

Inabot ni Lahynna ang goblet. Inilapat sa labi ang glass rim at pinagsawa ang ilong sa mabangong amoy ng wine. Hindi nito nalalaman na sa ginagawa ay napapakagat-labi na si Rubick sa panonood rito. She was turning him on.

Sumimsim siya ng kaunti. Saka lumingon sa floor to ceiling na glass panel at kitang-kita ang loob. Naaabot pa ng kanyang mga mata ang mini bar na nakababa pa din ang bote ng red wine na siguro ay pinagkunan nito ng ibinigay sa kanya.

Tiningala niya si Rubick. “Pwedeng pumasok sa loob?”

Sandaling nangunot ang noo nito pero tumango rin naman. “Sure.”

Nagpatiuna siya sa pagpasok, nakaalampay ang tuwalya sa kanyang balikat. Nakasunod naman sa likuran niya si Rubick. Parang inaalam kung saan pupunta ang mga paa niya. Iniisang lagok naman niya ang laman ng goblet na hawak habang dumederetso sa mini bar.

“Ang laki talaga ng bahay niyo, ano? Nasaan ang Mama mo?”

And she couldn’t be mistaken. She really saw the unfathomable pain in his eyes. Na mabilis nitong naitago sa paggiging pockerfaced.

“Busy si Mommy… bihira siyang umuwi.”

Gusto pa niyang magtanong pero pinigilan niya ang sarili. Mula sa mga usapan sa DJP ay may ideya na siya. At hindi maganda ang nabubuong eksena sa utak niya. And asking him private matters was like putting salts to his wounds. Hindi naman siya ganoon kasama para saktan pa ito lalo.

“Penge pa, ha?”

Inabot niya ang bote ng red wine sa kawalan niya ng masasabi. Pero bago pa niya iyon mabuksan ay naagaw na iyon ni Rubick mula sa kanya.

Parang dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya nang magsimulang lumapit ang gwapong mukha ng binata sa kanya. May problema siya sa puso pero ang biglaang pag-palpitate noon ay para bang hindi masama ang epekto, kabaligtaran ng inaasahan niya. It was as if her heart became healthier than before. Raging with fire as it throbbed faster and harder. Hindi niya maramdaman ang paninikip ng dibdib sa halip, mainit na damdamin ang pumapalibot sa kanyang puso. It was so warm and so gentle sa kabila ng katotohanang gusto noong kumawala mula sa kanyang rib cage.

“Kung gusto mong malasing?” Paanas na sabi nito habang marahan siyang kinakabig mula sa kanyang baywang palapit sa katawan nito. Unti-unti ring bumababa ang mukha nito sa kanya. “May mas nakakalasing kang dapat matikman.”

At sa isang iglap ay sakop na nito ang mga labi niya. Rumagasa at kumawala na ang mga damdaming ilang araw rin niyang pinigilan. Kung nalalaman lang nito kung gaano niya pinanabikan ang sandaling iyon… kung gaano siyang nauuhaw sa mga labi nito. Para siyang mababaliw sa bawat sandali na inaalala sa imahinasyon ang bawat paghagod ng mga labi nito sa kanya. Ang masarap na damdaming kaloob ng halik nito.

Para siyang isang mabangis na hayop na hayok na nilalapa at nagpapalapa sa mga labi ni Rubick. His tongue was moving in and out of her mouth, putting her into ecstacy. He was galvanizing her thirst of his taste she unconsciously arched her body, meeting and rubbing herself to him.

Narinig niya ang pag-ungol nito.

She rasped herself even harder to him. Rumaragasa ang maiinit na damdamin sa kabuuan niya. Ikinawit ni Lahynna ang mga braso sa batok nito at tumingkayad para magkatapat ang kanilang mga mukha. Baka mapagod ito sa pagtungo sa kanya at pakawalan ang kanyang mga labi, hindi siya makakapayag.

Pero kahit ginawa na niya iyon ay iniwan pa din nito ang kanyang bibig. Bumaba sa kanyang leeg at sumimsim sa kanyang collarbone.

Nakakabaliw na ungol ang kusang kumawala sa mga labi ni Lahynna, hindi niya mapigilan ang sarili. She felt her peaks hardened just by the touch of his fingers.

Bumaba ang mga labi nito sa kanyang cleavage. Halos mangatal siya sa matinding sensasyon. Habol ang paghinga. Nang manalakay papasok sa loob ng kanyang bikini top ang isang kamay nito at marahang damhin ang kanyang dibdib, ay mas lalo siyang nilusob ng pananabik.

Kumakatok sa utak niya ang matitinong bahagi ng isipin pero pinipilit niya iyong pagsarhan ng pinto. Ayaw niyang makinig. Gusto niyang mawalan ng pakialam sa lahat. Gusto niyang pagbigyan ang sarili sa hindi kilalang damdaming nangunguna sa kanyang katauhan. Saka nalang niya haharapin ang mga matitinong bahagi niya kapag napagbigyan na niya ang labis na pangangailangan.

“Ooo—h… sucked it… Sucked them hard!” Nag-uutos ang kanyang boses pero hindi na niya inintindi kung ano ang magiging dating noon kay Rubick. Her peaks were hard and cold, they really need to get inside his warm mouth.

Huminto bigla si Rubick sa ginagawa. “Don’t play with fire, Belle. You’ll get burned.”

Papakawalan na siya ni Rubick nang kabigin niya ito sa batok. “I’ll take the risk.”

Saka ito siniil ng mariin at nag-aalab na halik. Wala nang makakapigil sa kanya sa mga sandaling iyon. Kung ano ang nakain ni Lahynna para gawin ang bagay na iyon ay hindi niya alam. Isa lang ang sigurado niya, ikamamatay niya kung hihinto sila ngayon.

Para bang tuluyang naputol ang pagtitimpi ni Rubick. Sa isang sandali ay iniangat siya nito mula sa kanyang pang-upo habang nanggigigil na pumipisil roon. By instinct, ipinulupot niya ang mga binti sa baywang ni Rubick. He kissed her collarbone at gusto niyang sitahin ito dahil pinasasabik nito ng sobra ang kanyang mga dibdib na nangungulila nang sobra sa mainit na mga labi nito.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free