HinovelDownload the book in the application

BOOK 1: CHAPTER 2

"HERE!!"

Inihain ni Rocco ang tray na may lamang pizza roll. Ganon din ang juice sa harapan ni Shane.

"Asan ang tissue?" tanong ni Shane.

"Tissue?" nagtatakang tanong nito.

"Para diyan!" Inginuso niya ang niluto nito. "Alangan namang kamayin ko yan."

Hindi naman porque gutom na gutom siya ay basta nalang niya susunggaban ang pagkain at kakalimutan ang table manners.

Napapailing na naghagilap si Rocco ng tinidor at iniabot sa kanya.

"Ito nalang ang gamitin mo kung ayaw mong kamayin. Hindi uso dito ang tissue. Pang mayaman lang iyon."

Nakasimangot na inabot nga niya ang tinidor na iniaabot nito sa kanya at saka tumusok ng isang pizza roll. Pinanood lang siya nitong kumain. Nang nasa ikatlong piraso na siya ay saka muling nagsalita si Rocco.

"Siguro naman ay pwede mo nang sabihin kung bakit ka naglayas?"

"Hmmm... Ang sarap nito ah! Magaling ka palang magluto." Papuri niya sa kinakain na siya namang totoo.

"Natuto nalang ako dahil namumuhay akong mag-isa. Wala akong katulong na aasahan." Seryosong saad nito na hinuhuli ang mga mata niyang pilit iniiiwas rito.

"Ouch! Tinamaan ako ah!"

Bahagya itong ngumiti.

"Tama na 'yang delaying tactics mo. Sasabihin mo ba sa akin kung anong nangyari sayo o itataboy kita paalis rito?"

Lumuwang ang ngiti niya. "Ibigsabihin, payag ka na talagang mag-stay ako rito?"

Pabuntong-hiningang tumango ito. "Iyon ay kung sasabihin mo kung anong nangyari."

Nag-isip muna siya. Sasabihin ba niya ang totoo? Kapag sinabi niya ang totoo, malamang na itaboy siya nito pabalik ng New York.

Ito kasi ang tipo ng tao na hindi tino-tolerate ang mga maling ginagawa. Alam naman niyang hindi mabuting gawain ang mag-rebelde sa mga magulang. Pero para sa mga tulad niyang kulang sa atensiyon, iyon ang pinakamabuting gawin.

At hindi iyon mauunawaan ng isang tulad ni Rocco. Hindi man ito lumaki sa kasaganaan, pero busog ito sa pagmamahal ng pamilya nito. Alam niya iyon dahil nakilala na niya ang pamilya nito.

Sa kabubuntot niya rito matapos ang pagtulong nito sa presentation ng grupo nila ay napilitan itong ipakilala siya sa mga magulang at kapatid nitong sa Pasay nakatira. Nagtataka talaga siya kung bakit bigla itong dumistansya matapos ang pagtuturo sa kanyang grupo. Hindi din nito tinanggap ang napagkasunduan nilang kabayaran noon.

"O sige. Dahil ayaw mong tanggapin ang pera ko, ipakilala mo nalang ako sa pamilya mo." pangungulit ni Shane kay Rocco. Ipinipilit niya ang choreography fee nito.

"Bakit kita ipapakilala sa pamilya ko?" kunot-noong tanong nito at saka tinalikuran siya.

Sumunod siya kay Rocco.

"Wala lang. Di ba friends na tayo? Dapat kapag friends na, kinikilala ang isa't-isa. Ikaw, kilala mo na ang parents ko, pati mga kapatid ko. Pero ako, wala akong kilala sa pamilya mo. Paano pala kung nakakasalubong ko na sila pero di ko naman pinapansin?"

"Malabo yung makasalubong mo sila. Wala sila dito sa Makati. Alam mo naman na scholarship lang ang dahilan kung bakit ako nakakapag-aral at kung paano ko naa-afford na manirahan dito."

