HinovelDownload the book in the application

08.

One for the books

Ilang araw na akong iniiwasan ni Trey, gusto ko sana sya tanungin at makipagbati pero ni sa bahay ay di ko sya makita.

Ngayon kami magkikita ni Zero, pagkatapos ng klase ay aalis kami ng school para kumain. Para saakin ay friendly date lamang iyon, dahil una sa lahat wala pang direktang pagamin ang naganap.

Tumunog ang cellphone ako at agad nagpakita ang pangalan ni Zero sa screen

0_ZERO:

See you later boo.

Yun lamang ang laman ng mensahe niya pero ginapangan na agad ako ng kilig at kaba. Simula nung pangyayare sa pool na isang linggo na ang nakakaraan ay naging mas malapit kami sa isa't isa, siguro ay dahil pansin nya ang pag iwas sa akin ni Trey. Sana lang ay okay sila bilang magkaibigan, ayoko naman maging dahilan oara magkalamat ang pagkakaibigan na iyon.

After ng last subject namin ay binuhat ni Zero ang mga gamit ko, rinig ko ang bulungan ng ilan sa mga kaklase namin dahil dun, lalo na ang mga babae. Si Trey naman ay nagmamasid lang, ang sila Arki at Dark naman nagpaulan ng kantyaw.

Akma kong aagawin ang mga gamit ko ng hawak nya ang kamay ko at hinila ako papalabas.

"I have never been this excited in-- "saglit lang Zero yung sintas ko madadapa naman ako kakamadali mo eh" putol ko sakanya, yuyuko na sana ako ng umupo sya at tinali ang sintas ko.

Ilang beses akong napalunok sa ginawa nyang iyon, ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko lalo na nung tumayo sya mula sa pagkakayuko at ngumiti sakin.

"Let's go!" Hila nyang muli sakin pero ngayon hindi na sya nagmamadali. May kinuha sya sa kanyang bulsa at pinatunog ang bmw nya.

Pinagbuksan nya ako ng pinto pagkatapos ay nilapag nya ang mga gamit ko sa may compartment, nalanghap ko ang pabango nya dahil doon. It was a masculine scent that offers a brisk and casual scent.

Umikot sya papunta sa drivers seat at pinaandar ang sasakyan.

"San tayo pupunta?" Tanong ko "Mm san mo ba gusto?" Tanong nya pabalik. "Wag mo nga ako sagutin ng tanong" natatawa kong sabi, he chuckled too "Ako bahala. Boo pakikuha yung nasa likod" aniya. Lumingon naman ako at nakita ang tatlong rosas na nakalapag sa upuan katabi ang isang paper bag na may tatak na blue magic.

Inabot ko yun at sinuri, nagulat ako ng may pangalan ko ang isa sa mga rosas, para kanino yung dalawa?

"Uhh akin tong isa?" Tanong ko humalakhak sya "Binabaliw mo talaga ako. Sayo yan lahat" namula ako pagkasabi nya nun, naramdaman ko ang kamay nya sa pisngi ko "Hope you like it boo" Ngumiti ako "I love it" sabi ko, halos mauntog ako sa biglaan nyang pagpreno.

Saka ko lang narealize na nakaprotekta ang katawan nya saakin. Hinawakan nya ang mukha ko at bakas sa mukha nya ang pagaalala "Damn it. Are you okay?" Nagaalala nyang tanong. Hinawakan ko ang pisngi nya "Ikaw, are you okay?" Namula sya hindi ko alam kung bakit, umayos sya ng upo at huminga ng malalim

"Sorry boo. Damn it, bakit ko ba kasi tinapakan yung preno" I giggled, ang cute cute nya habang nakanguso "Don't laugh at me. Blame your smile, ang ganda kasi. Wag kang ngingiti ng ganun sa ibang lalaki, mababaog ko sila" sabi nya at ngumuso ulit, tumawa nalang ako.

