HinovelDownload the book in the application

CHAPTER 2

“TARA NA?” Tanong sa kanya ni Rubick.

It was Lahynna’s first day at work, being one of the Laboratory Analyst ng De Juego Pharma-Bohol. Doon siya nag-apply dahil akala niya, makikita niya palagi doon si Rubick dahil sa pagkakaalala niya ay nabanggit ng kapatid na iniaalok sa binata ang management ng DJP-Bohol.

Family owned ang De Juego Pharma Corporation pero ang ama ni Rubick ang major stockholder, President at CEO ng kompanya. At kanina lang niya nalaman na mali pala ang inaasahan niya. Wala sa DJP si Rubick. May gap ang binata sa ama na ngayon ay sa Cebu nakatira. Yes, hiwalay ang parents nito at si Rubick ay sa ina tumitira.

Ang totoo, wala siyang masyadong alam sa pribadong buhay ni Rubick. Hindi naman kasi ito nagkukwento kapag magkasama sila. Siya ang madalas na magkwento at taga pakinig naman ang binata. Hindi din siya nag-i-stay sa kanila dahil sa Leyte siya nag-aaral. Siguro ay ngayon palang dahil doon na siya magtatrabaho sa bayan nila.

Pero kaninang nabanggit ng ina na isang malaking hamon kay Rubick ang pagtuntong sa DJP, noon niya nalaman ang lahat. May malaking sama ng loob si Rubick sa ama. O baka nga nauwi na iyon sa galit. Kaya ipinagtataka niyang naroroon na naman ang binata at hinihintay siya.

“Your first day. Baka ma-late ka.” Nakangiting sabi ni Rubick na ipinagbukas siya ng passenger door ng Audi nito.

Lihim na napasinghap si Lahynna habang naglalakad palapit sa sasakyan. Pasimple niya ring sinaway ang pusong kumakabog ng malakas na palagay niya ay epekto ng gwapong ngiti nito. At nitong nakaraan ay tila nagiging normal na pakiramdam nalang iyon. Kailan ba siya unang naapektuhan ng ngiti ni Rubick?

Hindi niya alam. Matagal na naman nitong possess ang heart-stealing smile na iyon.The guy was a looker, really. He was six feet tall her height might reach just his broad shoulders. He had that wide chest she wanted to feel with her hands, strong long arms. Tall, lean… and…

Oh! Hindi pa din nagbabago ang assessment niya sa lalaki. Kasing gwapo pa din ito ng mga Koreanong napapanood niya sa mga paborito niyang Korenovela. Ganoon nalang ang pagpipigil niya sa sariling mahaplos ang gwapo nitong mukha. Dinaig pa nito ang kutis niya.

Hindi tuloy alam ni Lahynna kung maiinggit rito o hahangaan ito. Pinili niya ang huli. Kahanga-hanga naman talaga sa isang lalaki na magkaroon ng ganoon kakinis na kutis.

“May gusto akong itanong, Rubick.” Aniya habang binabaybay na nila ang kalsada.

His masculine scent was so disturbing. Kaya yata ni minsan ay hindi niya naisip magbuklat ng patungkol sa pribado nitong buhay. Hindi lang dahil sa respeto kundi dahil sapat na ang maramdaman niya si Rubick sa tabi niya para mawala siya sa huwisyo at makalimutan ang lahat.

“Ano ‘yon?” Sandali itong bumaling sa kanya at matipid na ngumiti.

Pero kabaligtaran ng katipidan ng ngiti ang epekto noon sa kanya. Parang inapawan nito ang puso niya just by throwing her a handsome smile. Why, he really had that effect on her. Mabuti nalang at nakakaya iyong i-handle ng may diperensiya niyang puso.

“Totoo ba na tinanggihan mo ang pagma-manage sa DJP-Bohol?”

Nagtiim-bagang si Rubick. Napansin rin niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela. Pero matapos ang ilang sandali ay lumuwag rin iyon. She was puzzled.

“I’m managing my mother’s food business, remember? Palaging wala si Mommy.” Mapait ang tinig ni Rubick at nararamdaman niyang may itinatago itong sama ng loob. “Alam mo namang kahit noong nag-aaral palang ako, inaasikaso ko iyon para hindi tuluyang mawala sa amin.”

