HinovelDownload the book in the application

09.

Binabasahan ko ng libro ngayon si Ashton tungkol kay Peter Pan, rinig ko ang mumunti nyang hilik kaya naman ay inayos ko ang kanyang kumot at lumabas ng kwarto. Papasok na sana nang harangin ako ni Trey.

"I told you to stay away, not to step closer. Hindi mo magugustuhan ang mundo niya Rae" galit nyang bungad "Kayo na ba?" Mabilis akong umiling, hanggang ngayon ba ito ang dahilan kung bakit hindi nya ako pinapansin?

"Hindi kami- "Eh bakit ang lapit ninyo sa isa't isa? Rae, babalaan kita ulit hindi mo magugustuhan yung totoong si Zac. He's a wreck. Kung ano nakikita mo ngayon, peke iyon." Umiling ako

"Ikaw ang peke dito Trey, akala ko ba ay kaibigan mo si Zero? Pero iba yata ang turing mo sakanya kapag nakatalikod ito?" Bumahid ang inis at galit sa mukha niya "Kaibigan ko sya kaya alam ko kung saang impyerno galing si Zac. Akala mo ikaw lang? He won't settle for you, Rae" tumabang ang pakiramdam ko pagkarinig ko doon.

"Dahil ba yaya lang ako dito? Magkaibigan lang kami. Pero kung bawal pala ay sana hindi mo nalang ako inilapit sakanila at ipinakilala. Hindi mo parin mapaintindi sakin ng tama Trey, kaya hangga't walang sapat na rason ay hindi ako lalayo" matapang kong sabi, humalukipkip siya at tinitigan ako sa mata.

"You'll see the devil inside him anytime, soon. Maaalala mo tong sinabi ko sayo, Rae. Kaibigan kita, at kaibigan ko si Zac. Ikaw ang nagiisang babae sa grupo, at hindi ko hahayaang saktan ka ng isa sa amin" tumango ako at pumasok sa loob. I don't wanna hear anything, anymore. Hindi ko maintindihan dahil hindi nya iyon nililinaw sa akin.

Naging civil kami ni Trey sa isa't isa ng mga nakalipas na buwan. Magkakaroon ng school fair at isa ang banda nila sa mga magpeperform, dalawang buwan pa naman pero pinaghahandaan ng lahat ang school fair. Isa na ako sa mga bokalista nila.

Okay kami ni Zero, hindi ko na inalala pang muli ang mga sinabi ni Trey tungkol sakanya. Napadalas na rin ng pagkain namin kila Nene, at madalas kapag libreng oras ko sa trabaho ay naglalaro kami ng Xbox sa bahay.

"Ito, kakantahin mo. Mag Solo ka muna." Abot sakin ni Trina na secretary ng Music Club. Agad kong inaral ang kanta.

"Hey." Rinig kong sabi ng kakadating na si Zero. May dala syang dalawang bote ng tubig. Inabot nya sakin ang isa at nagpasalamat. Inoobserbahan ko rin naman siya, nakinig rin naman ako ng unti sa mga sinabi ni Trey.

Sa ngayon wala na siyang idinedate na iba, nagvavape nalang din siya at hindi na nagyoyosi pa. Madalas ay nasa bahay lang silang magbabarkada. Dumalas na ang pangangatyaw samin ni Dark at Arki. Si Nathan at Ethan naman lagi lang nag ha-high five, si Jairus nama'y lagi lang nakamasid. Nasanay na ako kay Jairus, tahimik lang at laging nagmamasid, na tipong lahat ng kilos ay binabasa nya.

"Anong kanta ipeperform mo? Saka anong gagawin mo?" Tanong ko "I'll do the vocals. Kanta ng Def Leppard, have you heard of 'When Love and Hate Collide'?" Tumango ako. Gusto ko ang kanta na iyon, malalim ang mensahe.

