Tattooed Heart
Malapit na ang org club week ng school, kaya naman namimili na ako kung saan ba ako sasali. Sila Trey sa Music Club dahil chill lang naman daw doon, puro tugtog ng instrument. Si Trey, Dark at Arki tumutugtog ng gitara, si Nathan at Ethan sa Saxophone o drumset si Jairus naman bassist. Si Zero, one man band daw, di ko pa siya nakitang tumugtog pero sa tingin ko ay magaling nga siya. Dun na lang rin ako sasali, marunong ako kumanta at tumugtog ng gitara at piano.
Naalala ko nanaman yung nangyari samin ni Zero last week, kumakalabog parin ang puso ko kapag naaalala ko iyon, napapangiti nalang din ako. Pero nakakahiya parin, minarkahan niya pala ako ng hindi ko man lang alam kung ano ba iyon, napansin pa ng buong barkada! Nakakahiya talaga iyon, pero imbes na inis ay kikig ang nararamdaman ko kapag naiisip ko iyon.
"Si Fully booked, hindi na fully booked ngayon" natatawang sabi ni Dark, umiling nalang si Jairus habang nakangiti "Lie low muna iyon" sabi ni Arki. "Baka mag kasakit" dagdag pa nya na nagpahalakhak sakanilang lahat. Wala pa kasi si Zero, as usual late. Simula nung nangyare iyon sa amon ay hindi na namin siya nakita na may kasamang ibang babae, may mga lumalapit, oo, pero hinihindian niya. He's not interested, sabi niya nga.
"Or he's crazy over someone" sabi ni Jairus sabay tingin sakin, nanginig ako, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng titig na iyon. Halos mapasigaw ako ng Naramdaman kong may umakbay sakin at alam kong si Zero iyon, amoy palang.
"Tahimik ninyo ngayon ah. What's up?" Tanong nya, kumunot ang noo ni Trey ng makita nyang binulungan ako ni Zero "Goodmorning boo" yun lang naman yung ibinulong nya sakin pero pakiramdam ko ay sumabog ang puso ko sa kilig. Umismid si Trey at bumaling kay Arki na may ikwinekwento sakanya.
In-denial lang siguro ako dahil bago itong nararamdaman ko pero alam kong nagkakagusto na ako sakanya, kay Zero. Hanggang kaya kong itago, hangga't di pa sigurado kung ano ang gusto nya sakin, akin nalang muna ito. Itatago ko nalang muna. Better safe than sorry sabi nga nila. Isa pa ayoko naman lumabas na nagaasume, kahit na ang totoo nagaasume na talaga ako.
"Excited na ako sa audition piece ni Rae mamaya, ano ba gagawin mo?" Masayang tanong sakin ni Dark "Kakanta" maikli kong sagot habang nakangiti, hindi ko parin alam kung ano ba ang audition piece ko. Kung gigitara ba ako o kakanta lang.
"Best of luck Boo" bulong ulit ni Zero na nakaakbay parin sakin, buti nalang ay nakaakbay siya sya sakin dahil nangangatog ako sa ginagawa nya! Nakikiliti ako sa pagbulong niya at unti unting namumuo ang mga paru-paru sa tiyan ko ng mga sandaling iyon.
"Let's go." Seryosong sabi ni Trey, ngayon lang sya naging ganon kaseryoso. Siguro masama ang pakiramdam o wala sa mood. Normally, si Zero ang nagsasabi ng katagang iyon para umalis, siguro ay nanibago lang ako.
Nang tumalikod sila para maglakad, hinalikan ako ni Zero sa pisngi "I got you covered" aniya sabay kindat. Lumaki ang ngisi ko. Inalis nya ang pagkakaakbay nya sakin saka nya hinawakan ang kamay ko para akayin akong maglakad. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa dami ng paru-paro sa sistema ko. Nakangisi lang kami habang naglalakad. Nang makapasok kami sa music room ay kinabahan ako, napansin nya siguro iyon kaya humarap sya sakin at ngumiti "You got this boo, just relax" aniya na at nabawasan ang kaba ko. Umupo kami sa tabi ng nakahalukipkip na Trey, badtrip siguro.
Wala pa rin akong naisip na audition piece, nasapak ko nalang ang noo ko ng marealize ko yun. Masyado akong lutang sa mga gestures ni Zero at nakalimutan kong wala pa pala akong gagawin. Sa pagkakaalam ko ako yung nasa pang lima sa listahan, dalawa nalang ay susunod na ako. Di na ako mapakali. Para akong kiti-kiti sa upuan ko, hindi ako makakalma! Ano bang pinaglabusy-han ko kagabi at di ko naisip na maghanap ng kakantahin sa araw na ito? Mukha tuloy akong timang sa sobrang nerbiyos ko.
