"EXCUSE ME, MISS─"
Nag-angat ng mukha mula sa pagkakasubsob sa pinagtagpong mga tuhod si Shane. Kanina pa siya sa tapat ng bahay ni Rocco sa Mandaluyong. Sa katunayan, tanghali pa magmula ng dumating siya roon at ngayo'y alas-sais na ng gabi.
"What are you doing here, Shane? Kailan ka pa dumating?" Tila hindi nagustuhan ni Rocco ang presensiya niya ayon na rin sa pagsasalubong ng mga kilay nito.
Tumayo siya at agad na hinila ang kanyang maleta palapit sa binata. Lalong nalukot ang mukha nito pagkakita sa kanyang malaking maleta.
"I just arrived this afternoon, Rocco. And... And... aah…"
Nag-alinlangan siya kung sasabihin pa ba dito ang kanyang sadya. Sa hitsura kasi nito ay parang nais siya nitong sigawan.
"And what?" udyok nito.
"Uh… Pwedeng pumasok muna tayo sa loob ng bahay mo? Kanina pa kasi ako dito sa labas at talagang masakit na ang paa ko sa kakalakad, tayo at upo sa paghihintay sayo."
Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. She's tired and weary and hungry. Mula pa sa biyahe galing New York ay gusto na niyang magpahinga. Pero hindi naman niya magawa. Dahil ang kaisa-isang pwede niyang lapitan para may matuluyan ay ngayong gabi lang umuwi.
Lumambot naman ang ekspresyon nito matapos siyang pasadahan ng tingin. Inabot ni Rocco ang maleta niya at binuhat papasok ng bahay nito ng walang kahirap-hirap. Sumunod siya rito at hindi na hinintay na anyayahan siyang maupo. Nagkusa na siyang ibagsak ang katawan sa sofa na naroroon sa maliit nitong sala. Hinubad niya ang sapatos at nagulat pa siya ng basta nalang itong tumingkayad upang abutin ang paa niya. Nagtaka siya ng labis ng hilutin nito ang mga paa niya samantalang kanina lang ay parang nais siya nitong sipain palayo.
'Hindi ka pa din nagbabago, Rocco. Mabait ka pa din sa akin kahit mukha ka ng papatay ng tao sa pagkakalukot ng mukha mo. Sabi ko na nga ba't tama ang desisyon kong puntahan ka ditto. Alam kong hindi mo ako tatanggihan, mahal ko.'
Napangiti siya sa sarili at pasimpleng nagmasid-masid sa paligid. Well-organized ang lahat. May dalawang silid sa second floor, maliit na kitchen at dining area na hinahati lang ng counter. May mini bar na naglalaman ng ilang de-klaseng alak at sa isang di-kalakihang cubicle area na puno ng mga musical instrument.
Naalala niya noong college sila na mahilig si Rocco sa music.
"Pasensiya ka na. Maliit lang itong bahay ko. Ito lang kasi ang nakayanan ng sweldo ko. I couldn't afford an elegant villa." May sarkasmo siyang nahimigan sa salita nito.
Hindi nakapagtataka iyon. Alam nito kung gaano kayaman ang pamilya niya, kung gaano kalaki ang bahay nila sa Makati na ngayo'y care taker nalang ang tumitira magmula ng mag-migrate ang pamilya niya sa New York. Kung tutuusin, ang buong kabahayan nito ay kasing laki lamang ng silid niya sa New York, o di kaya ay ng masters bedroom sa villa nila sa Makati.
But then, masaya siya para sa binata dahil may sarili na itong bahay. At nakasisigurado din siyang naipagpatayo na din nito ng bahay ang mga magulang nito. Kamusta kaya ang pamilya nito? Alam niyang VP for Marketing na ito sa isang product selling company.
"Okay na itong bahay mo. Basta ba may matutuluyan ako." tugon naman niya.
Gulat na gulat ang sumunod na reaksyon ni Rocco. "W-What do you mean by that? Hindi ba't may bahay naman kayo sa Forbeswood? Bakit hindi ka doon tumuloy? Bakit nandito ka? Ano bang kailangan mo?"
Sunod-sunod at tila nababahalang tanong nito na inihinto ang pagmamasahe sa mga paa niya. Kung bakit ito nababahala ay natitiyak niyang dahil ayaw nito sa presensiya niya. Pero wala na siyang ibang malalapitan kundi ito.
