HinovelDownload the book in the application

Chapter 4 Chapter 3

Freya POV

"Diba sinabi ko naman ng hintayin mo kami?!"

"Freya ba't umuwi kana naman ng mag-isa alam mo namang delikado na sa panahon ngayon diba?"

Ohh lam nyo na. nagsisimula ng magmisa sila insan at tita -_____-

"Ehh tita may kasama naman po ako ehh"

"At sino naman ha?!"

insan habang nakapamewang

"Si Liro"

"ANO?!??!?!?!"

sigaw ni insan

Buti nalang talaga wala kaming kapitbahay kundi bukas na bukas nito sa barangay kami panigurado -__-

"Sige na Freya umakyat kana sa kwarto mo" - tita

At tumayo naman na ko at saka nakayukong umalis sa sala

Zane POV

Pagkaalis na pagkaalis ni Cass ay nilapitan ko kaagad c mama na nakaupo na ngayon sa sofa

"Sorry ma dapat di ko muna tinapos ung ginagawa ko ng nasamahan ko pauwi si Cass"

"Di mo kasalanan Zane. May sariling isip na c Freya. Hindi na natin hawak ang utak nya"

"Ma, kanina nung papauwi ako. naramdaman ko na naman ung kakaibang presensya"

Napatingin naman saakin si mama

"Di na nakakapagtaka un. Nalalapit na ang kaarawan nya kaya kailangan nating mag doble ingat"

"Sa tingin nyo po ba nasa tabi tabi lang ang mga guardians?"

"Marahil, base sa mga ikinikwento saatin ni Freya ay marahil ngang nasa tabi tabi lang sila"

Nakita ko namang tumingin si mama sa nakabukas naming bintana

"At isa pa, tungkulin nilang bantayan sa lahat ng oras ang prinsesa" - dagdag pa nya

"Pero kailan sila magpapakita?"

"Di ko alam. Di ko rin alam Zane"

Kevin POV

"Aray naman Kevs!" - Frey

"Kasi ang tigas tigas ng ulo mong yan! Dapat lang talaga jan na pinipitik!"

At saka ko ulit pinitik si Frey sa noo nya

"Ouch! Nakakalima kana ha! Isusumbong na talaga kita sa Gabriela!"

Reklamo nito habang nakanguso.

Parang bata talaga -_____-

"Oyy insan bili ka nga muna ng pagkain sa canteen!"

napatingin naman kami ni Frey kay Zane na nasa harapan lang namin ngayon

"Bakit naman ako insan? Ehh diba si Kevin naman lagi ang pinapabili mo? tsaka ang layo kaya ng canteen dito sa garden"

Ba't kasi si Frey pa eh ako naman talaga nabili ng pagkain nmin

"Dali na! Ng makabawi kaman lang saamin dahil sa ginawa mo kahapon!"

"Oo na oo na"

pinagmasdan kong umalis si Frey at ng makalayo sya ay saka naman nagsalita c Zane

"May kailangan tayong pag usapan" - seryosong sabi nito

"tungkol saan?"

 "Kay Liro"

Bigla naman kumunot ang noo ko pagkadinig ko sa pangalan ng lalaking un

"Zane matagal na natin syang minamanmanan. Di naman nga nya kinakausap c Frey. Maliban nga lang kahapon"

"Kinausap nya kahapon si Cass?"

"Oo, nung muntik ng masyapul sa mukha si Frey ng bola hahaha" - ako sabay tawa

Napatigil naman ako sa kakatawa ng seryoso lang na nakatingin c Zane saakin

"Ehem! So un nga" - ako

Nakakatakot kasi yan minsan si Zane. Lam nyo bang muntik na kong lunurin nyan!!

"Kahapon kasama sya ni Cassidy nung pag uwi nya sa bahay"

Bigla ko namang nahampas ang kahoy na lamesa na nasa pagitan namin ni Zane

Na muntik ng mahati sa dalawa

"Ano?! At bakit naman kasama ni Frey si Liro?!"

"Kevin! Ano ka ba! Tignan mo nga ginawa mo!"

