NAALIMPUNGATAN si Shane sa pagkakadapa sa kama dahil may tila kung anong humahaplos sa kanyang likod. Matapos mag-shower kagabi ay basta nalang siya dumapa sa higaan ng walang ibang saplot kundi ang kanyang lacey underwear. Pagod na pagod siya mula sa biyahe. Nasanay na din siyang matulog na walang anumang suot na damit, mas presko at mahimbing ang tulog niya kapag ganon.
Marahang idinilat ni Shane ang kanyang mga mata at unti-unting tumambad ang liwanag sa kanyang paningin.
As if the beam of light shown to her, completely at the odd of a handsome face that half blocking the morning light.
Napangiti tuloy siya. Ang gwapo naman ng anghel na nakangiti sa kanyang harapan.
"Hello handsome." Itinodo niya ang ngiti rito.
"Good morning, gorgeous." ganting bati nito.
Bakit parang may ka-boses ang anghel na ito? Napakunot-noo siya.
Anghel?
Paanong nagkaroon ng anghel dito sa lupa? Bigla ang pagpanaw ng inaantok niyang diwa. Ngayo'y gising na gising na siya. Ang comforter niya ay nakatabing lang mula sa kanyang bewang pababa.
At si Rocco, nakaupo ito sa gilid ng kama niya!
"Anong ginagawa mo dito?" paangil na tanong niya at hinagilap ang isang unan upang itago ang kahantadan ng kanyang dibdib sa binata. Saka hinila paitaas ang comforter at bumangon upang maupo.
"Gigisingin sana kita, nakahanda na ang almusal." Tumayo na ito, not leaving the sight of her. It was as if, first time nitong makakita ng maganda. "Hindi ko alam na bold ka pala kapag natutulog. Next time, i-lock mo ang pinto mo."
Pinamulahan siya ng mukha. Iniisip ba nito na inaakit niya ito dahil na din sa mga pinagsasabi niya kagabi?
Oh God!
"S-sige, lalabas na ako. Magbibihis lang ako."
Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang sabihin ang mga salita sa napakakaswal na tono. Gayong may kung anu-anong mga nagrarambulan sa kanyang dibdib dahil sa kakaibang aura ni Rocco ng umagang iyon. Hindi nakakunot ang noo nito, hindi rin magkasalubong ang mga kilay nito, at mas lalong hindi ito nakasimangot. Ang totoo ay maaliwalas ang mukha nito at nakangiti. Mukha talaga itong anghel habang nakatunghay sa kanya.
At ang gwapo gwapo talaga!
'I really wish that you'll always be in a light mood, Rocco.'
Mas nagiging kaakit-akit ito kapag ganitong pangiti-ngiti ito sa kanya. At mas naglulumukso ang puso niya kapag ganitong magaan ang pakikitungo nito sa kanya.
"All right."
Tumalikod na ito at humakbang palabas. Nahiling niyang sana'y manatili pa ito roon dahil ayaw pa niyang mawala sa kanyang paningin ang gwapong mukha nito. At mukhang malakas siya sa itaas dahil muling bumaling paharap sa kanya si Rocco.
Ngumiti itong muli. Iyong todong ngiti na halos gusto niyang himatayin.
"You're more beautiful in the morning."
Nakalabas na ng silid niya si Rocco pero tulala pa din si Shane.
Maganda daw siya sa paningin ni Rocco?
Oo, alam niyang maganda siya. Madami na ang nag-alok sa kanyang mag-endorse ng mga beauty products ng iba't-ibang kompanya sa New York na hindi naman niya pinagkaabalahang tanggapin. Wala sa fashion industry ang kanyang interest. Masaya na siya sa trabaho niya sa negosyo ng pamilya niya. At nakapokus ang kanyang atensyon sa pagpapa-impress sa mga magulang na kinalaunan ay binaligtad nalang niya upang mas makuha ang atensiyon ng mga iyon.
