MASAMA ang gising ni Theron. Paano, ilang araw na siyang nagliliwaliw sa kabilang dimensyon pero hindi pa rin uli sila nagkikita ni Lori. Kung minsan, inihahain niya nang sadya ang sarili sa mga astral vampires. At sa pagtataka niya, maski wala siyang protection spell, hindi siya nilalapitan ng mga iyon.
Naiinis na siya sa sarili. Ganoon ba siya kadesperadong makita uli ang babaeng bampira para ipain ang sarili sa mga kalahi nito?
“Damn her!” gigil na singhal ni Theron at bumaba ng kama. Katanghalian at naisipan niyang mag-OBE kaya umuwi siya maski marami namang trabaho. But he was the boss. Hawak niya ang sariling oras.
“Willing na nga akong magbayad ng utang, `tapos ako pa ang iindiyanin niya?” himutok pa rin ni Theron habang umiinom ng malamig na tubig.
Hindi na niya eksaktong alam kung ano ba talaga ang ipinagngingitngit niya. Ang hindi siya nakabayad ng utang o ang hindi niya nakita si Lori?
Nagdesisyon na si Theron. Mamaya ay kakausapin niya si Scylla—ang girlfriend ng kapatid ni Lori. Kailangan niyang makilala nang husto ang babaeng bampira sa kanyang sariling paraan. Kung bakit niya ginagawa iyon, hindi rin alam ni Theron ang eksaktong dahilan. Maybe he was just hooked with her charm.
Or maybe, he wanted to know kung talaga bang safe makipaglapit sa tulad ng mga ito.
“DAMN IT!” Naihampas ni Theron ang palad sa ibabaw ng mesa ni Scylla.
“Kumalma ka nga, Theron!” saway ng dalaga sa kanya. “Nasa paligid lang ang astral ni Lathan. Naririnig ka niya at sinasabi ko lang naman ang mga ibinubulong niya sa akin.”
Yes, he knew. Nararamdaman niya ang malamig at nakakakilabot na aura ng bampira pero wala siyang pakialam. He needed the info and not the vampire’s opinion.
“Labas si Lathan dito, Scylla,” giit niya. Ito ang babaeng kauna-unahan niyang nagustuhan ng totohanan. He was playing with those women who flirted with him. Pero nang dumating si Scylla, nagtino na siya. Too bad, she wasn’t made for him.
Anyway, si Lori ang center of attention niya ngayon. The vampire woman was playing hide and seek with him. Sinabi nitong maniningil ito, pagkatapos ay heto at hindi nagpapakita sa kanya.
“Kapatid niya iyon. Karapatan at tungkulin niyang protektahan ang bunso nila.”
Nagtagisan ang mga bagang ni Theron sa narinig. “Protektahan? Kanino? Sa akin?” Mapaklang ngumiti ang binata. “Baka nakakalimutan mong ordinaryong tao lang ako. At sila ay mga bampira. Mas malalakas pa rin sila kesa sa akin. Pwede nilang mabali ang spell at chant na nagagawa ko.”
Natahimik si Scylla. Nakatitig sa kanya. May takot sa mga mata nito at nararamdaman niyang sinasabi nitong manganganib siya kung itutuloy niya ang gusto.
Eh, ano?
He was already living in a danger zone for almost a decade. Ilang beses na ba siyang nanganib sa kakatawid niya sa kabilang dimensyon para lang akuin ang unfinished business ng Lolo Haji niya? Lori wouldn’t cause him that bad. Lalo pa at mukhang source of food lang naman siya para sa babaeng bampira. At least, ito lang ang kakain sa kanya.
Yes. Scylla told him that Lori had branded him as hers so no one will going to eat in him aside from her. Ang nakapagtataka lang, hindi niya ito nakikita sa kanyang mga panaginip kapag nasa state of lucid dreaming siya o iyong pagkontrol sa sariling panaginip. O kahit sa pag-o-OBE niya.