Ang bigat sa pakiramdam habang naririnig niyang sinasabi iyon ni Rubick. Kamuntik mawala sa mga ito ang negosyo dahil napabayaan ng ina. Bente-sinko lang ito nang pakialaman ang pagma-manage. Sa mga panahong iyon ay nakilala na ito nina Lanryd at nakasama na sa grupo. Noon din ito bumalik sa pag-aaral, na isang semester nalang pala at ga-graduate na pero basta nalang nito iniwan. Hindi niya alam kung paano nitong na-manage ang oras sa paghawak sa negosyo, pag-aaral at pagsali sa DOTA tournament. Pero bilib siya sa naging time management nito. Idagdag pang nang maging malapit sila ay hindi ito nawawalan ng oras sa kanya. And now, he was solely managing the business for more than two years.

“Pero hindi ka naman na hands-on doon, hindi ba? Ginagawa mo na nga lang tambayan ang restaurant.”

“Dahil stable na ngayon ang takbo ng restaurant.” Walang emosyong bumaling sa kanya si Rubick. For the first time, after almost three years ay ngayon lang ulit siya nito tinapunan ng ganoon kalamig na tingin. The first time was when she was in college. Their first meeting, sa bukid.“Why are we having this conversation, Lahynna Belle?”

Minsan lang din siya nito tawagin sa buo niyang pangalan. Kapag seryoso ito sa pakikipag-usap sa kanya. At hindi niya maintindihan kung bakit parang kinukurot siya dahil sa kalamigan nito.

“Because I am curious, Rubick.” Deretsa ko nang sabi.“Close ka sa pamilya ko. Para ka na ngang anak ng parents ko kung ituring nila, at kapatid kay Lanryd. Marami silang alam patungkol sayo, bakit ako ay wala? Maliban sa naging affair mo sa pinsan kong si Eina, wala na akong alam sa ‘yo.”

“Hindi kami nagkaroon ng affair ni Eina. It was just a one night stand!” Gigil na singhal nito sa kanya.

Two years ago nang pumutok ang balita na buntis ang pinsan niya at si Rubick ang itinuturong ama. Ilang buwan palang ang nakakaraan nang makapasok ito sa barkada at may ganoon na agad na kaganapan sa pagitan nito at ni Eina. Tigas sa pagtanggi ang lalaki at hindi niya alam ang mararamdaman. Nadismaya siya sa binata pero hindi nasira ang pakikipagkaibigan niya rito. Naiintindihan niyang magduda si Rubick dahil hindi lang naman ito ang naging lalaki sa buhay ng pinsan niya. At hindi rin niya binigyang pansin ang issue dahil abala siya noon sa boyfriend na si Szade. Na ex-boyfriend na niya ngayon.

Yes, nag-boyfriend siya dati, for the sake na gusto niyang magkaroon ng boyfriend. Patapos na ang school year during her third-year in college, nang maging official sila ni Szade. May dalawa siyang set of friends. Ang una ay ang grupo ng mga DOTA players sa lugar nila sa Bohol at ang pangalawa ay ang barkada niya sa University, kung saan kabilang si Szade. Dala ng pagma-match make ng mga kaibigan niya sa university, pinatulan nila ni Szade ang isa’t-isa. Sa simula, parang wala lang naman sa kanya ang relasyon nila. Para pa rin silang magka-tropa lang. But then, hindi niya namalayan na lumalim na ang damdamin niya para sa lalaki. Hindi niya kasi inakala na ang relasyong nagsimula lang sa trial, mag-go-grow ng sobra. Madaling mahalin si Szade, mabait ito at thoughtful. Sweet din. Isa pa nga ay nagsimula sila sa pagkakaibigan, hindi na mahirap mag-evolve ang mga damdamin nila. She had fallen deeply inlove with Szade na halos dito na niya ibinigay ang lahat ng atensyon. Halos ayaw na niyang umuwi ng Bohol noon kasi alam niyang mami-miss niya si Szade.