Pero kaiba ang dating ng papuring iyon sa kanya ni Rocco. Parang may init na hatid sa kanyang puso ang komento nito. Init ba dahil ramdam niyang sinsero ang papuri at di upang pasiyahin siya? O init dahil alam niyang naglandas ang mga mata nito sa hubad niyang katawan?
Sa isiping iyon ay naipilig niya ang kanyang ulo at ipinasya nang ayusin ang sarili. Dumadalas na yata ang pagpapantasya niya kay Rocco.
Aba! Mahiya-hiya naman siya. Kinukupkop na nga siya nito ay pagnanasaan pa niya ito. Paano pala kung may girlfriend na ito? Lalagyan pa niya ng komplekasyon ang lovelife nito.
Sa isiping iyon ay bahagyang lumamlam ang pakiramdam niya.
Nawala din sa isip niya ang tungkol sa mga babae sa buhay nito, pero lagi naman kasing ‘single’ ang status nito sa Facebook eh!
WALA sa kusina si Rocco nang bumaba si Shane roon, pero maayos na nakahanda ang mesa para sa almusal. Siguro, naghahanda pa ang binata sa pagpasok sa trabaho. Mamaya ay kukulitin niya itong kunin siyang assistant nito sa naturang flower plantation na mina-manage nito.
Dahil walang juice sa mesa ay nakialam na siya sa kitchen. Hindi siya maaaring mag-almusal na walang orange juice. Nangangasim kasi siya sa kape.
Nakakatawa na mas nangangasim ang sikmura niya sa kape kesa sa orange juice. Mabuti nalang at may stock si Rocco. Habang ginagawa niya iyon ay pakanta-kanta pa siya sa lababo.
Maganda kasi ang gising niya ngayon. Magandang-maganda dahlia ng unang nabungadan ng kanyang mga mata sa pagmulat noon ay walang iba kundi ang gwapong si Rocco.
'If I could wish for one thing,
I'll take the smile that you bring...
Wherever you go in this world
I'll come along.
Together we dream the same dream
Forever I'm here for you,
Your here for me,
Oh woh oh oh
Two voices, one song...
Todo birit si Shane na nakapikit pa habang hawak ang kutsara na ginawang microphone nang marinig niya ang eksaheradong palakpak mula sa pinto ng dining area.
Nang magmulat siya ng mga mata ay nabungaran niya ang gwapong mukha ng nakangiting si Rocco. Napapahiya namang tumalikod siya rito. Sa panahong nagkasama sila noon ay hindi siya nito narinig na kumanta dahil hindi naman siya showy sa angking talento.
At sa sobrang ganda ng gising niya ay lumabas na ang kabaliwan niyang natunghayan pa ng binata.
Nakakahiya!
"What song is that? Bakit parang hindi ko pa iyon naririnig?" tanong nito na lumapit sa kanya sa lababo at sumandal roon.
Kinalma niya ang sarili. Sa sobrang lapit nito sa kanya, idagdag pa na ang fresh-fresh ng amoy nito, pakiwari niya'y hindi na naman gagana ng matino ang utak niya.
Pwede rin naman na nagma-malfunction talaga ang utak at mga nerves niya kapag nasa malapit lang ang binata. Kunsabagay, noon pa man ay ganon na ang epekto nito sa kanya. Ano pa bang bago?
"Hindi mo yun alam? Kawawa ka naman. That's Barbie's Two voices one song."
Umawang ang bibig nito sa pagkamangha. Natural na ganoon ang maging reaksiyon nito. Sino ba ang makapagsasabing sa edad na biente tres ay Barbie addict pa din siya?
Well, music lang naman ang kinahuhumalingan niya roon.
Okay! Inaamin na din niya na kung minsan ay kilig na kilig siya sa movie ni Barbie. Talaga lang sigurong may pagka-childish siya.
"You're kidding, right?" tanong ni Rocco matapos makabawi.