"Ikaw? Magsosolo performance ka daw. Sinuggest ko na magkaroon tayo ng duet." Nakangiti nyang sabi. "Lalabas pala kami nila Trey mamaya. " dagdag pa niya. Tumango lang ako. Pinakita ko sakanya ang papel na may lamang lyrics ng Dear No One ni Tori Kelly, tumango naman siya.

Nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyayare tuwing school fair, tungkol sa mga bagay bagay. Umalis na silang magbabarkada ng magyaya na si Trey, wala pang tatlumpong minuto ang nakakaraan ng makatanggap ako ng text galing sakanya.

0_ZERO:

I miss you.

Ngumiti lang ako at nagreply na doon muna sa mga barkada niya ang atensyon nya at aaralin ko naman ang kanta. Pagkatapos namin magpractice ay nagkayayaan ng umuwi.

Gumawa muna ako ng homework at nagresearch ng kaunti. Nagshower at binasahan muli ng kwento si Ashton.

Humiga ako sa kama at nagisip isip ng mga bagay bagay, kailan kaya kami magkakaayos ni Trey? Yung maayos talaga?

Gusto ba talaga ako ni Zero?

Bakit?

Bakit ako pa?

Bakit ang dali ko rin namang nahulog sakanya?

Pag ibig na kaya ito?

Hindi ko namalayan na kakaisip ko ay nakatulog na pala ako. Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, si Zero tumatawag. Tinignan ko ang orasan at ala una na.

"Did I wake you up?" bungad nya. Humikab ako bago sumagot.

"Okay lang. Kakauwi mo lang?" Tanong ko, pumagilid ako para hindi ko na kakailanganin pang hawakan ang cellphone "Yup."

Pagkatapos non ay namayani ang mahabang katahimikan, wala akong masabi dahil una, sabaw ako at pangalawa, inaantok pa ako.

"Penelope." Tawag niya sakin, batid ko ang lungkot sa boses nya "Zero" tawag ko sakanya pabalik. "I'll miss you" aniya, naguluhan ako dahil sabaw pa ako.

"Aalis ka ba?" Tanong ko "No. I'll just uhm.. I'll miss you" maikli nyang sabi. Nakarinig ako ng ilang mura at buntong hininga mula sa kabilang linya. "I like you Penelope, no, I know that I'm way past that. Sleep now, boo." Sabi nya at naputol na ang linya.

Zero, pano na ako matutulog nito?!

Kinabukasan ay medyo bangag ako dahil hindi na ako nakatulog pang muli pagkatapos ng tawag. Sinabi ba ni Zero na gusto nya ako, at higit pa roon ang nararamdaman nya? O lasing lang sya?

Yumuko muna ako sa upuan ko, okay naman kami ni Trey kaninang umaga. Pinuna nya pa ang eyebags ko at sinabihan na dapat ay hindi nagpupuyat, weird man ay antuwa ako at okay na kami.

Naramdaman kong gumalaw ang upuan sa tabi ko at naamoy ko ang pamilyar na bango mula kay Zero, agad akong umupo ng maayos.

Déjà vu?

Binati ko sya pero nakatingin lang sya sa bintana, siguro ay may hang over pa kaya hindi ako pinapansin. Naramdaman ko ang kamay ni Trey sa ulo ko at sinandal iyon sa balikat nya.

Nagulat ako ng biglang sipain ni Zero ang upuan sa harap nya, saka tumayo at umalis.

Anong problema non? Tinignan ko si Trey pero wala syang reaksyon. Tumayo ako at akmang susundan si Zero pero umiling lang si Trey "Let him be" aniya. Wala akong nagawa.

Hindi ako napakali buong araw dahil doon, ilang beses kong sinulyapan ang upuan nya at sikretong naghihintay para bumalik sya. Pero wala.

Patakbo akong nagpunta sa music club, maguumpisa na kasi ang practice. Tinext ko si Zero kanina na tawagan ako kung may problema sya, wala man lang ni isang reply kaya ngayong practice iiwasan ko muna ang pagisip sakanya.

