HinovelDownload the book in the application

[3]

“So, of course to protect him, you'll need some gadgets” pahayag niya. Napangiti ako. My favorite part.

“At kagaya ng napagkasunduan natin, here are the latest gadgets” sabi niya tapos may may pinindot sa remote niya, agad namang may lumitaw sa harapan ko na maliit na lamesa, ng liwanag ang mata ko ng  makita kung anong nandon. Manghang mangha ako sa nakita ko.

Lumapit siya at may pinulot na isang medyo maliit na baril.

“This is utot gun” paliwanag niya. Bago paman sya makapagsalita pa uli ay napatawa na ako ng malakas. 

“Are you serious? Utot?” I don't know if I should laugh or grief for the fact that I'll be using that.

Walang nagbago sa ekspresyon niya.

Binigyan niya ako ng im-damn-serious look.

Agad naman akong umayos.

“Please continue” seryoso ko ng sabi.

"As I have said, this is utot gun, pag kinalabit mo ang trigger lalabas ang isang mabaho na amoy, na kung sino ang makakaamoy nito tiyak na babagsak at makatutulog ng hanggang 10 hours” paliwanag niya.

tiyak ako kung sinong freak ang gumawa nito. Okay, our inventors usually comes up with more classy things, but sometimes I think they were just playing around. Ugh, I couldn't understand smart assed people.

“And I suppose Dr. Utotino made that, right?” panghuhula ko.

Yeah, you heard it right Utotino talaga ang pangalan niya, ewan ko lang ba sa parents niya bakit yan pa talaga ang pinangalan sa kanya. Balita ko kasi ng umutot ang inay niya kasabay siyang lumabas, eh, paglabas naman inakala na tiyanak kaya ipinatawag pa ang isang albularyo. Tsk tsk. Kawawang Utotino.

Si Utotino lang din naman sa kadami-dami naming mga taga invent ng mga bagong gadgets ang pinakamahusay at minsan…pinakaweird na gumawa ng gadgets, pero thankful parin kami sa kanya dahil sa mga gadgets na inimbento niya ay maraming mga misyon ang nagtatagumpay.

“Yeah, walang iba”

“Well, I'm sorry but im not taking that” I finally state.

Eh, baka pagtawanan pa ako niyan.

“I'm sorry too, agent  Chitoge but you're taking that, baka kailanganin mo yan” he demanded.

Napa-buntong-hininga nalang ako. I got no choice, it’s the boss’ order. Tsk nakasimangot ko itong kinuha at inilagay sa bag ko.

Ang sunod naman niyang kinuha ay yung parang pabango, at talagang ‘Victorias Secret’ pa talaga na perfume ang cover.

“Hindi lang ito ordinaryong pabango, bukod sa mabango nitong amoy, pag inispray mo ito sa kalaban at pag naamoy niya ito, maghahalucinate siya at mahihilo” paliwanag niya.

Agad ko itong kinuha mula sa kanya at isinilid sa bag ko.

Sunod naman niyang binunot ay yung parang isang fountain pen.

“This fountain pen is like a little voice recorder, marerecord nito ang pinag uusapan niyo o iba pa”

Napapahanga talaga ako. At talagang literal na nagliliwanag ang mata ko. This is the reason why I like new gadgets.

Isinilid ko na din ito sa bag ko.Sunod naman niyang pinulot ang isang lipstick.Wow ang ganda naman, natetempt tuloy akong subukan to kulay Bloody Mary pa naman.

“This lipstick, bukod sa magagamit mo rin to sa pag ma-make up, pag pinihit mo ang handle nito pakaliwa at iginuhit….

May pinindot siya sa remote ulit niya at agad namang lumitaw ang isang makapal na bakal at glass.Ginamit niya ang lipstick at idiniin tapos pinorma ang isang bilog. Hindi lalampas sa dalawang segundo ay agad itong natunaw.

Excited ko namang kinuha ito mula sa kanya at isinilid sa bag ko. Naku! Baka mapakanta pa ako nito ng ‘alleluijah!’.

Sunod naman niyang kinuha ang isang parang maliit na garapon, ang nakasabi ay ‘Stool Softener’.

Seriously? Pinagtitripan ba nila ako?

"Stool softener? are you kidding me? Mukha ba akong palatae?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Nope, we’re not, naisip naming yan para hindi maghinala ang mga tao” paliwanag niya.

“At sa lahat ba naman ng mga pamagat, yan pa talaga ang naisip niyo?” sabi ko tapos inisahan siya ng kilay.

“Oh come on, it sounds fantastic, right Dr. Utotino?” malakas na tanong niya.

Agad namang bumukas ang pinto at sumilip sa Utotino na ulo lang ang ipinapakita.

"Of course boss!” magiliw naman niyang sagot. Talas din pala ng pandinig nito noh?. Alam niyo, mukha siyang s Babalu. Tsk may pa ‘of course-of course’ pang nalalaman.

