HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 1

NAPATILI ng malakas si Lahynna nang madulas sa maputik na pilapil. Nakakainis naman kasi itong kapatid niya. Sa halip na tulungan siyang maghanap ng bulate na gagamitin niya sa activity niya sa school bukas, ayon at matapos siyang ihatid sa karatig-bayan ay pinabayaan na siyang mag-isang pumunta sa palayan dahil naging abala na ito sa pakikipag-bonding sa mga pinsan nila.

Pwede naman siyang sa garden nila maghanap ng bulate pero gusto rin kasi niyang makadalaw sa kanyang lolo at lola kaya isinabay na niya ang pagkuha ng bulate sa bukirin. Nagsilbing alibi nalang niya iyon para makadalaw sa kanyang mga lolo at lola. At gusto rin naman ni Lanryd na sumama kaya nagprisinta itong ihahatid siya.

Third year college na siya at kumukuha ng Biochemistry sa isang university sa Leyte. Doon kasi ang alma mater ng kanyang mga magulang at mga legitimate na taga Bohol. Habang ang kapatid namang si Lanryd ay graduating na sa senior high school. Tatlong taon lang ang pagitan nila at dalawa din lang magkapatid. Minsan magkasundo sila, minsan ay nagkakatampuhan. Pero mas madalas na magbiruan ng pisikalan.

Papatayo na sana siya nang maramdamang may humihila sa braso niya. Napabaling siya sa kung sinong umaalalay sa kanya para makatayo.

At nahigit nalang ng dalagita ang kanyang hininga nang makita kung gaano kagwapo ang nilalang na iyon na nagmagandang-loob na alalayan siya. Maputi at makinis ang mukha nito. He had those beautiful pale red lips… a turned-up nose that compliments his handsome face. Kahit messy ang medyo mahaba nitong buhok ay bumagay naman iyon rito. She couldn’t decide if he just awaken or what. Mamula-mula kasi ang mga mata nito. But they were like jewels, glittering in the light of the sun.

Nginitian niya ito sa kawalan ng masabi. Nakaka-speechless naman kasi ang kagwapuhan nito.

Grabe!

Sa tangkad nito, may palagay siya na nasa twenty-five na ang lalaki. Four years ahead sa kanya. O kung hihigit pa, baka mga nasa twenty-seven.

“Madulas sa parteng ito, Miss. Kung hindi ka nga mag-iingat, mahuhulog ka sa putikan.” Anito sa walang damdaming tinig.

Nagulat pa siya nang matapos siya nitong maitayo ay hinugasan nito ang paa niya mula sa creek ng patubig sa palayan na di naman malayo sa kinaroroonan niya.

“S-Salamat.” nasabi nalang niya at ulit itong nginitian.

Sandali itong tumitig sa dalagita. Parang may kung anong interesanteng nakikita sa mukha niya. Baka naman may dumi siya sa mukha.

“Hindi ka taga rito. Ngayon lang kita nakita.”

“Ah, oo. Taga sentro ako. Pero ‘yong lola namin, taga rito. Nagpasama lang ako sa kapatid ko para kumuha ng kakailanganin ko para sa activity namin bukas.” Iniangat niya ang clear glass container na may lupang laman. “Kailangan ko kasi ng bulate.”

Sandaling kumunot ang noo ng lalaki. At kahit hindi niya maintindihan ang ekspresyon ay nagugustuhan pa rin niya itong panoorin. He has something that stirs her curiosity.

“Sige, tutulungan na kita.”

At wala itong pasabing lumusong sa maputik na parte ng palayan. Wala rin itong kiyeme sa paghahalungkat sa lupa para maghanap ng bulate. Nang magtangka siyang lumusong na rin ay pinigilan siya nito.

“Ako nalang. Diyan ka na.”

Tututol pa sana siya nang magsalita ito ulit.

“Mapuputikan ka pa. Kulay puti pa naman ang shorts mo.”