Ni hindi siya nito nilingon habang nagsasalita. Patakbong hinablot niya ang braso nito at saka ikinawit roon ang braso niya. Parang nakasanayan nalang niyang gawin iyon dito. Isang paraan na din ng paglalambing niya.

"Eh di mas lalo ko nga silang dapat makilala. Baka mamaya, maligaw ako roon at makita ko sila. Para naman mababati ko sila di ba?"

Tila sumusukong bumuntong hininga ito at nilingon siya.

"Nakaapak ka na ba sa makikipot na eskinita ng Pasay? Baka kilabutan ka lang kapag nakarating ka sa amin."

"Wala akong pakialam kung anumang lugar ang tinutukoy mo. Maski sa kabilang planeta mo pa ako dalhin. Ang gusto ko lang makilala ko ang pamilya mo. Ikinahihiya mo ba sila kaya ayaw mo silang ipakilala?"

Nagtagis ang mga bagang nito na tila ba hindi nagustuhan ang narinig. Sabagay, sinadya niya iyon para mapuno na ito sa kanya at pagbigyan na siya nito.

"Hindi ko kailanman ikinahiya ang pamilya ko. Ayoko lang na mapipintasan sila ng mga mayayaman dahil sa kamiserablehan ng buhay namin."

Kahit paano ay nakadama siya ng kurot sa dibdib. Para na din nitong sinabi na matapobre siya.

Kumalas siya sa braso nito.

"Bakit hinuhusgahan mo kaagad ako? Hindi naman lahat ng mayayaman ay matapobre. Ang parents ko nga, may ilang charitable institution na itinatag para makatulong sa mahihirap." naghihinampong saad niya.

Muli ay bumuntong-hininga ito. Hindi na nga niya mabilang kung ilang buntong-hininga na ba ang pinakawalan nito.

"Okay, okay! Sorry na.”

Naramdaman niya ang braso ni Rocco sa balikat niya na marahang kinakabig siya palapit sa katawan nito. Hindi kayang balewalain ni Shane ang mainit na damdaming hatid ng braso nito na nakadikit sa balikat niya. Hindi niya rin kinayang balewalain ang epekto na dulot noon sa kanyang puso.

“Natatakot lang naman ako sa magiging reaksiyon mo kapag nakilala mo sila. Baka hindi ko iyon matanggap."

Inakbayan siya ni Rocco at kinabig palapit. Ang batang puso naman niya'y parang sirkero na nagtatalon-talon sa loob ng kanyang dibdib. Pasimple pa niyang tiningnan ang kamay nitong nakapatong sa balikat niya. Kung alam lang ng lalaking ito ang kilig na nadarama niya ng mga sandaling iyon.

Yes, crush niya ito! Eversince na nakilala niya ito ay lumalagabog na ang kanyang dibdib para dito.

"Ready ka na ba talagang makakilala ng mga hindi mo kauri na tulad ko?" tanong pa nito.

"Ano bang hindi kauri? Monster ba kayo ng pamilya mo na nagpapanggap na tao at nasasabi mo iyan? Hindi naman siguro kayo bampira, di ba?"

Sinubukan niyang magbiro upang kahit paano'y mapakalma ang sarili.

Tumawa naman ng malakas si Rocco.

"Halika na nga."

"Ipapakilala mo na ako sa kanila?" excited na tanong niya.

Nangingiting tumango ito. Nag-commute lang sila patungong Pasay. At dahil alam nitong hindi pa niya naranasan ang mag-commute, aligaga ito sa pagtatakip ng ilong niya kapag mausok ang nadadaanan. O di kaya ay iniiwas siyang masiksik ng mga nagsisisakay ring mga pasahero. Di baleng hindi ito makaupo basta komportable siya.

Pakiwari niya, para siyang prinsesa sa bawat sandali na magkasama sila. Protektado siya ni Rocco sa lahat ng elemento ng daigdig na nagkalat sa paligid.

Sa isang maliit na eskinita sila huling namaybay patungo sa tirahan nito. Ang mga kabahayan ay dikit-dikit na para bang maski hangin ay di na makakaraan.

