“ANONG meron at dinadalaw ako ng lahat?”
Nakangiting sinalubong ni Rubick si Lahynna. Napakaganda nito sa simpleng floral white dress at strap sandals. Nakalugay lang din ang tuwid nitong buhok na nililipad ng hangin. Bahagyang mamula-mula ang malalambot na mga labi. A natural color of her lips… She was as simple as ever. Simple yet devastatingly beautiful. A simplicity he used to adore.
Mapaklang napangiti siya nang may biglang ma-realize sa biglaang pagdalaw ni Lahynna. It was so obvious. Malamang, hindi pa sumisikat ang araw, kalat na sa lugar ang tungkol sa gulong pinasok niya kagabi. Ano bang bago? Palagi naman siyang talk of the town. Wala naman sana siyang pakialam sa mga iyon. Ang inaalala niya lang palagi, ang magiging opinion ni Lahynna at ng pamilya nito… ang mga Polinar. They’re all that matters to him. At pinagpapasalamat niyang malawak ang pang-unawa ng mga Polinar.
Pero habang nakikita niyang walang imik si Lahynna na naglalakad papasok at dumeretso sa lounger sa front porch, parang gusto niyang kabahan. Nasa mukha ni Lahynna na may balak itong mag-interrogate. Gusto niyang mapaungol at mapakamot sa ulo.
“Cup of tea?” He offered her.
“No, I’m good.”
Naupo siya sa collapsible chair na nasa harapan lang ng lounger na kinauupuan ni Lahynna. “Anong atin?”
Medyo nagulat pa siya na inabot nito ang mukha niya at inaral mabuti. May maliit na sugat sa gilid ng labi niya at may pasa sa kanang pisngi na natamaan ng suntok ng lalaking Migo ang pangalan. Taga Poblacion din at isa sa pinakamaangas. Hindi niya kasundo pero sa pagkakaalam niya, hindi naman niya kaaway. Kagabi lang talaga na hindi niya gusto ang inilabas ng madulas na dila. Siguro dahil lasing na.
“Look at that.” Parang nagsesermon na sita nito sa kanya. “Pasalamat ka at ‘yan lang ang inabot mo. Alam mo, kasi hindi nakukuha sa init ng ulo ang solusyon sa mga problema.”
Nagtiim-bagang siya. Nandito lang ba ito para sabihan din siyang mali ang ginawa niya? Na dapat pinalagpas nalang niya ang narinig na masasamang salita na patungkol sa parents niya?
“Hah! You wouldn’t expect me to do nothing when I heard nasty things about my Mom. Hindi siya perfect but she’s still my Mom, Lahynna Belle.”
“I know. Pero sana—”
“Stop.” Maingat, mariin at pigil ang damdamin na sabi niya rito. “I think you should go now.”
Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Lahynna. Pero pinilit niyang huwag magpaapekto. Hindi niya gustong makipagtalo. Baka mas lalo pa siyang makapaglabas ng salitang hindi nito magugustuhan. Tumayo si Lahynna at walang salitang iniwan siya roon. Gusto niyang pagsisihan ang ginawa pero huli na. Naitaboy na niya ito.
Tumayo si Rubick at hinabol ng tingin ang dalaga pero nakasakay na ito sa tricycle na dumaan. Natadyakan niya ang collapsible chair sa tabi niya sa sobrang pagkaasar.Naiinis siya. At hindi niya alam kung saan siya naiinis. Sa kanyang sarili siguro. Sunod-sunod ang paglunok at paglalabas ng malalim na hininga ang ginawa niya. Saka mariing napapikit.
Oo, kailangan niya si Lahynna. She wanted her for himself. Gusto niyang panagutan ang nangyari sa pagitan nila. But what else can he offer her? His broken self? Hindi nga niya tuluyang maiayos ang mga gusot sa buhay niya, idadamay pa ba niya doon ang dalaga? He wants her but he can’t have her. Alam niya iyon. At nahihirapan na siyang isipin kung paano aayusin ang mga nagawa na nila.
Matagal niyang pinangarap si Lahynna. Ang totoo, tanggap niyang hanggang pangarap lang si Lahynna. Pero nabuksan ang pagkakataon at mabilis na sinunggaban niya iyon. Sino ang hindi? Gusto na rin naman niyang matapos angkagustuhanniyang mapalapit sa dalaga.
Nagbago siya dahil kay Lahynna. She became his inspiration. Her smile was like his light to his dark path. Ang mga inosenteng ngiting iyon nang unang araw niya itong makita ang parang nagpursue sa kanya at nagsabing hindi pa huli ang lahat sa kanya. Ang patapong buhay, pinilit niyang mapaganda ulit. Ginusto niyang umangat at bumangon dahil gusto niyang makalapit rito na hindi nai-insecure. May bonus pa. Dahil hindi lang sila basta naging malapit. Naging magkaibigan sila.
