HinovelDownload the book in the application

Chapter 4

Brooke

Pabalibag niyang isinara ang pintuan ng kanyang sasakyan ng makauwi siya sa kanyang villa. That woman! Naiinis talaga siyang ewan ngayon dahil sa ginawa ni Breen sa kanya!

Hindi niya ito masisisi dahil matagal na rin naman talaga noong huli silang nagkita pero hindi nakakatuwa ang ginawa nito ngayon. She even left her work!

Hindi rin niya napigilang hindi sakalin ang pinsan niya kanina and as usual. Hindi nagpapatalo si Breen so talagang nagsabunotan sila nito. It wasn't good to see them both that way pero pareho sila nitong dominante at hindi tumatanggap ng pagkatalo. Kaibigan pala nito ang lalaking nakaupo kanina sa sala na siyang tumawag sa kanya at nagsabing walang ransom. And let her rephrase that word "man" dahil bakla iyong Kristof na iyon at hindi tuwid!

Ewan niya pero naaalibadbaran siya sa mga lgbt. Nasigawan pa niya ito kanina ng umawat sa kanilang dalawa ni Breen dahil palagay niya'y magkaka-allergy siya kapag nahawakan siya nito.

Naupo siya sa kanyang couch at pumikit saglit.

"Ma'am-" Naputol ang sasabihin ni Adafe sa kanya ng itaas niya ang kanyang kamay para pigilan ito sa balak nitong sabihin. Medyo nakainom siya at hindi malakas ang tolerance niya sa alcohol kaya madali siyang natamaan kanina kahit pa sabihing wine lang iyon. Pinagbigyan rin naman niya kanina si Breen na mag-inuman sila dahil nga birthday nito. She's tipsy pero nagawa pa rin niyang mag-drive pauwi.

Nasabi ni Breen sa kanya na umalis na ito sa bahay ng ama nitong si Brion Brinkley. Magkambal ang ama nila at halos magkasunod lang ang edad nila ni Breen. Masakit man pero she was older than Breen for a year.

Nakwento nitong nag-away nga ang dalawa dahil sa pinili nitong propesyon na dati pang issue sa pagitan ng dalawa. Professor si Breen ngayon sa isang kolehiyo at iyon nga. Nadestino pala ito sa ibang school which is good for her dahil palagi nalang daw nagkakainitan ang mag-ama. Then Breen bought that land. Parang mini resort na pwede nga nitong patayuan sana but instead. Matagal na pala nitong pinagawa ang mansyon nitong iyon at doon daw natutulog noon kapag nagkakasagutan ito at ang ama nito. Pero ngayon ay permanente na raw itong maninirahan sa sariling mansyon nito dahil nga naiba na ang pinapasukan nitong school.

She couldnt imagine Breen teaching some sort of teens dahil una. Wala itong pasensya kagaya niya. Mataray at masungit. Maybe it runs in their blood.

"Fe, remove my heels." Alam niyang nakatayo pa rin ito malapit sa kanya at pinapakiramdaman lang siya nito.

Of all her maids before ito lang ang nakatagal sa kanya. Hindi siya mababang magpasahod. Infact ay mas hinihigitan pa niya ang dapat na sahod lang ng kasambahay sa isang buwan. She understand their needs at para sa kanya. Mababa ang minimum wage ng mga ito. Halos dalawang taon na si Adafe sa kanya at alam niyang nagtitiis lang ito sa kasungitan at katarayan niya dahil kailangan nito iyon para sa dalawang anak na nasa kolehiyo. Her husband? A total womanizer. She hates a man with no guts and balls.

Tanga na lang siguro ang iibig sa mga taong ganun na kahit ilang beses ng ipagpalit at saktan eh babalik pa rin sa huli.

Pwedeng magpatawad but second chance were like giving them an extra bullet to shoot you because they missed you in the first place!

Naramdaman niya ang marahan nitong pag-angat sa paa niya na talagang ingat na ingat itong hindi siya mapano dahil talagang mabubulyawan niya ito. Matagal na nitong ginagawa non sa kanya kaya alam niyang alam nito ang ayaw at gusto niya.

Tinanggal nito ang heels niya saka sinuotan siya ng pambahay na tsinelas niya. Ganun din sa kabila. Ng matapos ay namumungay ang mga mata niyang tumingin sa wristwatch niya. It was twenty one thirteen already. Kailangan na niyang matulog dahil maaga na naman siyang papasok sa office niya bukas para ituloy ang hindi pa niya natatapos dahil sigurado siyang bukas ay marami na naman siyang gagawin.

"Fuck Breen." She mumbled. Kasalanan talaga ito ni Breen. That woman is a bitch!

"Ma'am nakahanda na po ang pagkain mo--"

Itinaas niya ulit ang kanyang kamay to stop her again.

"Fe!" Kumirot tuloy ang sentido niya dahil sa pagsigaw niya. "I.Dont.Like.To.Eat!" Madiin niyang wika rito habang pumipikit pikit. "Alalayan mo nalang akong magpunta sa kwarto ko."

