"Sa'n ka galing?"
Napabalikwas ako sa pagtulog sa upuan ko. Tinignan ko kung sinong gunggong ang umistorbo sa akin. Kasi aba kanina pang sinusundot ang braso ko.
"Ano bang pake mo? Wag mo nga akong istorbohin" mataray kong sagot kay Cross na nakatitig sa mata ko with a blank stare. Kanina pa kasi yan ako tinatanong simula ng pumasok ako sa classroom.
"Tapos teka, Daniel said that he'll just text you" I rubbed my tired eyes and yawned.
"Yes he did" sagot niya. Agad naman akong napatingin ng masama sa kaniya.
"Eh bakit kanina kapa nagtatanong at sinusundot ang braso ko? Natutulog ako for Petes sake!" Inis kong saway sa kaniya. If looks could kill he'll be buried six feet in the ground right now. Psh. Sana nga.
"Para bwesitin ka" simple niyang sagot sabay tingin sa harap na parang ito yung pinaka accurate na sagot.
"Ugh! Bwesit ka talagang asungot ka! Ano bang problema mo? Hah? You son of a boracay beach!"
Napatayo na ako sa upuan ko dahil sa galit sabay sigaw sa kaniya.
"Uh miss Wilson? What's going on here?"
Napatingin ako sa may pinto at nakita ang prof namin na medyo gulat ang expression sa mukha. She must've seen my outburst. What the heck. Tinignan ko rin ang paligid ko at nakitang nasa sakin ang atensyon nila. I stood straight and composed myself habang nag-iisip ng magandang palusot.
"Nothing ma'am just practicing for a play" I professionally lied as I smiled at her. Napatingin naman ang mga classmate ko na may pagtataka. Wala naman talaga kaming play. Tinignan ko nalang sila ng masama to silence them. Napalunok nalang sila at hindi nagsalita. Good.
Our prof looked at me skeptically.
"Well, okay but next time practise somewhere else" sabi nalang niya at umupo sa upuan niya sa harap. Nagsimula na siyang mag discuss habang ako ay nakatingin lang kay Cross ng masama.
"Could you stop admiring my handsomeness? It's getting a little creepy" tukso niya pa. Agad namang nag-init ang ulo ko. This guy is making me lose my sanity. I just didn't mind him and crossed my arms.
"Jerk" bulong ko nalang.
Ng matapos na ang klase ay pumunta na ako agad sa parking lot kung saan linapitan ako ni Daniel.
"Hey" bati niya sabay ngiti. Nginitian ko lang siya pabalik.
"So kumusta ang trip mo sa principal's office?" Tanong niya habang naglalakad kami.
"Okay lang naman at least I'm not suspended or anything" I shrugged.
"Mabuti naman..by the way—Uy Cross nandiyan kana pala"
Tinignan ko si Cross na nasa tabi na ni Daniel. Wala paring ekspresiyon ang mukha niya na parang walang nangyari kanina. The nerve of this man.
"Yeah" maikli lang niyang sagot kay Daniel. He looked at me briefly bago niya tignan ulit si Daniel.
"Since nandito kana I'll just get straight to the point. So guys, my older sister is having a party kasi birthday niya kaya iniimbitahan ko kayong dalawa" Daniel announced. Napatingin naman ako agad sa kaniya sa pagsambit niya ng word na 'party'. It's been a long time since I attended a party. Busy sa trabaho kaya.
"Cool. So when?" I excitedly ask.
"Tonight. I'll pick you up at exactly 7:00 o'clock"
Sasagot na sana ako ng oo pero naunahan ako sa pagsasalita ng bakulaw.
"No" Cross suddenly cuts me off. I looked at him with a frown. Si Daniel nga ay napataas ang kilay sa biglaan niyang interupsiyon.
Medyo lumaki ng kaunti ang singkit na mata ni Cross na maging siya ay parang di makapaniwala sa sinabi niya.
"What?" I crossed my arms over my chest. He cleared his throat.
"What I mean is, ako nalang ang magda-drive sa kaniya papuntang bahay mo" paliwanag niya na nakatingin kang Daniel. Napangisi naman si Daniel ng kaunti.
"Oh so pupunta ka rin sa party, Cross? This is a first" Sabi ni Daniel na may halong panunukso.
"Yeah. Just shut up" maikli niyang sagot sabay lakad palayo.
"Alam mo ba kung ano ang sumapi kay Cross?" Bulong sakin ni Daniel.
"Baka sinapian ng yokai" I joked. Napatawa kaming dalawa. Napapitlag naman kami bigla ng may bumusina sa likod namin.