At pag-uwi naman nga niya, kaguluhan patungkol sa kaibigang si Rubick at pinsang si Eina ang palagi niyang naririnig. Nalaman pa niyang nagpilit si Rubick na ipa-DNA test ang ipinagbubuntis ni Eina at tigas sa pagtanggi ang babae. Ayon dito, gusto nitong kung tatanggapin ni Rubick ang anak nito, iyong hindi lumalabas na para bang ipinagsisiksikan nitong ipaako. Kung ayaw daw maniwala ni Rubick na ito ang ama at kailangan pang ipa-DNA, maigi pang huwag nalang nitong pangatawanan.

Pride.

Iyon ang pinanindigan ni Eina. At dahil doon ay nahati ang paniniwala ni Lahynna. Pero naisip niyang paano kung reverse psychology pala ang ginagawa ni Eina? Kilala niya ang pinsan na gagawin ang lahat para makuha ang gusto. Namatay ang issue nang makapanganak si Eina. She was in her fourth year in college that time. Hanggang limang taon ang course niya at ang fourth year ang busy year niya. Four months after makapanganak ni Eina at muling bumalik sa dati ang relasyon nito sa grupo. Things flow naturally na parang walang naging issue sina Eina at Rubick. Siya naman ang nagkaroon ng issue sa buhay, sa love life. That time na kasi nagsimulang maging magulo ang relasyon nila ni Szade kaya nawalan na din siya ng pakialam sa mga ito. And months before her graduation ay nagkaroon siya ng malalang atake ng sakit.

Bumuntong-hininga si Rubick. “Believe me, hindi mo magugustuhan kapag nakilala mo ang dating ako, Belle.” May lungkot at pait ang boses ni Rubick at sa isang sandali, gusto niya itong yakapin at i-pursue na ipakita kung sino ang totoong ito. Dahil sa totoo lang, wala naman siyang nakitang masama sa pagkatao nito sa mahabang panahon na nagkakasama sila.

“Tinanggap at minahal ka ng pamilya ko, bakit sa akin, nagdududa ka? Judgemental ba ang tingin mo sa akin? At ito…” Masama ang loob na sumbat niya. “Sumasama ako sa ‘yo. Hatid-sundo mo ako kahit noong huling taon ko sa college. At kahit hanggang ngayon. Pinagkakatiwala ko sayo ang sarili ko, bakit ako, hindi mo mapagkatiwalaan?”

Marahas na bumaling ito sa kanya pero muling ibinalik ang mga mata sa daan. “Hindi ganoon, Belle.” Huminga ito ng malalim habang nagda-drive.

“E, ano pala?” Nahihirapan si Lahynna na intindihin ang sitwasyon. Pakiramdam din niya ay sobrang sikip sa loob ng Audi at nabibingi siya sa sobrang katahimikan biglang pumagitna sa kanila.

“Gusto mo ba talagang makilala ang dating ako?” Paghahamon nito.

“Oo.” Determinadong hamon niya rin.

Sa isang sandali ay nakabig ni Rubick ang manibela at pabastang nag-park sa malaking grocery store na nadaanan nila.

Magsasalita na sana siya nang maramdaman ang isang kamay nito sa kanyang hita. Naka-slacks siya pero ang init na nagmumula sa palad ni Rubick ay tumatagos sa telang nakapagitan sa kanilang mga balat. Pumipisil-pisil ang kamay nito roon sa kanyang hitang gustong manginig sa bawat gawin nito. Nanlaki ang mga mata ni Lahynna sa pagkagulat.

Daig pa niya ang nadampian ng live wire sa ginagawa ni Rubick. Napapaigtad siya. Kumakalabog ang dibdib niya. At kung sa karaniwang sitwasyon, dapat ay pinapalis na niya ang kamay nito.

But hell, she can’t!

His hand squeezing her thigh was like something that brings her a good feeling. Damdaming ngayon lang niya naramdaman. Mainit at masarap. Mabilis iyong kumalat na para bang isa siyang gasolinang hinagkan ng maliit na apoy at mabilis na nag-alab. At ipinagtataka niyang kinakaya ng kanyang puso ang mga damdaming iyon.

That was something she didn’t expect to feel right at this moment and with this man. They are… are… friends!

Nang muling pumisil ang kamay nito sa kanyang hita ay napaigtad siya. Gumapang ang mainit na palad nito paitaas at lumusot sa kanyang pang-itaas, marahang dumampi sa kanyang tiyan. Nagsaboy iyon ng kakaibang init. Masarap na init.

