Brooke
Kita niyang may tumatawag sa cellphone niyang nakapatong sa lamesa niya habang pinipirmahan niya ang mga papeles na nasa harapan niya. The number wasn't registered.
Unknown.
Who would call her at this time? That was her private number so iilan lang ang mga nakakaalam don.
Pinagpatuloy lang niya ang pagpirma. Let's be frank. Hindi siya tumatanggap ng kahit anong tawag sa kahit sino ng hindi ito mag-t'text para magpakilala muna.
Nagsalubong ang kilay niya ng tumunog ulit iyon. What the hell! Hinahabol niya ang oras dahil ayaw niyang mag-overtime ngayon.
"Shit!" She mumbled ng patuloy lang iyon sa pagtunog. Inangat niya ang kamay upang damputin sana iyon at i-silent ng matigilan sa ere ang kamay niya ng umilaw iyon at mag-beep tanda na meron siyang natanggap na mensahe.
Pinaikot niya ang kanyang mga mata saka iyon marahas na dinampot.
"Mag-t'text naman pala eh!" Aniya habang namumula ang mga pisngi niya sa inis.
Nag-isip muna siya kung babasahin niya ang mensahe o hindi. She decided not to. Ide-delete na sana niya iyon pero naagaw ng pansin niya ang teksto ng makita sa unahan ang pangalan ng nag-iisang pinsan niyang si Breen Brinkley. Nagsalubong ang mga kilay niya. Did she changed her number? Pinagloloko ba siya ng malditang iyon? Makikita talaga nito sa kanya.
Breen will die at exactly 18:00 kapag hindi ka nagpunta sa address na ibibigay ko.
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya ng wala siyang makitang address.
"Asan ang address?! Tanga!" She cussed.
She never call back pero para sa pinsan niya ay gagawin niya ang bagay na iyon. Her cousin maybe did something foolish again kaya na-kidnapped ito.
Tinignan niya ang relong pambisig. It says 17:20. Hinablot niya ang suot na salamin at binato iyon sa kung saan saka hinilot ang kanyang sentido.
"Breen ang tanga mo!" Wika niya sa ere. Na-kidnapped nalang ito ng ganun? Hindi man lang lumaban?!
Ang lampang guro na yon! Naghihimutok ang kanyang kalooban.
Tatawag na sana siya sa numerong nagpadala sa kanya ng mensahe ng tumunog ulit iyon. She answered it.
"Asan ang pinsan ko ha?!" Sikmat niya sa kabilang linya.
Tumawa ito which made her blood boil. "Dont laugh dahil ang pangit mo!" Pagod na talaga siya. Nawala ang tawa nito sa kabilang linya.
"Hawak ko ngayon ang pinsan mo, Brooke." Hindi niya kilala ang nasa kabilang linya. Baritono ang boses nito. She had never heard that voice yet in her entire life.
Hindi siya natatakot.
Hindi rin siya nito masisindak.
Kung may dapat na matakot rito ay si Breen lang iyon dahil ito ang hawak nito at hindi siya.
Tumuwid siya ng upo bago binuksan ang kabilang drawer niya. Tumambad sa paningin niya ang calibre 45 niya. Tinitigan niya iyon.
"I care about the address at wala akong balak na makipag chitchat sayo! Sabihin mo sa akin. You need money?! How much?!"
Binigay nito ang address kung saan niya pwedeng puntahan ang pinsan niyang saksakan ng kashungaan!
"No ransom involve. Basta magpunta ka sa binigay kong address at huwag na huwag kang magsusumbong sa mga police dahil kung hindi. Papatayin--"
"Sinabi mo ng hindi diba?! Tanga ka ba ha?!" Binagsak niya ang cellphone niya sa lamesa ng mapatay ang tawag rito.
Kidnapping na walang ransom na involve? She sighed. Makukutusan niya talaga si Breen. Kahit kaylan talaga ang gagang iyon hindi nag-iingat!
Nag-ring ang kanyang telepono. That was her secretary's line at dahil mainit ang kanyang ulo. Dinampot niya agad iyon.
"Faye huwag ngayon!" Bungad niya rito.
"Sorry ma'am. Inform ko lang po sanang nandito si Mr. Fausto--"
"Shut up! Sabihin mo ayokong makipag-transact sa kanya!" Binagsak niya ang telepono at marahas na tumayo. She pressed her palms in her mahogany table habang malalalim ang kanyang paghinga. Gusto niyang manapak!
