HinovelDownload the book in the application

Chapter 8 Chapter 7

Zane POV

"Kevin bumili kana ng makakain natin dali!" - ako

"Oo na oo na" - Kevin saka tumayo at pumila para bumili ng makakain namin.. treat nya daw.. ang sarap talaga pag may kaibigan na mayaman nuh?? Sarap buhay haha..

"Ohh Cass bat mukha ka jan nakadrugs! Layo ng tingin mo ah!"

"Ehh kasi insan ung bagong kaklase namin parang laging nakatingin saakin. Kinikilabutan ako" - sabi niya

Ahh so ung Kyran at Dion? Naikwento na saakin ni mama.. at ayon kay mama di naman sila mga kalaban pero di parin ako mapanatag

"Sabi mo nga PARANG. So nag a-assume kalang Cass!"

 

"Ehh iba kasi talaga insan ehh"

"Excuse me"

Sabay kaming napatingin sa dalawang lalaking kasalukuyang nakatayo sa gilid ng mesa namin..

"Can we share table with you, If you dont mind?"

Sabi nung violet ung buhok so I guess this guy is Dion.. sya lang naman may violet na buhok dito sa university -__-'

"No we don't mind, okay lang" - sabi ko

Naupo silang dalawa sa tapat namin ni Cass at inilapag ang pagkain nila sa mesa

So this is Kyran??

Pinakatitigan ko siya.. Pero parang di ko kayang titigan siya ng matagal

His presence is really intimidating.. may something na force na nakapalibot sakanya na di ko alam kung ano.. and mama said that he is not an ordinary vampire.. I dont know if he is one of the princes

Pero hindi ehh.. kahit naandito kami sa mundo ng mga tao ehh kinikwento saakin lahat ni mama at may mga aklat rin ako kung saan ko iyon nababasa. Lahat ng tungkol sa Light empire maging sa Dark empire.. and as far as I remember, his name was not mention as one of the princes of the Dark empire.. so who is he???

"Ohh, may kasabay pala tayo" - Kevin na dala-dala ang 2 trays na may pagkain namin

wag kayo! di pa sya nag eexert ng force nyan!

    

"Ahh yeah. Wala na kasing bakanteng upuan" - Freya

"Ah ok" - tipid na tugon ni Kevin na hindi iniaalis ang tingin sa dalawang nasa harapan namin na tahimik lamang na kumakain

inilapag nya na ni Kevin ang tray at umupo sa gilid ni Cass since malaki naman tong table namin kaya kasya kaming lima.. so dibale pinagigitnaan namin ni Kevin si Freya at nasa harapan namin ung dalawa

"So why did you decided to transfer here in St. Moore?" - Kevi

"Because of the standards of the school" - Kyran

"Ohh is that all?" - Kevin

Tinignan lang naman sya nung Kyran

"Ah I see" - Kevin bago niya ibinaling ang tingin niya sa pagkain niya

Mukhang kahit si Kevin hindi kayang tagalan ang pagtitig sakaniya

Ilang minuto ang nagdaan at tahimik lamang kaming kumakain pero kami ni Kevin ay nakikiramdam lamang

Pansin ko rin na panay tingin sa labas si Kyran.. bale kasi ung pwesto namin ehh nasa gilid ng glass wall ng canteen

"Excuse me" - biglang paalam ni Kyran saka tumayo at lumabas ng cafeteria

Si Dion naman ay panay kain lang

"Uhh C.R lang ako" - Kevin at saka umalis

Hmm Parang may hindi tama..

Kyran POV

Dali dali akong pumunta sa liblib na bahagi ng building 2. Mula dito ay kitang kita mo pa rin ang cafeteria

"Show yourself" - sabi ko

Pero di pa rin sya nagpakita

My eyes start to glow as the vines starts to crawl at the ground going to his direction.. at pinuluputan sya nito saka inilabas sa pinagtataguan nya

"S-sino ka?? N-ngayon lang kita nakita!"

As always. Iyon palagi ang tinatanong saakin

"Sinong pinaglilingkuraan mo?" - tanong ko pero hindi ito sumagot kaya mas humigpit pa ang ugat na nakapulupot sa kanyang leeg

"A-argh!! K-kung sino ka man h-hindi mo m-mpipigilan si Lord Haden. Si Veronica na mismo ang kukuha sakanya!!"

hmmm Veronica?? Tss

Di nagtagal He turns into ashes as my vines vanished into the air

Natural na nagiging abo ang mga bampira pag namamatay.. except vampires with royal blood and pure bloods. Even those vampire with blood from the blood of a Pure blood

"Sino ka ba talaga?"

Pagtingin ko sa aking likuran ay nakita ko syang nakatayo di kalayuan saakin

Di na ko nagulat pa ng makita ko siya. Kanina ko pa ramdam ang kaniyang presensya

"You Dont have to know"

"You're not an ordinary vampire. And I know that you're not one of the prince of any of the 8 kingdoms of Dark Empire. And why are you here?"