His eyes were fiery and shooting her. At para bang nag-ibang anyo ito sa kanyang harapan nang mga sandaling iyon. He transformed from a beautiful man into a tempting hunk.

Oh, darn!

Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. The hots from his eyes were like fiery arrows stroking her desireful side. His gazed was like setting her into something… something warm, something exciting! At hindi niya iyon minsan man naramdaman. Kahit kay Szade. Bakit ngayon ay…

“R-Rubick…”

O baka naman, dati pang naroon ang damdaming iyon at hindi niya lang pinapansin. Aminado siyang hindi iilang beses niyang tinititigan ang kagwapuhan nito. Hindi iilang beses na naglaro sa isip niya kung masarap ba itong humalik. Hindi niya lang iyon gaanong pinagtuunan ng pansin dahil hindi rin naman nagpapakita ng motibo si Rubick sa kanya. Pero ngayon…

Biglang kinabahan si Lahynna sa nagniningas sa pagnanasang mga mata na nakatitig sa kanya. She knew she had the same intense feelings mirrored in her eyes. Dahil sa totoo lang, kinakabahan man ay nagugustuhan niya ang mainit na pakiramdam.

“Belle…” Sa namamaos na tinig ay bigkas nito sa pangalan niya. At napakasenswal noon sa kanyang pandinig, na naapektuhan yata ang kanyang utak at ayaw nang gumana.

Naramdaman niya ang pag-inclined nito sa passenger seat pero kung napansin niya iyon ay di na niya pinagtuunan. Balot ang atensyon niya ng malalalim at mapagnasang mga mata ni Rubick na nakatuon lang rin sa kanya.

“You want this, right?” His voice husky and seductive.

Bumaba ang mukha ni Rubick sa kanya and claimed her lips in a violent yet hot kisses. Nagpumiglas si Lahynna dahil sa pagkagulat. Why they were doing that? Why they were kissing?

Pero ang pagpupumiglas ni Lahynna ay mas nakakadagdag lang sa papaigting na pangangailangan ni Rubick na angkinin ang mga labi niya. And suddenly, Lahynna melt. Kung kailan at paano siyang napahinto sa pagpupumiglas ay hindi niya masigurado. Isa nalang ang alam niya, nagugustuhan niya ang halik ni Rubick. Nagugustuhan niya ang pagkatok ng dila nito sa bibig niya. At handa siyang patuluyin ito.

He kissed her into senseless and something great and pleasurable feeling was building up inside her. Ang bawat hagod ng mga labi nito sa kanya ay walang humpay na nagsasaboy ng napakatinding pagnanasa. Patuloy at walang hanggan. At hindi niya ito gustongtumigil. Umaarko ng kusa ang katawan niya para lumapat iyon sa tila nagbabagang katawan ni Rubick. Ang mga braso niya ay parang may sariling isip na kusang pumaikot sa batok ng binata.

Heavily tinted ang sasakyan ni Rubick kaya malamang na walang mangangatok sa kanila at sisita. Nasa public place sila pero ang ideyang iyon, pilit itinatapon ng kanyang isip palabas ng bintana ng sasakyan.

Never that she thought of herself being that truly needing with just a kiss. Hindi naman siya iilang beses na nahalikan ng dating boyfriend pero hindi ganito katindi ang damdamin na bigay sa kanya ng nakaraang karelasyon. Hindi siya kailanman na-arouse sa ganito ka-intense na damdamin.

The kiss was mind-blowing. Nagpapalit-palit ang mga galaw nito mula sa marahas hanggang sa masuyo at magiging marahas muli. Na para bang hindi ito magsasawa sa mga labi niya.

She was in daze as his one hand moved inside her ladies polo. Ni hindi niya napansin kung paano nitong nabuksan ang mga butones. He squeezed her right breast against her brassiere as her body was arching again to meet him. Gusto niyang maramdaman ang mainit na palad nito sa mismong dibdib niya. Hindi napigil ni Lahynna ang pag-ungol sa kabila ng katotohanang nakaselyo ang mga labi nito sa kanya.