“Better not to indulge yourself too much, Theron. Maniningil si Lori sa `yo kung kailan niya gusto. So, you should go back to your real life now. Live like nothing happens.”
Hindi makapaniwalang tumitig si Theron kay Scylla. “Are you telling me to forget her? Pretend like I didn’t meet her? Oh, come on! Nagawa mo ba `yan no’ng nakilala mo si Lathan?”
Hindi niya gustong sumbatan ang kaibigan. Pero higit kanino man, ito ang mas dapat na nakakaintindi sa kanya. Kaya lang, bakit ganito?
“What are you really up with?” mahinahong tanong ng dalaga. “Kailan mo lang siya nakaharap, Theron. Bakit kandakumahog kang alamin ang mga bagay-bagay tungkol kay Lori?”
“Gusto ko siyang kilalanin nang husto.”
Bumuga ng malalim na hininga si Scylla. “If you think that you two will end up like us, well, think again. Iba kami ni Lathan. Iba kayo ni Lori.”
“Oh, sure,” sarkastikong sambit ni Theron. “Talagang iba kami. Hindi ako nanggagaya ng love story ng iba. And besides, gusto ko lang namang makilala si Lori nang maayos at baka kapag close na kami, matulungan niya ako sa misyon ko.”
Oh! That was a pathetic alibi.
Pero kailangan niyang sabihin iyondahil baka magbago ang isip ng dalawa at hindi na siya pigilan sa paghanap kay Lori.
Asar na tumalikod na si Theron at iniwan si Scylla. Sina Scylla, rather. Dahil damang-dama niya ang malamig at nakakahindik na presensiya ni Lathan sa loob ng opisina ng dalaga. Ramdam niya ang galit ni Lathan sa biglaang pagsulpot niya roon at ang pangungulit ng impormasyon.
Ah, hindi siya natatakot sa bampira.
“Please, Theron. Better not indulge yourself into someone from the other world. You should not mess with them. Masyadong mapanganib.” Narinig niya ang himig pag-aalala ni Scylla.
It calmed his annoyed nerves. Pero hindi iyon sapat para huminto siya sa kanyang balak gawin.
“Thanks for the concern, darling. But it’s too late. I’m hooked up with her glorifying gorgeousness.” At saka ito nginitian ng may assurance.
Hindi alam ni Theron kung bakit ganoon na lang ang pag-aalalang bumabaha sa mga mata ni Scylla habang nakatitig sa kanya. Something was wrong. Something was weird. At kailangan niyang alamin kung anuman iyon.
Papaliko si Theron sa may hallway papuntang elevator na confused pa rin. Ni hindi niya napansin ang humahangos na babae kaya hindi rin naiwasang mabunggo ito. Tumilapon ang folder na dala ng dalaga. Kasabay ng pagbagsak din nito sa sahig.
Akmang tutulungan niya ito nang magsalita sa napakalamig na boses.
“I can manage. Thank you.”
Kilabot at init ang biglang dumaloy sa mga ugat ni Theron pagkarinig sa boses. Nakakaramdam siya ng kakaibang aura mula sa babae. Siya lang ba ang nakakapansin na parang biglang naging unusual ang pagbaba ng temperatura sa paligid? Fully air-conditioned ang building pero limang ulit yata ang naging lamig ng pakiramdam niya, lalo na nang humarap sa kanya ang dalaga.
Maputla ito. Iyong tipong may sakit at hindi lang dahil sa sobrang kaputian. At nang tumitig ito sa kanya, para bang may kumislot sa loob ng dibdib niya. Magkasabay na naramdaman ni Theron ang familiar warmth at kilabot na naramdaman niya nang titigan siya ng ganoon ni Lori.
“Lori?”
Gustong ipilig ni Theron ang sariling ulo. Hindi ito kamukha ni Lori. At imposibleng si Lori ito dahil astral vampire iyon. Masusunog ang bampira kapag lumabas na hindi pa nagtatago ang araw.
