HinovelDownload the book in the application

Chapter 4 Dilim

                           

                              

     Tumatak sa aking isipan ang nakita. Isang linggo na rin ang nakaraan ng hindi na ako pumupunta sa mansyon ng mga Montenegro. Busy rin naman kami ngayon sa pag-aani ng mga mangga sa umaga. Kung hapon natutulog ako ng dalawang oras at pagka alas kwatro ng hapon nagsisimula na naman akong gumawa ng bracelet na beeds. Hindi na iyon yari sa shell kasi hindi na ako pumupunta sa tabing dagat. Dahil malapit iyon sa mansyon.

Iniiwasan ko na ang mapalapit doon. Palagi nalang kasing mag nangyayari sa akin. Una nawala ang first kiss ko,pangalawa,naninikip ang dibdib ko ng makitang may hinahalikan na iba si Manuel o baka dahil nabigla lang ako kaya ganon.

Naligo ako at nag-ayos. Umupo sa aking sariling kama at kinuha sa ilalim ng kutson ang naipon kong pera na nakapaloob sa malaking pitaka. Nagsimula akong magbilang at nalamang 800 pesos iyon.

"550 ang uniform sa Stella Maris Academy sa bayan. Meron pa akong 250 nito. Kasya na siguro ito sa school supplies." Sabi ko sa sarili at nagsuklay na.

Buong anihan yan lang naipon ko kasi minsan bumibili rin kami ng konting groceries ni Lola Tessa.

Nagsuot ako ng kulay brown na bestida at hinayaan ang medyong basa pa na buhok na nakalugay. Kinuha ko ng bayong sa kusina at nagpaalam kay lola.

"Lola,pupunta akong bayan. Bibili ako ng school supplies."

"Maghahapon na Kim pwede mo naman yan ipagbukas na."

Umiling ako kay lola. "Lola, di'ba may kasabihan tayo? Kung pwede mo naman gawin ngayon bakit hindi? Tsaka tapos na ako sa bracelet lola."

May kinuha ito sa bulsa at binigay sa akin. "May 200 pa ako dito, idagdag mo sa pera mo."

Kinuha ko iyon. "Sige lola, bibili akong ulam at gamot ni lolo ito."

"Hindi sabi ko idagdag mo."

"Sakto na ito lola. Next week pa naman iyong pasukan. Makakapag ani pa tayo ng mangga."

"Naku, ikaw na bata ka ang bait mo. Sige maglakad kana at gagabihin kapa."

"Opo lola!"

Tinahak ko ang mabatong lupa na daanan at minsan may mga putik pa. Hindi maiwasan na malagyan ng putik ang aking  tsinelas.

Sa bayan ay hindi na pahirapan dahil semento na ang daanan. Grabe yung pawis ko dahil sa paglalakad. Sobra akong nasiyahan ng makabili ng notebook na limang piraso. Pumili rin ako ng dalawang ballpen at isang papel. Dahil nga 250 lang yung budget ko iyon nalang inuna ko.

Sa isdaan pumili rin ako ng preskong isda.

May nakita akong bangus na preska. "Manong! Magkano po kilo ng bangus?" Tinanong ko ang nagbabantay na balbasaradong lalaki.

"Libre na! Basta pahinge ng number mo!" kumindat pa ito sa akin.

Hala! Ganon lang ba? "Sige! Number 29! birthday ko yun kuya!"

Napatigil ang lalaki at napakamot sa ulo. "Putek san ba galing na planeta ito. Maganda sana pero ang slow." bulong bulong nito.

"Po? Ano po kuya?"

"Wala!"

"Asan na isda ko kuya? Nagbigay na ako ng numero ko." napakurapkurap ako dito ng magalit ito.

"Hindi yun numero!"

"Pero yun sabi niyo e. Tsaka binigay ko na sainyo. Ang daya niyo pala. Baka pati yang kilohan niyo madaya rin."

"O' siya siya! Ayan! Isang kilo na yan. Huwag ka na ulit dumaan dito a!" Parang napipilitan pa na nagbigay ito sa akin ng isang kilong bangus.

Siya itong nagsabi e. Binigay ko naman yung numero ko. Bakit nagalit?

Masaya akong umuwi sa baryo namin. Dahil nga natagalan sa palengke ginabi na ako sa pag-uwi.

