Count to Ten
Kinsenas ngayon, makukuha ko ang sweldo ko. Ibinadyet ko na yun para sa susunod na linggo. Hindi naman ako nagigipit dahil malaki rin ang allowance ko sa isang linggo. Two thousand five hundred per week hindi ko naman nagagastos iyon dahil matipid akong tao.Kaya naman nagpapasalamat ako sa amo ko dahil hindi sya yung tipo ng madamot na amo. Kada araw ay naghuhulog ako ng pera sa alkansiya ko. Isang daan kada araw o kung ilan man yung matitira kapag sweldo naman ay kalahati ang inilalagay ko doon dahil wala naman akong pagkakagastusan, okay na siguro iyon para makaipon.
Napagdesisyunan kong bumili ng mga gamit mamaya, magmamall din kasi si Ashton dahil gusto nyang bumili ng mga bagong video games. Bibili ako ng ilang damit, underwears, personal hygiene na gamit at iba pang kelangan.
Bumili muna kami ng bibilhin ni Ashton, may sumipol sa likod namin at nakita kong sila Nathan yun. Malapit na rin ako sa kanila, kaso nga lang maraming naiinis sakin dahil don. Marami kasing nagkakagusto sakanilang babae, ano naman ang dapat nilang ikainsecure sakin? Eh yaya lang naman ako ni Ashton.
"Hi Rae!" Masiglang bati ni Nathan. Naghigh five silang lahat samin nila Trey, hinagilap ng mata ko ang isa sakanila. Wala sya. Wala si Zero. Asan iyon?
"Si Zac?" Tanong ni Trey siguro ay napansin nyang hindi sila kumpleto "Andon may kasamang chics, matic. Chic magnet ang loko e" napalunok ako sa narinig, wala akong nalasahan kundi tabang.
"Ugh Trey, bili lang ako ah. Balik din ako" saad ko at tumalikod papunta sa women's area. Bakit ba ako ganito? Simula nung una naming pagkikita ni Zero ay naging weird ako. Siguro nahawa lang ako sa pagiging wirdo nun. Hay.
Kumuha ako ng basket at kumuha ng mga kung ano ano, underwears, sando, eye mask, face mask, body scrub na nagustuhan ko dahil sa amoy at iba pang pang hygiene katulad ng toothbrush, paste, mouthwash, facial and body soap at kung ano ano pa. Ilang beses pa akong unikot sa iba't ibang stalls. Ayoko pang bumalik, baka pag balik ko doon ay madatnan ko siya.
Kumuha rin ako ng chocolate na malapit sa counter, hanggang ngayon ay matabang ang naging panlasa ko hindi ko parin alam kung bakit. Pagkatapos kong nagbayad ay hinanap ko kung nasan sila. Wala pa akong cellphone at wala pa sa isip ko ang bumili.
Pero napagtanto kong sa trabaho ko ay kelangan ko ng cellphone, dahil baka nga naman tumawag minsan si Mrs. Yu para kamustahin ang alaga ko. Kanina pa ako palinga-linga kung nasaan sila, eto na nga ba ang problema kung wala kang cellphone sa panahong ito. Nakarinig ako ng yabag papalapit sakin, eto nanaman po ang pag galaw ng mga bituka ko sa loob loob ko, at pagdagsa ng paru-paro sa sistema ko.
"Penelope." Pagkasabi nya palang sa pangalan ko ay nangatog na ang katawan ko. Ano ba to, Diyos ko? "We've been looking for you, wala ka man lang text kung saan ka" pagalit nyang sabi. He looked so pissed, parang inis na inis siya na wala akong pasabi kung nasaan ako. Nagpaalam naman ako kila Trey ha? "Wala kasi akong cellphone, Zero. Sorry" paghingi ko ng dispensa habang kinukutkot ang daliri. Ewan ko ba kung saan ko napulot tong pagkutkot ng daliri ko.
"Stop peeling your thumb again, damn girl." Napangiwi ako sa mura nya, sarap pasakan ng tsokolate ng bibig nya para lang matigil sya sa pagmumura. Tumabang na naman ang mood ko, nakakainis sya!