Nagdrive syang ulit, pinagmasdan ko lang sya habang nagdadrive. Ang tangos talaga ng ilong niya, nakakainggit. Ngumiti sya habang nagdadrive, baliw siguro sya dahil ngumingiti magisa. So, baliw din ako kasi ngumingiti ako kapag naiisip ko sya?

Huminto kami sa isang mamahaling restaurant, parang ayaw kong bumaba ng kotse hindi dahil wala akong pera, masyadong mahal dito sa restaurant na ito. Nasubukan na namin dito nila Trey, nung nagaya kumain sa labas si Ashton. Isa pa, hindi ako nababagay dito.

Hinila ko ang kamay nya ng akma syang bababa ng kotse, napatingin sya sakin habang nakakunot ang noo.

"Sabihan mo na ako ng choosy, pero ayoko dito. Masyadong mahal." Diretsa kong sabi sakanya, ngumiti sya sakin at sinara ang pinto "Where then?" Tanong nya, medyo nagalangan ako sa isasagot ko. Bahala na

"Kumakain ka ba sa hepa lane?" Tanong ko, humalukipkip sya "Penelope, hepa lane nga iyon. Bakit ako kakain dun?" Yan nga ba yung sinasabi ko eh, anak mayaman kasi. "Eh dun ko gusto eh." Sabi ko. Sinandal nya ang ulo sa manibela.

"Damn girl, first date natin ito. Kahit saan nalang boo, wag lang doon." Tumango ako. Alam ko na. "Nakikita mo ba yung kanto na yun? Diretsuhin mo. Bago paliko, stop mo na don" sabi ko sakanya, agad naman nyang sinunod.

"Oh, Rae napasyal ka na ulit?" Kamusta pagkain ng mga madatung?" Bungad sakin ni Nene, si Zero iniwan ko muna sa kotse. Pinark nya pa kasi iyon.

Nakipagkwentuhan pa ako sakanya, naramdaman ko si Zero sa likod ko. Bigla bigla nalang umirit itong si Nene.

"Shet! Pogi! Gwapo! Kumakain ka ba dito? Grabe paautograph!" Anito at nilapit pa si Zero. Naweirduhan siguro sya dahil tumawa ito ng bahagya. "Penelope" tawag nya sakin, agad ko naman syang hinarap. "Dito tayo. Okay lang?" Tanong ko, tumango naman sya.

"What do you want then?" Tanong nya sakin, si Nene naman ay kanina pa tinutusok ang biceps ni Zero pero hindi naman ito nagrereklamo. "Masarap dito yung carbonara, chicken katsu, chicken barbecue at lasagna. Favorite ni Rae dito yung lasagna" ani Nene na nakatitig sakanya.

"Lasagna then. And carbonara please" sabi ni Zero "Blue Lemonade yung drinks" dagdag ko, tumango naman si Nene at sinulat iyon sa maliit nyang notebook.

"Sorry dito kita dinala"'sabi ko kay Zero pagkaupo namin. "Hindi sa wala akong pera. Hindi naman kasi ako kasing sosyal niyo eh" dagdag ko pa at yumuko. Naramdaman ko ang daliri nya sa baba ko at inangat ang ulo ko. "Ako ang dapat magsorry. Hindi ko naman alam na hindi ka komportable sa mga lugar na ganun"

"Hindi naman kaso ako bagay dun eh" sabi ko at ngumuso "You never fail to amuse me. Kung hindi ka bagay doon, hindi na rin ako" aniya, umiling ako "Bagay ka doon. Mayaman ka eh."

"Hindi naman worth it yung pag kain dun eh" sabi nya na ikinabigla ako. He chuckled. "Seryoso. 30% ng bayad mo sa mamahaling restaurant mapupunta sa pagkain mo the rest dahil sa ambience, plating, service at pangalan ng resto." Humalakhak ako "Eh bakit doon pa kayo kumakain? Minsan yung nakikita mo sa hepalane mas masarap pa kesa sa fine dining"

Tumikhim sya "Wag ka na kumain sa hepalane, boo. Sa canteen nalang tayo." tumango lang ako. Dumating rin agad ang order namin. Bago pa kami kumain ay nagtanong tanong pa si Nene samin "Nagdidate ba kayo? Nako itong si Rae nakabingwit ng madatung!"