"I-I stow away." sa wakas ay pagtatapat niya. "Hindi ako pwedeng tumuloy sa villa namin sa Bel-air dahil malalaman nina Mommy na umuwi ako ng Pilipinas. They cut their financial support on me."
Napasinghot siya pagkaalala sa huling pag-uusap nila ng kanyang mga magulang.
"I'm all used up with you, Shane." pagalit na wika ng kanyang ama habang ang kanyang ina naman ay hindi nagsasalita sa tabi niya.
Nandoon silang tatlo sa library ng kanilang bahay. Kagagaling lang nila sa prisinto dahil doon siya dinampot ng mga ito. Naibangga kasi niya ang kotse niya sa isang ferrari. Galing sila sa bar at madaling araw na umuwi. Nahihilo na siya pero kailangan pa niyang mag-drive para maihatid ang kaibigang si Mitchy na nang mga sandaling iyon ay wala na sa huwisyo dahil sa matinding kalasingan. At dahil sa tama ng alak, para siyang mas lalong naengganyong gumawa ng kalokohan.
Oo, sinadya niyang banggain ang Ferrari na papalabas ng car park ng bar na pinanggalingan niya. Siyempre ay nagalit ang driver noon kaya sa huli ay para siyang kasali sa karera sa malawak na kalsada.
"Saan ba kami nagkulang sa pagpapalaki sayong bata ka? All your life ay ibinibigay namin ang lahat ng gusto mo. Pero anong ibinabalik mo sa amin?"
Hindi siya nagsalita at parang walang narinig na naghikab. Inaantok na siya, wala pa siyang tulog. Araw-araw ay halos magkakatulad ang ruta niya, matapos pirmahan ang dapat pirmahan sa opisina sa isa sa mga negosyong pinahawakan sa kanya ng ama ay iginugugol niya ang mga oras sa shopping, gimmick, out of town pleasure and sometimes trip out of the country. By the end of the month ay kukumprontahin naman siya ng ama dahil sa laki ng bills na binabayaran nito sa mga credit cards niya.
Hindi naman niya dating gawain iyon. Mabuti naman siyang anak noon. Ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para i-please ang mga magulang. Pero palaging kulang ang ginagawa niya, palaging hindi iyon napapansin ng mga ito. Ang kuya niya lang at ang bunsong kapatid na babae ang napapansin ng mga ito. Pakiramdam niya minsan, para bang sampid siya sa pamilyang iyon.
Noong una, naiisip niya na dahil lalaki ang panganay nila at ito ang susunod na mamamahala ng mga negosyo nila, kaya ito ang madalas na paboran ng mga magulang sa maraming bagay at madalas ka-bonding ng ama. At dahil masyado pang bata ang bunso nila kaya masyadong ingat na ingat ang mga iyon dito, lalo na ang kanyang ina. Pero habang lumalaki sila ay napapansin niya kung paanong iba ang pakikitungo ng mga magulang sa kanya at sa dalawang kapatid. Oo nga’t ibinibigay sa kanya ng mga ito ang kanyang kailangan, minsan nga ay higit pa. Subalit materyal na bagay lang iyon, may isang bagay siyang mas hinahangad mula sa mga ito. Bagay na ibinibigay ng mga ito sa dalawa niyang kapatid ngunit sa kanya ay kulang na kulang. At dahil nakakapagod din namang maging mabuting anak na hindi naman napapansin ng mga ito, ay binaligtad nalang niya ang kanyang pag-uugali.
Ayon nga't hininay-hinay niya ang pagiging pasaway. Sinimulan niya sa pagpapabaya sa kanyang parte sa kompanya bilang Department Head ng De Villa Line tour.
Nakuha niya ang posisyon sa sariling sikap. Hindi na nga lang siya ganon ka aggresive sa trabaho ngayon dahil napagod na siyang magpa-impress sa mga magulang. At aaminin niyang nai-enjoy din talaga niya ang pinaggagagawa.
Masarap din pa lang maging brat.
"I want to take a nap, Mom, Dad. Excuse me."
Akma siyang tatayo ng muling magsalita ang kanyang ama.
"This would be the last, Shane. Ipapa-cut ko na ang lahat ng credit cards mo. Kung gusto mong mag-lustay ng pera ay ubusin mo ang laman ng savings account mo. Pero huwag mong aasahan na magde-deposit pa kami ng mommy mo doon magmula ngayon. Paghirapan mo ang bawat sentimo na aaksayahin mo."
