Kaven
Nakaupo siya sa isang sanga ng puno ngayon habang nagmumuni-muni. Naupo si Hethrow sa harapan niya. Nasa kaharian siya ngayon habang nag-iisip ng plano kung paano niya mapapaamo ang babaeng iyon.
"May problema ka ba Kark?"
"Kaven." Pagtatama niya rito. She sighed. "Found my mate." Deretsong wika niya rito.
"Huwaaaat?!"
Palagay niya'y lumaki ang tenga niya sa lakas ng tili ng baklang ito. Pinandilatan niya ito.
"That's good news."
She rolled her eyes. "Sana kaso saksakan ng sungit at nuknukan ng katarayan!"
She could still see her beautiful face in her mind. Napadaan lang siya doon kagabi at nagkataon namang narinig niya ang banta ng lalaki rito. She was fast kaya agad siyang nakarating doon at nasaklolohan ito kundi ay patay na ang mate niya but as long as may pulso pa ito. Her venom can save her and can make her immortal pero bawal sa kanila ang sapilitan. Kailangang kusa iyon sa isang tao kung gusto nitong maging kagaya nila and only those choosen like her mate ang pwedeng gawing katulad nila.
Nanganak na kasi si Brandy Sky De Vries. Ang mate ng pinsan niyang si Alarkan at mamaya nga ay babalik siya para alagaan ang pamangkin niya. Kaya siya nagmamadaling makaalis kagabi dahil may duty rin siya sa kanilang kaharian. The Queen trust her.
"Pabalang kung sumagot ano?"
"Mukhang walang takot ang babaeng iyon e. Buti pa si Brandy non takot na takot kay enfer e iyong mate ko ngayon. Matigas ang ulo at nakikita kong walang puso."
"Pareho kayo."
"May puso ako. Wala lang tibok." Katwiran niya rito.
"Takotin mo gaya ng ginawa ng pinsan mo sa mate niya. Make her hate you while loving you."
Tinignan niya ito na parang tinubuan ng dalawang sungay.
"You know me Hethrow. Nasanay ako sa santong paspasan. Hindi ko lang basta tatakutin iyon kundi sisindakin ko ng todo."
Natawa ito. "Hindi ka magiging warrior Kaven kung hindi ka magaling. Alam kong baliktad ang mundo niyo pero kaya mong pag-isahin iyon kagaya ng mga nauna ng nakahanap ng mga mate nila. Nasa sa iyo na iyon kung paano mo mahuhuli ang puso ng mate mo."
Napangisi siya. "Nakahalik na nga ako e." Tumalon siya para bumaba. Sumunod si Hethrow sa kanya.
"Bakit ang bilis mo naman yata?" Nanlalaki ang mga mata nito sa kanya.
"Ikaw na ang nagsabing hindi ako magiging isang warrior kung hindi malakas ang loob ko. Ikaw muna ang magbantay rito at pupunta ako sa mundo ng mga tao. Kailangan kong samahan si Alarkan."
Mabilis siyang nakaalis doon at ilang sandali lang ay nasa bahay na siya ni Alarkan. Agad nitong binigay ang pamangkin niya sa kanya ng makita siya nito.
Naa-amaze talaga siyang alagaan ang pamangkin niya dahil sobrang liit nito. Amazing how life is because this little fella will grow up like them. Malay niya kung maging warrior din ito.
Maaga siyang nagpunta at ngayon nga ay papatanghali na pero hindi pa lumalabas si Alarkan sa kwarto nito kasama si Brandy Sky. Nakalimutan na ang anak ng mga ito. Pambihira!
Siya na ang nagpadede sa botelya nito. And hours passed. Wala pa rin. Ng maumay siya ay binaba niya ang pamangkin niya sa couch. Nakaisip siya ng kalokohan para pag-initin ang ulo ni Brandy. That woman is cunning.
Inayos niya ang kanyang pamangkin sa couch. Parang nahuhulog ang kalahating katawan nito doon. She made sure hindi ito tuluyang mahulog at bumagsak sa sahig dahil sigurado siyang sila ng pinsan niyang si Alarkan ang magkakasakitan kapag nagkataong napahamak niya ang kanyang pamangkin.
Naglakad siya papunta sa kwarto ng dalawa kung saan alam niyang naglalambungan ang mga ito and she was right dahil nagtutukaan ang mga ito ng mapasukan niya sa loob at sinadya talagang hindi kumatok. Kapapanganak lang e gagawa na naman?!
"You guys! Stop eating each others faces!"
Inis na naupo si Alarkan sa tabi ni Brandy at nag-crossed arms ito. Nakahiga lang si Brandy habang amuse na nakatingin sa kanya. Tignan niya kung maa-amuse pa ito pagkatapos ng ibabalita niya ngayon na kunwari ay pinabayaan niya ang pamangkin niya.
"What is it this time, Kaven?" Alarkan asked.
She crossed her arms too and raised her right eyebrow to Alarkan. Kumikinang ang mga mata niyang hindi makapaniwalang nakatingin sa pinsan niya.
"Baka pwedeng kunin niyo na si Sky ano?" Sarkastikong wika niya rito.
Brandy's eyes widened. Iglap lang ay nakalapit na ito sa kanya.
"Where is she?" Brandy asked her, worried.
Tinaasan niya ito ng kilay. Ngayon lang naalala huh!
"Couch." Simpleng sagot niya rito.
Mas lalong nanlaki ang mga mata nito. "Ano?! Iniwan mo ang anak ko doon?! Paano kapag nahulog ha?!"
"Oh please." She mocked her. "Tignan mo, patiwarik ko ngang pinahiga doon ang pamangkin ko."
Mabilis itong lumabas ng kwarto at binangga pa siya nito sa balikat. Aba't! Siya na nga ang tumulong!
Kita niya itong natulala nalang ng makitang nakalaylay ang dalawang paa ni Sky habang ang kalahating katawan lang nito ang nasa couch. Mabilis itong nakalapit sa sanggol at saka binuhat.
Brandy came back immediately and face her. She pretend na wala siyang pakialam sa kanyang paligid.
"Paano mo inalagaan si Sky ngayong maghapon?!"
Tumaas ang isang sulok ng labi niya rito. "I just hold her and give the milk you guys gave. Wala akong alam since wala akong anak! At wala akong balak na magkaanak!" She said to piss her off at kita niyang parang nagliyab ang mga mata nito sa galit.
Women!
"Dapat sinabi mong hindi mo alam! Baka ano pang nangyari kay Sky kaninang ikaw ang nag-alaga e!"
Hindi na siya sumagot pa rito at tumingin kay Alarkan. She took care of her niece today with all her heart kahit hindi niya iyon obligasyon.
"I'm going." Iyon lang at para siyang bulang naglaho doon sa bilis.
She's going to see her mate.
She's gonna pest her!
I'm coming sweetheart! She smiled evilly. You'll be mine and just mine..