The bell suddenly rang signalling the end of this tiresome day. Kinusot-kusot ko muna ang mata ko dahil bago pa ako nakagising. Tinulugan ko lang kasi and boung klase. Pano ba naman eh alam ko na lahat ng lessons. I'm not bragging or anything just stating the truth because of home schooling.
Liningon ko ang katabi ko at as expected wala na siya. Umuwi na siguro ang bakulaw. Tss. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na sa room. Naglalakad na ako papunta sa parking area ng biglang nag-ring ang phone ko. I fished it out of my pockets at nakitang si Boss pala ang tumatawag. Registered siya sa phone ko as- Unicorn Man. Haha nice diba?
Bago ako sumagot pumunta muna ako sa CR at siniguradong walang tao sa loob. Sinilip ko pa nga bawat cubicle mabuti nalang uwian na.
"Uy kuya?" Pambati ko. Hindi ko nalang siya tinawag na boss dahil baka may maghinala. Hindi pa naman ako magaling sa paggawa ng palusot. Tsk.
"I forgot to tell you your new address which is located exactly next to Mr. Villaverde's house. It's on Green Subdivision...at Kintanar street. Don't worry all of the things you need is already there and all is polished" Diretso nyang pag-inform sakin buti at hindi nalang siya nag-react sa 'kuya'. Buti at nagets nya agad at hindi na umangal.
"Naman eh, kailangan pa ba? Di naman yan cute na baby para bantayan. Tiyanak yun tiyanak" pagsusungit ko. Wala ako sa mood ngayon dahil bagong gising pa ako.
"You must understand the situation Ms. Chitoge he needs day and night surveillance for his safety. And I got another favor" pormal niyang sagot. Lalo akong napasimangot sa 'favor' na yan.
"What is it?"
"Install mini cameras on Mr. Villaverde's house para ma-monitor mo siya ng maayos"
Hindi nalang ako umalma dahil talagang kailangan siya i-monitor lalo na't the Kayasa Gang is on the loose para hanapin siya. Anything could happen to him.
"K" maikli kong sabay tingin sa repleksiyon ko sa salamin. Hayss. Ganda ko talaga kahit stress na stress na.
"Good. By the way, how's your day? Any progress?" Habol niya.
"Not good, kuya. Ang raming nangyari sa araw nato tss. Tapos yung lalaking yun nakakainis akala mo kung sino masyadong arrogante at snob feeling kasama sa F4. Naku, baka mapatay ko yun ng maaga eh tapos meron pang babaeng makapal ang mukha na umeepal baka makakatikim talaga sakin yun ng flying kick pag binuwesit pa niya ako" mahaba kong litanya sabay irap sa mata.
"Just stop rambling nonsense Ms. Chitoge I only want the important ones" Hay naku. Kung hindi kalang boss namin matagal na siguro kitang inupakan at matagal kana sigurong nasa 6 feet below the ground. Kala mo kung sino, adik naman pala sa unicorns at 'My little pony'.
"Tss. Whatever. So nakausap ko na siya pero ilap siya, arrogante, masungit, feeler at marami pa. In overall, I just know this mission is not gonna be easy" I answered him honestly.
"Ok then, just do your best Ms. Chitoge the whole agency trusts in you. Call us if you need help" Binaba na niya saka ako napabuntong-hininga. Being an agent is not easy.
Lumabas na ako sa CR at naglakad na papunta sa parking lot medyo kumpulan na ng estudyante dahil uwian na kaya medyo nagkakagulo. Agad akong pumasok sa kotse ko at pinaandar ito patungo sa address na sinabi ni sir. Buti nalang alam ko na ang pasikot-sikot sa lugar na'to at pamilyar ako sa lugar kong saan nakatira si Cross nandun na kasi yun sa document na ibinigay sakin ni sir.