"Shit! Sorry naman hayaan mo na yan ng mapalitan. Ano na nga ang nangyari kahapon ba't kasama niya ung lalaking yun?!"

Nakakapagtaka lang. Matagal na din namin syang minamanmanan ni Zane simula noong nakwento sya saamin noon ni Frey

May kakaiba kasi sa Liro na un. Una ko pa lng kita sakanya dito sa St. Moore ay may kutob na ko sakanya

"Hinatid siya sa bahay at di ko alam kung ano ginagawa niya doon. At kahapon pag uwi ko naramdamn ko na naman ung kakaibang presensya na dati ko ng nararamdaman. At alam kong hindi iyon mula sa kalaban" - mas lalo namang sumeryoso ang mukha ni Zane habang nagpapatuloy sa pagsasalita

"At kanina nakasalubong ko si Liro. Nakita kong may bandage sya sa kanang kamay nya"

"Hu? bandage? May sugat sya?? Pero sa tagal ko ng nakikita yang Liro Torres na yan ni minsan di ko pa sya nakikitang magkasugat"

Totoo ni minsan talaga di ko pa sya nakitang magkasugat. Kaya un din ang nakapagpalakas sa hinala namin..... na si Liro ay isang — bampira

"Oo pero kakaiba iyon Kevin. Kanina napadaan ako sa room nila nung break at nakita ko sya mag isa sa room at inalis nya ung benda nya at nakita kong kakaiba ang sugat na iyon"

Kakaibang sugat???

"Pahaba iyon na parang bumabaon sa balat. Para syang lumalala. Di ko alam kung bago lang ba ung sugat na un pero katulad iyon ng sugat mo noon dati"

Katulad ng sugat ko? Ang nag iisang sugat na nagtagal saakin ay ang sugat na nakuha ko ng una kong nakilala sila Zane at Freya ng bigla kong nayakap si Frey dahil sa nalaman ko na buhay pa pala ang tagapagmana

Ang sugat na di namin alam kung saan nanggaling basta bigla nalang parang may dumaan na kung ano mula sa kung saan

Kakaibang sugat iyon dahil hindi normal sa katulad ko na magkaroon ng sugat na tumatagal ng isang minuto o isang oras o isang araw pag malala. Pero iyon ay tumagal sa akin ng 3 araw na sobrang nakapagtataka.

At oo isa rin akong bampira

Ang bampirang kaanib ng light empire. Isa ang pamilya ko sa mga tumalikod at tumalima sa dark empire

"Sa tingin ko, galing iyon sa isa sa mga guardian"

G-guardian???

Liro POV

naglalakad ako sa labas ng building nmin ng bigla akong napadaing ng kumirot na naman ang sugat sa aking kamay

Para akong pinapaso habang tumatagal. At masama ito

"Hi Liro!!"

Rinig kong bati ng mga babaeng nakakasalubong ko

"Ohh my gosh may benda si papa Liro!"

"Yaahh! Napano siya?"

Rinig kong bulong bulungan ng nga higad. Psh anak ko ba sila para tawagin akong papa? The heck! Kabaklaan!

Nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakad ng biglang may nakabangga akong tumatakbong babae at ang nabangga nya pa ay ang sugat ko sa kamay

"F*ck!!!"

bahagya akong napayuko at hinawakan ko ang parte ng kamay ko na may sugat ng maramdamang lalo itong kumirot

"S-sorry d-di ko sinasadya" - sabi nya

"Sorry?! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!"

sigaw ko sa knya at saka itinaas ang ulo ko at nakita ko ang maamo nyang mukha na gulat na gulat sa reaksyon ko

"F-Freya?"

 "S-sorry Liro" - sya na mukha atang natakot sa reaksyon ko

Shit!

"I-I'm sorry di ko sinasadyang masigawan ka"

Napatingin naman sya sa kamay ko

"Mukhang nabangga ko ang sugat mo. Hali ka gamutin natin" - sya at saka ako hinila

...

Di ko alam kung bat ko sya hinahayaan na tanggalin ang benda sa kamay ko. Na baka magtanong sya at magtaka.