Nang mga sandaling iyo'y muling dumaloy ang dugo niya sa tila inaantok na mga nerves at arteries. Napatayo na siyang talaga.
"Dad naman! Bakit ako lang ang gagawan niyo ng ganyan. Samantalang sina Kuya Lance at Denise, kahit anong gawin ay ayos lang sa inyo." puno ng hinampo na angal niya.
"You've change, Shane." narinig niyang mahinang wika ng kanyang Mommy. "At sapat ang pagbabago mo para putulan ka namin ng financial support ng Daddy mo. Kung hindi namin gagawin iyon, baka kung ano na naman ang susunod mong pasukan na gulo dahil may pera kang nagagamit."
Nitong nakaraang linggo ay tatlo agad ang napasukan nilang gulo ng mga kaibigang sina Mitchy at Lauren. Una ay nagpasimuno lang naman siya ng kaguluhan sa isang bar. Nagkasuntukan ang dalawang lalaki dahil sa kanya. Oo, siya ang unang nakipag-flirt sa lalaki. Pero may na-spot-an siyang mas higit roon kaya nang basta niya itong iniwan ay ikinagalit ng lalaki. Di niya alam na may girlfriend palang kasama ang pangalawang lalaki na nilalandi niya. Ayon, nakipagsabunutan rin siya sa girlfriend ng pangalawang lalaki habang nagsusuntukan ang dalawa. Hanggang sa hulihin na silang pare-pareho ng mga pulis.
Pangalawa, idinare siya ng mga kaibigan na i-snatch ang bag ng unang babaeng dadaan sa harapan nila. At hindi siya quitter para pa-hindi-an ang mga ito. Siyempre, walang matinong paliwanag sa mga pulis sa mga ganoong bagay. Krimen pa din ang ginawa niya maski ‘dare’ lang iyon.
At pangatlo nga ay ibinangga niya ang bagong kotse niya sa isang ferrari. At malaki ang naging pinsala ng Ferrari.
Mitchy and Lauren were such pain in the ass. Kaya nga sa mga ito siya sumasama. Sa batch nila, ang dalawa ang masasabi niyang patapon na ang buhay. Walang pakialam sa mundo. Palibhasa ay mga anak mayaman na kulang rin sa atensyon.
Gusto niyang maghisterya matapos ang deklarasyon ng mga magulang. Ginagawa lang naman niya ang lahat ng iyon dahil gusto niyang makaamot ng atensiyon sa mga ito. Kahit pa nga puro sermon lang ang inaabot niya ay sapat na. Atleast they'd pay attention to her.
How pathetic she was?
Pero kung ganitong aalisan na siya ng financial support, paano pa siya makakapag-rebelde?
Walang salitang lumabas siya ng library at dumiretso ng silid. Sa ibabaw ng kanyang kama ay naroroon ang kanyang laptop na nalimutan niyang patayin kagabi. Wala sa loob na hinagilap niya iyon at dumapa sa kama. Binuksan niya ang kanyang facebook account at naghanap ng makakausap.
Yamot na yamot talaga siya.
Nang sa newsfeed ay bumulaga sa kanya ang post ni Rocco Guevarra. Nangangailangan daw ito ng assistant sa flower plantation na sinosyohan nito.
Napangiti siya. Sa ganoon sila nagkakilala nito. She's seventeen, way back then. College freshmen siya noon, ito naman ay nasa huling taon sa Marketing. Isa sa mga post niya ang ini-like nito at nag-comment. Naghahanap siya ng choreographer para sa presentation ng grupo niya sa P.E. At nag-apply naman ito. Nagkasundo din sila sa presyo. Subalit matapos silang turuan nito ay hindi nito tinanggap ang kanyang pera. Hindi daw ito nagpapabayad sa tulong na ginagawa nito.
May kuminang na ideya sa isip ni Shane. Siya naman ang lalapit dito para tumulong. Bukod doon ay makakapag-rebelde na naman siya sa mga magulang kung maglalayas siya. Baka sa pagkakataong iyon ay maramdaman niyang mahalaga din siya sa mga ito.
Matapos maramdamang tulugan na ang mga tao sa malaking bahay ay naghalughog siya sa library. Hinanap niya ang mga documents na ukol sa kanya. Kakailanganin niya iyon sa pag-a-apply. May napansin siyang black envelope na nakapangalan din sa kanya kung kaya't dinala na din niya iyon.
MARAHAS na bumuntong-hininga si Rocco upang putulin ang kanyang pagmumuni-muni.