The drivers window went down revealing the one and only Cold abnormal Prince.
"Are you coming in or not?" He frowned.
"Coming, master" pang-aasar kong sagot as I skipped to the other side of his car. Binuksan niya ito and I got in habang si Daniel ay tumatawa parin at hindi ko na ring mapigilang ngumiti habang tinignan si Cross.
"Why are you looking at me like that?" He glanced at me. Binalik niya naman agad ang tingin niya sa daan.
"Nothing" I answered in a sing song voice.
"Creep" rinig kong sabi niya. But I coudn't care less.
"Diana! Open the damn door!"
Napabalikwas ako sa pagkakaupo ko sa sofa kaya natapon ang mga popcorn na kinakain ko. Boses yun ni Cross ah. Tumakbo ako papunta sa front door na parang magigiba na sa kakakatok niya ng malakas.
"What's your problem you jerk?" Singhal ko sa kaniya ng mabuksan ko ito. He crossed his arms and raised his eyebrows eying me up and down.
"Nakalimutan mo no?" Tanong niya as he frowned deeper. It was my turn to frown.
"Anong nakalimutan?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Hayst nakalimutan mo nga" he sighed. Doon ko napansin na nakabihis na siya. He's wearing a simple V neck and jeans yet he look so damn hot. Nasan ang hustisiya?
Then something hit me. What the heck. The party.
"Damn. Oo nga! Cross sorry! Pasok ka muna magbibihis lang ako!" Natataranta kong sabi sabay tulak sa kaniya papasok.
"What were you even doing?" Tinignan niya muli ang suot ko na pajama lang at panda na extra large t shirt. Sunod niyang napansin ang sofa na may nagkalat na popcorn at ang TV na Spongebob ang pinapalabas.
"Why did I even ask?"
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Balakajan. Maliligo muna ako at magbibihis" dali-dali kong litanya sabay akyat pataas.
"Wag ka ng maligo!" Pahabol niyang sigaw.
"Wag ka ngang mangialam! Ang baho ko kaya!" Sigaw ko sa kaniya pabalik. I slammed the door shut at dumiretso sa banyo ko. I turned the shower on pero walang tubig na lumabas. Napasigaw ako sa inis.
Wala na akong choice nasa kitchen lang ang isa pang banyo. I grabbed my towel at agad na tumakbo pababa. Hindi ako napansin ni Cross dahil tutok na tutok siya sa tv screen habang comportableng nakaupo sa sofa. Tss. Nanonood rin pala ng Spongebob ang bakulaw. Dumiretso ako sa kitchen at binuksan ang banyo. Agad akong nag shower and did all the necessary things. Ng makatapos na ako ay kinuha ko na ang towalya ko and dried myself.
Kinapa ko ang shelf at dun ko narealize na wala pala akong dalang damit.
"What the fudge. Ang tanga mo talaga Misaki. Ang tanga tanga mo. Pano na to?" Inis na bulong ko sa sarili ko. Binuksan ko ng kaunti ang pinto at nakita ang sala natatabunan si Cross ng TV kaya di ko alam kung nakatutok parin siya doon. He must be, right?
Kung hindi ako nakita kanina ni Cross pababa siguro naman ay di niya rin ako mapapansin umakyat pataas papuntang kwarto ko, diba? Hayst bahala na nga. Alangan namang ipakuha ko sa kaniya ang damit ko with my underwear.
Kaya ko to. Bahala na.
Hinay-hinay kong linandas ang kusina. Eto na nandito na ako sa sala kailangan ko nalang na humakbang pataas para makapunta sa kwarto ko. Tinignan ko muna si Cross at sinigurado na hindi niya ako napansin. Pero parang lumayas na sa katawan ko ang kaluluwa ko ng makitang gulat na siyang nakatitig sakin.
What.
The.
F*ck.
"Wahhh! Wag kang tumingin na manyak ka!" Sigaw ko sa kaniya sabay bato ng teddy bear na nasa book case sa tabi ko. Hinigpitan ko ang hawak sa towalya na nakapulupot sa akin. Nasapul siya sa mukha kaya para namang natauhan siya at agad umiwas ng tingin. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko.
"What the heck. Kasalanan ko ba na ikaw lang naman naglalakad na nakatowalya lang!"
"Wala akong choice! So shut up and don't look!" Sigaw ko sa kaniya pabalik at dali daling umakyat papunta kwarto ko. I slammed the door shut. Nakakainis! I should've warned him first not to look! Pero huli na ang lahat. I'll be embarassed, scratch that, I'll be mortified for the rest of my life.