HinovelDownload the book in the application

BOOK 1: CHAPTER 4

PADABOG na isinara ni Rocco ang cardoor matapos lumulan sa sasakyan. At kung kanina'y kaba lang ang nadarama ni Shane, ngayo'y nahihintakutan na siya sa inaasta nito.

"Rocco..."

"Please, Shane. Huwag ka munang magsalita." awat nito sa kanya at pinaandar na ang sasakyan.

Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila na di niya natiis na di magsalita.

"Binigla mo naman kasi ako kanina. Hindi ko naman akalain na mag-aaudition ako sa sa recording company ni Ferroh. You told me I'll just gonna sing your song and─"

"And you ruined everything. Ipinarinig ko sayo ang ginawa kong kanta. Sabi mo kaya mong kantahin. And you did, infront of me. Pero anong nangyari sayo kanina matapos nating humarap kay Ferroh? Kung alam ko lang na ipapahiya mo ako sa kanila, hindi na sana ako nag-abalang dalhin ka doon. Ipinagmayabang ko pa namang magaling ka." Sa nahahapong paraan ay sermon nito sa kanya. “Kahit gustong-gusto na kitang ilayo sa mga mata ng lalaking iyon, hindi ko ginawa dahil iniisip kong huwag pakawalan ang chance mo na ito.”

"I-I am sorry."

"You're sorry. Yeah! It did." he said sarcastically.

"Pwede tayong bumalik sa isang araw, kapag handa na ako."

Iritadong sinulyapan siya nito at saka muling ibinalik ang atensiyon sa daan. "Huwag nalang at baka mapahiya na naman tayo sa susunod. Malamang na kantiyawan lang ako ni Ferroh sa ginawa mong ito."

Hindi nalang siya nagsalita. Alam niyang yamot na yamot ito sa ginawa niya. Kaninang nakasalang na siya ay nablangko siya sa sobrang kaba kung kaya't hindi nagawang kumanta. Nang maglabas naman siya ng tinig ay nagkabuhol-buhol ang kanyang dila.

"I am sorry." Nagulat siya ng marinig iyon mula kay Rocco. "Gusto ko lang namang ilagay sa ayos ang buhay mo. Hindi ko alam kung bakit ka biglang bumalik sa Pilipinas at ako ang naisipan mong guluhin."

Oo nga? Bakit ba niya ito ginugulo at dinadamay sa pagrerebelde niya? Maybe because her heart missed him so much. At ito ang perfect timing upang malapitan niya ito ng hindi siya itataboy.

Yes, she missed him so much that he never left a big place in her heart. Kahit nasa malayo siya, ito pa rin ang laman ng puso niya.

"Pero kahit naman wala akong alam sa pakay mo, hindi ibigsabihin noon ay hindi na kita pakikialaman. Responsibilidad na din kita dahil nasa poder kita. One of these days ay kokontakin ko ang parents mo para ipaalam na nandito ka."

"No!" mariing tutol niya. Ano nalang ang mangyayari kapag ginawa nito iyon? Di nga ba't kaya siya umalis ay para alamin kung mahalaga pa siya sa mga magulang? Kung kokontakin ni Rocco ang mga magulang niya, mababalewala ang effort niya. Hindi na niya mapapatunayan ang nais niyang mapatunayan. "Kung gagawin mo iyan, aalis nalang ako sa poder mo."

Basta nalang lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon nang hindi napag-iisipan. Saan naman siya pupunta kung sakali? Wala naman siyang close college friends na pwedeng kontakin sa bansa. Kung tutuusin ay kinapalan lang talaga niya ang mukha upang lapitan si Rocco. At paano na ang pakay niya sa binata, which was sort of matters of the heart? Mapuputol agad ang pakikipaglapit niya dito.

"At saan ka naman tutuloy kung sakali? You don't have enough money to live in your own." nang-aarok na tanong nito.

"Bahala na. Siguro tatanggapin ko nalang ang suggestion ni Ferroh na mag-commercial model ng skin soap sa company ng kaibigan niya." desperadang tugon niya. May pakiramdam siyang bibitiwan na nga siya ni Rocco.

