HinovelDownload the book in the application

[4]

“WHO RUN THE WORLD? GIRLS, WHO RUN THE WORLD? GIRLS!, WHO RU—

Naman oh, bakit ba palagi nalang sa tunog ng cellphone ako nagigising? nagbe-beauty sleep pa naman ako.Sinagot ko ito, para matigil na ang kariring. Boss' voice only greeted me.

“You know that you're already late,right?” tanong ni boss.

“Huh? Late? For what?” takang tanong ko habang humihikab. My dream was far more interesting. Magpapakasal na kami ni Johnny Depp!

“For school,agent Chitoge, wag mong sabihin na nakalimutan mo?” seryosong usisa niya.

“Good guess, yes I did” I  just replied. There's no point in lying anyways.

“I did not guess, I know" of course he knows since I worked for him for a long time. "by the way, nasa supot na ibinigay ko kahapon ang sched at rules and regulations sa university” paalala ni boss.

“K boss” sabi ko tapos in-end call ko na.

Agad akong tumalon sa kama ko at dumiretso sa banyo upang maligo.

After several minutes…..

Tinapisan ko muna ang sarili ko tapos kinuha ang supot, kinuha ko ang uniform at sapatos ko at isinuot.

Tiningnan ko ang  repleksiyon ko sa salamin. Well, not bad. Maganda naman ang uniform, may long sleeve ito na color white, may mahaba rin itong neck tie na kulay powder blue, at maikling powder blue na palda. Nag- apply lang ako ng light make-up, tapos tinali ang buhok ko dahil mas komportable ako sa ganito. Sinuot ko na rin ang I.D.

Tiningnan ko ang relo ko. Holy shit! Malapit na akong ma late!

Kinuha ko ang bag ko yung ibinigay ni boss, kung saan ko inilagay lahat ng mga gadgets may mga notebooks na rin dito. Kumaripas na ako paalis.

Nang nasa parking area na ako, napagdesisyonan ko nalang na mag motorbike dahil nagmamadali ako ngayon.

Agad ko itong pinaharurot patungo sa university without even bothering to wear helmet, mabuti nga namemorize ko ang mga lugar dito, it's part of our training para hindi na kami mahirapan.

Nang makaabot na ako, agad ko itong pinark sa parking area. Bumaba na ako tsaka lumakad na patungo sa entrance ng university. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante, malamang nagtataka kung sino ako. Linampasan ko lang sila. Ngayon lang ba sila nakakita ng diyosa?

Ng makarating na ako sa loob. Tiningnan ko ang kabuuan ng estruktura. Wow, ang ganda rin naman pala dito. Hays na miss ko talaga ang pumasok sa eskwelahan.

Hanggang grade 5 lang kasi ako sa school dahil after nun, ipinasok na ako ni Daddy sa agency upang mag-training. Kaya for the rest of the years nag-home school na lang ako.

Si Daddy ay isa sa mga pinakamagaling na agent sa agency. Kaya nung namatay siya because of heart failure, I promised him na gagalingan ko ang trabaho ko, no, its not just any work, it's my life.

Ok, stop the drama.

Kinuha ko ang sched ko. Wala akong balak na basahin ang rules and regulations, I'm a rule breaker anyway. Ah, so nasa ‘Royal Section’ pala ako, and that means nandun din si Mr. Cross Villaverde.

Pero ang problema, nasan ang ‘Royal Section na yan?. Ugh ito ang mahirap kapag bago ka pa dito sa isang lugar eh.

Kaya in-approach ko yung guard at tinanong kung saan ang ‘Royal Section’. Sabi naman niya na nasa 5th  floor ito, hindi naman daw ako mahihirapan dahil yung pinakaunang pinto raw na makikita ko ay yun na daw.

Kaya naglakad nalang ako sa stairs papunta sa 5th floor. Ng makarating na ako sa third floor, huminihingal pa rin ako, akalain mo? Ang taas pala ng lalakarin ko? Bwiset rin naman oh, I should really get some exercise.