But then, he became distracted the moment they crossed their boundaries. Bigla-bigla nalang itong pumapasok sa isip niya. Mas madalas kaysa dati. May pagnanasa at wala. Parati niya itong nakikita sa imahinasyon niya. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya kung hindi siya gagawa ng mga bagay na makaka-distract sa kanya sa pag-iisip patungkol rito.
And damn he is! He took her innocence. Sabihin nang pareho nilang ginusto ang nangyari pero hindi niya inaasahan na virgin si Lahynna. Sa mahigit isang taong relasyon nito kay Szade, na hindi naman maitatanging naging malalim ang samahan ng dalawa, hindi niya inasahan na inosente pa din ang dalaga. Lalo pa at naramdaman ni Rubick kung gaano ito ka-willing na ibigay ang sarili sa kanya… ng walang kahit katiting na inhibition. Well, virgin or not, hindi niya itinatanggi, she wants her, badly.
And he was grateful she didn’t give herself to the brute. But then he was guilty. Her family was very nice to him. Pakiramdam niya ay nagtraydor siya sa pamilya ni Lahynna nang matapos ang gabing iyon.
May pinagsisisihan ba siya? Wala. Pero may napakalaking guilt sa puso niya. May insecurity na namang bumabalot sa katauhan niya. Kung sakali bang ipaalam niya sa pamilya ni Lahynna na gusto niyang panagutan ang nangyari sa pagitan nila, tatanggapin siya ng mga iyon? Hindi niya alam. Baka mapatay siya ng pamilya nito.
“Dude?” Ang pagbukas ng pinto at paglabas ni Lanryd ang pumutol sa pagse-self-pity niya. “Parang narinig ko si ate dito? Nandito ba siya? Teka? Nasaan na ‘yon? I’m sure I heard her…”
Tumango kasabay ng pagpapakawala ng buntong-hininga. “Pinaalis ko na.”
“Bakit?”
Tumitig siya ng matiim sa kaibigan. Pero inilayo din ang mga mata at tumingin sa kawalan. “Do you think I deserved her?” tanong niyang parang para sa sarili lamang.
“You don’t deserve her, yet.” Nasa tono ni Lanryd ang pagtatama sa kanya. Naririnig niya ito pero hindi niya nililingon. “Kung gusto mong maging karapat-dapat sa ate ko, then prove us. Stand up and make us proud. Make yourself be worthy with my elder sister. Move. Stop being stagnant. Ayusin mo na ang issue mo sa Dad mo para makalaya ka na din sa pangit na pakiramdam na iyan.”
Mas matanda siya ng pitong taon kay Lanryd sa edad nitong dalawampu pero kung magsalita ito ay tila mas matanda ito kaysa sa kanya. Mas malalim itong mag-isip at tumingin sa mga bagay-bagay.
Maybe, because he’s… right?
He didn’t grow the way he should. Kung nag-improve man siya, hindi sapat. Dahil binabalik-balikan niya ang nakaraan na sumisira sa kanya. He didn’t deal with the situation in a mature way. Tama si Lanryd. He became “stagnant”.
Kung hindi dumating si Lahynna sa buhay niya, baka ngayon ay tuluyang naging patapon si Rubick. Nag-iba lang naman ang tingin niya sa mundo nang mapalapit siya sa mga Polinar. Maski paano, naliwanagan siya at bumabangon na may dalang pag-asa. Muli lang niya iyong naiwala nitong nakaraan dahil pinili niyang kalimutan si Lahynna. Bigla ay parang nagkaroon ng mataas na pader sa pagitan nila ng dalaga at napakahirap gibain noon. Kaya hinayaan nalang niya.
Pero kasi, nalaman niya na kapag pala wala ang dalaga sa buhay niya, magse-self-destruct siya.
MASAYANG nakikipag-hi-five si Rubick sa mga kaibigan nitong nakatambay na naman sa lawn nina Lahynna. Mula sa kanyang bintana ay nakikita niya ang grupo. Nang marinig kasi niya ang pangalan ni Rubick na tinawag ni Lanryd ay binitiwan niya ang kanyang laptop at sumilip sa malapad na sliding window para siguraduhing tama ang narinig.
Dalawang linggo rin ang dumaan magmula nang huli itong magpakita sa barkada nito. Hindi naman siya makapagtanong sa kapatid dahil…
Iniiwasan niyang tuksuhin nito.
‘Same old, he was so upset. At nagse-self-pity.’ Naalala niyang sambit ng kapatid nang makauwi na ito galing sa bahay ni Rubick. ‘Hindi daw kasi kayo bagay. Ang liit ng tingin niya sa sarili niya pagkatapos nang panibagongnalaman niya patungkol sa parents niya.’ Panunukso ng kapatid.