"You okay?" Tanong ni Zero, umiling ako. Hindi. Ako. Okay. "Wala pa akong audition piece. Sabaw ako eh" Bahagya siyang tumawa at saka niya inabot ang cellphone nya sakin "Open spotify boo, hanap ka ng pwede mo kantahin" sabi nya kinuha ko iyon at ginawa ang inutos nya. Naghanap ako sa mga playlist, mabuti nalang at ,adali i-browse yung sinasabi niyang Spotify.
Nagbrowse ako ng mga kanta at pinakinggan yun, ng may napili ako ay kumalma na ako. Ilang beses akong huminga ng malalim at bumuntong hininga. Napili ko yung kanta ni Ariana Grande, sana ay makaya ko. Inabot ko pabalik ang cellphone kay Zero nagpasalamat ako at tumango lamang sya at ngumiti. Sa ngiti niya ako huhugot ng lakas ng loob. Natawa ako sa sarili ko.
"Penelope Rae Villaraza" tawag ng emcee sakin tumayo ako at naramdaman ko ang paghaplos ni Zero sa kamay ko. Tumango ako at nginitian sya, huminga akong malalim at umakyat sa mini stage.
Pumalakpak ng malakas si Dark kaya naman kinabahan ulit ako, nakita ko kung paano sya sinapak ni Zero kaya medyo kumalma ako ulit, I mouthed thankyou at nakita kong tumango sya.
Sinabi ko sa emcee ang audition piece ko, ibinigay nya sakin ang microphone at ginapangan ulit ako ng kaba, na self concious pa ako. Pumaibabaw ang tunog ng Tattooed Heart ni Ariana Grande, huminga ako ng malalim at kumanta.
You don't need a lot of money
Honey you don't have to play no games
All I need is all your loving
To get the blood rushing through my veins
Ramdam ko ang titig ni Zero, mas lalo akong naconcsious baka mamaya ay pumiyok ako! Kelangan kong ibaling sa pagkanta ang buong atensyon ko. Nangangatog na ako dito at ang pagtitig sakanya ay maling mali, hinuhugot nito ang lakas ko.
I wanna say we're going steady
Like its 1954
No, It doesn't have to be forever
Just as long as I'm the name on your tattooed heart
Ginawa ko ang vocals part ni Ariana, nagawa ko ito ng tama habang nakapikit. Huminga muli ako para maiwasan ang pag piyok.
You dont need to worry about making me crazy
'Cause I'm way past that
And so just call me, if you want me
'Cause you got me, and I'll show you how much
I wanna be on your tattooed heart
Binuksan ko ang mata ko at tumingin sakanya, kay Zero. He was all eyes on me. I did the vocal riffs kahit nangangatog ako sa titig nya. Kanta ko ito para sakaniya.
Just as long as I'm the name on your tattooed heart
Wrap me in your jacket, my baby
And lay me in your bed
And kiss me underneath the moonlight
Darling let me trace the lines on your tattooed heart
Just as long as I'm the name on your.. Tattooed heart.
"Whooo si Rae yan eh!" Natatawang sabi ni Dark pagkatapos kong kumanta, tumawa ako ng mahina at bumaba sa stage. Nakangiti si Trey sakin "Galing" sabi nya sabay high five sa sakin. Tinapik ni Dark at Arki ang balikat ko sabay paulan ng kantyaw, nakakahiya at nakakaconcious iyon para sa akin.
Si Zero, nakatingin lang sakin habang nakangisi. Papaupo palang ako ng tumayo sya at hinila ako paalis. Tinawag nila kami pero tuloy tuloy lang si Zero.
"Teka san tayo punta?" Takang tanong ko "Just follow me" simple nyang sagot umakyat kami sa second floor at tumigil sa ilalim ng hagdan.
Walang pasabi ay niyakap nya ako "Good Job, boo." Sabi nya habang yakap yakap parin ako. Wala akong masabi kasi ang lakas ng kabog ng puso ko, parang mas gusto kong pakinggan ang kabog nito kesa sa boses ko kaya nanatili akong tahimik. Tila ba binibingi ako ng tunog na iyon.