"Paano mo nalaman ang address ko? You've been out of the country for almost... six years?" nag-aalangan pang pahayag nito.
"Five and half, to be exact." pagtatama niya.
Second year college na si Shane noong magpasya ang mga magulang niya na sa New York na sila manirahan. Kasalukuyan namang nagtatrabaho si Rocco sa isang maliit na Advertising company. Ayaw niyang umalis noon. Kung pinigilan lang sana siya ni Rocco noong araw na magpaalam siya rito, disinsanay nagpaiwan siya. Pero wala siyang napala dito kundi isang malamig na 'goodbye'. Ni hindi man lang niya narinig na sabihin nitong─'mamimiss─’ siya nito.
Ano pa nga bang aasahan niya? Wala naman itong ipinahahayag na damdamin sa kanya. Bagaman, paminsan-minsan ay nakikita niya sa mga mata nito na concern ito sa kanya. Siya lang naman itong sa tuwina ay nais dumikit dito matapos nitong tulungan ang grupo nila para sa presentation noon.
"Ni-research ko." Lahat ng information about sayo, updated ako. Tzaka, nakita ko ang post mo sa Facebook." walang anumang tugon niya.
Kung tama siya ng nakikita ay totoong napunit ang ngiti sa magagandang mga labi nito.
'Hay! Hindi ka pa din nagbabago, Rocco. You're still dashing and handsome as ever.'
'And still, seryosong-gwapo na isnabero.' pagtutuldok ng kabilang bahagi ng isip niya.
"Memories of yesterday, isn't it?" untag nito.
Naunawaan niya ang tinutukoy nito. Iyon ay ang kung paano sila nagkakilala. Iniisip ba nito na nagsisinungaling siya.
"Totoo nga sabi! Nakita ko talaga ang post mo. And for that, naisip ko na baka pwedeng sayo muna ako makituloy habang hindi pa ako nakakahanap ng pagtataguan. At palagay ko, pwede na din akong mag-apply na assistant─"
"No!" mabilis na sawata nito sa mga pinagsasasabi niya.
Nag-igkasan ang mga kilay niya sa naging reaksiyon nito. Naging mabuti din naman silang magkaibigan noon ah?
Oh well, hindi nga pala naging mabuti. Siya lang ang mabuti dito dahil sa tuwina ay pinagsusupladuhan siya nito. Subalit may mga panahon din naman na mabait ito sa kanya. Hindi nga niya ito maintindihan. Pabago-bago ito ng mood.
Katulad ng panahon sa Pilipinas, pabigla-bigla ng pagbabago. At katulad ng bagyo, biglang dadating at aalis ang kung ano-anong emosyon na mayroon sa mukha nito.
Nagkibit-balikat siya at saka tumayo, deretso sa kusina nito. Binuksan niya ang fridge nito na wala namang masyadong laman. Kumuha siya roon ng pitsel ng tubig at baso sa cup board saka uminom. Uhaw na uhaw siya. Pakiramdam din niya'y nagrarambulan ang mga bituka niya sa gutom.
"May pagkain ka ba dito?" tanong niya habang pinakikialaman ang loob ng fridge. Nakakita siya ng left over na adobong pusit.
"Okay na ito. Mapag-tiya-tiyagaan na din." aniya na inilabas iyon at saka naghanap ng kanin.
"Hadn't you hear me? Hindi ka pwede dito. At hindi ka din pwedeng mag-apply na assistant ko." wika ni Rocco sa paraang hindi naiirita, sa halip, amusement ang nakikita niya sa mukha nito ng lingunin niya.
"Bakit naman? Parang hindi tayo naging magkaibigan niyan ah?"
"Are you nuts? Mula sa pagiging Department Head ng Line Tour company niyo, you'll going to stoop down in being my Personal Assistant?"
"Anong masama sa pagiging PA? Tsaka paano mong nalaman na department head na ako sa company namin? Detailed pa ha? Line tour company?" Binuntutan niya ng tawa ang pang-aasar niya.
"Ni-research ko." tugon nito na ginaya lang ang sagot niya kanina.
Tumango-tango siya na kunway di apektado. Pero sa totoo lang ay parang kiniliti ang kanyang puso. Nag-a-update din ba ito ng tungkol sa kanya tulad ng pag-update niya sa buhay nito? Bakit ni hindi man lang nito sinagot ang mga emails at phone calls niya?
