HinovelDownload the book in the application

Chapter 6 Chapter 5

Kazarina POV

"MGA WALANG KWENTA!"

"Huminahon ka Kazarina. Ginagawa na namin ang lahat"

"Lahat?! Un na ba ang sinasabi nyong lahat?!?! Lahat ng pinapadala nyong bampira ay mga walang kwenta! Hanggang ngayon di pa rin nila mahanap ang babaeng un!"

"Hinay hinay sa pagsasalita Kazarina baka nakakalimot kang ang ilan saaming nasa harapan mo ngayon ay matataas na konseho"

"This is all about Lord Luan, and I can't consider your lame actions even your a part of the council or not! Hanapin nyo sa lalong madaling panahon ang pinapahanap ko kung ayaw niyong sa pagbabalik niya ay malaman niya kung ano ang mga pinaggaggawa ninyo!"

At saka ko nilisan ang silid na iyon.. baka di pa ko makapag pigil!

Lahat ng nadadaanan ko ay tumitigil sa kanilang ginagawa at saka bahagyang yumuyuko

Nang makarating na ako sa aking kwarto ay naramdaman ko agad ang kakaibang presensya na kasalukuyang nasa aking silid

"Anong ginagawa mo rito Veronica?" - may diin kong tanong sa babaeng kasalukuyang nakaupo sa gilid ng aking kama

"Nabalitaan kong binuksan mo raw ang portal"

Tumayo sya bago muling nagsalita

"Ano ba ang hinahanap mo? O… sino ba ang hinahanap mo Kazarina?"

"Naparito ka ba dahil utos ni Haden?"

"Gusto niyang mlaman kung nagpaplano ka ng pag aaklas Kazarina at gusto nyang ipaalam na hindi sya natutuwa sa anumang binabalak mo"

Tinignan ko lamang sya.. wala akong mapapala kung kakausapin ko pa ang babaeng ito

Gusto ko ng umalis ang babaeng ito upang makapunta na ko sa silid nya

"O di naman kaya ay naghahanap ka pa rin ng paraan upang mabuhay lamang si Luan?" - sambit niya

"Umalis kana Veron"

Naglakad siya papalapit saakin

"Sa tingin mo ba ay may paraan pa Kazarina? Tanggapin mo na na hindi na muli pang mabubuhay si Luan!! Na Kailaman ay hindi na siya mul..."

Di na natuloy pa ni Veron ang pagdadadak nya at kasalukuyan na syang nakaluhod sa harapan ko ngayon at namimilipit habang ang aking mga mata ay namumula

"K-k-ka-z-za-ri-n-na!! I-iti-g-gil m-mo to!"

"Kulang pa ang nararamdaman mo sa ipinaramdam nyo saakin ng pinatay ng Haden na iyon si Luan! Pero ito ang tandaan mo Veron, sa oras na muling magbalik ang buhay ni Luan sya mismo ang papatay sainyo!!"

Unti unti ko ng nakikita ang mga ugat sa leeg ni Veronica habang mas pumupula ang aking mga mata

Bigla namang napalibutan ng itim na hangin si Veronica pero bago pa man sya tuluyang naglaho ay nagawa nya pa akong hawakan

"She's pathetic! ang lakas ng loob niya na harapin ako knowing that she's nothing compared to me!"

Agad akong lumabas ng kwarto saka dali daling pumunta sa kwarto nya na nasa dulo ng pasilyo

Pagkapasok ko ay agad akong lumapit sa kama nya kung nasaan ang isang malaking pahabang bloke ng yelo

Hinaplos ko ang makapal na bloke ng yelong nakabalot sa kanyang katawan

"Kamahalan sa mga oras na to ay alam na ni Veronica kung sino ang hinahanap ko. Pero wag kang mag alala. Ako na mismo ang susundo sakanya. Ako na mismo ang pupunta sa mundo ng mga mortal at ipinapangako ko, dadalhin ko siya sainyo sa lalong madaling panahon"

Liro POV

Hinawakan ko ang kamay ko na kahit anong bakas ng sugat ay wala kang makikita

Ito ang kamay na hinalikan kahapon ni Freya

Hindi ko alam kong nagkataon lamang ba o dahil talaga iyon sa ginawa ni Freya

Kagabi pag uwi ko nagulat na lamang ako ng pag tanggal ko ng benda sa kamay ko ay wla na ang sugat maging ang sakit na parang nakakapaso

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa passenger seat ng tumunog iyon

"Hello?" - sagot ko pagka sagot ko ng tawag

"Young master nasa mansyon po ngayon si Veronica"

Npakunot naman ang noo ko

At ano naman ang ginagawa ni Veronica dito sa mundo ng mga tao??