“ding” tiningnan ko ang nag ding at nakita ang isang elevator na bumukas at inilabas ang isang janitor, takang napatingin naman siya sakin tapos dumiretso na siya.

My God, ako pinagpapawisan tapos hinihingal na sa kakaakyat sa bwiset na hagdanan na yan, tapos meron palang elevator? Takte naman oh!

Huminga nalang ako ng malalim tapos inayos ang sarili ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na wag pasabogin yung elevator na yun.

Linibot ko ang paningin ko sa hallway, well, tama nga ang guard dahil ito nga yung pinakauna na pinto tapos may sulat rin sa taas nito na ‘Royal Section’. Ano ba namang pangalan yan nang section? Mga prinsesa ba't prinsipe and nandun? I almost snorted.

I slammed the door open, para dramatic. Napatingin naman silang lahat sakin.

“uhm—

“I'm the new transferee” putol ko kay prof.

Bigla namang nagliwanag ang mukha niya. Pasalamat ako kina boss na pinlantsa naniya lahat tungkol sa bagong identity ko.

“ah, oo, I'm sorry class, nakalimutan ko lang sabihin sa inyo about sa bagong transferee , so miss, please introduce yourself in front of the class” sabi ni Prof na nakangiti.

So, ayun na nga pumunta na ako sa harapan ng classroom.

“hey, I'm Diana Wilson, 18 years old, I hope we can be friends” I said then flashed my killer smile. I gotta make a good impression to fit in.

“Okay, miss Wilson, you may take your seat now, kahit saan na gusto mo” sabi naman ni prof. Tinanguan ko nalang siya. Nagsimula na siyang magsulat ng kung ano-ano sa wytebord.

Linibot ko ang paningin ko, searching for that handsome face of Cross Villaverde. At hindi naman ako binigo ng aking mata dahil nakita ko naman siya agad. I secretly smiled.

Target spotted.

Kaya lumakad na ako papunta sa kanya, luckily, wala siyang seatmate, so ano pa ba ang hinihintay ko? E di umupo na rin ako sa tabi niya. Sinulyapan niya lang ako for a second tapos ibinalik ang tingin sa kawalan.

Ng nakaupo na ako, hindi ko maiwasang tingnan ang mukha niya. Wow, I didn’t expect na ganito siya kagwapo. Matangos ang ilong niya at manipis ang labi. Yung mata niya ay medyo masingkit tulad ng isang Japanese talaga, tsaka maputi rin siya. May piercing siya sa left ear niya at ang cool rin nang hairstyle niya tapos yung polo niya unbuttoned yung first 3 buttons. He looked fresh out of a magazine.

Yummy.

“Stop drooling” bigla niyang sabat sakin, nakaharap na siya sakin ngayon.

Wait what? Aba! Bakit hindi sinabi ni Boss na may pagkahangin rin pala tong lalaki na to.

“Excuse me, I did not” I firmly defenced. Tse! Wag siyang mangarap.

“eh, anong tawag diyan sa tumutulo na galing bibig mo? Wag mo sabihing sipon yan?” banat niya naman.

Wut?

Kinapa ko ang bibig ko, my God, meron nga! What the hell! Pinaglalawayan ko tong lalaking to? Napahiya tuloy ako.

"Whatever, lumayo ka nga sakin” maldita kong sabi sa kanya as I shoeed him away using ny hands. Tapos pinunasan na ng tuluyan ang laway ko.

“Eh, ikaw nga tong biglang sumulpot dito” reklamo niya.

Well, my point nga siya, pero—ugh, ang hirap pakisamahan ng lalaking to, mukhang matatagalan ako nito eh.Nakasimangot nalang akong nakinig sa klase.

After several hours of hell.

The bell rang and I almost danced in happiness.

That’s music to my ears. Yezaaaaa, recess na! The only thing that makes the class schedule less smell like death and hell.