Wala na nga siyang nagawa kundi hintayin nalang ito roon sa pilapil na kinatatayuan niya. Curiosity over flow her. Nagtataka siyang tinulungan siya nito maski di naman siya nito kilala.

“Mas maganda kung doon sa mamasa-masang lupa ka maghahanap. Bihira kasi ang bulate sa putikan.” Suggestion niya.

“Sige, doon tayo.” May itinuro itong lugar.

Naghugas ito ng paa at kamay sa creek saka nagpatiunang maglakad. Sumunod lang naman siya sa lalaki. May nadaaanan silang dampa. Siguro ay pahingahan nang nagsasaka ng bukirin na iyon.

“Dito ka nalang. Ako na ang magbubungkal.” Sabi nito.

Pero sumunod pa rin siya rito. Nang lingunin siya nang lalaki ay nahinto siya sa paglalakad. Tumigil nalang siya roon sa may pilapil.

Kung may ilang minuto rin bago ito nakahanap ng isa. Maliit at payat nga lang. Nang lumapit ito ay binuksan niya ang dalang container para mailagay nito roon.

“Ilan ba ang kailangan mo?” tanong pa nito.

“Mga tatlo sana. Para kapag namatay bago ang activity, may reserba pa ako.”

Muling bumalik sa taniman ang lalaki. Ingat na ingat na may matapakang nakatanim na palay habang nagbubungkal. And it fascinates her. Hindi ito maarte na wala itong pakialam na maputikan. Samantalang, sa kinis ng kutis nito, nahuhulaan niyang hindi ito anak ng magsasaka na sanay magbungkal ng lupa. O sadyang may pagka-Korean ang balat nito? Bakit parang mas makinis pa ito kaysa kanya e halos manligo na siya sa mamahaling lotion at moisturizer?

“Hindi ba tayo papagalitan rito? Baka mawasak ang mga tanim.” Malakas na tanong niya sa nagbubungkal na lalaki.

Sandali itong lumingon sa kanya. At parang gustong huminto sa pagpintig ng puso niya nang mula sa malayo ay para bang nag-iba ang anyo ng lalaki. Napakagwapo nito lalo habang nililipad ng hangin ang medyo mahabang side bangs nito. Namumula ang makinis na pisngi nito sa tama ng liwanag ng araw.

Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti habang parang naengkanto sa pinapanood na magandang view. Ang sarap nitong panoorin. Lalo na kapag bumabakat ang katawan nito sa suot na semi-bodyfit white t-shirt sa tuwing kumikilos ang lalaki. Parang isa sa mga sundalo sa koreanovelang Descendents Of The Sun, hindi niya tuloy mapigilang kiligin sa kanyang sariling pantasya.

At ang mas nakakagwapo rito ay ang katotohanang hindi nito alam o wala itong pakialam kung gaano ba ito kagwapo sa mga paningin niya sa mga sandaling iyon.

“Kilala ko naman ang nagsasaka rito. Hindi tayo pagagalitan.” Pag-a-assure nito sa kanya.

Nanahimik lang si Lahynna. Hindi inaalis ang mga paningin sa lalaki. Dahil kahit utusan niya ang sarili na tigilan ang panonood dito, hindi niya magawang sumunod. It was as if something enchanting ruled her to watch him all day. And she was very much willing to follow.

He is a hottie!

Ilang sandali pa at may dala na ulit itong bulate. Dalawang malalaki. Ang lapad ng ngiti niya sa katuwaan. Kung dahil sa bulate o dahil lumapit na ulit ito sa kanya, di niya alam.

Abot-abot ang pagpipigil niya sa sariling mahaplos ang makinis na mukha nito. Bakit ganoon nalang ang attraction nanararamdaman niya? Dahil ba gano’n ito kagwapo na kahit sinong babaeng nasa edad niya ay ‘di maiiwasan ang kakaibang charm nito?

Pinilit ni Lahynna na ibalik ang atensyon sa container. Mas gusto niya na malalaki ang ida-disect niya para mas madaling i-identify ang mga parts.