"You won't do that!" nanggigigil na tugon nito. "Hindi mo ba alam na halos paghuhubadin ka sa commercial na iyon?"

Nanginig siyang bigla sa narinig, pero hindi niya iyon ipinahalata rito. Nahimigan niyang nag-aalala si Rocco. At kailangan niya iyong gamitin laban dito. His emotions versus himself.

"So, what? Siguro naman, hanggang negligee na ang kasukdulang ipasuot nila sa akin. That wouldn't be a big deal to me."

"Damn!"

Bigla ang pag-apak ni Rocco sa preno na halos ikasubsob niya sa dash board. Mabuti nalang at naka-seatbelt siya, kundi ay nangudngod na siya sa unahang salamin ng kotse.

"Shane…" Bahagyang nakiraan ang pag-aalala sa mga mata nito na agad ding nawala kung kaya't hindi siya nakasisiguradong nakita nga niya iyon. Pwede ring imahinasyon lang niya dahil iyon ang nais niyang makita. "That country change you a lot, Shane. Pero kung inaakala mong hahayaan kitang gawin ang anumang ginagawa mo sa Amerika ay nagkakamali ka."

"Anong sinabi mo?"

Iniisip ba nito na pakawala siya? Na wala siyang pagpapahalagang moral? Kung ang pinagbasehan nito ay ang huli niyang sinabi kanina, malamang na ganoon na nga. Bigla ay nais niyang magpaliwanag.

But before that, gusto muna niyang ibalik ang light mood nito. Mas madaling magpaliwanag kung hindi ganitong yamot na yamot ito sa kanya. Muling pinaandar ni Rocco ang sasakyan at ni hindi pinagkaabalahang sagutin ang tanong niya.

"Saan tayo pupunta ngayon?" pagbabagong paksa nalang niya at pinilit na kumalma.

"I'm going to my office and you'll going home."

She tried to appear bubbly just to weakend the tension. "Pwede bang sumama ako sayo sa office? Sandali lang naman ako, gusto ko lang makita ang─"

"No. You'll go home." mariing tanggi nito.

"All right." sang-ayon nalang niya. Mamaya nalang niya siguro ito kakausapin. Kapag hindi na mainit ang ulo nito sa kanya.

Nag-ring ang cellphone ni Rocco na agad din nitong sinagot. Siya naman ay ibinaling ang paningin sa labas ng bintana.

"Bakit gusto mong makausap si Shane?" Napabaling siya rito. "No. She's not available." Agad nitong pinagpatayan ng cellphone ang kausap.

"Sino iyon?" nagtatakang tanong niya.

"Wala."

"I heard you speaking out my name."

He shoot her with a dark look while they're entering the subdivision.

"Wala pa akong ginagawang masama ah?" defesive na saad niya.

"Wala 'pa'!" mahinang saad nito na kung di siya nagkakamali ay may amusement na sa tinig nito.

"Rule number two. Huwag kang aalis ng bahay na di nagpapaalam sa akin. Kapag tumawag si Ferroh sa bahay o kahit na sinong may kaugnayan sa kanya at niyaya kang lumabas, sabihin mo na hindi ka pwede."

Nakataas ang isang kilay na minasdan niya ito, naiintindihan na niyang si Ferroh ang kausap nito kanina. And it made her confused why it seems like he was hiding her from him.

"Alam na ba ni Ferroh na sayo ako tumutuloy?"

"Oh!" Natapik ni Rocco ang sariling noo. Mukhang nakalimutan nito ang bagay na iyon, na wala namang nakakaalam sa mga kaibigan nito na magkasama sila sa iisang bubong.

'Paranoid lang?'

Inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng bahay. Pababa na siya ng sasakyan ng pigilin nito.

"Iyong sinabi ko sayo ha? Magpapaalam ka muna sa akin kung aalis ka. Inilagay ko sa cellphone mo ang number ko."

Tumango siya at saka binuksan ang pinto. "And Shane, sorry kung nasigawan kita. Hindi ko din naisip na baka binigla kita sa desisyon kong dalhin ka sa recording company."