Natatawang tinikman niya ang tinimplang orange juice. "I am not." tugon niya.
Matapos makampante sa lasa noon ay binitbit na niya ang pitsel sa dining area. Sumunod sa kanya si Rocco na naupo na din sa tabi ng silyang inupuan niya.
"Sa tanda mo nang iyan, nanonood ka pa din ng... barbie?" Hindi makapaniwalang tanong nito na sinimulang kumain.
"Anong masama roon? Ikaw nga, sa tanda mo ng iyan, nanonood ka pa din ng anime. Twenty-seven ka na, di ba?" Nakasimangot na kinagat niya ang sandwich na ginawa nito para sa kanila.
"Paano mong..." Nabitin ang sasabihin nito at naghihinalang tinitigan siya.
"Wala akong pinakialaman sa mga gamit mo. Naintriga lang ako sa DVD rack mo sa sala kaya sinilip ko kagabi bago ako dumiretso sa silid ko. Nakita ko lang ang collection mo ng mga anime DVD's." paliwanag agad niya bago pa ito magtanong.
"Oh!" Naiiling na itinuloy nito ang pagkain. "Anyway, tutal may talent ka pala. May i-ooffer ako sayong trabaho."
"Ano?" tanong niya pero nahuhulaan na niya ang suggestion nito.
"Since I'm a song writer, pwede bang kantahin mo ang mga master piece ko? You'll gonna be my singer."
Nginitian niya ito. "Piece of cake." tugon niya. "Pero ayoko ng ganoong trabaho. Mas gusto kong maging assistant mo."
'Para lagi tayong magkasama, twenty four-seven.'
Napangiti siya sa huling naisip. Matagal na niyang alam na may talent siya sa pagkanta pero wala siyang balak na i-expose iyon. Hindi naman kasi ganoon kataas ang level of confidence niya. At isa pa, ang mission niya ngayon ay ang ubusin ang oras sa tabi nito. Wala naman kasing kasiguraduhan ang pananatili niya sa bansa.
Alam niyang isang araw, kapag na-track siya ng mga magulang ay aalis siya muli sa buhay ni Rocco. Pero bago iyon ay gusto muna niyang makasama ito sa bawat araw na nandito siya sa bansa. Dahil ito lang ang pagkakataon niyang makasama ito at di niya dapat sayangin ang bawat sandali.
Ipinagtataka niya lang kung bakit hindi siya kinokontak ng mga magulang. Siguro nga ay wala ng pakialam ang mga ito sa kanya. Lalo lang siyang nakadama ng lungkot. Mukhang mapapatunayan nga niyang wala siyang halaga sa mga ito.
"But why? You have a great voice, Shane. I can assure you na mas malaki ang kikitain mo sa pagkanta kesa pagiging assistant ko sa plantation." pangungumbinsi ni Rocco sa kanya.
Kusang kumurba ang galak sa puso niya. Rocco starting to see her in a new light.
How touching naman!
'Gaga! Kahit naman sino sa mga kaibigan mo ay sinasabi iyan kapag naririnig kang kumanta.'
'Pero iba pa din kapag si Rocco ang nagsabi.'
"All right! Kakantahin ko ang mga sinulat mong kanta kapalit ng pagtira ko dito. Pero gusto ko pa ding magtrabaho sa plantation na pinagtratrabahuhan mo. Is that a deal?"
"Bakit ba gusto mo pang magtrabaho sa plantation?"
"Eh bakit ba parang ayaw mo akong magtrabaho sa plantation?" balik-tanong niya rito.
'May itinatago ka ba doon?'
"Kasi... kasi malayo iyon dito. Probinsiya iyon. You're a city girl, and I don't think you can adopt to the environment. At ang kailangan ko'y pangmatagalang assistant. A very efficient one."
'Very efficient?'