“Nice! Thank you!” tuwang-tuwang sabi niya.

Tumalikod lang ito sa kanya at dumeretso sa poso para maglinis ng maduming kamay at paa.

Pansin niyang nahihirapan ito. Dahil pagkakatapos bumomba ng tubig ay saka ito sasahod kaya lumapit siya sa poso at ipinagbomba ito ng tubig. Wala itong salita habang naglilinis ng paa at kamay.

“Thank you ulit, ha?” sabi niya matapos.

Tumango lang ito. Bakit ba parang napakahirap para rito ang ngumiti? At parang napakamisteryoso nitong tao. Walang kaemo-emosyon.

“Taga rito ka ba?” tanong niya.

Naglakad ito papunta sa kubo. Naupo sa mahabang silyang kawayan sa harapan ng dampa.

“Oo, isang taon na din kami rito.”

Napatango-tango siya. Kung ganoon ay bago lang pala ang mga ito roon.

“Ang sarap ng hangin dito sa bukid, ano?” sa kawalan ng masasabi ay aniya. Ayaw pa niyang umalis. Gusto pa niyang makipagkwentuhan rito maski obviously, wala itong balak na kausapin siya.

Napapikit pa si Lahynna nang umihip ang malinis na hangin at humalik sa kanyang mukha. Ramdam niya ang magaang paglipad ng lagpas balikat niyang tuwid na buhok. Tuwang-tuwang pinuno niya ang baga ng sariwang hanging-bukid.

Nang ulit siyang magmulat ng mga mata ay hinding-hindi niya makakalimutan ang pagbabawi ng tingin ng lalaki. Pinapanood ba siya nito habang ini-enjoy niya ang sariwang hangin? At bakit pumipitlig ang karne sa loob ng kanyang dibdib?

“You should try to breathe fresh air.” Nakangiting sabi ni Lahynna rito.

Kung para kabigin ang sarili o dahil wala nalang talaga siyang masabi. Damn! The guy was so attractive she could stay looking at him all day long!

“Para naman ma-refresh ka at matutunan mo na ding ngumiti.”

Mahinang napasinghap si Lahynna nang walang babalang nagpakita ang bagay na kanina pa siyang nacu-curious makita. Napunit ang maliit na ngiti sa maganda nitong mga labi. At para bang sa paningin niya ay sumilip ang maliit na liwanag sa madilim na mundo.

He did really smiles. At bagay pala rito ang nakangiti kaysa pokerfaced. Though masasabi niyang gwapo talaga ito sa kahit anong anggulo at kahit anong emosyon.

“There, you should smile more. Masarap maging masaya.”

Parang gusto niyang sampalin ang sarili na pinuna pa niya ito dahil agad na napawi ang maliit nitong ngiti. The pockerfaced man, came back again.

Kung bakit ba kasi hindi niya mapigilan ang sarili na punahin ang mga nakikita?

“There was no reason for me to smile. So why should I?”

Hindi niya maintindihan ang sarili. Bigla kasing bumigat ang loob niya pagkarinig sa malungkot na boses nito.

Gusto sana niyang itanong kung bakit ito nawalan ng dahilan para ngumiti. Heto nga, buhay ito at humihinga. Iyon palang, dapat na itong maging masaya at magpasalamat. Pero sino siya para pakialaman ang pagtingin nito sa mundo? She didn’t know what he was going through. At wala rin siya sa lugar para pasukin maski ang bagay na iyon.

Kaya lang…

Gusto niyang malaman. Gusto niyang alamin. Hindi naman siya ang tipo ng tao na may pagka-interloper pero sa pagkakataong ito…

“Hynna!!!”

Napalingon siya sa malakas na boses na tumatawag sa kanya. Si Jane na papalapit doon sa dampa. Kapitbahay ito ng mga grandparents niya at kalaro niya kapag bakasyon noong mga bata pa sila. Kababata in short.

