NAPABALIKWAS si Theron. Pagod na pagod ang pakiramdam ng kanyang katawan. Bahagya pa siyang hinihingal na para bang sumali siya sa fun run. But then, he couldn’t help breaking into a smile. Paulit-ulit na nagpa-flash sa isip niya ang seductive na anyo ng bampirang si Lori at ang mas nakakaakit na hitsura ng dalaga nang mapasinghap ito sa mga banat niya.
Napailing si Theron at muling ibinagsak ang sarili sa kama. Iinom na lang siya ng energy drink at kakain ng marami para mabawi ang lakas. Kailangan niyang mag-ipon ng lakas sa muling pagkikita nila ng bampira.
“Damn!”
Gusto niyang murahin ang sarili. Who was insane now? Dati siyang suklam na suklam sa mga katulad nina Lathan tapos ngayon ay binabalak niyang makipagkita ulit kay Lori?
What the hell?!
But... But...
But she is seductively gorgeous…
NAPUNIT ang isang matipid na ngiti sa mga labi ni Lori habang pinapanood ang paghila ng silver cord ni Theron sa astral body nito. Gusto na lang niyang mapailing. Balak niya talagang sindakin si Theron pero sa malas, mukhang iba talaga ito sa karaniwan. Well, matagal na niya iyong alam.
Theron simply possess a one in a million kind of handsomeness. Matangkad ito at matikas ang pangangatawan. Mahahaba at matitigas ang mga braso. Maganda ang hulma ng shoulder blades. Brusko tingnan ang lalaki. Pero hindi kapag ngumingiti na ito. Hindi niya alam kung paano itong mabilis na nakapagpapalit sa iba't-ibang uri ng lalaki. One time he was like an easy man, the next time, he was not. He will look dignified, domineering and so full of himself.
Pero kapag ngumingiti ito, nawawala ang mga ganoong uri ng aura ng lalaki. He was simple yet glamorous. Taglay ni Theron ang uri ng karisma na magpapataranta sa nerves ng kahit na sinong babae. And she admit she was affected by his charm, effortlessly.
Hindi naman alam ni Lori na may gamit itong malakas na protection spell noong unang beses na tinangka niya itong lapitan. Kaya mahigit isang dipa palang ang agwat niya mula rito ay sumalya na siya kasabay ng pag-drain ng kanyang enerhiya. Oo, ganoon kalakas ang kaalaman ni Theron na halos mawalan siya ng malay sa pagka-drain ng kanyang lakas. Hindi pa naman siya katulad ng iba na may silver cord at hihilahin pabalik sa sariling katawan kapag nanghihina. Siya ang kusang babalik doon.
Ang silver cord ay isang makinang na kulay pilak na linya na binubuo ng mahiwagang enerhiya. Iba-iba ang kulay na tulad ng ball of aurae ng isang nilalang. At ang linya ay nakakonekta sa astral body papunta sa physical body. Sa kaso niya, wala siyang ganoon. Dahil... iba siya.
Papaalis na sana si Lori papunta sa astral plane nang may maramdamang kakaiba sa paligid. Lumatag ang nakakakilabot na aura at hindi siya pwedeng magkamali sa aura na iyon. Lalo at higit sa amoy na paunti-unting pumupuno sa paligid.
May Avergou na papalapit sa destinasyon niya!
Ang mga Avergou ay angkan na nagmula sa lahi ng mga Soul suckers. Ang lahing mahigpit nilang kakompetensiya pagdating sa pagkain.
Sa makabagong panahon ngayon, naglabasan na ang iba’t ibang uri ng bampira. Hindi na lang ang mga popular na Immortal Vampires ang nagliliwaliw sa kabilang dimensyon ng mundo. Katunayan ay naglaho na nga ang mga ito at nagpanibagong uri.
May tatlong uri ng bampira na ngayo’y nagpapakalat-kalat sa elemental na mundo at nakikigulo na rin sa realidad.
Ang una ay mga Sanguine Vampires o mga Sanguinarian, ang mga ito ay ang maalamat na bloodsuckers, pinakamakapangyarihan at pinakamapanganib na bampira, pero hindi na sa paraan na tulad ng alamat ng mga bampira. Hindi nagliliwaliw sa mundo ang mga Sanguinarian para humigop ng dugo ng mga tao. Ang mga bampirang ito ay nag-aanyong physical signs ng mga sakit na may kinalaman sa kakulangan ng iron at dugo sa katawan ng tao, na ang tanging gamot ay ang pagsasalin ng dugo sa biktima. Dahil ang dugo ng biktima ay sinisipsip na ng Sanguine na nasa loob ng katawan ng biktima. Poryphia ang isang halimbawa ng structure ng mga Sanguinarians.