"Ouch!" eksaheradong bulalas niya. Sa tingin ba nito'y hindi siya effecient? "Sinasaktan mo ang damdamin ko, Rocco. Hanggang ngayon, hinuhusgahan mo pa din ako base sa impression na ipinakikita ko." naghihinanakit na saad niya.
"Hindi naman sa ganoon.” Lumambot ang ekspresyon ng binata.
Sa loob niya ay nangingiti na siya. Tulad pa din pala ng dati, benta pa din rito ang mga pagtatampo niya. Kaya nga masarap itong lambingin e. Suplado mang tingnan pero alam niya kung gaano kalambot ang puso ni Rocco.
“I knew you did great with your work. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Baka naman kaya mo lang gustong magtrabaho doon, dahil kailangan mo ng pera. Kaya nga ini-ooffer ko sayo ang mas magaan na trabaho."
Napaglubag na agad nito ang kanyang pakiramdam dahil sa sinabi nito. Concern din naman pala si Rocco sa kanya kahit papaano. Pero mas gusto pa din niya na kasama ito, twenty four-seven.
Walang pakialam sa mundo na dumikit siya kay Rocco na nasa tabi lang niya at naglalambing na humilig sa balikat nito. Pagkuway malapad ang ngiting tinunghayan ang binata. Ang sarap talaga sa pakiramdam na nagagawa niya ang tulad ng dating simpleng paglalambing niya rito.
“Sinasabi ko na nga ba na hindi pa naglalaho ang dating Rocco na kilala ko.” Lumabi siya sa binata. “At dahil diyan…”
Tumusok si Shane ng hotdog mula sa serving plate at iniaro sa bibig ni Rocco. Nang hindi bumuka ang bibig ng binata ay ikinaway-kaway niya ang nanlalambot na hotdog sa harapan nito. “Say ‘Ah…’ ”
“Ano bang ginagawa mo Shane?” nakaigkas ang kilay na tanong nito.
“Nagte-thank you lang ako. Tanggapin mo na ito.” At muli niyang ikinaway-kaway ang hotdog na nakatusok sa tinidor niya.
“Ang kulit mo pa din.”
“Ang suplado mo pa din.” Ganti naman niya. “Sige na o, baka magtampo si hotdog.”
Naiiling na ngumanga si Rocco.
“O, ikaw naman. Hindi ka ba magwe-welcome?”
“Ha?” takang-tanong nito.
“Di ba, kapag nag-thank you, dapat mag-welcome bilang sagot. So, by saying welcome, dapat susubuan mo din ako. Kaya sige na, subuan mo na ako.”
Ngumisi siya nang sandaling sumimangot ito.
“Gusto mo lang palang magsubuan tayo, ang dami mo pang palusot.” Reklamo nito. Pero inabot rin naman ang sariling tinidor. “Anong gusto mong kainin?”
Ang lapad na ng ngiti niya habang itinuturo ang ham sa harapan nila. Napuno ng halakhakan ang almusal nila at masasabi ni Shane na sa loob ng halos anim na taon ay ngayon nalang ulit siya naging masaya sa harap ng pagkain. Ngayon nalang ulit naging kaimbi-imbita ang almusal sa umaga.
Because it was really inviting to dine with Rocco.
HINDI birong kaba ang dinadanas ni Shane habang nakasakay sa passenger seat. At iyon ay dahil papunta sila sa isang sikat na recording company sa bansa na kilala ni Rocco ang may-ari. Siguro naman ay tama lang ang kanyang nararamdaman. Binigla siya ni Rocco. Hindi naman nito sinabi sa kanya na dadalhin siya nito sa isang recording company para mag-audition. Ang alam niya, kakantahin niya lang ang mga isinulat nitong kanta. Sila mismo ang magre-record at ito na ang bahalang mag-submit ng kopya sa anumang kompanyang nais nitong pagpasahan noon.