Hindi nakalagpas sa paningin ko ang paninitig ni Jairus sakin, tinignan ko lang sya habang nakakunot ang noo. Wala syang naging reaksyon, at nakipagtitigan pa sakin.

"Si Zero?" Tanong ko sakanya, umiling lang sya. "Most probably, bumibili na yun ng mga tubes sa tabi tabi" sagot lang niya "Tube means marijuana" sabad naman ni Trey sa likuran ko. Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. Hindi ko alam pero umambang susugurin ni Dark si Trey pag kasabi nya non pero napigilan siya ni Arki.

"Play fair, Trey." Ani Jairus, naguluhan ako. Ano bang meron?

Lumayo ako sakanila at kumuha ng gitara, pumunta ako sa likod ng classroom at doon piniling kumanta.

"Can you tell me

How can one miss what she's never had

How could I reminisce when there is no past

How could I have memories of being happy with you boy

Could someone tell me how can this be

How could my mind pull up incidents

Recall dates and times that never happened

How could we celebrate a love that's to late

And how could I really mean the words I'm bout to say

Is he going be my first Almost? Tanong ko sa sarili ko. Pwede ko ba siyang mamiss kahit hindi naman siya sakin? I miss him.

I missed the times that we almost shared

I miss the love that was almost there

I miss the times that we use to kiss

At least in my dreams

Just let me take my time and reminisce

I miss the times that we never had

What happened to us we were almost there

Whoever said it's impossible to miss when you never had

Never almost had you

Magi-strum pa sana ako ng biglang naputol ang isang string na nagpadugo sa daliri ko. "Fuckingshit" rinig kong mura ng pamilyar na boses, ilang beses akong luminga pero hindi ko siya makita. Nandito ba siya? Nakikinig ba siya?

Siguro ay nagiilusyon lang ako kaya kung ano ano ang naririnig ko. Pinisil ko ang sugat ko at hinayaang tumulo ang dugo mula dito. Ramdam ko ang lalim ng sugat dahil hindi ito masyadong masakit, mas masakit ang sugat kapag sa balat lamang.

Sumandal ako sa pader at pumikit.

Mga ilang minuto rin akong nakapikit at pagdilat ko ay nakaluhod si Zero sa harap ko at hawak hawak ang sugat ko. Napaawang ang labi ko pagkakita ko palang sakanya. Saan siya nanggaling? Nasa tabi tabi lang ba siya? Bakit ang bilis niya? Bakit hindi niya ako tinitignan? Totoo bang bumili sya ng dahon? Ang dami kong tanong pero wala akong naging lakas ng loob para itanong iyon sakanya

Gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang tanungin. Pero wala akong naging boses para doon.

Nakita kong tinali nya ng tela ang daliri ko pagkatapos noon ay tumayo siya at kinuha ang gitara. Inilagay niya iyon sa tabi ko at naglakad paalis, ni hindi man lang kami nagkausap, hindi man lang ako nakapagpasalamat.

Tumayo ako at pumasok muli sa music room, nilapag ko ang gitara sa gilid at walang pasabing kinuha ang gamit ko at umalis. May nakita akong sorbetero sa gilid ng school kaya bumili ako ng nakabaso. Comfort food ko ang ice cream, hindi ko alam pero kailangan ko ng comfort ngayon. Naglakad ako papunta sa isang parke at umupo sa isa sa mga duyan. Gusto ko lang mapagisa. Ilang beses kong sinulyapan ang sugat kong ginamot ni Zero.

Ano ba ang problema niya? Akala ko ba miss nya ako? Miss rin kita Zero. Miss na miss. Bakit ka ba nagkakaganito? Anong problema? May nagawa ba ako?

Muli wala akong nakuhang sagot kaya bumalik ako sa university at sumakay sa sasakyan nila Trey, ilang minuto rin kaming naghintay ni Dan bago dumating ang magkapatid. Sumandal ako sa upuan at pumikit muli, lowkey hoping Zero will appear in front of me. Pero wala. Hanggang 'sana' nalang ba?

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free