His lips were deliciously claiming hers. Bumaba ang mga labi ni Rubick sa kanyang leeg. Nagpakasasa roon ng ilang sandali kapagkuway umangat papunta sa kanyang tainga. He was breathing in her ears. And nibble after. Hindi niya mapigil ang muling pagsinghap. Patindi ng patindi ang pagnanais niya sa bagay na hindi naman niya alam kung ano..

“Ru—bick…”

Bumaba ulit ang mga labi nito sa kanyang leeg papunta sa itaas na bahagi ng kanyang dibdib. As if he was drinking up there. He moaned as he took one of her peak with his mouth and sucked it gently. While his other hand was still massaging her left bosom…

Kaya lang… bigla itong tumigil. When he finally distanced his body from her, parang gusto niyang manghinayang. Pero mabilis din ang pagpasok ng kanyang katinuan. Bakit siya pumayag na gawin ni Rubick iyon sa kanya?

“Damn it!” Gigil na hinampas ni Rubick ang manibela sa pagkabigla ni Lahynna.

Mabilis na inayos niya ang sarili. Mali ang reaksyon niya. Ano nalang ang iisipin ni Rubick sa kanya? That she was an easy lay?

Oh, darn! Have she been nuts?

At bakit ba ganoon nalang nakakawalang katinuan ang epekto ng halik nito?

“You can hate me now, Belle. Hell I care! There, are you happy now?” Singhal nito sa kanya. “Bakit kailangan mong gawin sa akin ito? Pinilit kong magbago. At hanggang ngayon, pinipilit kong ayusin ang buhay ko. Pero sa ginagawa mo, pinaparamdam at pinapaalala mo lang sa akin na kahit anong gawin ko, hindi ko na mabubura ang kahapon ko.”

He was a broken man. Kitang-kita niya ang pagtakas ng pait at sakit sa mga mata ni Rubick. Ang matinding galit. Kung kanino ay hindi niya alam. Sa kanya ba? Dahil prinovoke niya ito? Tapos ngayon ay pinagsisisihan nito ngayon ang ginawa?

Parang may humiwa sa dibdib niya sa parte na iyon ng mga naiisip.

And what the hell he was saying? Naguguluhan siya. Ano bang binago nito sa sarili? Eversince she met him, he was a nice man. At patuloy na umaangat ang paghanga niya sa pagkatao ng lalaki habang nagtatagal na nakikilala niya ito. Wala siyang nakitang masama o mali kay Rubick, maliban sa mga tsimis na kumakalat noon sa Poblacion. Kahit ang nangyaring iskandalo patungkol dito at kay Eina ay hindi niya masyadong pinaniwalaan. Kilala niya ang pinsan at kilala ang reputasyon noon. Nakakahiya mang aminin sa sarili dahil pinsan niya ito pero naniniwala siyang si Eina ang nagsisiksik ng sarili kay Rubick. Ang pagkakamali lang ni Rubick, pinatulan nito si Eina.

Pero kasi lalaki lang ito. Naiintindihan niyang mahina ang mga lalaki sa makamundong pagnanasa. Heto nga sila ngayon at…

Naipikit niya ang mga mata. Hindi na niya alam ang iisipin at sasabihin. Ni hindi niya rin alam kung ano pa ang mangyayari pagkatapos nito.

Matapos ang marahas na buntong-hininga, pinatakbo na ni Rubick ang sasakyan at pareho silang walang imik habang nagbibiyahe.

What the heck?!

Kasalanan niya. Bakit niya kasi ginawa iyon? Bakit niya sinabi iyon?

Kung nagsisisi man siya dahil naging biglang malamig ang aura ni Rubick, may isa naman siyang bagay na hindi pinagsisisihan.

The kiss… the kiss was definitely awesome she could trade anything she had just to have that mind-blowing kiss again. Oo, inaamin niyang nagustuhan niya ang nangyaring halikan, gustong-gusto. Kahit pa nga sabihing mali iyon. Magkaibigan sila..

Gustong sampalin ni Lahynna ang sarili. Ano ba itong pinag-iiisip niya?

Kumawala ang malalim na buntong-hininga ni Lahynna at pilit pinapatay ang apoy na sinindihan ni Rubick sa kabuuan niya.