Pero kanina, matapos mag-almusal at magrehearse ng kaunti ay pinapag-ayos agad siya nito at may pupuntahan daw sila. Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataon na makapagprotesta man lang. Nang tanungin niya ito kung saan ba sila pupunta habang sakay na ng kotse nito ay saka lang niya nalamang sa M-Records sila pupunta para makapag-audition siya. Wala na ding silbi na magprotesta siya dahil buo na ang pasya nito.
"Don't you think it's too early for this, Rocco? Hindi man lang ako nakapag-rehearse ng ayos at─"
"Don't worry your pretty head, my darlin'. You have a beautiful voice and all you have to do is trust yourself." buo ang kompiyansang saad nito.
'Baka lang naman makakalusot.'
Hindi pa nangyaring kumanta siya sa harap ng iba. Oo, may pagkamakulit siya minsan, at kung titingnan ay isa siyang secure na tao. But no one knew na hindi buo o umabot man lang sa 50% ang level of confidence niya para ilabas ang totoong siya. Kaya nga kanina ay hiyang-hiya siya sa sarili na natunghayan ni Rocco ang kabaliwan niya sa pagbirit. Hindi naman niya akalain na bigla itong susulpot sa dining area.
She used to appear bubbly just to cover her nervousness and inferiority. Inferiority na nakuha niya sa kanyang pamilya. Because even though she did her very best in everything just to level with her siblings, still, she failed. Paano ba magbo-boast ang kanyang confidence kung ang inaasahan niyang susuporta sa kanya ay wala ding pakialam sa kung anong taglay niya?
Pagkarating nila sa building ng Recording company ay tumuloy sila sa opisina ng kaibigan ni Rocco at ipinakilala siya bilang isa din sa mga kaibigan nito at nais mag-audition.
"Try her, Ferroh. She had a beautiful voice, I swear you'll like her." sabi pa rito ni Rocco.
"But I like her already." tugon naman ni Ferroh na hindi inaalis sa kanya ang paningin.
"Oh dude!" Marahas na tinapik ni Rocco sa braso ang kaibigan. "Alam mong hindi ang iniisip mo ang tinutukoy ko, right?"
Sa hitsura ni Rocco ay nahuhulaan niyang nais nitong pagsisihan na dinala pa siya roon ng binata. Nagdidilim ang mukha nito na hinila siya palayo kay Ferroh na kanina pang todo hagod sa kanyang kabuuan. Nais na nga niyang kilabutan sa paraan nito ng pagtitig sa kanya.
Yumakap si Shane sa bewang ni Rocco at dagli namang pumrotekta ang isang bisig nito paikot sa likod niya. Bukod sa kinakabahan siya sa paraan ng pagtitig ni Ferroh sa kanya, kinakabahan rin siya sa mga maaaring mangyari sa mga susunod na sandali. And the only thing that keeps her standing was the truth that Rocco’s presence was as if something that gave her energy enough to stand in front of this Ferroh guy.
“Relax, darling. I’m just here. Mukha lang nakakatakot si Ferroh pero hindi naman siya nangangagat.” Pabulong na pagbibiro sa kanya ni Rocco.
Tumango siya sa binata nang hindi inilalayo ang katawan sa katawan nito. She loves the warmth he was giving her. At masyado siyang occupied ng damdamin na iyon para intindihin pa ang paligid.
“Let’s go nalang kaya, Rocco?”
“Come on, sweet. Andito na tayo. Ngayon ka pa magyayayang umuwi? Besides, this one won’t hurt you. Kahit gusto na kitang iuwi para mailayo na kita sa mga mata ng isang iyan, mali naman na palagpasin natin ang chance mo na ito. Nandito lang ako at di kita pababayaan.”
Bahagya nitong pinisil ang braso niyang gusto nang manlamig dahil bumalik na naman ang kaba niya sa napipintong biglaang performance. At kung hindi pa siya nababaliw, tamang isipin na naramdaman niya ang labi nito sa tuktok niya. Siguro naramdaman nito ang kaba niya. And it somehow his way to ease her nervousness.
"All right. Let's try her."