Nilagay niya sa secret vault ang mga papeles na importante kasama na ang personal na laptop niya bago nanggigigil niyang dinampot ang kanyang baril saka iyon nilagay sa kanyang shoulder bag bago iyon sinukbit sa kanyang balikat. She took her phone.
Naglakad siya't marahas na binuksan ang kanyang pintuan bago iyon binalibag pasara. Napatingin sa kanya ang ilang mga empleyado niyang nagliligpit na ng mga gamit upang makauwi na. Tumalim ang titig niya sa mga ito.
"Anong tinitignan niyo ha?!" Nagyuko ang mga ito. Nakita niya ang paglunok ni Faye habang hindi ito tumitingin sa kanya.
Mabilis siyang umalis doon at nilisan ang kanyang kompanya. Naipit pa siya sa traffic. Napapalo siya sa manibela sa sobrang inis. She looked at her wristwatch and she saw it was 17:45 already.
Fifteen minutes nalang mamamatay na ang gagang pinsan niya!
"Fuck Breen!" She shouted! Napasuklay siya sa mahabang bagsak niyang buhok.
Ng makalabas siya sa traffic ay agad niyang pinaharurot ang kanyang sasakyang mustang. Gustong gusto niya ng mabilis but not this time na may hinahabol siyang buhay! It wasnt funny at all! She had a glimpse of the time sa kanyang relong pambisig at tatlong minuto nalang ay mag-aalas sais na. She couldnt make it!
She didnt mind kung magasgasan ang sasakyan niya dahil halos eksakto lang ang dinadaanan niya. She didnt mind kahit parang naliligaw na siya ngayon. Pumasok siya sa may kabukiran na may makitid na daan. Iyon ang sinasabi ng gps niya na dapat daanan niya. Pambihira!
Dinala ang pinsan niya sa liblib na lugar! Ng malagpasan ang kabukiran ay agad tumambad sa kanyang paningin ang buhangin at dagat. Sa di kalayuan ay may tatlong palapag na mansyon. Natigilan siya ng makitang may dalawang kalalakihang nakatayo sa labas ng gate ng mansyon. Naka-long sleeve na white polo ang mga ito at kitang kita niya ang mga baril sa beywang ng dalawa.
Nakita ng dalawa ang sasakyan niya at agad may kinausap ang isa sa loob upang ipaalam na dumating na siya.
Masasabunotan talaga kita Breen.
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago nanlisik ang mga mata niya sa galit. She stepped on the gas at mabilis na pinatakbo ang kanyang sasakyan patungo sa mansyon. Ng malapit na siya ay agad siyang nag-drift para mag-park. She took her bag and stepped out on her car. Pabalibag niyang isinara ang pintuan ng kanyang sasakyan. Pinapasok siya ng dalawang taga-bantay sa labas ng walang kung ano anu. Pagpasok niya sa bakuran ay medyo maluwag doon pero walang katao tao. Nagpatuloy siya sa paglakad.
Kung mamamatay siya ngayon then be it!
Bago pa niya mabuksan ang pintuan ay kusa na iyong bumukas. Nagsalubong ang kilay niya. Someone's watching her then. Pumasok siya sa loob. There's only one man in the sala. Nakaupo ito at nakade-cuatro. Ito ba ang tumawag sa kanya at nanakot kanina?!
"Where is she?!" Umalingawngaw ang boses niya sa mansyon nito.
"Looking for me?" Lumitaw ang pinsan niya mula sa ikalawang palapag ng mansyon.
Nag-isang guhit ang kanyang mga kilay habang nakatingala rito.
"What's the meaning of this, Breen?!"
Nagtaas ng kilay ang pinsan niya habang deretsong nakatingin sa kanya.
"Tell me what should I suppose to do if I couldn't hung out with you. Lagi kang busy sa company mo, Brooke. This is the only way para lang mapapunta kita dito sa mansyon ko."
Her forehead creased. "You trick me!" Aniyang namumula na ang pisngi pati tenga dahil sa sobrang inis!
Mas lalong tumaas ang kilay nito sa kanya. Naningkit ang mga mata niya rito.
"Wouldn't you greet me a happy birthday, Brooke?" Breen flashed her evil smile at her.
"Fuck you, Breen!"