Ang pangalawa ay mga Soul suckers o ang mga bampira ng kaluluwa, na humihigop naman ng kaluluwa ng mga tao. Ang uri ng mga ito ang garapalan at pisikalan kung kumitil ng buhay. Kapag na-establish ng mga ito ang eye contact sa biktima ay wala nang kawala ang biktima. Sa pamamagitan ng nakakarahuyong halik ay magagawang higupin ng Soul sucker ang kaluluwa ng biktima. Nag-aanyong kaakit-akit ang mga ito o di kaya ay kamukha ng kakilala ng biktima para mas madaling makakain. Pero kapag napunan ang pagkauhaw sa kaluluwa ay lalabas ang tunay na nakakahindik na anyo, partikular ang mabalasik na pulang mga mata ng mga ito.
At ang mga Avergou ang malakas na halimbawa ng ganitong uri ng bampira. Ang mga Avergou ang grupo ng makakapangyarihang Soul sucker ngayon. At patuloy sa pagpaparami ang Avergou clan. Ibig sabihin na dumarami ang mga ito, dumarami rin ang kakompetensiya nila sa pagkain. Dumarami rin ang mga dapat nilang paslangin. Higit sa lahat, mas tumataas ang posibilidad na maubos ang mga tao.
At ang ikatlong uri ay ang mga Astral Vampires o Dreamscape na tulad niya. Mga uri na sa panaginip ng mga mortal kumakain.
Dapat ay walang pakialaman ang tatlong uri ng bampira na nasa elemental na mundo. Pero dahil inuubos ng mga Soul suckers ang dapat sanay pagkukunan ng pagkain ng mga Astral Vampires, wala silang ibang pagpipilian kundi ubusin ang mga Soul sucker.
Kailangan din naman nilang mabuhay. Kung walang taong mananaginip, walang pagkain ang tulad nila. Kaya heto siya ngayon, isa sa mga kailangang pumrotekta sa mga taong pinupuntirya ng mga Soul suckers sa lugar na iyon, malapit sa mga bars and night clubs.
Kung tutuusin, sila na ang masasabing pinakamabuti sa tatlong uri ng mga bampira. Oo nga at nauuhaw rin sila sa dugo ng tao. Pero hindi sila literal na humihigop ng dugo dahil sa panaginip lang ng tao sila umiinom ng dugo. Nag-i-invade sila sa panaginip ng tao at kinokontrol ang panaginip ng mga iyon para makakain. Sila ang may kagagawan ng madidilim at nakakatakot na panaginip ng mga tao. Sa paggising ng biktima, makakaramdam ito ng pagod at kakulangan ng enerhiya pero mababawi naman iyon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na healthy living.
Hindi ba’t makatarungan pa rin naman ang paraan nila ng pagkain?
Tulad ng mga maalamat na bampira, hindi rin nila kayang lumabas at mabilad sa init ng araw. Masusunog ang mga balat nila. Kaya sa umaga, natutulog sila at nag-a-astral travel. Sa gabi, naglalamyerda at ginagawa ang misyon ng paghuli sa mga Soul suckers. But when they find out that the coasts were clear, bumabalik sila sa pagtulog para kumain.
Pero may nakilala siyang astral traveller na mangkukulam. Yes. Pati mga witch ay kaya ring mag-astral travel. May ibinigay ito sa kanyang isang bagay na mapapakinabangan niya. Ipinagtataka rin ni Lori kung bakit alam ng mangkukulam na hindi siya ordinaryong astral vampire. Na nanghihiram lang siya ng katauhan. Pero binalewala niya iyon. Mas mahalaga ang mapapakinabang niya rito kesa alamin kung bakit parang kilalang-kilala siya ni Astryd, ang mangkukulam.
“This thing is really great.” Sandaling binalingan ni Lori ang isang gold ring band na may nakaukit na kung ano-anong letrang Latin na hindi niya maintindihan, sa kanang palasingsingan. Ang anulum commode. Napakaraming pakinabang ng singsing na iyon na ibinigay ni Astryd. Mga kakayahang wala sa kanya pero nasa mga astral vampires.
Eh, kasi, iba nga siya.
Iniangat ni Lori ang kanang kamay at itinapat sa lugar kung saan niya nararamdaman ang mapanganib na Avergou. Sandali pa at nakikita na niya ng maliwanag ang isang babaeng naglalakad sa madilim na eskinita. Mukhang galing ito sa trabaho base sa porma nito. Pero hindi napanatag si Lori. Nararamdaman pa rin niya ang isang Avergou. At sigurado siyang ang babaeng iyon ang sinusundan ng Soul sucker.
Tumalon palapit sa daraanan ng babae si Lori. Nakalutang siya sa tapat ng malaking puno ng balete sa dulo ng eskinita. Nasa astral form siya ngayon kaya siguradong hindi siya makakalaban sakaling may sumunggab sa mortal. Kaya mula sa isip ay tinawag ni Lori ang isa sa mga kapatid.
“Kailangan kita rito, Azriel,” matigas at may diing sambit niya sa kapatid. Alam niya sa sarili na hindi siya makakalaban ngayon. At hindi niya pwedeng ipanguna ang pride kung maisasaalang-alang ang kaligtasan ng mortal.