May kinuha sya sa bulsa at ibinigay sakin yun. Nakadraw string pouch pa ito, binuksan ko at nakita ang isang mamahaling cellphone. "Aanuhin ko to?" Inosente kong tanong, nagmura muna sya bago humalukipkip "Damn. Use it. Anong tao ba ngayon ang walang cellphone?" Irap nya. That was a low blow for me, kahit hindi niya direktang sinabi pakiramdam ko ay gusto niyang sabihin na mukha akong ignorante.
Hinawakan ko ang kamay nya at binalik iyon, para akong kinukuryenye habang hawak ko ang kamay nyang iyon. "Bibili ako sa susunod na sweldo. Hindi mo kelangan ipahiram sakin yan. Isa pa, wala naman akong importanteng itetext. Keep it Sir." Saad ko na may kasamang formality. Gusto ko ipaalam kung ano ako, at sino sya.
Pinanliitan nya ako ng mata habang hawak ang pang ibabang labi magsasalita pa sana sya ng may humawak sa braso nya. Babae, mestisa, sexy at nakamessy bun. Looking at her biglang nawala ang kung anong self confidence na meron ako. Bumaling ako kay Ashton at kinausap nalang ang alaga ko.
"Babe we should go. Let's hang out, sa condo mo" rinig kong sabi ng babae, babae na pala ngayon ang magaaya sa condo? Eh teka bakit iritado ako?! Siguro dahil sa paginsulto niya sakin kanina. Yun lang siguro iyon.
Inakay ako ni Ashton sa pinakamalapit na Ice Cream shop, nagpapasalamat ako at naisipan nyang kumain dahil di ko yata matatagalan ang paguusap ni Zero at ng kadate nya. Bago sakin ang nararamdaman kong ito, at gulong gulo ako. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko kapag nakikita ko ang pagiging clingy ng babae sakaniya.
"Ate, hinanap ka ni Kuya Zero kanina. Ang tagal mo kasi bumalik eh" kwento ng bata habang hinihintay namin yung inorder naming ice creams. "Bakit daw?" Takang tanong ko naman "Siguro magpe-play ulit tayo" di siguradong sabi ng bata. Tumango nalang ako at inabot ang kakaserve na ice cream namin.
Naging palaisipan sakin kung bakit niya ako hinahanap dahil kung tutuusin nay kasama itong babaeng maganda. Bumalik kami sakanila habang kumakain "Inggitin natin sila ate" pabirong sabi ng bata, I chuckled. Mga babae ang gusto nila, hindi Ice cream sabi ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung nagets ba iyon ng batang Yu, valang araw maiintindihan niya rin.
Nakita ko kung paano tumango si Zero sakanila at umalis. I sighed.
Ilang linggo na kaming civil ni Zero sa isa't isa. Nagpapansinan kami kasi nakakabastos naman kung hindi diba? Nahuhuli ko parin syang nakatitig, pero pag tititigan ko sya pabalik ay babaling sya sa iba. Pakiramdam ko tuloy ay may malaki akong kasalanan sakanya. Siguro ay kailangan Zac na ulit ang tawag ko sakanya. Para akong salingkit pusa sa paningin niya, pakiramdam ko tuloy ay hindi ako dapat kasama sa grupo na ito.
"Where's Trey?" Tanong nya, Nagdidilig ako at nakita ko syang papasok. "Nasa taas" simple kong sagot. Gusto ko sana magtanong kung may nagawa ba akong mali pero wala ako sa posisyon saka isa pa baka masamain nya yung tanong ko, afterall hindi naman kami close na close. Nanatili nalang akong tahimik na tinignan siya.
Nagkakatitigan lang kami at binabaliw nya ako sa mga titig na iyon. Binabaliw nya rin ako sa mga pinapakita nya at ngayon nababaliw ako kasi lumalayo sya na parang may malaki akong atraso sakaniya.
