HinovelDownload the book in the application

Chapter 9 Chapter 8

Unknown POV

Naandito na rin pala sila Kazarina.. hindi na ito maganda..

Ngunit sino ang lalaking iyon?? Ngayon ko lamang sya nakita..

Ang lalaking may pulang buhok.. At lalaking may kulay lilang buhok..

Pero ng dumalaw sila ng isang gabi pinatuloy sila ni Louella.. ibig sabihin lang ay hindi sila mga kaaway..

Pero sino sila??? At anong koneksyon nila sa prinsesa??

Freya POV

"Morning \^^/"

Masigla kong bati pagkagising ko na nakapagpagising kay sky

bukas na ang kaarawan ko!!

At oo isang linggo na simula ng dumating sila Kyran.. di naman na sila masyadong creepy tulad ng dati. Kasi di naman nila ako kinakausap. which is never naman talaga silang nakipag usap saakin

At di na rin ako dinadalaw ng mga napapaniginipan ko noon..

"Tayo na Sky!! Malilate na ko sa school"

At saka ko ito niyugyog at saka lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina

"Morning Tita, Morning Insan"

"Morning" - bored na bati saakin ni insan

"Oh Freya ano balak mo bukas?" - Tita

"Hmmm gusto ko po sanang dalawin sila mama at papa, tita"

napatingin naman sila saakin

palaging un nalang kasi ang sinasabi kong gusto kong gawin tuwing birthday ko pero ni minsan di sila umuo

"Freya gusto mo mamasyal nalang tayo bukas nila mama??" - insan

"Zane" - tawag sakanya ni Tita at saka sila nagkatitigan

Ang hilig nilang magtitigan.. problem ba nila??

Nagsimula nalang akong kumuha ng pagkain

"Ahh Freya dito nalang tayo sa bahay bukas ha? Wag ka na munang pumasok" - Tita

"

Hmm bakit po Tita?" - takang tanong ko

"Delikado insan" - Zane

"Huh? Bat delikado??"

"

Ahh ehh insan alam mo naman pamahiin diba? Pag kaarawan mo daw lapitin ka ng disgrasya"

ehh?? Pero ngayon lang naman sila naging ganyan

Dahil ba sa debut ko bukas?

"Buti pa at dalian nyo na baka mahuli kayo" - Tita at saka sila nagpatuloy sa pagkain ni Zane

Bakit.. Parang ang weird ata nila Tita.. Kahit noon pa man ramdam ko ng ang weird nila.. Ngayon kasi parang... mas weird sila

Kevin POV

"So mamaya sa bahay nyo ako matutulog?" - tanong ko kay Zane

"Oo! Sabi yun ni mama.. mas mabuti na daw kung maraming magbabantay kay Cass" - Zane

"Sabagay.. oo sige susunod nalang ako sainyo mamaya ni Frey"

di ko maiwasang hindi kabahan para kay Freya. Mamayang pag patak ng alas dose ay kaarawan nya na.. at mas magiging malakas pa ang amoy ng kanyang dugo na labis ko ding ipinag aalala para sa aking sarili.. baka hindi ko makontrol ang sarili ko.. kung noon ngang normal palang ay grabe na ang paghihirap na dinanas ko makontrol lamang ang sarili ko bago pa ako nasanay sa amoy ng dugo nya

Noon kasi hirap na hirap akong kontrolin ang sarili ko buti pinalaki kami nila papa na hindi uhaw sa dugo.. pero sadyang iba talaga ang dugo ni Freya

"Magbabantay rin daw ba sila Kyran?"

At oo wala na akong masyadong hinala sa kanila.. napag alaman ko kasing sya ang dahilan kung ba't buhay ngayon si Freya

"Wala sila saaking sinasabi" - Zane

"Siguro naman ay magpapakita na mamaya ang dalawang guardian" - sambit ko

"Dapat lang!.. dapat lang Kevin"

Kyran POV

"Anong balak mo mamayang gabi young Lord" - tanong sa akin ni Master Yu

Nasa mansyon lang kami ngayon ni Dion.. Isang linggo na rin kaming nahihirapan dahil sa amoy ng kanyang dugo.. hindi ako ganun kauhaw sa dugo dahil pinalaki ako ni Master Yu na hindi dugo ng tao ang iniinom

Pero sadyang lalong nakaaakit ang kanyang dugo habang papalapit ang kanyang kaarawan

"

Hindi naman siguro mawawala ang mga gurdian mamaya, gusto ko silang makilala" - sambit ko habang inaamoy ang isang pulang rosas saaking kamay

  

Liro POV

"Ano na naman ang kailangan mo Veronica?"