“That’s your designated area.” Sa isip ni Lori ay nakikita niyang tumitikwas ang gilid ng mga labi ni Azriel.
Dahil patuloy sa pagdami ang mga Avergou, kung saan-saang lugar din namemeste ang mga ito. Kaya napagdesisyonan ng mga Monfort na hatiin sa bawat isa sa kanila ang mga matataong lugar doon sa siyudad sa pagsapit ng gabi. Pero parati na ay bina-back-up-an siya ng mga kapatid kapag alam ng mga itong hindi niya kaya ang kalaban.
Yes. Alam niya na sa likod ng pagtanggi ni Azriel ay nakatago ang pagkukunwari. Somehow, they were giving her the feels of pride when she asked help. Alam niyang ipinaparamdam lang ng mga ito na may tiwala sa kakayahan niya ang mga kapatid. But she knew very well that deep inside them, they don’t want her to fight or get near from any Soul suckers. Lalo na noong mapasakanya ang anulum commode. Ayaw ng mga ito na ipahamak niya ang sarili, yet, they were giving her the dignity to show she was not that weak. At alam naman ng mga ito na hindi siya ma-pride na nilalang. Alam niya kung kailan dapat humingi ng tulong.
Just like now.
“Yes! Pero nasa astral form ako… aw!”
Napasingasing si Lori sa init na hatid ng singsing. Iyon ang palatandaan na malapit na ang paparating na kalaban. At kung gaano iyon kalakas ay ganoon din katindi ang inilalabas na init ng singsing.
“Okay. I’m coming.”
Iyon lang at naramdaman na ni Lori ang malamig na aura ng kapatid. Humahalo iyon sa nakakasindak na aura ng isang malakas na Avergou. She knew it. Kunwari lang ang pagtanggi ni Azriel pero alam niyang nasa paligid ito at nakaalalay sa bawat kilos niya. Hanggang kailan nila gagawin iyon? Making her feel they believe in her ability yet secretly protecting her. Na alam niya kung bakit.
They don’t want another dead Lori.
Painit nang painit ang singsing sa kanyang ring finger. Katunayan na iilang metro na ang layo ng Avergou. Gustong mapahiyaw ni Lori sa hapdi at sakit na hatid ng singsing ni Astryd.
Iyon ang disadvantage ng singsing. Napakarami mang pakinabang n’on sa kanya, halos patayin naman siya sa sakit kapag nararamdaman ng singsing ang isang makapangyarihang kalaban.
“Ouch!” Kagat ang labing daing niya na iwinagayway sa hangin ang kanang kamay.
Sandali pa at nakikita na niya ang Avergou. Na mabilis na nawala nang madaklot ni Azriel. Nagpambuno ang mga ito sa mas madilim na parte ng lugar. Unti-unti na ring humuhupa ang init na dala ng singsing. Ibig sabihin ay nababawasan ang lakas ng Avergou na siyang kalaban ngayon ng kapatid. Nakahinga rin siya nang maayos nang makitang kasama na ng babaeng mortal ang kung sino at pumasok sa isang tenement building.
Nagsimula nang lumipad si Lori papunta sa paborito niyang astral plane. Bigla siyang ginutom. Kakain muna siya sa mga astral traveller na nagliliwaliw sa astral plane.
Ang mga Astral Vampires na tulad niya ay masasabing may special bond sa mga tao. Sila rin kasi ang mga image sa panaginip ng mga tao na nakakalimutan ng mga ito sa paggising.
As for the astral travellers, sa totoo lang, walang problema sa mga astral travellers kung nasa astral plane ang mga iyon dahil mas madali nga para sa mga Astral Vampires na tulad niya na kumain kung nasa astral plane ang mga ito. Para isang bagsakan na lang.
Pero kapag may astral body na nagpapakalat-kalat, nagkakaroon sila ng problema. Madali kasing manganib ang isang astral body kung wala sa astral plane. Madaling mabibiktima ng mga Soul suckers. Kung nasa astral plane ang isang astral body, hindi iyon mapapakialaman ng mga Soul suckers dahil may pumoprotekta sa astral plane. Ang mga tulad lang nilang Astral Vampire ang may kakayahang sumakay sa astral plane.
At dahil dumarami ang populasyon ng mga taong nagsasagawa ng astral projection na hindi sumasakay sa astral plane, dumarami rin ang mga prone sa pagiging biktima ng mga Soul suckers. Kung hindi poprotektahan ng isang astral ang astral body at maging ang pisikal nitong katawan, mas madali iyong mabibiktima. Nadadagdagan ang trabaho niya. Sa halip na mga ordinaryong mortal lang ang poprotektahan nila, pati mga pasaway na astral ay nadadagdag na. `Di bale sana kung ang mga astral ay katulad ni Theron na kayang protektahan ang marupok na astral body ng mga ito.
Ah! Hindi rin pala okay na maging tulad ni Theron ang lahat ng mga astral travellers. Dahil paano sila kakain kung hindi nila malapitan ang kanilang target?
Geez! Ang hirap ding maging tulad niya.