HinovelDownload the book in the application

Chapter 5

Brooke

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.

"Ma'am we need your statement-"

"Shut up ok?! You were asking for a statement I dont even know what happened!" Winagayway niya ang kanyang kamay sa ere. "She was fast! Every blinked of my eyes catches her torturing the man who tried to kill me. All I know he was dead the moment he was thrown away to my terrace! And he's a goon of Pedrino Fausto! I want you to arrest that man dahil siya ang nag-utos na ipapatay ako!"

Nagkatinginan ang dalawang police. Nakuha na ang bangkay ng lalaking nagtangkang pumatay sa kanya. About the vampire who saved her. Hindi naman niya kilala kung sino iyon!

Pagkatapos nitong masigurong patay na ang lalaking nagtangka sa buhay niya ay parang bula nalang itong naglaho. But she was sure na babalikan siya nito. She was afraid, who wouldn't?

She's gonna deal with the most dangerous predator on earth.

Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng titig nito sa kanya. She knew those vampire stories. Babalikan siya nito dahil hindi pa sila tapos at mukhang nagmamadali pa itong makaalis kanina. At kung babalik man ito para siya naman ang patayin nito. Hindi pa siya handa!

Gusto niyang mapasabunot sa kanyang sarili ngayon lalo pa't nadagdagan ang inis niya sa dalawang police na ito. Ang kulit! Paulit ulit nalang ang tanong e siya nga hindi alam kung anong eksaktong nangyari!

Hindi rin niya pwedeng sabihin na isang bampira ang pumatay sa lalaki at nagligtas sa kanya. Walang maniniwala sa kanya at magiging katawa tawa pa siya. Oh please! Hindi niya kayang ilagay ang sarili sa kahihiyan! Over her almost dead body!

Anong malalagay sa headlines?

CEO and Founder of Brooke Corp. ,Brooke Brinkley, nabaliw pagkatapos muntikang mapatay?!

"Ma'am-"

"May cctv ang village na ito. You could ask for it dahil iyon ang trabaho niyo. Ang mag-imbestiga but I have nothing to do with all of these! I am the victim here and I demand you to arrest Pedrino Fausto for attempted murder! Bahala na ang lawyer ko. For now, I need to rest. May pasok pa ako bukas at ayokong ma-late!"

"Sige po ma'am. Ngayon din po mismo gagawin namin ang kaso para makapaglabas na ng warrant of arrest-"

"Well then do it!"

Napakamot ang isang police sa kilay nito. Binagsak niya ang katawan sa couch bago sinapo ang noo.

Ewan niya pero ang malas naman yata ng birthday ni Breen ngayon. Mangkukulam yata ang gagang pinsan niya e! Kung nagkataon e napatay pa siya ngayon and Breen will always have a bittersweet memory dahil kasabay non ang death anniversary niya kung sakali!

"Sige po ma'am."

Alam niyang inihatid ni Fe ang dalawang police sa labas. Napahilamos siya sa kanyang mukha. What the hell's happening to her life!

"Ma'am-"

"Huwag ngayon Fe! Matulog ka nalang dahil kaya ko ang sarili ko!"

"Opo."

Narinig niya ang pagbukas at sara ng pintuan ng kwarto nito. She looked at her wrist watch and it says 23:45 for petes sake!

"Damn it!" She cussed!

"Aren't you thankful that I save your ass dimwit?"

Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ulit ang boses na iyon. Agad siyang nag-angat ng tingin and there's the evil. Bakit ba ang hilig nitong sumulpot?!

She's ready to die!

Tumaas ang sulok ng labi nito bago magliyab ang mga mata nito. "Who says about dying? I will make you an immortal."

Nagsalubong ang kilay niya at tumalim ang tingin rito. She could read her mind?! "And who says I want to be like you monstrous witch?!"

Hindi yata siya papayag na may magsasabi ng dimwit sa kanya! She graduated magna cum laude. She's a smart lass!

Naging mabagsik ang aura nito. Hindi siya takot!

Dinuro siya nito. "Watch that pretty mouth of yours kung ayaw mong parusahan kita. Tandaan mo. Simula sa araw na ito. Pag-aari na kita!"

Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito dahilan para mag-init ang ulo niya! Marahas siyang tumayo mula sa pagkakaupo! Dinuro niya ito habang nanlilisik ang mga mata niya sa galit.

"Walang sino man ang pwedeng magmay-ari sa akin kundi ako lang! Isaksak mo iyan sa maliit mong bungo! Utak ipis!"

Pagkurap niya ay nasa harapan na niya ito saka siya sinakal habang nagbabaga ang mga mata nito. Medyo malamig ang kamay nito at hindi siya komportable. Nakakahinga pa naman siya. This woman just had a hold on her. Besides mas matangkad ito kesa sa kanya.

"Subukan mong magsalita ngayon at papatayin kita." Madiin ang pagkakasabi nito. They were staring at each other. This woman have the most beautiful eyes pero hindi maikakaila ang panganib na nagbabanta doon.

She tried to open her mouth pero hindi siya makapagsalita ni hindi siya makagalaw. Para siyang nahipnotismo! Tama nga siya kung ganon. Mangkukulam ang bampirang ito! Her guts was telling her not to trust this beast infront of her. Never!

Her eyes widened when the woman leaned in and captured her lips! Hindi siya makagalaw kahit sasabog na siya sa galit at sama ng loob! Surprisingly, her lips were soft and warm.

Lumayo ito sa kanya habang nakangisi saka palang siya nakagalaw! Inis na pinunasan niya ang kanyang mga labi!

"Yuck!" Diring diring wika niya at kulang nalang ay kuskusin niya ang kanyang mga labi para matanggal ang pakiramdam ng hinalikan nito!

"Oh please kill me now!" Inis niyang sigaw ng maalalang ito ang first kiss niya! "Manyakis ka!" Gigil niyang sigaw rito!

"Babalikan kita. Hindi pa tayo tapos at tandaan mong akin ka lang at wala ng ibang pwedeng magmay-ari sayo dahil kung hindi ay papatayin ko!"

"Pwes patayin mo nalang ako dahil hinding hindi mangyayari iyan! Hindi ko pahihintulotan! Hindi ako natatakot-"

"Ako ang masusunod sa ayaw at sa gusto mo!" Nagbago ang kulay ng mga mata nito. Naging itim lahat at lumabas ang pangil nito. She completely forgot she was dealing with a vampire dahil sa sobrang inis niya rito. "At sinisiguro kong pagsisisihan mo ang bawat araw na daraan sa buhay mo kapag tinanggihan mo ako! Never forget that!"

Napatanga siya rito.

You will find someone who will destroy you one day, never forget that Brooke!

Parang kidlat sa bilis na bumalik sa kanyang alaala ang sagutan nila ng Daddy niya noong huli.

Kung merong kayang magkontrol sa akin Brian kaya ipanalangin mong may maligaw sa landas ko dahil sisiguradohin kong pagsisisihan din niya ang araw na nakilala niya ako.

Pagkurap niya ay wala na ang babae sa harapan niya. Nanghihina siyang napaupo sa couch niya.

Ang bilis naman yata ng karma?

Damn it!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free