Tinampal ko ang kamay nya "Hindi ko siya boyfriend, isa pa hindi ko sya biningwit. Asikasuhin mo yung costumer mo." Natatawa kong sabi sakanya, padabog naman itong tumayo at lumapit sa mga padating nilang costumers.

"Pagpasensyahan mo na yun, makulit talaga. Anyways, kain na tayo?" Sabi ko, tumango naman sya at sinumulang kumain. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw, paano ba ako ngunguya!

"Eat, Penelope" aniya ng mapansin na di pa ako kumakain. Tumango ako at inumpisahang kumain.

"Mamaya na pala yung result ng Music Club. Matic, kuha ka na don. You'll be one of the vocalists" halos mabilaukan ako sa sinabi nya, agad naman nyang inabot ang lemonade sakin. "Easy there, boo" naramdaman ko ang pagpunas nya sa gilid ng labi ko, agad na naginit ang mukha ko!

Excited rin ako sa resulta pero at the same time may kaba, at ang sabihin niyang magiging isa ako sa mga bokalista ay nagpadagdag ng kaba sa akin. Hindi kasi ako sanay na kumakanta sa harap ng maraming tao.

"Damn, you look ten times prettier when you blush" aniya at tumawa ng tahimik. Sinamaan ko lang sya ng tingin. "Eat, Zero" sabi ko na mas kinatuwa nya. Para akong bata na gustong gusto niyang paglaruan.

"Balik kayo rito ha! Rae, wag mo ipagdamot sakin itong si fafabels mo." Ani Nene ng magbayad si Zero. Tumango lang ako at natatawang naglakad. Umakbay sya sakin at naglakad kami papunta sa sasakyan nya. "Bagay raw tayo" tinignan ko sya "Wala akong narinig na ganon"

Kinurot nya ang pisngi ko at hinalikan ang ulo ko "Paano mo maririnig kung naglakad ka na palayo? Thankyou for being with me today. Kahit dito lang tayo kumain, naenjoy ko. This is one for the books" aniya. Pinagbuksan nya ako ng pinto at agad naman akong sumakay. Yeah, this is really are one for the books.

Habang nasa biyahe ay pinagiisipan ko kung paano ako magpapasalamat. Kailangan na naming bumalik sa school dahil in thirty minutes ay maguumpisa na ang klase namin. Buong byahe ay nagiisip parin ako kung paano. Hindi ako mapakali lalo na nung ipapark na nya ang kotse nya sa parking lot ng school. Iniisip ko kung magtethankyou ba ako ng diretsahan pero parang ungrateful ang dating non.

Nagisip pa ako ng ibang paraan, yung makikita niyang sincere ang thank you ko.

"Are you okay?" Takang tanong nya ng patayin nya ang engine ng sasakyan. Tumango ako at humingang malalim. Siguro ay pansin niyang natutuliro ako at di mapakali.

"Ah Zero... Uh, ano kasi-" "What, boo? Is there a problem?" Tanong nya, mabilis akong umiling.

Hinalikan ko sya sa pisngi "Thankyou. Nagenjoy ako" bakas sa mukha nya ang pagkabigla kaya naman dali dali akong lumabas sa kotse at huminga ng malalim. Halos mapatalon ako ng narinig ko ang pagsara ng pinto nya.

"Ay kokak!" Gulat kong sabi ng pagkalingon ko ay nasa tabi ko sya. Naramdaman kong mas uminit ang mukha ko at rinig ko ang pagtawa nya ng mahina. Naglakad kami papunta sa classroom at tahimik na naghintay sa susunod naming klase.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free