“okay, class dismiss” sabi ni prof tapos umalis na rin. Nagsigawan naman ang mga estudyante at doon na nagsimula ang mga kaguluhan. Napangiti ako.

The usual classroom scene. Just like what I've read on books.

Tiningnan ko ang tabi kong masarap patayin. Aba, nasan kaya ang mokong na yun?

Napagpasyahan ko nalang na pumunta sa canteen, gutom na kasi ako, and when I say, gutom na ako? Gutom na talaga ako at wag niyo akong gagalitin dahil pag nagkataon baka kayo pa ang mapagpasiyahan kong kainin.

Pero ang malaking problema, where the hell is that canteen?

At dahil natural na na makapal ang mukha ko, nagtanong ako sa isang babae na nakita ko. Agad naman niyang sinabi kong nasan, well, hindi ko siya masisisi dahil alam kong beast mode talaga ang itsura ko ngayon, gutom na kasi ako. I've been looking for that canteen for minutes now.

Kaya pumunta na ako sa first floor, but this time naka elevator na.

The elevator dinged and lumabas na ako mula sa elevator.

Nagtanong muli ako kung saan ang canteen, sabi naman ng babae na magpatuloy lang ako sa paglalakad tapos pag nakarinig na ako ng ingay ay yun na yung canteen.

Sinunod ko ang sinabi niya at nagsimula ng maglakad papunta sa may ingay, pumasok na agad ako sa loob. Minasdan ko ang lugar. The entire space lined up with long tables and chairs.

Ang ibang estudyante tahimik lang na kumakain, ang iba naman inaaway ang isang geek, ang iba naman nagpapacute sa mga babae, some gossiping and some quietly eating.  The view is somewhat new to me. 

Inilayo ko nalang ang tingin ko sa kanila at inilibot ang tingin ko hinahanap ang mokong na yun.

Swerte naman at nakita ko yung mokong na busy na kumakain kasama yung isang lalaki na hindi ko kilala.

At dahil sadyang makapal ang face ko, pinuntahan ko sila.Agad akong umupo sa tabi ni Cross.

“Hey guys”bati ko sa kanila.

Napatingin naman yung lalaki sakin tapos ngnitian ako, si Cross naman isang sulyap lang ang ibinigay. Tsk. Suplado.

“Hi, I'm Daniel by the way. First year senior highschool. Section B ” pagpapakilala niya. Tapos inabutan niya ako ng kamay. Ah sa kabilang section pala siya.

Tinanggap ko naman ito. Good girl eh.

“Hello, I'm Diana Wilson” pagpapakilala ko naman sa kanya. Binitiwan ko na siya at sumulyap kay Cross na kumakain parin.

“So, are you one of Cross’ f buddy?” bigla niyang tanong.

“F buddy?” takang tanong ko.

“fuck buddy” simpleng sagot niya. Nanlaki ang mata ko, what the—

“No, never!” sagot ko naman na nakasimangot.

“Hindi ko yan papatulan noh. anong akala mo sakin? Cheap?” biglang singit ni Cross. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Wow, ang gwapo mo rin noh? Ang gwapo mo pare!” sarkastiko kong bawi sa kanya habang tinapik-tapik pa siya sa balikat. Iniwasan naman niya ang kamay ko na animo'y langaw.

“Sorry, akala ko lang, ang dami kasing girls na naghahabol kay Cross and they have their own way to be close with him” Daniel apologized sincerely. Pero may part din na totoo sa sinabi niya. I have to be close with Cross.

“Okay lang” sabi ko naman sa kanya tapos nginitian siya

My stomach suddenly growled.

At dahil gutom na ako, agad kong kinuha ang burger na kinakain ni Cross at kinain na rin ito.

“Hey! Akin yan!” angal ni Cross. Inirapan ko nalang siya. Gutom na kasi talaga ako. Tsk.  And theres nothing that’s gonna stop my stomach.

"Shut up baka ikaw kainin ko"

"Ako Misaki, magvovolunteer ako!"

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free