She was exhausted. She needed a warm shower to freshen up para mabuhay muli ang dugo niya.

Tumayo siya at tinignan si Fe na titig na titig sa kanya. Nakatingala ito sa kanya dahil hindi naman katangkaran ang matanda pagdating sa kanya. She crossed her arms in her chest bago ito tinaasan ng isang kilay.

"At bakit mo ako tinititigan?!"

Ngumiti ito sa kanya. "Ma'am napakaganda po kasi talaga ninyo."

"I know." Nauna na siyang maglakad papunta sa hagdan habang si Fe ay buhat buhat ang kanyang shoulder bag at nakasunod sa kanya. She sighed bago siya humawak sa railings ng hagdan niya.

Dahan dahan lang siyang umakyat non. Hindi na siya kailanman iinom. Isusumpa niya talaga ang kahit anong inuming may halong alcohol.

Natigil siya ng makitang tabingi ang isa sa mga paborito niyang painting na naka-frame.

"Fe bakit ang painting ko tabingi?! Dont you know how much is it?!"

"Ma'am maayos naman po iyan kanina lang kasi nagpunas po ako."

Itinuro niya ang painting. "Look!"

Mabilis itong lumapit doon at inayos agad. Umiling iling siya rito. Nagiging ulyanin na yata ang kasama niya rito. Alangan namang siya ang hahawak non eh dalawa lang sila sa villa niya.

Pumasok siya sa kwarto niya at kinuha nalang dito ang bag niya. Sinara niya ang kanyang pintuan at ibinato ang bag niya sa kanyang kama. Nag-inat siya at natigilan ng mapansing parang may tumalon sa terasa ng kwarto niya. Parang bulang naglaho ang kanyang kalasingan at agad nakalapit sa kama para damputin ang shoulder bag kung nasaan ang baril niya. She took her gun. It was loaded. Binuksan niya ang ilaw sa kanyang terasa at saka lumabas para tignan doon pero wala. Hindi naman siya naparami ng inom para mamalikmata or was it just a bird?

Bumalik ulit siya sa loob at nilock ang pintuan niya papunta sa terasa. Nilagay niya ang baril sa kanyang bedside table bago pumasok sa banyo. She stripped her clothes at nag-shower. Matagal siyang nagbabad doon at ng matapos ay nagsuot lang siya ng underwear bago binalot ang katawan ng bathrobe.

Paglabas niya ng banyo ay may humablot sa kanyang braso at malakas siyang isinandal sa dingding dahilan para mahilo siya.

"What do you want?!" Singhal niya rito. Kahit sumigaw pa siya. Hindi siya maririnig ni Fe dahil naka-sound proof ang kanyang kwarto!

Narinig niya ang pagkasa ng baril nito bago itutok sa kanya. She couldnt see his face. Ang mata lang nito ang nakikita niya. He's in all black suit. Para itong isang assassin or is he?

"Isa kang salot sa industriya kaya kailangan mong mawala. Marami ka ng naperwisyo at isa na don ang boss ko."

Tumaas ang sulok ng labi niya rito. "Kung papatayin mo ako. I wanna know whos behind this."

"Si Don Fausto."

And just like that. He fired at her. She closed her eyes and screamed at the top of her lungs dahil akala niya ay mamamatay na talaga siya! Pero hindi, he missed her!

Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay may kamay na nakaharang sa mukha niya. Kita niya ang isang matangkad na babae sa tabi niyang siyang may-ari ng kamay habang ang lalaking bumaril sa kanya ay nakatanga sa babae.

Nilaro ng babae ang bala ng baril sa palad nito bago iyon bitawan at tuluyang nalaglag sa carpeted niyang sahig na nagawa pa niyang tignan. Nanlalaki ang kanyang mga mata.

How in the world?

Pinaulanan ng baril ng lalaki ang babae pero pasulpot sulpot ito na parang naglalaro while she on the other hand ay maaatake na yata sa puso!

Ng mawalan ng bala ang lalaki. Tatakbo na sana ito pero agad ulit nawala ang babae at isang iglap lang ay bumalibag na ang lalaki sa kanyang dingding kasunod non ay sinipa ulit ng babae at tumalsik ito. She watch in awe when the woman lifted up the man na parang wala lang dito ang bigat. She's too strong. Ang lalaki naman ngayon ang isinandal nito sa dingding. Umaagos ang dugo sa ilong nito.

Nanlaki ang mga mata niya ng walang awa nitong ihagis ang lalaki sa pintuan niya at masira iyon sa lakas dahilan para tumilapon ang lalaki sa terasa niya.

"Nobody hurts my mate." Malinaw ang pagkakasabi nito.

Ha?

Tumingin ito sa kanya.

"Nobody." And the woman's eyes blaze in fire.

Halos lumuwa ang mga mata niya sa nakita. A vampire!

Hell no!

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free