Tumalikod ako, ramdam kong titig nya. Parang naging pamilyar na sa pakiramdam ko ang gawain nyang iyon,na kahit di na ako tumingin alam kong nakamasid sya. Tumikhim sya at muntik na akong tumalon ng maramdaman ko ang paghinga nya sa likod ko.
"Zac, bakit?" Tanong ko habang nakatalikod parin. "Come again, boo. I think I heard you call my name wrong" there he goes again with that endearment. "Bakit Zero? May kailangan ka ba?" Tanong ko ulit habang nakatalikod parin tantya kong sobrang lapit nya at kapag lumingon ako ay mababangga ko ang katawan nya. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko, kailangan ko na yatang magpacheck sa cardiologist.
I heard him sigh and curse, ilang beses nyang ginawa yun. After several seconds I tried to walk away but he wrapped his arms around my waist, he placed his head to my shoulders, I heard him sigh in relief. Batid ko ang ginhawa sa buntong hininga na iyon.
Hinawakan ko ang kamay niya para tanggalin ito sa pagkakayakap, sasabog na yata ang dibdib ko sa halo halong emosyon na hatid ng yakap na iyon. Ngunit pinagsalikop nya ang aming mga daliri para pigilan ako sa pagkalas sa yakap . "No, please" maikli nyang sabi, mabuti nalang at nakahawak sya sa bewang ko dahil kung hindi ay baka napaupo na ako sa pangangatog. Rinig ko ang lungkot at frustration sa boses niya, kaya imbis na lumaban ako ay parang gusto ko siyang pagbigyan sa hinihiling niya.
"I'll count to ten, after that I'll let you go" sabi nya na batid kong puno ng pait, nanuyo ang lalamunan ko pagkasabi nya noon. Huminga ako ng malalim dahil sumikip ang dibdib ko.
"One.. Two.. Three-" "Zero, stop" ramdam ko ang pagiling nya sa balikat ko "six.. Seven.. Eight" mas humigpit ang yakap nya ng mga oras na yun "nine..." Kumawala sya sa pagkakayakap lumingon ako at nagtama ang ilong namin "ten" I inhaled his breath, mint. He kissed my head and walked away.
Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa maghapon. Hawak ko ngayon ang tray na may juice at malamig na tubig. Umakyat ako sa entertainment room at kumatok. Pinagbuksan ako ni Trey at tinulungan akong ilapag yoon sa mesa sa tapat ni Zero. Hindi ko siya tinignan, batid ko ring hindi sya nakatingin. Bago iyon nasanay na ako na lagi siyang nakatingin, nanginginig ang kamay ko ng nilapag ko ang tubig sa harapan niya.
Kanina pa sila rito at nagmomovie marathon kasama si Ashton, tahimik ako naglakad patungo sa pintuan "Ate Rae, stay please." Pakiusap ng bata, Bumalik ako at umupo sa tabi ni Dark, nag high five kami at nagkamustahan, ramdam ko na merong nakamasid kaya naman tumikhim ako nanahimik.
Napagdesisyonan nilang mag xbox muna, nakinood lang ako. Nagakyat na din si Manang ng meryenda, I feel guilty kasi ako dapat ang gagawa noon pero andito ako at nakikinood. Sumandal ako sa upuan at pumikit.
Zero, bakit mo ba ginugulo ang sistema ko? Naghagilap ako ng sagot sa bawat sulok ng utak ko pero wala. Kumuha ako ng throw pillow at niyakap yon, alam kong nakatingin sya sakin pero ayaw ko munang lumingon. Pumikit muli ako hanggang sa sa di ko na namalayan na nakaidlip na pala ako.
Naramdaman kong lumapat ang likod ko sa malambot na mattres, pero dahil sa antok at pagod hindi na ako tuluyang dumilat. Naaninag ko lang ang pamilyar na bulto ng lalaki na papalabas ng kwarto. Si Trey iyon. Bakit parang sasabog ang dibdib ko? Dahil ba hindi si Zero iyon? Pumikit na ako ng tuluyan at natulog.