Pero bakit ganito? Bakit nararamdaman niya ang aura of darkness kasabay ng nagtatalong init at lamig? Mga damdaming una niyang naramdaman nang makaharap niya si Lori.
“Excuse me? I’m not Lori.” Nakatikwas ang isang kilay na sambit ng dalaga. Pero hindi pwedeng magkamali si Theron. Nakita niyang nakiraan ang pagkabigla sa malamlam nitong mga mata. “And mind you, hindi mo ako makukuha sa ganyang paraan ng pag-alam sa pangalan ko.” Saka ito deretsong naglakad palayo sa kanya.
Napasunod na lang ang mga mata ni Theron sa dalaga. Maindayog ang mga balakang nitong hapit sa fitted mini black corporate dress. Nag-complement tuloy ang kulay ng suot nito sa maputlang kutis. Makikinis rin at mahahaba ang mga legs nito at hindi niya mapigil ang sarili na mahinang mapasipol.
Shame on him! He was getting pervert!
Get a grip, Theron!
Kung bakit ba naman kasi, bigla-bigla ay nakakaramdam siya ng mga ganoon. Bigla-biglang nabubuhay ang kanyang makamundong bahagi sa hindi niya inaasahang pagkakataon. Katulad noong kaharap niya si Lori. Hindi naman siya perverted na nilalang, pero bakit ganito? Normal ba iyon sa isang tao? Parang animalistic ang pakiramdam.
Unti-unting nawawala ang nakakapangilabot na aura nang tuluyang makalayo ang babae at mawala sa mga paningin niya. Pero ang init na dumadaloy sa buong senses ni Theron ay nananatili pa din. Paulit-ulit na nagpa-flash sa isip niya ang magandang mukha ng babae at ang paraan ng pagtitig ni Lori sa kanya. Kung bakit niya naiisip ang bampira sa babaeng iyon, hindi rin niya alam.
Ano ba ang nangyayari sa kanya? Ganoon ba siya ka-hook sa bampira para makita na lang ito sa kung kanino? At bakit worldly thoughts ang pumapasok sa kanyang isip kapag naiisip ang bampira?
“Ah! No. There was something with that woman. Was she a day walker or what?” Muling pagbabalik atensyon niya sa nakalayo nang babae.
Nakakapanindig-balahibo ang aura niyon at sigurado siyang kung hindi ito elemento ay bampira.
At bago pa ma-realize ni Theron ang ginagawa ay naglalakad na pala siya papunta sa daang dinaanan ng babae. Sigurado siyang kung hindi ito si Lori ay hindi rin ito ordinaryong mortal. Dahil walang ordinaryong tao na magkakaroon ng ganoong uri ng nakakakilabot na aura.
Malayo na ang babae pero tuloy pa rin si Theron hanggang sa marating nito ang café sa floor na iyon. Naupo ang dalaga sa isang mesa na may isa ring lalaking naka-corporate attire. The man was handsome. Empleyado ba iyon ng magkapatid na Montealto? Pag-aari nina Scylla at Timothy ang building at wala namang ibang nandoon kundi business ng mga Montealto.
At sino ang babaeng `yon?
“WHERE the hell are you, Lathan?! Palayuin mo nga ang Theron na iyon, sa akin!” Mura ni Scylla sa kapatid habang kinokontak ito ng kanyang isip.
Malamang na nagpapakasaya na naman iyon sa astral plane kasama ang girlfriend nito.
Damn it! Kaya nga ba ayaw niya sa ideya na ma-in love ang kapatid sa mortal. He didn’t care about their security as long as he was happy with his woman.
Pero sige na. Magbibigay na siya. Tutal, saglit lang naman ang buhay ng mga tao. Ano ba iyong ibigay niya ang pinakamaligayang mga dekada ng buhay ng kapatid?