Bumaling na siya paharap dito at todo ngiting pinisil ang magkabilang pisngi ng binata. "Iyan ang gusto ko sayo, Rocco, ang bilis magbago ng mood mo. Bati na ulit tayo ha?"

"Aray!" Pinalis nito ang kamay niya at siya naman ang pinisil sa ilong. "Ang kulit-kulit mo pa rin talaga. Hindi ka pa din marunong magseryoso sa buhay."

"At ikaw, napakaseryoso mo pa din until now, Mr. Prim and Proper." Kunway sarkastikong sabi niya.

"I had to take life seriously. Kung hindi ko gagawin iyon, baka wala ako sa posisyon ko ngayon. Hindi naman ako katulad mo, magseryoso at humindi ay pareho lang. You have all the things in the world."

'Hindi lahat, Rocco. Malaking bagay pa din ang wala sa akin. I hadn't have love, your love.'

"Ang drama ng lolo!" buska niya. "Sige na, sobrang late ka na sa trabaho mo."

Isang mabilisang halik sa pisngi ang ibinigay niya kay Rocco na nakapagpatigagal rito. Kinindatan lang niya ang binata nang nagtatanong ang mga mata nitong tumunghay sa kanya. Nang bababa na siya ay kinabig nito ang kanyang braso at hinalikan rin siya sa pisngi.

“Magnanakaw ka!” nakangiting paratang nito sa kanya. “Binawi ko lang ang ninakaw mo.”

Nangingiting bumaba na siya ng sasakyan. Dahil kung hindi pa niya gagawin iyon, baka mapatili siya sa harapan nito nang hindi oras. O baka pilitin nalang niya si Rocco na isama siya nito sa opisina para maya’t-maya niya itong mapagnakawan at maya’t-maya rin nitong bawiin ang ninanakaw niya.

Nakangising kumaway si Shane kay Rocco matapos makapasok sa gate. Saka pa lang umalis ang binata. At noon lang din niya inalpasan ang tiling kanina pa niya pinipigilan.

"Hay! Ang daming panahong nasayang Rocco. Kung hindi nalang sana ako umalis noon at itinodo ko ang pakikipaglapit sayo, siguro ay may pag-asa na akong maging tayo." pagkausap niya sa papalayong sasakyan ng binata.

"ANONG nangyari dito?"

Hindi maipinta ang gwapong pagmumukha ni Rocco ng dumating ito sa bahay kinahapunan. Paano'y parang dinaanan ng buhawi ang kusina nito gayundin ang sala. At ni hindi niya iyon nabanggit dito maski pa kada oras ay tumatawag ito upang mangamusta sa kung anong ginagawa niya. Pero may hinala siyang sinisigurado lang nitong hindi siya umaalis ng bahay. Inip na inip siya roon kaya naghalughog nalang siya sa buong kabahayan ng pwedeng pagkaabalahan.

"I tried to cook, you know? But I failed." pagtukoy niya sa mga nasunog na frying pan sa ibabaw ng lababo at sa mga nagkalat na kitchen utensils.

All her life ay hindi niya natutunang magtrabaho sa kusina. Kaya nga't ang mommy niya'y halos maghurementado kapag nakikita siyang pumapasok at nakikialam sa kitchen nila. Kung kaya't di na kataka-takang halos nabaligtad ang kitchen ni Rocco ngayon.

"Nasaan ang oven?" Nagtatakang tanong ng binata matapos makitang wala ang oven toaster sa kinalalagyan noon.

"Ipinadala ko na sa garbage collector. Sumabog kasi yun kanina nung mag-toast ako ng ensaymada."

"What? Bakit sumabog? At bakit itinapon mo na? Pwede pang ipagawa iyon."

She shrugged. "Hindi ko alam kung bakit sumabog. Yun ang ensaymada na inilagay ko sa oven kanina." Itinuro niya ang ensaymada sa mesa na di niya nakain sa sobrang takot sa pagsabog ng oven. "Tsaka, itinapon ko na kasi pwede ka namang bumili nalang ng bago. Delikado kung ipapa-repair mo pa, baka sumabog ulit."

