HinovelDownload the book in the application

03.

Clumsy

Maaga akong gumising ngayon, inabot sakin kagabi ni Trey ang uniform at schedule ko sa school. Excited akong naligo! Mag-aaral na ulit ako at sa Malaya University pa! Nagbihis ako at nagayos ng kaunti, hindi ako nagmemake-up dahil feeling ko ay bumibigat lang ang mukha ko kapag meron ako noon. Siguro naman ay hindi yun requirement sa school.

Bumaba ako para pakainin si Ashton, nadatnan ko pang nandun si Mrs. Yu "Rae, eto nga pala ang allowance mo for the week" sabay abot sakin ng isang envelope nagpapasalamat ako at napakabait ng amo ko. Pinagaaral na ako ay may weekly allowance pa!

Iginiya ko ang paningin ko sa buong eskwelahan pagkababa palang namin ng sasakyan. Wow. Is this real? Dito ba talaga ako magaaral?

"Ginaya ko schedule ko para di ka mawala, anyways we're on the same course. So uhh.. I got you" nahihiyang sabi ni Trey. "Let's drop Ashton first" dagdag nya at nagsimulang maglakad. Malalaki ang hakbang na iyon pero mabagal lang.

"Ate Rae, mamaya video games ulit tayo with Kuya Zac ha?" Sabi ni Ashton, Hearing his name creeps me out and I really don't know why. Suddenly, parang tumayo lahat ng balahibo ko at feeling ko may gumagalaw sa tiyan ko. This is weird, bago itong nararamdaman ko. Hindi naman ako gutom pero parang humihilab ang tiyan ko.

Tumango ako "Ashton, you know your Kuya Zac might have some errands to do." At sa sinabi ni Trey tumabang ang mood ko. He's weird and I'm feeling weird. Hindi ko alam kung bakit automatic na tumabang ang mood ko dahil doon. Para bang gusto ko rin siyang pumunta sa bahay at makalaro.

"But he promised me, we'll play with ate Rae." Pangungulit ng batang Yu, tumango nalang si Trey at inihatid papasok ang kapatid. Nagpaalam kasi sakanya at nakangiti siyang kumaway bago pumasok sa kanyang silid aralan. Sa edad ni Ashton tipikal na makulit at malaro ito, napakacute ng bata, hindi siya sobrang likot pero energetic siya pag naglalaro. Tahimik rin siya kapag minsa, minsan naman makulit at maingay.

"Stay away from him" sabi ni Trevor habang naglalakad kami papunta sa classroom, tinignan ko sya habang nakakunot ang noo. Parang nabingi yata ata ako sa sinabi nya, Kaibigan niya si Zero pero bakit pinapalayo nya ako? Isa pa hindi naman kami close ni Zero. Napakagat labi ako ng napagtantong ZERO ang tawag ko sakanya, masyado yata akong komportable at tinatawag ko na syang ganon. Magtatanong sana ako kay Trey kung bakit pero umupo na sya, tumabi nalang din ako.

Bakanteng upuan ang sa tabi ko, sa kaliwa ko ay si Trey. Nanindig ang balahibo ko ng gumalaw ang upuan sa tabi ko at umupo at mabangong si Zero.  His scent filled my lungs, and I can't help but bite my lower lip. Napansin niya ata iyon kaya sinuway niya ako. "Penelope don't bite your god damn lip" he whispered at nagpaulan sya ng mura. He curse too much, and it irritates me. Hindi talaga kumportable sa akin kapag may nagmumura sa harap ko. Tumikhim nalang ako umupo ng maayos. 

Okay lang naman ang naging unang araw ko rito sa Malaya, half day lang kami nila Trey. Humikab ang katabi ko, buong klase yata ay tulog lamang sya. Napakaresponsableng estudyante, ang nakakapagtaka wala man lang ni isa ang nagtangkang sumuway sakanya. Kung sabagay, sa itsura niya palang wala na talagang papalag sakanya, maawtoridad ang aura niya at parang ang salita niya ay batas.

"Bra, san tayo lunch? Gutom na 'ko. Fuck calculus, and who ever thought of teaching that fucking subject" Sabi ni Nathan, I almost cringe just hearing them curse. Nakapalibot silang magbabarkada samin. Wala yata akong kawala sa mga mura nila, puro sila lalaki at natural na sakanila ang pagmumura!

"Don't cuss, Penelope is listening" may pagbabantang sabi ng katabi ko, napa O naman ang bibig ni Nathan. Hypocrite! Sya nga itong mura ng mura sa tabi ko kanina. Dapat ay suwayin niya rin ang sarili niya para patas!

Pakiramdam ko tuloy ay kailangan ko ng maghanap ng babaeng kaibagan, pero paano kung unang araw ko pa lang ay panay ang irap at ismid nila sakin? Iniisip yata nila ay feeling close ako kila Trey, isa lang naman akong hamak, yaya lang ako. Hindi ko sila kalebel, at hindi kailanman naging magkalebel ang langit at lupa.