“Hello, Ms. Castellejo.” Matamis na ngumiti sa kanya ang gwapong lalaki.
Gustong umismid ni Lori pero pinigilan niya ang sarili. He needs him so she will play with him. She knew he was trying to charm her. And with that looks, siguro kung ang totoong tao ang kaharap nito ay baka nga naakit na iyon.
But she was Loridee Anne Monfort, possessing Marjayrie Castellejo’s body, an heiress who was sick, so badly. Napakayaman at kayang bilhin ang property na kailangan niya sa kahit na gaano kataas na halaga.
Yes, she can possess somebody else. Bagay na hindi kayang gawin ng iba pang mga astral vampires dahil iba siya sa mga iyon. At wala naman sana siyang balak na gawin iyon kung hindi lang dahil sa tawag ng pangangailangan.
Nitong nakaraang buwan ay may dumalaw sa madilim na mansyon kung saan nagkukuta ang pamilya Monfort. Sa pandinig nila, alam niyang nagbabalak ipagbili ng may-ari ang property. At kung may magkagusto ngang bumili niyon, siguradong ipapa-renovate. Kailangan nilang umalis.
Tutol na tutol sa ideya si Lathan. Siyempre pa, mapapalayo ito kay Scylla. Kaya bago pa mangyari ang iniiwasan nilang mangyari ay nag-isip na siya ng paraan. Ayaw ng mga magulang niya na manggamit siya ng ibang tao pero sa mundong ito, kailangan nilang maging tuso para mag-survive.
Naghanap siya ng taong pwedeng i-possess, to buy the property at ipangalan sa non-existing person, named Loridee Anne Monfort. Madali na lang ayusin ang mga papeles para sa existence niya. Ang mahirap kausap ay ang tagapagmana ng nasabing property. Ang Mr. Jerome Carriedo na ito. Dalawang linggo na siyang pahabol-habol at pinepeste ng tinamaan ng lintik! Nakakaganti lang siya rito kapag napapasok niya ang panaginip nito at humihigop ng enerhiya.
“So, what now? Name your price, Mr. Carriedo?” Nagkumahog siyang makarating sa Montealto building dahil sabi nito ay may ka-meeting ito roon at kung gusto siyang makausap ay sundan niya.
Nakakainis! Pero kailangan niyang pagtiyagaan.
Ramdam ni Lori na may paparating. At kahit hindi niya lingunin ay alam niyang si Theron ang papalapit sa kanya. Dama niya ang malakas na enerhiya at aura mula rito. Naaamoy rin niya ang nakakatakam na blood energy ng lalaki. At kung nalalaman lang ng walanghiya kung paanong pagtitiis ang ginagawa niya para lang mapigilang lapitan ito ay kumain dito.
Tapos ngayon ay heto at lumalapit pa sa kanya?
“I told you, nagbago ang isip ko. Hindi ko na ipagbibili ang mansyon, Ms. Castellejo.”
Damn you! I’m going to kill you!
Gusto niyang isigaw sa pagmumukha ng lalaki.
Naipaikot ni Lori ang mga mata paitaas. “Come on, Mr. Carriedo. Stop playing games with me. Alam kong kailangan mo ng pera dahil nalulugi na ang business mo. Ipinagbibili mo na nga ang mga assets mo sa stock market, hindi ba?”
Sandaling nagtiim-bagang ito at napangiti sa sarili si Lori. She knew she hits his ego. But hell, wala itong maipagmamalaki sa kanya kaya `wag na `wag siya nitong ginagago ng ganito.
Pero kung nasaling man niya ang pride ng lalaki ay mabilis ding nakabawi. Ngumisi ito sa kanya.
“Yes.” Puno ng kumpiyansa ang tono nito. “But not that one.”
Damn it!
“Triple ng presyo ko ang presyo ng nabubulok mong property. Bakit ayaw mo pa ring ipagbili?!” Hindi napigil ni Lori ang magtaas ng boses.