Sandali pa at tumatakbo na si Jane palapit sa kanila. Her wide smile vanished. Nag-serious mode na.

“Umuwi ka na daw, sabi ng Lola mo. Kanina ka pa hinahanap nina Lanryd.” Sabi nito pagkalapit sa kanya saka siya hinila sa braso.

“Ah, oo. Nanghuli lang kami ng bulate.” Binalingan niya ang lalaking wala nang pakialam na nakamasid sa malawak na palayan.

“Thank you ulit.”

Sandali itong humarap sa kanya at tumango saka muling inilayo ang mga mata.Hila-hila naman siya ni Jane at para bang nagmamadali pa ito. Gusto pa sana niyang magtagal sa kubo pero parang kulang nalang ay itakbo na siya nito palayo roon na parang may nakakatakot na bagay na nakita sa kubo. Nang makalayo na sila ay saka siya nito sinita.

“Bakit kasama mo si Rubick?” Madiin at kabado ang tono ni Jane.

“Ha?”

“Si Rubick. ‘Yong lalaking kausap mo.”

Ah. Ni hindi niya naitanong ang pangalan ng lalaki. Kung hindi pa sinabi ni Jane ay ‘di pa niya maiisip iyon.

“Tinulungan niya akong kumuha ng bulate.”

“Wala ba siyang ginawa sa ‘yo? Hindi ka ba niya sinaktan or anything?”

“Ano?” Nag-isang linya na ang mga kilay niya sa pagtatanong na iyon ni Jane. Parang eksaherada naman ata ang reaksyon nito. “Ano namang gagawin niya sa aking masama? Mabait nga ‘yong tao. Tinulungan niya ako maski ‘di niya ako kilala.”

“Hmmp!” umismid si Jane. “Huwag kang papaloko sa kanya, Hynna. Kilalang takaw-gulo‘yan dito sa barangay. May sabi-sabi pa na adik ‘yan kaya laging napapaaway.”

Gusto niyang magtaas-kilay. Hindi niya magawang manghusga lalo pa nga at wala namang masamang ipinakita sa kanya ang lalaki. Instead, he even helped her. Kaya parang ang hirap-hirap namang paniwalaan ng sinasabi ni Jane.

“At alam mo? ‘Yong dampa na iyon, minsan na ‘yong naging…”

Tumigil ito sa pagsasalita na parang nag-aalangan na.

“Naging ano?” Curious na pag-pursue niya sa sinasabi ni Jane.

“Naging… ano, sex place daw.”

“Huh?” Namimilog ang mga mata niya.

Shocked si Lahynna sa narinig. Oo at nasa edad na siya at hindi na bata para sa salitang iyon. She’s already twenty-one. Ganoon din si Jane. Pero nasho-shock pa din siyang makarinig ng ganoon sa kababata. Lalo pa nga at kahit nakikipag-boyfriend, hindi naman sila lumalagpas ng boyfriend sa limitation. Kayasa hitsura ni Jane na ready na itong magkwento ng kung anu-anong kahalayan, gusto na namang ma-culture shock ng utak niya.

“Oo nga. Minsan may nakahuli sa kanyang nakikipag-anuhan kay… the-girl-who-shouldn’t-be-named.”

Hindi malaman ni Lahynna kung matatawa o ano? Dumadaldal na nga itong si Jane ng mga tsismis na alam nito pero may pa-blind item effect pa. Bakit ‘di nalang siya deretsahin ng chika?

“Karamihan daw sa mga malalandi rito sa barangay natikman na niya. Malikot ‘yan sa mga babae kaya mag-iingat kang mapag-isa kasama niyan.”

Tinampal niya sa braso si Jane. “Grabe ka. Puro may daw. Meaning puro chismis lang ‘yang sinasabi mo.”

Gusto niyang mapailing. Hindi naman na bago sa kanya ang mga ganoong paninira sa kapwa. Sa lugar na iyon, at maski sa sentro, hindi naman nawawala ang mga tsismosa/o. But then, she felt sorry for the guy. Bakit ba ito ang puntirya ng mga tao sa lugar na iyon?