Tanong ko sakanya ng basta na lamang syang lumitaw sa aking harapan

"

Ako na ang inutusan ni Haden upang kunin ang babae, dahil mukhang tumatalima kana Liro"

"Ano ang pinagsasasabi mo??"

wala pa sa isang segundo ay nasa mismong harapan ko na sya at hinawakan nya ang aking kamay..

shit!

Agad ko iyong binawi pero alam kong huli na

"So, totoo nga palang napakaganda nya huh?? di na ako magtataka kung maging ikaw ay nabighani sakanya"

"Wag na wag mo syang sasaktan Veronica!"

 

"Liro wala akong kailangan sakanya.. si Haden ang may kailangan sakanya"

Agad kong pinalutang ang sofa na nasa malapit saamin at pinalipad iyon sa pwesto nya ngunit agad nya itong naiwasan

"Chill Liro haha, sa tingin mo ba ay kaya mo si Haden?? Tsk tsk.. U must obey like what your brother and sister are doing!"

Nagulat ako ng may bumalot sa aking katawan na makapal na itim na hangin

"Ano ang ibig sabihin nito Veronica?!!" - sinubukan kong magpumiglas pero di ko magawang makawala sa itim na hanging nasa aking katawan

Naupo sya sa single sofa habang naka krus ang dalawa niyang binti at nakatingin sa kanyang mahahabang kuko

"Tulad ng sinabi ko, ako na ang kukuha sakanya. So it means wala kanang gagawin pa dito Liro.. kailangan munang bumalik sa Valhalla. I am sure your brother and sister really missed you"

Shit! No way!!

"Dont you dare to hurt her Veron!!"

Pero ang malawak na ngiti nya na lamang ang nakita ko bago ako tuluyang balutin ng itim na hangin

   

Freya POV

"Grabe Kevs! Bukas pa ang handaan! Tas andito kana agad.. pagdating talaga sa kainan palagi kang advance" - pabiro kong sabi kay Kevin

"Grabe ka sakin Frey! Dati naman talaga madalas akong mag sleep over dito diba?"

Madalas daw?? Ehh halos gusto nya na atang magpaampon kay tita sa MADALAS na pag sleep over nya dito

"Oyy kayong dalawa kakain na!" - insan na bahagyang nakasilip mula sa kusina

Dali dali namang tumayo si Kevin at saka ako iniwan dito sa sala..

Wow ha?? Di daw pa sya nyan halata ahh!

"

Grabe Kevs! Di naman halatang gutom ka ehh nuh??"

Panu ba naman kasi halos ung salukan na namin ng kanin at ulam ang gawin nyang plato!

"Tita ohh! Binubully naman ako ni Frey"

Minsan talaga naisip kong bakla to si Kevs kung di lang to gwapo!

Ni minsan nga di ko pa nalaman na ngka gf yan ehh!

"Hinay hinay naman kasi Kevin Greg.. I mean Kevin Rainer!!" - insan

"Hehe namiss ko lang talaga ang luto ni tita"

"Sige lang Kevin marami naman akong niluto jan alam ko kasing pag nandito ka siguradong kukulangin" - nakangiting banat ni Tita

Gsto kong matawa ng malakas sa sinabing iyon ni tita haha kaso mapapagalitan ako.. walang manners un! pinalaki ata ako ni tita na may manners nuh!

Kita ko din na maging si insan eh nagpipigil din ng tawa

"Grabe. Pati ba naman ikaw tita?" Kevs habang nakanguso

"Pfft! Hoy Kevin! Ang sagwa mong tignan!" - insan

"Ohh sya tama na yan kumain na tayo ng makatulog na" - tita

Kazarina POV

"Maghanda na kayo. Malapit na maghating gabi"

"Masusunod po" - sagot nila

Ang mga bampirang kaalyansa ng Dark Empire

Unti unti ng humahalo sa hangin ang kanyang mabangong dugo.. at sigurado ako, mamaya ay hindi lang kami ang babati sakanyang kaarawan

"Tandaan nyo ako ang kukuha sakanya"

Mahirap na baka di nila makontrol ang kanilang sarili

Ano kayang mangyayari mamaya?

Napag alaman kong wala pa syang alam tungkol sa kanyang pagkataon.. pero ngayong gabi ay malalaman nya na rin kung sino talaga sya at ano ang kanyang tungkulin kung ba't sya nabuhay

   

---------

#RKD

                       ~1813

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free