“Thanks Utotino, you may now go back to your work now” masigla namang sabi ni boss.

Aba, hindi ko inaasahang magka vibes pala ang dalawa.

Pero bago lumabas si Utotino ay kinindatan pa niya ako at nagflying kiss pa sakin. Kunwari ko namang  Iniwasan yung flying kiss niya at pinalo ng isang walis. Agad naman siyang umalis ng naka sinayang-niya-ang-pagibig-ko look.

“At wag mong maliitin to dahil pag hinalo mo to sa tubig o pagkain ay maaaring makakafeel agad sila ng urge ng call of nature na hindi mapigilan” paliwanag niya. At alam ko na naman kong sino ang umimbento nito tsk.

Nakasimangot ko itong kinuha mula sa kanya at inilagay sa bag. Mukhang pinagkaisahan ako ng dalawang to para sa gadget na to. Humanda lang talaga tong dalawa sakin

Sunod niyang kinuha ang isang eyeglass.

“Ito namang eyeglass na to, pag isinuot mo to, at ibinulong ang salitang ‘scan’ ay i-sascan niya at ibibigay ang mga  basic details about sa kanya, maari mo rin itong gamitin para makita kong ano ang nasa kabilang pader, o kahit pa kabilang building. Maari mo rin tong gamitin para malaman kung anong possibleng maging daan o paano makakatakas” paliwanag niya.

Ang ganda, hindi ito mukhang pang nerd na eyeglass, mas pang fashion ito tingnan.

Excited ko naman itong isinuot.

“scan” bulong ko. It scanned boss tapos may mga detalye agad na nakasulat katulad ng=’’great at handling guns” pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang salitang  “unicorn addict” tsk. Tama nga talaga ako.

Ibinaba ko ang paningin ko. Napatakip naman ako sa bibig ko ng makita ang isang kagimbal-gimbal na bagay….

ANG BRIEF NI BOSS! COLOR PINK AT MARAMING UNICORN ANG NAKAPALIBOT! ,MY GOODNESSSSS, GANITO BA TALAGA SIYA KAADIK SA UNICORNS?!

Medyo nakakatakot na rin to si boss.

"Something wrong?, hindi ba gumagana?” tanong niya ng mapansin ang reaksiyon ko na sigurado ako na epic talaga ang face.

Agad ko namang tinanggal ang eyeglass at isinilid sa bag. Nakakagimbal!

Pero on the other side, siguro masarap yung gamitin pang blackmail, mapagkwakwartahan ko pa yun.

“No boss, it works perfectly” sambit ko tapos nginitian siya.

Sunod naman niyang binunot ang isang payong na maliit at kulay black.

“And the last but not the least bukod sa may gamit ka na sa pagsangga sa ulan, ibulong mo lang ang gusto mong armas at mag tatransform ito sa gusto mo” paliwanag niya. Wow ang galing ah.

“Sige sabihin mo ‘shotgun’” utos niya.

“Shotgun” sunod ko sa kanya. Agad naman itong sumunod at nagtransform ng isang magandang shotgun.

Wow sigurado ako na mas lalong nagningning ang mga mata ko.

“sabihin mo lang ‘back to normal’ para magbalik anyong payong na ito” sabi niya.

“Back to normal” sunod ko sa sinabi niya. Agad naman itong nag transform pabalik sa payong. Ohhh thank you scienceeeee

“Wag kang mag-aalala dahil boses mo lang sinusunod ng payong na yan at nung eyeglass para safe” dugtong pa niya.

May ibinato naman siya sakin na isang designers bag.

“Hindi lang yan pang-fashion, magagamit mo rin yan, maari mong isilid lahat ng gamit mo diyan, maari mo rin yang gamiting parachute kong kinakailangan” pagpapaliwanag niya.

“Sure ka?” I stupidly ask.

“Oo, kahit pa aparador pwede mong isilid diyan” pagpapaliwanag niya. mukhang mag-o-overload na talaga ang utak ko nito. So far kasi ngayon lang ako nakatanggap ng ganito kagaling na mga gadgets.

May bigla siyang itinapon sakin. Isang supot? Tinignan ko sa loob.

"Para sa'n to?” takang tanong ko.

“You're going back to school, agent Chitoge, bukas nakaschedule ang pagtranfer mo sa paaralan ni Mr. Villaverde,” sabi niya.

May itinapon na naman ulit siya, and this time sapul na talaga sa mukha ko.

Ano na naman ba to? Isang ID?

“Nandiyan na lahat tungkol sa bagong identity mo, your new name is Diana Wilson” sabi niya. Tiningnan ko siya at binigyan ng may-iba-pa-ba-pagod-na-ako look.

“Yun lang, sige pwede ka ng umuwi, get some rest for you're gonna start tomorrow” he instructed.

Napabuntong- hininga nalang ako, tama siya.

Tomorrow’s gonna be a big day.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free