Naiimbyerna na talaga siya sa walanghiyang lalaki. At sa lalong pagkainis niya ay umigkas pa ang gilid ng labi nito sa paraang napapangisi.
“That makes me think, Ms. Castellejo.”
Wala sa sinasabi ni Jerome ang utak ni Lori. Sa peripheral vision niya ay nakita niyang naupo si Theron sa isang mesa malapit sa kanila.
What he was up to?
At paano siya nito nakilala?
Oh, hell! Ganoon ba kalakas ang kakayahan nito? Baka matuklasan rin nito pati ang hiwaga ng totoong siya.
Imposible. Kung siya nga ay nalilito na rin sa kung sino ba siya. Kung ano ba talaga siya. Kasalanan ng mangkukulam na si Astryd. Kung hindi nito binuksan ang nilulumot na pahina ng buhay niya, hindi sana siya naguguluhan din sa sarili. Kakalimutan na sana niya nang tuluyan ang pinagmulan at mamumuhay na isang Monfort.
But damn Astryd for slapping her the reality. That she was not who she was.
“Are you still with me?” untag ni Jerome sa kanya.
Bigla tuloy napabaling si Lori sa lalaki. “Y-yes…” Halos nauutal na sambit ni Lori. Nawiwindang siya sa presensiyang hatid ni Theron. Humahalo iyon sa maalinsangang paligid. Umaatake ang pagkatakam niya sa blood energy at hindi magandang senyales iyon. Kapag hindi niya napigil ang sarili, baka bigla niyang iwan ang mahinang katawan ni Marjayrie at sunggaban si Theron.
She composed herself as far as she could. Walanghiyang lalaki ito! Pagbabayarin niya ito nang mahal mamaya.
“Well, what now? Bakit ganoon ka kainteresado sa nabubulok kong property?”
Bigla tuloy siyang naging alerto. He was fishing information, darn!
“Well, I like it. I like the place. Malawak ang solar at tahimik ang lugar. Pwede kong ipagiba ang mansyon mo at magpagawa ng bago.” Naghahamon ang tinig ni Lori.
Napatingin siya sa wrist watch. Malapit nang mag-alas-kwatro. Oras ng pag-inom ng gamot ni Marjayrie. In a while ay papasukin na ito ng private nurse nito sa silid. Kailangan na niyang matapos ang pakikipag-usap kay Jerome.
“Talaga ha? That’s clever.”
Oh, darn! Stop beating the bush, you idiot!
“I can buy it five times of the price.”
“Whooaah!” Eksaheradong sambit nito na namimilog pa ang mga mata. “You really fascinates me, huh, Ms. Castellejo. Ganyan ka kainteresado sa property ko?”
“Yes.” Walang-ligoy na sambit niya. Twenty minutes more to go. Kailangan na niyang makaalis. Malayo-layo rin ang lugar na iyon sa bahay ng mga Castellejo.
“Eh, paano kung hindi pera ang kailangan ko, Ms. Castellejo?”
Biglang nanginig si Lori nang maramdaman ang may pagnanasang titig nito sa kabuuan niya. She admits Marjayrie was really pretty. Matangkad ito, makinis at may magandang kurba. Kung hindi dahil sa pale complexion nito ay masasabi niyang papasa itong modelo.
Muling binuo ni Lori ang sarili at sinalubong ang mga titig ni Jerome. “Well, if that’s the case, let me think about it.”
Humalakhak si Jerome. “That’s my girl. You got it! Such a smart and pretty woman.”
Tumayo na si Lori na nasa katawan ni Marjayrie at inabot ang folder. `wag itong matutulog mamaya at sasairin niya ang kahit katiting na enerhiya ng manyak na ito!
“`Till next time, Mr. Carriedo,” malamig na sabi niya.
Ngumisi lang ang walanghiya.