Tama ito, sa nakikita niya'y nahuhulaan na niyang miserable ang pamumuhay ng mga naroroon. Nagkalat ang mga bata na marurungis at sa kalye naglalaro. Sa isang tindahan ay may mga tambay na kalalakihang nag-iinuman. May isang bahay pa na may mga kumakalabog sa loob at nagsisigawan. Marahil ay mag-asawa na nag-aaway, at base sa naririnig niya'y kakapusan sa pera ang isyu ng mga ito. Subalit sa halip na kilabutan tulad ng sinasabi ni Rocco, simpatya ang nadama niya para sa mga ito.

Lalo na ng magiliw siyang harapin ng mga magulang at mga kapatid ni Rocco. Para ngang mas mainit pa ang pakikitungo ng mga ito sa kanya kumpara sa tunay niyang pamilya.

Parang gusto niyang maiyak ng mga sandaling iyon. Dahil sa kabila ng kakapusan ng mga ito sa maraming bagay, nakikita niya kung gaano katinding pagmamahal ang nagbubuklod sa mga ito. At naiinggit siya kay Rocco, dahil para sa kanya, mas mayaman pa ito kesa sa kanya.

"All right! Tell me about it when you're ready." untag muli ni Rocco.

Tinapik nito ang isang kamay niya at marahang umangat ang isang kamay patungo sa gilid ng kanyang mga mata upang pahidin ang mga luha niya.

Luha?

Umiiyak na pala siya.

Parang gusto niyang yakapin si Rocco. Namiss niya ito ng sobra. Mahabang panahon din silang magkalayo. At sa loob ng mga panahong iyon ay hindi niya ito nakalimutan. Palagi siyang nangangamusta dito gamit ang internet.

Pero ni isa sa mga mensahe niya ay walang sinagot ang binata. Sinusubukan din niyang mag-overseas call dito pero palagi nalang na ring ng telepono nito at pesteng recorded voices ng operator ang naririnig niya. Parang sinasadya nito na huwag kumonekta sa kanya. Inisip nalang niyang palagi itong abala sa maraming bagay. Nabanggit nito minsan na pangarap nitong iahon sa hirap ang pamilya nito.

Tuluyan na siyang nilukob ng kanyang emosyon at yumakap dito ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

Aware siya na nabigla ito dahil hindi agad ito nakakilos pero wala na siyang pakialam. Gusto niya itong maramdaman sa mga sandaling ito. Na-miss niya ito ng husto. Na-miss niya ang pakiramdam na malapit na malapit lang sa kanya ang binata. Hindi naman ito pumalag sa mga pinaggagawa niya. Sa halip, naramdaman niya ang mga kamay nitong humahagod sa likod niya na para bang ikino-comfort siya.

Ah! She really missed him.

"Pasensiya ka na." aniya na pilit ngumiti matapos itong pakawalan. "Na-miss lang kita. Akalain mo yun? Andito ulit ako after five and half years!"

Tumitig sa kanya si Rocco, at pakiramdam niya'y tumatagos sa kaluluwa niya ang mga paningin nito.

"Kung anuman ang problema mo, iwan mo muna iyon sa Amerika. Isipin mo nalang kunwari na nandito ka para magbakasyon. Is that okay?"

Tumango siya na may ngiti sa mga labi. Hindi niya napigilan ang sarili na ihilig ang ulo sa balikat ng nasa tabing binata. Wala. Nagpapa-sweet lang. Na-miss niya rin kasi ang mga simpleng paglalambing rito. Ikinagulat pa nga niya na tulad ng dati ay wala itong violent reaction sa mga ganoon pagkakataon. Sa halip, pumaikot ang isa nitong braso sa bewang niya. Para roon ay naging lalong masigla ang puso niya.

"Pero gusto ko din kasing magtrabaho, nakakahiya naman sa─" Naputol ang sasabihin niya nang marinig na may nag-door bell.

Napilitan siyang kumawala sa binata. Tumayo naman si Rocco.