Freya POV

"Insan!! Lalabas lang kami ni sky"

Hinintay kong sumagot si insan pero ng pagtingin ko sa sala ay mukhang may importanteng tawag sya kaya't di ko na inulit yung pag papaalam ko di naman kami lalayo ni sky

Naglalakad lakad kami ni Sky dito sa may malapit lang sa bahay

Sabado naman ngayon kaya walang pasok

"Sky!!" - sigaw ko ng bigla nalang tumakbo si Sky sa may kakahuyan

Agad ko naman itong sinundan pero sadyang napakabilis nitong tumakbo at di ko na siya naabutan

"Sky?"

"Sky?"

"Sky nasaan kana?"

Naku naman! nakalayo na kami sa bahay tapos pumasok pa kami dito sa kakahuyan. Mapapagalitan ako nito nila tita

Naglakad lakad pa ako habang pinakikiramdamn ang paligid. Umaga pa naman kaya't maliwanag pa. Pero hindi gaanong nakakaabot ang sinag ng araw dito sa kakahuyan dahil na rin sa mga malalapad at malalagong dahon ng mga matataas na kahoy

Napahinto ako ng makarinig ako ng kaluskos sa may bandang kanan ko. Hinintay ko kung ano ang lalabas mula doon sa mga malalagong halaman at nagulat ako ng biglang lumabas mula sa mga halaman na iyon si sky na tumatakbo na papalapit saakin

Agad naman akong yumuko upang himasin ang ulo ni Sky na parang natataranta. Ganyan yan di talaga to tumatahol ewan ba dito siguro kung may pipi na tao may pipi rin na aso!

"Haixt! Sky naman ba't ka ba tumakbo??"

Naguluhan ako ng bigla nyang kagatin ang laylayan ng jogging pants ko at saka iyon pilit na hinihila

"May problema ba Sky?"

Natigilan ako ng may kung anong bagay o nilalang akong naaaninag sa aking harapan

Unti unti naman akong umaayos ng tayo mula sa pagkakayuko at saka tumingin sa harapan ko

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa nilalang na kasalukuyang nasa aking harapan!

Isang napakalaking ahas!! Tinalo pa nito ang ahas na nasa revenge of anaconda!! At meron itong mapupulang mata at matutulis at malalaking pangil at may mga weirdong naka tattoo sa kanyang buong katawan

"S-Sky t-tumakbo kana" - utos ko sa alaga ko saka ito marahang sinipa paalis pero imbis na tumakbo ay pumunta ito sa aking harapan na animo'y pinoprotektahan ako sa ubod ng laking ahas na nasa harapan namin ngayon

Kaya't wala akong nagawa kundi kargahin si Sky saka mabilis na tumakbo

Hinabol naman kami ng malaking ahas at sa kamalas malasan nga naman ay ngayon pa ako nilampa!!

Napatid ako sa ugat ng puno na nasa daan

At ngayon ay napakalapit na ng ahas saamin at mas lalong nanlisik ang mga mata nito ng mapatingin ito sa sugat sa aking tuhod at siko

Hanggang dito nalang ba talaga?? di ko na ba talaga makikilala ang lalaking naghihintay saakin?? Papaano na sya?? Pang habambuhay na lamang ba syang maghihintay sa akin na kailanman ay di na dadating para sakanya??

Mahigpit kong yinakap si Sky ng makita kong susunggaban na kami ng ahas. Pero laking gulat ko ng biglang may nagsitusok na pana sa katawan ng ahas at kitang kita ko kung paano nawala bigla ang mga palasong tumarak sa ahas pero ang sugat na naiwan niyon ay unti unting bumabaon sa katawan ng ahas. Kita naman sa mga mata nito ang sakit na nadarama. At di nagtagal ay bigla itong naging abo

Mas napahigpit ang yakap ko kay Sky habang di pa rin ako makapaniwala sa mga nakita

"Cass!"  Nakita ko pa na tumakbo papalapit saamin si insan bago ako tuluyang mawalan ng malay

Zane POV

"Kamusta na c Freya?" - tanong ni mama

Kadarating lang ni mama galing sa trabaho

"Di pa rin siya nagigising ma"

"Hindi na maganda ang mga nangyayari" - sambit niya

"Kitang kita ko kanina ang mga palasong bumaon sa katawan ng serpent na agad din namang nawala pero parang bumabaon ang sugat na mula sa mga palaso. Kakaibang palaso iyon ina" - paliwanag ko

Nakita ko ang pangyayaring iyon. Pero hindi ko nakita kong saan at kanino nanggaling ang mga palasong iyon

"Guardian"

Nagulat ako sa sinabing iyon ni ina

Guardian??