Pinagbuksan ako ng guard sa subdivision matapos ko sabihin ang fake name ko. Mabuti nalang naplantsa na lahat. Ng makarating na ako sa bagong bahay ko agad akong bumaba at pinagmasdan ito. Ok na rin.
"Are you following me?"
Muntik na akong atakihin sa puso ng narinig ko ang boses na yun. Liningon ko ang pinanggalingan nun at nakita ko si Cross, his eyebrows raising. Naman oh, pano ba to?
"Feeler lang? Tse di ka ganun ka gwapo para sundan kita noh. Maghunos-dili ka nga sa sarili mo. Ew. Di pwedeng I'm just your new beautiful and sexy neighboor? And it's just a coincidence na magkatabi ang bahay natin?" Maldita kong sagot ko sa kanya.
"Ang dami mong sinabi. Isa lang naman ang tinanong ko. It could just be answered by yes or no" he pointed out without clear emotion on his annoying face.
"Ikaw kasi kung ano ano pang pinapapalabas mo. Ano? Sa tingin mo stalker ako? Ganda naman ng stalker mo. FYI di ako interesado sa mga taong mukhang tiyanak. Kala mo kung sinong gwapo napa-
Pag-lingon ko sa kinaroroonan nya kanina wala na siya. Nakita ko nalang ang pinto sa bahay niya na nagsara. Agad namang uminit ang ulo ko.
"Aba! Ang kapal ng mukha at iniwan pa ako dito habang nagsasalita. Makakatikim ka talaga sakin Cross. Ang sarap mo talagang itapon sa Mars" pagtatatalak ko sa inis sabay turo-turo pa sa bahay niya.
"Mommy, baliw oh" turo sakin ng isang batang lalaki habang kausap ang kaniyang nanay na naglalakad sa daan. Aba. Mas lalo pa nitong pinapa-init ang ulo ko. Naku, kung di lang to bata baka nabatukan ko na to.
"Anak, wag kang ganiyan..." napangiti ako sa sinabi ng nanay niya dahil mukhang pinagtatanggol niya ako. "Mas lalong nagagalit ang mga baliw pag sinabihan mong baliw sila" patuloy nang nanay niya sabay lakad paalis, napatango nalang ang bata at sumabay sa kaniya.
"Hmmp!" Nangangalati kong sigaw sa galit sabay padyak sa paa.
Ano bang meron sa araw na to? napakabwesit. Simula talaga to nung nakilala ko si Cross. Talagang napakamalas ng mukha niya.
Calm down, Misaki. Chill. Nakakapangit 'yan.
I cleared my mind and breathe deeply. Pumasok nalang ako sa bahay para mapagmasdan ang lugar ng mabuti. Ok lang din naman. Simple yet classy. Pumunta ako sa kwarto ko na black and white ang theme. May flat screen tv at queen sized bed. Binuksan ko ang closet at nakita na meron na doon na mga bagong damit. Binuksan ko ang bintana at lumanghap ng malamig na simoy ng hangin.
Nagulantang ako bigla ng makita sa kabila, sa may bintana- si Cross lang naman topless at mukhang nag papalit ng damit. Mygawd.
Siguro na-feel nya ang presence ko kaya napaangat ang tingin niya at nakita ako na nakabuka lang naman ang bibig at mukhang shunga na nakatitig sa kaniya habang nagbibihis.
Lupa, lamunin mo na ako please.
Cross gave me a frown at lumapit sa bintana habang nakatingin parin sakin.
"pervert" he muttered, sabay sirado ng bintana niya. Ako pa talaga ang manyak ngayon?! Napatingin lang sa kaniya, manyak na agad?! Kapal ng fess sarap iuntog sa semento.
"Feeler!" Galit na sigaw ko sabay sirado rin ng bintana ko. Hayst. Worst day ever.
Minasahe ko ang sentido ko habang nag-iisip paano ako makakapasok loob para makabitan ng mini cameras ang bahay ng bakulaw na yun.