"Ayan na yata ang delivery." wika ng binata na nagtungo sa pinto. Sa pagbabalik nito'y bitbit na nga nito ang mga pagkain na ini-order. "Kumain ka muna. At mamaya natin pag-uusapan ang house rules dito."

"House rules? Meron ka nun?" nakataas ang isang kilay na tanong niya rito.

Sa bahay nila ay mayroon din ng ganoon pero hindi na naman niya sinusunod.

"Yes, I have. And you are obligue to follow."

Iniayos nito ang mga pagkain sa mesa.

"Ubusin mo iyan ha. Ipapasok ko lang sa magiging silid mo ang maleta mo."

Nang tumango siya ay kumilos na ito.

MAHIGIT isang oras na magmula ng iwan ni Rocco si Shane sa kusina subalit hindi pa din bumabalik ang binata kung kaya't ipinasya na ni Shane na katukin sa dalawang silid si Rocco. Hindi niya kasi alam kung alin ba ang silid na para sa kanya at ang para dito. Sa unang silid ay wala siyang narinig na tugon habang kumakatok. Pero para makasigurado ay pinihit pa din niya ang doorknob at binuksan iyon. Wala naman sana siyang balak na pumasok sa loob, ngunit ang amoy palang ng silid na bumati sa kanya ay tila nang-eengganyo na tumuloy siya.

The room smells fresh like a countryside and yet mixed with that familiar masculine scent. The mixture of two were perfect, fresh and masculine. Kaya nga't hindi niya napigilan ang sarili na pasukin iyon.

Maganda din ang kulay ng wall paint, deep blue with white accents, ganoon din ang bedsheet, pillow cases at comforter nito. Malambot na alpombra ang floor mat. The ambiance is comfortable and yet manly. Parang doon niya gustong matulog. Naupo siya sa kama at sa huli'y piniling mahiga.

'Ang bango-bango naman ng higaan ni Rocco! Kasing bango niya.'

Sa pagbaling niya ay agad na nahagip ng kanyang paningin ang isang picture frame sa ibabaw ng side table. Pamilyar sa kanya ang larawang iyon. Bumaba si Shane ng kama at nilapitan ang side table upang sipatin ang larawan. Napatanga siya. Larawan nila iyon ni Rocco nung nasa kolehiyo pa sila.

It made her confused. Bakit maglalagay ng larawan nila doon si Rocco?

“Rocco, magpa-picture naman tayo nung something formal.” Pangungulit niya habang nasa library sila at naggagawa ito ng graduation speech nito bilang magna cum laude ng kanilang University.

“Bakit? Aanhin mo?”

“Gusto ko lang na may picture tayo.”

“Ayoko ng pormal na picture. Pwede namang… ganito nalang.” Dinukot nito ang cellphone sa bulsa at kinabig siya upang maidikit ang mukha niya sa mukha nito. Saka kumuha ng larawan nila. Nabigla siya kaya hindi na nagawang ngumiti ng maayos, sa halip ay gulat na gulat ang hitsura niya.

“Ayan! Ise-send ko sayo ang kopya. Okay nayan!” balewalang sabi nito.

“Ayoko nito. Ang pangit ng kuha ko dito.” Angal niya matapos matanggap ang MMS.

Tawa ng tawa si Rocco habang nagrereklamo siya. Panay ang ungot niya rito na isa pa pero hindi siya pinagbigyan. Pulos pintas sa larawan nila ang ipinaulan niyang dahilan para pagbigyan nito ngunit pulos papuri naman sa larawan niya ang ibinabalik nito. Sa huli, pinalabas sila ng librarian dahil sa kaingayan nila.

"What are you doing here?"

Nagulat si Shane nang marinig na nagsalita si Rocco mula sa likuran niya. Nang lingunin naman niya ito ay mas lalo siyang nagulat dahil wala itong saplot maliban sa nakatapis na tuwalya sa bewang nito. Nahantad tuloy sa makasalanang mga mata niya ang mala-dios nitong kakisigan.

'Oh my god! Hindi lang siya basta gwapo, hunky and fafalicious din!'