Kumunot ang noo ni Trey at bumuntong hininga. "Penelope sama ka samin maglunch ha?" Sabad naman ni Ethan. "Don't call her that" iritadong sabi ulit ng katabi ko. "Then why you call her that?" Iritado ring sabi ng isa ko pang katabi. Ramdam ko ang namumuong tensyon sa kanilang dalawa, mata sa mata kita ko na walang magpapatinag.

Kinutkot ko ang daliri ko malapit ko na itong mabalatan, hindi ko alam pero napepressure ako sa tinginan ng dalawang katabi ko. Parang gusto nilang magsakmalan ng buhay."Gusto ko e. Problem?" Parang walang pakeng sabi ni Zero. Napa tss nalang si Trey.

"Gusto ko rin syang tawaging ganon" sabi ni Trey, tumayo si Zero "Call her Rae, I'll call her Penelope. Don't push it Bra. I call her that first" anito na parang siya ang nagbinyag sakin ng pangalan na iyon, na parang siya ang nagbigay ng pangalan na iyon sakin.

Hindi ko rin naman gusto na matawag na Penelope pero iba ang dating kapag si Zero ang tumatawag sakin. Iritado ako kapag tinatawag akong ganon pero komportable ako kapag siya. Pero bakit nya ba pinagdadamot na tawagin ako ng iba sa pangalan kong iyon? "Let's go" basag nya sa katahimikan at lumabas.

Naghanda ako ng kakainin ni Ashton at ni Zero ngayon. Kakadating nya sa bahay at dumeretso na sya sa entertainment room. Kumuha ako ng dalawang slice ng red velvet cake sa ref at isang malamig na chocolate drink para sa bata.

Inilapag ko yun sa table sa harap nilang dalawa at kumuha ng tubig sa mini ref na nasa sulok ng kwarto. Naglalaro sila ng 2k14. Wala akong alam sa laro na yan kaya nanuod lang ako.

Uminom sya sa baso ng tubig. Pati ba naman pag inom ay may dating?! Lumunok ako at tumitig sa baso nya. Nilagyan nya ito ng tubig at inabot sakin. "Penelope, if you're thirsty, drink. Wag mo titigan yung baso" saad nya. Inabot ko ang baso at uminom.

Shit. Indirect kiss. Napamura ako sa isip ko ng mapagtanto ko iyon.

Muntik na akong mabulunan ng maisip ko yun. Tinapik ko ang labi ko ng maalala kong napamura nga pala ako. Primitive. He tssed "Clumsy." Sabi nya habang nakatingin sa laro. He's an observer, pero paano nya ako nakikita kung nakafocus sya sa paglalaro? Ako ba yung tinatawag nyang clumsy? Ibinaba ko ang baso at kinutkot muli ang daliri ko. Naging mannerism ko na yata ang pagkutkot sa daliri ko.

"Aish" daing ko, nagdugo ang daliri ko sa kakakutkot. "Fcking shit" bulong nyang rinig ko dahil magkalapit lang kami. Pumikit ako sa dahil sa hapdi  at pagdilat ko ay nasa harap ko na sya at hawak ang daliri ko. "Stop peeling your thumb or any of your fingers." Ang bilis ng reflexes niya! Nakaupo lang siya kanina and in a blink nasa harap ko na siya.

"Ate Rae, are you okay?" Nagaalalang tanong ng alaga ko "Can you get a nail cutter and a band aid, ash?" Tumango naman ang bata sa utos ni Zero. Inihipan nya ang daliri ko, napatitig nalang ako sa pilikmata nyang mahaba. I admire his eyelashes so bad. Mas maganda iyong kanya kaysa ang akin, mas mahaba pa ito kung tutuusin.

Hindi na masyadong masakit ang daliri ko, pero di parin maampat ang dugo nito kahit ilang beses nang pinisil ni Zero ang pinagmumulan ng dugo. "If you're bored, talk to me. Don't peel your fucking- "Wag kang magmura please?" Sabi ko. Naiirita na ako. Pakiramdam ko ay napuno na ng mura ang tenga ko

"Do something to stop me from cursing then,boo" sabi nya habang nakatitig sa mata ko. Para bang prinoprovoke nya akong gumawa ng hakbang para patigilin siya sa pagmumura. Kumunot ang noo ko, he's good at confusing me. Magtatanong sana ako kung bakit ng pumasok si Trey kasama si Ashton.

Mukhang galit si Trey ng inabot sakin ang nail cutter. Bakit ba ang weird ng magkaibigang ito? Ako na ang gumamot sa daliri ko dahil hindi naman ito sobrang sakit. Tumayo si Zero mula sa pagkakaluhod at umupong muli.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free