Nilapitan ni Rocco ang ensaymada na nasa mesa. "Paanong hindi sasabog ang oven, isinama mo yata pati tinidor sa loob?"

Napakagat-labi siya. "Ah... Eh... Sorry, nakalimutan ko."

"Sorry again?!" Base sa ekspresyon ng gwapong mukha nitong sumobra na ang pagkakalukot ay nais na siya nitong sakalin. "At bakit nagkalat ang mga doormat dito?"

"I broke your faucet at umawas ang tubig mula sa lababong barado kanina. Akala ko kasi, pinupukpok kapag binubuhay ang faucet mo, pinipihit pala yan. Katulad kasi ng design ng water faucet sa bahay namin kaya akala ko ganoon din. Pero don't worry, pinaayos ko na naman yan kanina sa maintenance ng subdivision, kaya okay na. Siguro dapat na tayong mag-hire ng maid dito sa bahay mo para naman─"

"Stop!" pasigaw na pigil ni Rocco sa pagdakdak niya. "I can't take this anymore! You've done enough today. Kanina pinahiya mo ako sa audition mo. At ngayon naman ay ginulo mo ang buong bahay ko, sinira mo pa ang oven ko. Thank you very much! I wonder what you are going to do tomorrow."

"Rocco, hindi ko naman─"

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil tinalikuran na siya nito. "I hope you can clean up all your mess here."

"I can't." Habol niya rito.

"You can. Nagawa mo ngang magkalat, magagawa mo ding maglinis ng kalat." dere-deretso ito at hindi na niya ito nasundan pa dahil pinagbagsakan na siya nito ng pinto ng silid nito.

NASA kalagitnaan na si Shane sa paglilinis nang lumabas muli si Rocco mula sa silid nito at tinulungan siyang mag-linis ng mga kalat. Ngingiti-ngiting minasdan niya ito sa ginagawa.

"Sabi ko na nga ba't hindi mo ako matitiis. Tutulungan mo din ako." pakwelang saad niya habang nagkikiskis ng nasunog na frying pan.

"Kailangan ko lang tulungan ka dahil may dadating akong biglaang bisita na hindi ko matanggihan."

Inagaw nito sa kanya ang nililinis niya. "Doon ka na sa sala maglinis."

"Babae ba ang bisita mo, Rocco?"

She crossed her fingers on her back. Nahiling niyang sanay 'hindi' ang isagot nito.

"Yes." Nawalan na siya ng lakas para kumilos. Parang may libu-libong aspili ang tumutusok sa puso niya. "We'll going to discuss something over dinner."

"Anong pag-uusapan niyo?" walang siglang tanong niya.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Maglinis ka nalang nga. Mamaya lang, nandito na si Charsey, magluluto pa ako." pasupladong tugon ni Rocco.

Nakadama ng inggit at panibugho si Shane. Naisip niya, espesyal siguro ang Charsey na iyon para kay Rocco at ito pa ang magluluto para sa babae.

“Bakit ipagluluto mo ang bisita mo?!” nagdadabog na angal niya rito.

Pinagtaasan siya ng kilay ni Rocco nang lingunin siya nito. “Bakit hindi? Mahal magpa-deliver.”

“Andaya mo!” angal niya rito. “Bakit ako, ipinagpa-deliver mo lang, siya ipagluluto mo pa?”

Pero bigla niya ring naisip ang isang mas mahalagang bagay. Kuripot si Rocco at wala itong ibang hininga kundi ang magtipid pero nang siya na ang magutom, walang dalawang pag-iisip na ipinagpadeliver siya nito ng pagkain.

“E kasi, gutom ka na kamo nun. Hindi na makakapaghintay ang bituka mo kaya ipinagpa-deliver na kita.”

‘Ah! Whatever! Mas lamang pa din ako dahil iniisantabi mo ang kakuriputan mo para isalba ang bituka ko. I love you na talaga, Rocco.’

At malapad ang ngiting dumeretso na siya sa sala para maglinis.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free