Kahit sinasabi ng isip niyang ilayo na niya ang mga paningin mula sa mapang-akit na katawan ni Rocco ay hindi niya makuhang gawin. Parang may magnet na humihila sa mga mata niya upang lalong itutok sa magandang pangangatawan nito. Well, hindi ubod ng macho ang katawan nito, pero sapat ang tanawin upang bigyang katarungan ang pagkatulala niya. Kulang nalang ay maglaway siya at sambahin ito upang mabansagan siyang baliw.

Humakbang palapit kay Shane si Rocco. Kahit ang buong pursyento ng utak niya'y nag-uutos na lumabas na siya dahil malamang na ipagkanulo siya ng sarili niyang katawan ay hindi pa din siya kumilos. Para siyang ipinako sa pagkakatayo. For a moment, she thought he'll gonna grab her and seduce her, but the moment passed and the temptation didn't happen.

Instead, he took the picture frame from her hands.

"First rule, you are not allowed to enter this room, unless I told you to do so." wika nito sa napakaseryosong tono.

Blangko ang ekspresyon ng mukha nito kung kaya't wala siyang ideya sa maaari pang maganap. O baka naman ang utak niya ang nabablanko dahil sa napakaganda at kaakit-akit na anyong nasa kanyang harapan.

"Now, leave."

"Why?" She asked stupidly, almost with lazy drugged eyes.

"Syempre magbibihis ako." kunot-noong saad nito.

"Pwede bang dito ka nalang magbihis sa harapan ko?" She blurt out before she could stop herself. "I mean, lalabas na nga ako." Nagawa pa niyang itodo ang ngiti rito gayong alam niyang namumula na ang mukha niya.

'Pero sayang talaga. Curious pa naman ako sa ending ng balahibong pusa mo mula diyan sa ilalim ng pusod mo.'

Pinagalitan din niya agad ang sarili.

'Polluted na talaga iyang utak mo, Shane. Kasing polluted ng hangin sa Metro Manila. Di ba't diring-diri ka sa mga macho dancer na naghuhubad sa mga bar na napuntahan mo na? Bakit ngayo'y iba ang itinatakbo ng utak mo? Tigilan mo na iyan, kundi magmumukha kang tanga.'

"All right, I'll go."

And it took her a lot of guts to keep herself out of that room. Para kasing ayaw pa din niyang umalis kahit sinabi na niyang lalabas na siya.

"You should!" maikling tugon nito na dumiretso na sa closet.

Again, she stared at his impossible wide back. Broad shoulders, well developed muscles and a firm butt. Sa kabila ng tuwalyang tumatakip roon ay hindi naitago ang magandamg hubog noon.

He's so sexy!

"Why are you still here?" Napapitlig siya mula sa walang kahihiyang pagtitig rito ng muli itong bumaling sa kanya. "Huwag mong sabihing gusto mo talaga akong panooring magbihis?"

Pilyang nginitian niya si Rocco. "Pwede?"

"Get out and stop starring at me! Or else I'm going to strip you naked. Pareho nalang tayong magtitigan nang hindi naman ako nalulugi."

Ang ekspresyon ng mukha ni Rocco at ang hot desire na nasa mga mata nito'y sapat upang magbalik ang kanyang katinuan. Sapat upang magimbal siya sa mga pinagsasasabi niya.

Oo nga't mahigit limang taon siyang nanirahan sa Amerika. Sapat na panahon upang maka-adopt sa kultura ng mga ito. Subalit kahit naman ganoong nagrerebelde siya sa mga magulang ay alam pa rin niya kung paanong alagaan ang sarili. Hindi niya kailanman hinayaang mapariwara ang kanyang pagkababae.

At sa ginagawa niya ngayon, ano nalang ang iisipin ni Rocco tungkol sa kanya? Kung bakit naman kasi hindi niya na-rendahan ang sarili sa kaakit-akit nitong anyo?

'Kasalanan mo din, Rocco. You're tempting me, all the way with your piece of bath towel!'

"Baka lang naman makakalusot. Sige na, lalabas na ako. Promise!"

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free