‘Anong bagongnalaman niya?’
‘Hindi ako ang dapat na magsabi sa ‘yo.’
Nayamot siya sa bagay na iyon. Alam ng pamilya niya ang problema ng lalaki pero sa kanya ay hindi sinasabi ni Rubick? Or dahil nga sa sinasabi ni Lanryd na takot ang binata. Takot itong malaman kung ano ang magiging take niya sa malalaman. Ano bang akala ni Rubick sa kanya, makitid ang utak? Kung naintindihan ito ng pamilya niya, bakit ito, parang walang tiwala na ganoon din ang magiging assessment niya rito?
Gusto niyang lapitan si Rubick. I-console. Kausapin. Pero napipigilan siya ng alaala no’ng huli silang mag-usap at itaboy siya. As if he was telling her he didn’t needs her. At ang sakit no’n. Bakit ba parang hirap itong mag-open up sa kanya?
At ano ba ang nararamdaman niya para kay Rubick? Awa? Ah, hindi. Hindi niya maipagkakamali sa awa ang atraksyong naramdaman niya rito nang una siyang halikan ng binata. Pero pwede rin naman na libido lang iyon.‘Di ba at kaya nga madali niyang ibinigay ang sarili rito? Dahil umatake ang kanyang libido.
Ewan.
Hindi niya alam.
Maski siya ay nalilito na rin sa sarili. Kaya nga pinili niyang huwag na nga munang makita si Rubick. Na mas pinadali ng binata sa pagiging missing in action nito.Kaya lang, kung kailan hindi na nga niya ito nakikita, nami-miss naman niya ito. Parating sumasalit sa isip niya ang gwapong mukha nito, ang ngiti nito. Kung minsan pa ay bigla nalang siyang natitigilan kapag naririnig niyang nabanggit ng alinman sa kanyang pamilya ang pangalan ni Rubick.
‘Ate, nung sinabi kong hassle siyang maging boyfriend, gusto ko nang bawiin ‘yon. He was such a great man. Totoong magmahal. At sobra-sobra na hindi na nagtitira para sa sarili. Naks!’
“Hahawakan ko na ang DJP.” Narinig niyang sambit ni Rubick mula sa ibaba.
“Aba! Anong nakain mo at biglang gusto mo nang tanggapin ang offer ng tatay mo?” kantiyaw rito ni Tim.
“Naumpog ang ulo no’ng makipagsuntukan. Ayan, bumalik sa liwanag.” Nag-high five ang iba pa sa sinabing iyon ni Simon.
Tawa lang naman ang sagot ni Rubick.
“Lanryd, nandiyan ba ang… ate mo?”
Sukat pagkarinig sa tanong na iyon ni Rubick ay mabilis siyang lumayo sa bintana. Napahawak pa siya sa dibdib. Ang bilis ng tibok noon na parang anumang sandali ay tatalon palabas ng kanyang dibdib. Kinakabahan siya na na-e-excite na hindi niya maintindihan.
Bakit siya hinahanap ni Rubick?
“Ate, bumaba ka na dito! Alam naman namin na kanina ka pa naninilip!” Narinig niya ang pasigaw na tawag ng kapatid.
Nag-init ang mukha niya sa pagkapahiya. Gunggong din minsan itong si Lanryd.
Pero papatalo ba ang pride niya? Lumapit siya sa bintana. Dumungaw roon. At eksakto namang mga mata kaagad ni Rubick ang nasalubong niya. Mas tumindi ang sasal ng kanyang dibdib. And it was such a beautiful feeling. She felt alive again after a long time that she was dead. Pakiramdam na mas gusto niyang namnamin kesa pigilan.
“E-Excuse me?” hamig niya sa sarili at inilipat ang atensyon sa kapatid. “Busy ako sa take home work ko. Huwag mo nga akong pinagbibintangan!”
“Sus, palusot.com!” Tatawa-tawa ang kanyang kapatid. “Usap daw kayo ni Kuya Rubick. Do’n sa front porch. Baba ka muna diyan.”
Kuya Rubick?
Nag-igkasan ang mga kilay ni Lahynna. Kailan pa tinawag ni Lanryd na Kuya si Rubick?
Kung anuman ang itatanong niya sa kapatid ay naputol na nang matanaw niyang naglalakad na si Rubick papunta sa front porch. Pinatay niya ang laptop saka binaba ang binata.
“Hey!” Nakangiting bati niya.
Inunahan na niya ito ng ganoong mood para di sila magkailangan. Ayaw na niyang ulitin ang awkwardness na namagitan sa kanila nitong nakaraan. Nakakapagod na makipag-deal sa bagay na iyon.
Pero ang tanong, bakit sila mag-uusap at ano ang dapat nilang pag-usapan?