"Your voice, it makes me wanna hold you so sorry If I dragged you here all of a sudden" aniya na nagpangiti sakin "I don't have my jacket here boo. So I'll just wrap you on my arms" sabi nya at sabay yakap sakin. Napatalon ako ng maramdaman ko ang higpit non, na parang ayaw na akong pakawalan kaya yumakap nalang ako pabalik. Ginagawa nya ang nasa lyrics ng kanta.
"I've to ask you something" bulong nya, kumalas ako sa pagkakayakap at kumunot ang noo. May gusto rin akong tanungin, pero pakiramdam ko ay wala ako sa posisyon para magtanong at para bang hindi ito ang tamang panahon para doon. "Ano yun?" Tanong ko.m
"Uhh.. Shit." Sabi nya, tumalikod sya at sinandal ang noo sa pader, I find it cute so I giggled, tumingin sya sakin ng nakangiti "Pwede ka bang makadate?" Diretsa nyang tanong habang nakatitig sa mata ko.
Yung titig na parang walang kinakatakutan, yung titig na walang insecurities . Yung parang sa titig nya palang alam nya ng o-oo ka.
"D-date?" Nauutal kong tanong, gusto kong tanungin kung bakit nya ginagawa to pero wala akong mapanghugutan ng lakas ng loob. Date? Para saan? Bakit? Ang daming tanong ng utak ko.
"Yup. Date" lumapit sya sakin at nilagay ang index finger sa baba ko para hilain papalapit sa mukha nya, mas lumakas ang pintig ng puso ko sa ginagawa nya. Nagpapalpitate na ako pero bakit parang kinikilig pa ako?
"M-may duty ako kay A-Ashton." Kinakabahan kong sagot kumunot ang noo nya at medyo nagisip "On our vacant time then. Cellphone mo to diba? Sinave ko ang number ko kanina. Text me" sabay abot ng cellphone saakin. Hinagilap ko ang number nya dun "B-bakit number lang na Zero yung nasa pangalan mo?" Takang tanong ko "because you call me that" sagot nya.
"And I want to be on top of your contact list, I'm on your speed dial too at number Zero. You gave me a damn good Nickname. And I love the way you call me that way" Ang sexy ng pagkakasabi nya ng mga salitang iyon, hindi ako mapakali sa titig nya kaya kinagat ko nalang ang labi ko. Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap nya! Naging parang musika ang mga mura niya, dumagdag iyon sa kasexihan ng boses niya. Paisa rin, Damn!
"Penelope please don't bite your lip, its so damn sexy. Baka di ako makapagpigil, mahahalikan kita dito." Napaawang ang labi ko sa sinabi nya, napakastraight forward nya, walang pagaalinlangan sa mga sasabihin.
"Say something" frustrated nyang sabi "Sige. Tetext kita" sagot ko nalang ngumiti sya at niyakap ako ulit.
Nakauwi na kami sa bahay, hanggang ngayon ay lutang parin ako sa nangyari na kapag naiisip ko ay napapangiti nalang ako magisa. Kanina pa ako iniismiran ni Trey hindi ko alam kung bakit, papasok na sana ako sa kwarto ko ng hilain nya ang braso ko
"Bakit?" Nagtataka kong tanong "Stay away from Zero, hindi mo magugustuhan ang mundo nya" sabi nya, tumitig ako sa mata nya. Ang mundo ni Zero ay mundo nya rin naman, hindi ko maintindihan kung bakit kelangan ko syang layuan. Dahil ba isa lang akong hamak na yaya?
"Trey, nasa iisang mundo lang kayo ni Zero. So dapat layuan rin ba kita?" Tanong ko sakanya, nakita ko kung paano kumunot ang noo at "Kung magulo ang mundo ko, mas magulo ang mundo nya. He flirts with this girl then another, nakita mo naman diba? Do you want that Rae? Would you settle for that?" Frustrated nyang sabi, nanuyo ang lalamunan ko doon. Tama sya, nakita ko kung paano sya magpalit ng babae pero tama ba na dahil lang doon ay lalayuan ko siya?
Bakit tila ang paglapit ko sakaniya ay bawal? Saka isa pa wala naman siyang ipinangako sakin kaya alam ko ang lulugaran ko.
Pero at some point meron parin namang tama si Trey. Maaaring isa lang ako sa mga gagawin niyang babae. Baka ginagawa nya lang to dahil alam nyang bibigay ako? Gulong gulo ang utak ko kaya naman humiga ako sa kama at pumikit, bukas sana wag na akong gambalain ng mga salitang iyon.