Muli, pinagtuunan niya ng pansin ang pagkain. May kakapalan na talaga ang mukha niya dahil kahit hindi siya nito inaalok ng pagkain ay sumisige pa din siya. Ano bang magagawa niya? Gutom na siyang talaga, at wala siyang cash na pambili ng pagkain. Nakalimutan niyang mag-withdraw sa airport. Wala ding ATM booth sa paligid kahit sa labas ng subdivision, kung lalayo pa siya ay baka maligaw siya o di kaya ay magkasaligway sila ni Rocco. Kaya minabuti niyang hintayin nalang ito.
Lumapit sa kanya si Rocco at inagaw ang bowl ng adobong pusit. "Hey! Gutom na ako. Baka naman pwedeng─"
"Magpapa-deliver nalang ako ng pagkain. Kumakain ka ba ng galing sa fast food?"
Gusto niyang matawa sa tanong nito. Kung iyon ngang left over food ay papatusin niya, yung fast food pa kaya na freshly delivered ang hindi? Sa mga sandaling iyon, kahit yata anong pagkain ang ihain sa kanya ay papatusin niya.
"Oo naman. Gutom na kaya ako. Kanina pang lunch akong di kumakain."
Dumilim ang mukha ni Rocco. Mukhang hindi nito nagustuhan ang narinig.
"Bakit hindi ka kumain diyan sa labas? Madaming nagkalat na resto diyan."
"Hindi mo ba ako narinig kanina? Sabi ko, inalisan na ako ng financial support nina Daddy. Ang pera sa savings account ko ay ginamit ko para makauwi dito sa Pinas."
Half-truth lang iyon. May laman pa ang savings account niya, hindi nga lang kalakihan. Kailangan niyang magsinungaling upang pumayag itong doon muna siya. Pagkakataon na niyang maglalapit dito ng hindi siya basta-basta itataboy. She knew, Rocco has a good heart. Kaya nga sa loob ng mahabang panahon ay hindi nawala ang pag-ibig niya rito.
'How I wish I could have a place in your heart. Kahit maliit lang, pagkakasyahin ko na doon ang sarili ko.'
Palagay niya kasi, sa sobrang kaseryosohan nito sa buhay ay nakakalimutan na nitong umibig. O baka naman mali siya? Di nga ba't ang dami nitong photos na may kasamang iba't-ibang babae sa iba't-ibang okasyon na kung lingkisin ito'y animo'y mga sawa?
'Magmula ngayon ay haharangan ko na ang mga sawa sa buhay mo. Poprotektahan kita sa kanila, my loves!'
"Ano ba kasing nangyari sayo?" tanong ni Rocco na nag-da-dial ng kung anong numero sa telepono. Marahil ay para um-order ng pagkain.
"Lumayas nga ako, ang kulit naman nito." Angal niya.
"Bakit nga?" Tila naiinis nang tanong ni Rocco.
Nauubusan na yata ito ng pasensiya dahil hindi niya dinedetalye ang nangyari. At sino ba naman ang hindi mayayamot sa kanya? Bigla nalang siyang sumulpot sa bahay nito at iginigiit na doon siya tutuloy sa ayaw at sa gusto nito. At sigurado naman niyang hindi siya nito matatanggihan dahil mabait at matulungin ito.
Nagkibit-balikat siya saka muling lumapit sa fridge. Natanaw niya ang bread basket sa ibabaw at inabot iyon. Naunahan naman siya ni Rocco na kasalukuyan ng umuorder ng pagkain. Inagaw niya dito ang bread basket at naghanap ng pwedeng maipalaman sa tinapay.
"Gutom ka na bang talaga?" tanong nito.
Tumango siya, nagrarambulan na talaga ang mga bituka niya.
Nagbuntong-hininga si Rocco. "Okay. Igagawa muna kita ng pizza roll. Habang hinihintay natin ang delivery, iyon muna ang kainin mo."
Kumilos agad si Rocco upang gawin ang sinasabi nitong pizza roll na mabilis nitong naluto. Mas mabilis pa yata itong kumilos kumpara sa mga katulong nila.
Habang walang pakialam na nagluluto si Rocco ay mataman naman niya itong minamasdan. Mas tumangkad yata ito ngayon. Tama lang ang built ng katawan nito, hindi payat ngunit hindi din naman sobrang macho. Iyong tipo ng katawan na katamtaman lang. Iyong tipo na pagnanasaan ng mga kabaro niya.
'Hay! Buhay!'