"Ikaw? ano naman ang ginagawa ng isang Gregory dito sa mundong ng mga tao" - balik kong tanong sakanya

kita sa kanyang mukha ang pagkabigla

"Hindi ako isang banta, Im here to protect her"

At saka ko sya iniwan roon

Kazarina POV

Wala pa ring pagbabago ang mundong ito katulad pa rin ng dati

Nasa mundo ako ngayon ng mga tao na syang dati kung mundo

Oo hindi ako ipinanganak na bampira. Tao ako noon, hanggang sa nakilala ko si Luan..

Naglakad ako pababa sa hagdan nitong bahay na aking tinutuluyan at saka lumabas ng bahay..

Nalalapit na ang ika labing walong kaarawan nya. At nasabi saakin ni Luan na mas maaamoy ko na ang kanyang dugo

Nagpasya akong maglakad lakad upang magpahangin

Saan ko kaya sya makikita?? Kailangan ko ng magmadali lalo pa't nalaman kong pumunta na rito si Veronica

Napatigil ako bigla ng may bigla akong maamoy

Ang amoy na to...

Amoy ng rosas...

Hindi kaya…

Freya POV

"Sky! Wag kang tatakbo ha" - naglalakad kami ngayon ni Sky

naisip ko kasing maglakad lakad kasi mukhang wala na akong exercise.. si tita nagluluto palang ng umagahan tas si insan tulog pa rin kaya nakalabas kami ni sky

Nagtaka ako ng biglang huminto si sky at masamang nakatingin ito sa babaeng nasa kanyang harapan

Isang napaka gandang babae! Para syang dyosa. Literally.. mahaba ang kanyang itim na medyo kulot na buhok. May perpektong mukha, mapupulang labi ngunit, tila may sakit sya.. Kasi di basta maputi ang kanyang balat.. it is look pale..

"Sky! Sorry po. Wag kang mag alala di naman to nangangagat" - ako at saka binuhat si Sky

Pero tila di nya ko nadinig at napaatras ako ng humakbang sya papalapit saakin.. at tama ba ang nakita ko?? Naging kulay pula ang kanyang mga mata?!

"Miss are you ok?" - tanong ko rito pero patuloy lang sya sa paghakbang palapit saakin

What's wrong with her??

"Freya!"

Napatigil sa paghakbang ang babae at sabay kaming napatingin kay Liro na papunta na sa aming pwesto

Ng makalapit siya saakin ay nagkatitigan silang dalawa ng babaeng mukhang dyosa bago sya saakin tumingin

"Saan ka pupunta? Ang aga pa ha?"

"Ahh wala naglalakad lakad lang kami ni Sky"

"Ahh ganun ba?"

Tinignan ko ulit ung babae na nakatitig din pala saakin. Ba't feeling ko parang may gagawin syang masama saakin??

Ibinaling naman ni Liro ang tingin nya doon sa babae

"Are you with her?"

"Hindi. Nakita ko lang sya dito. Siguro bagong lipat lang sya"

"Mabuti pang umuwi kana Freya" - Liro habang nakatingin sa babaeng mala dyosa ang mukha

"A-ah s-sige.. mauna na ako"

At saka ko sila tinalikuran.. di ko alam pero ayaw ko sa presensya nung babae. Though di naman ako masyadong natatakot kasi ramdam ko na nakamasid lang sya saakin.. My guardian angel

Childish pero un na ung term ko sakanya, kung sino man siya.. kahit di ako fan masyado ng fantasy stories, somehow naiisip ko they really exist.. except those creepy blood sucking beings.. they are not true.. and never will..

Liro POV

"Bakit mo sya hinahanap?"

"Bakit ka nakialam?" - inis na tanong niya

"Wag mo syang sasaktan Kazarina"

Biglang naningkit ang kanyang mga mata

"Bakit Liro? mukha atang handa kang talikuran si Haden dahil lang sa babaeng iyon"

"Kung ano man ang kailangan mo sakanya. Pwes! Pabayaan mo sya!"

"Hindi mo ko mapipigilan Liro. Lahat ay gagawin ko para kay Luan!"

Kung ganun ay may kinalaman ito kay Luan?? Hindi kaya?

"Sa susunod na kami ay magkita sisiguraduhin kong makukuha ko na sya"

"Hinding hindi ko iyon pahihintulutan Kazarina"

"Tandaan mo, hindi lang ako ang naghahabol sakanya Liro. Maging Sila Veronica. Mapipigilan mo ba sila?"

Hindi ko nagawang makasagot dahil sa sinabing iyon ni Kazarina.. papaano ko nga naman mapipigilan sila Haden??

pero hangga't sa makakaya ko ilalayo ko sya kila Veronica, maging sayo Kazarina

Kinuha na ni Luan saakin ang babaeng una kong minahal at ngayon ay hinding hindi ko na hahayaang makuha ulit ni Luan ang babaeng unti unti ko ng minamahal

-------

                             

#RKD

         ~1813

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free