“I love the way you kissed me, Rubick.” Pikit-matang inilabas niya ang totoong nararamdaman. Naghuhumiyaw sa isip niya ang babala. Ang boundaries na dapat ay hindi niya tinatawid. Pero hindi niya mapigil ang sarili.

Bakit ba parang ang layo-layo ng DJP at hanggang ngayon ay nasa biyahe pa din sila?

“Open your eyes, Belle. Saka mo sabihin sa akin iyan.”

At parang masunuring bata, binuksan ni Lahynna ang mga mata at sinalubong ang masusuyong tingin ni Rubick.

“Gusto ko ang ginawa mo at wala akong makitang mali roon maliban sa magkaibigan tayo.”

“‘Yon na nga e. Magkaibigan tayo. And I just crossed the line.”

May mahapding epekto sa kanya ang sinabi ni Rubick. Ang dating kasi sa kanya, parang nagsisisi ito. Pero pinilit niya iyong baliwalain. Nandito na sila. Nagawa na nila. Huli na para magsisi pa. At wala namang nagsisi sa una.

Marahas na ipinilig ni Rubick ang sariling ulo at muling deretsong itinuon ang mga mata sa daan. “Kilala man ang pamilya namin dahil sa pera, but it’s not enough, Belle.” Puno ng insekyuridad ang boses ni Rubick at ngayon lang niya ito narinig na ganoon.

Maliban sa hiwalay ang mga magulang ni Rubick, wala siyang makitang hindi maganda patungkol sa binata. At the age of twenty-seven, he was everything a woman would dream for a man. Magandang trabaho ang pagma-manage nito sa food business ng ina maski pa sabihing pa-bandying-bandying lang ito palagi. Napaka-gwapo nito at maski reserved type ay masasabi niyang mabait.

At ang mga taong tahimik at reserve daw ay malalim magmahal. Kaya nasisigurado niyang napakaswerte ng babaeng mamahalin ni Rubick.

“A-Anong kinalaman noon sa paghalik mo sa akin?” ‘Sa masarap na halik na ibinigay mo sa akin?’“At na hindi kita magugustuhan?” Nalilitong tanong niya.

“Don’t you get it?” Isang malalim na buntong-hininga at muli, walang emosyong bumaling ito sa kanya. “I hate relationships. Serious relationships didn’t stay long. Nakita mo naman ang parents ko. Besides, as the old saying goes: Kung ano ang puno, iyon ang bunga.” Puno ng pait na sambit nito. “‘Wag ka nang magpanggap na hindi mo alam kung ano ang usap-usapan tungkol sa akin.” Mapaklang umismid ito. “Maliit lang ang lugar natin at magkatabi pa. And who knows, baka nga tama sila.”

Why, the bitterness sliced her heart. Sa tinagal-tagal nilang nagkakasama ni Rubick na parang kapamilya na din ito, hindi niya kahit kailan na-trace na masyado pala nitong dinadamdam ang usap-usapan ng mga tao patungkol dito. But didn’t he have any faith in her? Kailan ba siya naging isa sa mga mapanghusga? Hindi ba nito nakikita na hindi judgemental ang pamilya niya?

“But don’t get me wrong. Hindi ako tumatalikod sa obligasyon. Kung napatunayan ni Eina at pumayag si Eina na ipa-DNA test ang anak niya at lumabas na ako ang ama, pananagutan ko sila. Pero dahil ayaw niya, hindi na din ako nagpilit pa. Besides, alam ko naman sa sarili ko na hindi ko anak ang anak niya.”

She believes him. Hindi niya alam kung paanong ganoon kadaling naniwala ang isip ni Lahynna sa mga sinabi ni Rubick ganitong ipinapahiwatig nito kung gaano ito kakomplikadong tao.

But why they were together? Why they were this close?

Darn! You were friends, remember?

“So, help yourself not to cross the line between us, Lahynna Belle. Because I can’t offer you anything. I fuck, but I don’t do love.”

May pakiramdam si Lahynna na may bahagi niya ang nahati sa dalawa dahil sa kapaitang naramdaman mula sa mga ibinatong salita ni Rubick.

What kind of people made him like a beast?

Hanggang sa marating nila ang DJP ay nanatiling tahimik silang pareho ni Rubick. Siya ay dahil hindi alam kung ano ang pinakatamang sabihin. Si Rubick ay hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free