Kandatutol ang loob niya sa mga sinasabi ni Jane. Malayong-malayo ang ipinakita ni Rubick sa kanya sa mga sinasabi ni Jane. Ni katiting na kabastusan ay wala siyang naramdaman nang hawakan siya ng lalaki kanina. Pure act of helping ang ginawa nito. Kaya napakaimposible talaga ng mga pinagsasabi ni Jane.

“Ano ka ba? Lahat ng tsimis may root. Hindi naman ‘yon kakalat kung walang pinagmulan. As the old saying goes: Walang apoy kung walang usok. Come on, Hynna. He is such a good for nothing trouble maker.”

“Hindi mo masasabi na totoo ang isang bagay kung wala ka namang matibay na ebidensya, Jane. Puro sabi-sabi lang ang alam mo.”

Inirapan siya ni Jane. “Bahala ka nga. Basta binalaan na kita.”

Lumingon ulit siya sa dampa na pinanggalingan at kitang-kita niyang nakatingin ito sa kanila habang papalayo sila. Ulit nitong inilayo ang mga mata.

Bakit ganoon? Kahit alam niyang siguradong-sigurado si Jane sa mga sinasabi nito, hindi niya magawang maniwala sa kababata. Siguro dahil wala naman siyang nakita na hindi maganda kay Rubick. In fact, mabuti ang nakikita niya rito. Naniniwala siyang nami-misinterpret lang ng mga tao ang pagkatao ng lalaki. Napakamapanghusga naman kasi ng mundo.

“Pero kunsabagay… ang gwapo naman nga kasi ni Rubick. Hindi siya mukhang walang kwenta. Mayaman pa.” Narinig niyang sambit ni Jane sa kanyang tabi.

As they speed away, may pakiramdam siya na gusto niyang bumalik para tanungin si Rubick. Gusto niyang marinig mula sa bibig nito ang totoo. Pero para saan at gusto pa niyang malaman? Ni hindi niya nga ito personal na kilala.

MONTHS passed at nakikita na ni Lahynna si Rubick sa lawn area nila sa tuwing uuwi siya galing sa University na pinapasukan niya sa Leyte. Nalaman niyang nakilala ito ni Lanryd sa isang shop bilang DOTA player rin at inayang sumali sa grupo.

They were exchanging smiles and greetings at minsan ay nakigulo siya sa DOTA tournament ng mga ito. It was their start. Kapag babalik na siya sa Leyte ay ito ang naghahatid sa kanya. At ito rin ang sumusundo sa kanya kapag weekend. Nagugulat nalang siyang makikita niya ito sa labas ng dorm na tinutuluyan. Nakasandal sa sasakyan nito at naghihintay sa pagbaba niya. Hindi niya alam kung paanong nalalaman nito ang araw ng pag-uwi niya sa Bohol at maging ang pagbalik sa Leyte.

Doon niya tuluyang kinalimutan ang sinabi ni Jane. At malamang ay nagkamali lang ang mga tao sa panghuhusga kay Rubick. Kung meron mang nakikita ang mga ito na hindi maganda sa binata, hindi na niya iyon binigyan ng oras para isipin pa. Nakikita niya kung gaano kabuting tao si Rubick. And rumors were not enough to cloud her judgement. He was really such a nice guy.

She graduated from her four-year course in Biochem na actually ay umabot din ng five years dahil sa additional one year program in laboratory techniques. Nakahabol siya sa graduation at hindi naman nasagasaan ang mga marka niya kahit dalawang buwan na nag-absent dahil sa pagkaka-confine sa ospital. Nagawan ng paraan na ma-supply-an ang mga activities na hindi niya nagawa dahil sa pag-absent. At maski sa celebration na iyon ay nakikisaya ang binata sa kanya. Together with her family na buong pusong tinanggap si Rubick.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free