Kung ganun...

"Isa sa dalawang guardian lamang ang may ganoong palaso Zane"

Dalawa ang itinalagang Guardian

Kung ang isa sakanila ay gumagamit ng pana...

"Kung ganun ano ang gamit ng isa pang guardian ina?"

"Espada. The other one uses sword. The two guardians has a unique and special power at may kani-kaniyang mga sandata na may kapangyarihan na galing mismo kay Queen Amaia at may basbas ng legendary phoenix"

Oo nasabi na iyon saakin noon pa ni ina..

Ang existence ng dalawang Guardian

"Pero bakit tila isa lang na guardian ang kumikilos??"

Palaso lamang ang mga nakita ko kanina. Kayat ibig sabihin, ang isang Guardian ang naandun kanina sa kakahuyan

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung nasaan ang isa sa mga guardian"

Napabuntong hininga ako

"Pero dapat ay nasa tabi na sila ngayon ni Cass. Kanina tumawag saakin si Kevin at sabi nya may mga nakasagupa syang bampira at iba pang mga nilalang"

Napatingin saakin si ina

"Kung ganun ay binuksan nga ang portal. Mukhang may alam na sila. Kailangan nating mag doble ingat Zane"

Tumango naman ako kay ina

Kailangan naming mas paigtingin ang pagbabantay kay Cass

  

Freya POV

"Frey okay kana ba talaga?"

Ang kulit talaga ng kevin na to kanina pa to tanong ng tanong ehh!

"Kevs okay na nga ako"

Grabe naman kasi! saan ba kasi galing yung dambuhalang ahas na un??

"Good morning class"

Nagsi-ayusan naman ng upo ang mga kaklase ko ng pumasok na ang guro namin sa 1st subject namin

"Good morning sir!"

"By the way class you have a new classmates"

Ehh? tapos na ang 1st grading ehh bat may nagtransfer pa??

"Ehem! you may come in now"

Lahat ng atensyon namin ay nakatuon sa unti-unting bumubukas na pinto

      

At lahat ata kami halos mahulog na sa sahig ang aming mga panga at nagsisilakihan na rin ang mga mata ng mga babaeng kaklase ko sa dalawang lalaking pumasok sa room

Dalawang lalaking may weird na kulay ng mga buhok ang kasalukuyang nakatayo sa harapan namin ngayon

Ang lalaking unang pumasok ay mayroong kulay lilang buhok. He's a kind of a man that any girls could drool on

But the one who caught my attention is the guy next to him, he is the last guy who enter the room

Kala ko ba 3 lang ang main gods of the olympus?? Bat itong lalaking nasa harapan namin ay parang tinalo pa si Zeus sa kakisigan?????

He has this aura that is really intimidating

He has a red long hair na abot sa kanyang baywang. He is like Dennis of Ghost fighter

He is really an epitome of a Greek god!

Admiration is visible in the eyes of my girl classmates. While the boys, envy and annoyance are written on their faces

Who wouldn't?

pero pagtingin ko kay Kevin. Unlike other boys in our class, there's no trace of annoyance nor envy on his face instead he has this weird expression. His forehead is totally knitted. He seems puzzle and trouble

"Ehem!! Please introduce yourself"

"My name is Dion Lockhart"

Said the purple guy. Purple guy?? -____-

Natuon naman ang tingin namin sa lalaking pula ang buhok

"Good morning"

Halos magningning na "literally" ang mga mata ng kaklase ko ng magsalita ito at di na sila makapaghintay na sabihin nito ang pangalan. His voice is so manly. Well pati din ung Dion. But this guy is something different

Pati ba sa pagpapakilala may cliff hanger na din -____-"?

Panay lang sya sa kakatingin sa mga kaklase ko na parang may hinahanap.. Hanggang sa magtama ang aming mga mata.

I dont know why, but even I want to look at the other direction and not to meet his gaze, I cant.

I can't control myself from staring at him. His eyes is something... hypnotizing??

Ilang minuto syang nakipagtitigan saakin (which is I dont know why) before he's finally continue his self introduction -.- While he's still looking at me!

"My name is Kyran Blood... Nice to see you again milady"

 

----------

Author's note:

Who is this Purple haired and Red haired guy??

Share your thoughts guys by your comments.. ba't ayaw nyo mg comment??? ;(

#RKD

                         ~1813

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free