Nakaupo kami ngayon sa hospital bed dito sa clinic ng school

At pinaalis ko na muna ang nurse dahil ayokong sya ang mag asikaso saakin

Masyadong flirt!

Bigla akong napapikit ng haplusin ni Freya ang sugat sa kamay ko

"Nakakita na ako ng ganitong sugat dati" - sya

"hu? Ngkasugat kana ng katulad nito??"

Umiling naman sya agad

"Hindi. Sa kaibigan ko" - sya

Hinugasan naman nya ito sa palanggana na may tubig at dahan dahan na pinunasan bago nilagyan nung kulay orange na likido

Di ko alam tawag dito. Malay ko ba ehh sa hindi naman ako nagamit ng ganito kasi kusang nahilom agad ang sugat ko

Pinagsalikop nya ang dalawa nyang kamay sa sugat ko at saka sya pumikit pag dilat nya ay inalis nya ang kmay nya at nabigla ako ng hinalikan nya ang kamay ko sa parteng malapit sa sugat ko

"Dati kasi ganyan lang din ung ginawa ko sa kaibigan ko tas gumaling na sya. Haha try ko lang malay mo effective talaga" - sya at saka ngumiti saakin

Ilang segundo ang lumipas pero nakatulala lang ako sakanya

What was just happened?

"Ibandage na natin" - sya

Nakatingin lamang ako sakanya habang ginagawa iyon hanggang sa matapos sya

"Ayan! Tapos na.. masakit pa ba?"

Pinakiramdaman ko ang sugat ko pero wala na akong maramdaman na kumikirot. Siguro ay naaaliw lang ako sa presensya nya kya di ko ramdam ang kirot

"Hindi na" - sagot ko

"Ahh Liro mauna na ko ha? baka kasi hinahanap na ko nila insan. Pahinga ka muna dito ahh" - sya at saka nagmamadaling umalis bitbit ung dala nya kanina

Napatingin naman ako sa kamay ko na may bandage at saka napangiti

Unknown POV

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang prinsesa mula dito sa mataas na puno na kinatatayuan ko. Ikinubli ko ang sarili ko sa malalagong dahon nito ng biglang napalingon sya sa gawi ko.

Mukhang nararamdaman niya na talaga ang presensya ko. Parang pakiramdam ko ay makikita nya ko kahit invisible ako at hindi nakikita ng kahit na sinong nilalang

Sumilip ako ng bahagya at nakita kong tumatakbo na sya at may nabangga syang lalaki

Kita ko mula sa pwesto ko kung sino ang lalaking nakabunggo nya

Ang lalaki kahapon

Agad akong kumuha ng palaso sa quiver na nasa likuran ko at ipinuwesto ang pana ko sa direksyon ng lalaking iyon ng sigawan nya ang prinsesa

Pero bago ko pa man mabitawan ang aking palaso ay hinila na ng prinsesa ang bampirang iyon

Hindi maganda to. Dapat ko pang doblehin ang pagbabantay

Malapit na ang kaarawan nya ngunit hanggang ngayon ay di ko pa rin nakikita ang unang itinalagang guardian

dati nararamdaman ko ang presensya nya pero di ko pa sya nakakaharap. Ano ba ang sa tingin nya ang ginagawa nya?? Di nya ginagawa ang kanyang tungkulin bilang unang taga pagbantay

Kung andito lang sana sya ay mas magiging malakas ang abilidad namin at mas magiging ligtas ang prinsesa

 Sa ngayon, ako lang ang kayang promotekta sakanya kahit pa naandyan ang kinikilala nyang pamilya. Hindi pa rin nila magagamit ng basta basta ang kanilang mga abilidad dto sa mundo ng mga tao

"Kailangan ko ng mas mapalapit pa sa prinsesa"

---------

 

Author's Note:

Welohheeee// are you still there???

Wag po sana kaung magsawa sa paghihintay. Di ko pa po ipinapakilala ang main male character ng story na to..

Sino nga ba ang mga Guardian????

#RKD

                      ~1813

  

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free