Nakalubog na ang araw ng nasa lubak lubak na daan ako. Mabuti nalang may posteng nakailaw kaya nakikita ko pa ang daan. Sobrang tahimik at kuliglig lang ang aking naririnig.

May traysikel na biglang huminto sa aking gilid. Si mang Domeng pala! "Uuwi ka Kim? Sakay na."

Ngumiti ako at tumango. "Salamat Mang Domeng! Nakakapagod maglakad." singhap ko at pumasok sa traysikel.

Rinig na rinig ko ng kuliglig at ingay ng dahon ng mga puno na nagbabanggaan dahil sa marahas na hangin tila uulan pa yata. Kinabahan ako ng tinignan ang daan na walang ilaw. Puro matalahib na punong kahoy sa gilid at naghahabaang damo.

"Manong Domeng, di'ba hindi ito ang daan?" Kinabahan ako ng hindi ito kumibo at diretso ang tingin sa unahan. Hanggang sa niliko pa nito sa madilim na parte na tubuhan.

Alam ko ang nararamdaman ko. Kapag kinakabahan at natatakot alam kung hindi maganda ng sitwasyon. "Manong! Ibaba niyo ko!" Uminit ang aking mata pero nanlamig ang katawan dahil sa kaba.

"Tumahimik ka! Noon pa ako saiyo nanggigigil e. Mabuti nakita kita mag-Isa." tila naging demonyo ang boses nito. Malayo na ang mukha sa Mang Domeng na nakilala ko noon.

Pumikit ako ng mariin at inagaw ang manibela ng trysikel pilit iniabot ang preno para huminto. "Putek kang bata ka! Mabangga tayo!" sigaw nito ng gumewang ang traysikel.

"Itigil niyo Manong! Ang sama niyo! Isusumbong ko kayo!" Sigaw ko rito. Pero nakatikim ako ng sampal. Tumagilid ang aking mukha at naramdaman ang metal na likido na umagos mula sa aking bibig.

"Magsumbong ka kung mabubuhay kapa!"

Humaguhol ako kahit mabilis ang pagtakbo nh traysikel hindi ako nag dalawang isip na tumalon para makalabas sa traysikel.

Isang bagsak ng katawan ko sa mabatong daan at maputik. Naramdaman ko agad ng sakit at pagtama ng siko sa bato. Hinawakan ko iyon at tinignan ng traysikel na huminto. Bumaba doon si Mang Domeng at tinakbo ako.

"Tulong!" sigaw ko at mabilis na tumakbo. Hindi ko na ramdam na huminga at tumitibok ang aking puso.

"Bumalik ka! Papatayin kita!"

Napatakip ako sa tenga ng umecho ang boses nito na malademonyo."Tulong! Tulungan niyo ako!" I cried..

Kahit masakit ang katawan pinilit kong makatakbo ng mabilis. Papaliko na sana ako sa nilikuan namin kanina ng hinablot nito ang aking buhok at hinila. Bumagsak ako sa maputok na lupa at agad niya akong dinaganan.

"Huwag Manong Domeng!" pagmamakaawa ko ng walang sabi nitong hinalikan ako sa leeg.

"Ang bango mo!"

"Huwag p-po!"

"Titikman kitang bata ka. Ang sarap-" biglang bumulagta ito sa sahig agad akong bumangon at inayos ng strap ng king bestida na napigtas na pala.

Punong puno ng putik ang aking katawan at may mga dugo ako sa kabilang tuhod. Nagtakip ako ng tenga at pumikit ng mariin. Dahil sa sobrang takot hindi ko na alam ang gagawin kundi ang umiyak sa pighati at sobrang takot. Ramdam na ramdam ang pag nginig ng kalamnan.

Sa kabila ng pag iyak kita ko na may ilaw na nangagaling sa dalawang kotse. Ang pag sigaw ng walang hiyang Mang Domeng na tama na. Ang pag impit nito sa sakit.

Isang mura sa isang pamilyar na boses ang aking narinig. Ingay ng mga boses na tingin ko ay pulis.

Yapak ng sapatos ang aking narinig. May tumabi sa akin at hinawakan ako sa buhok. "H-Huwag-Pakiusap-" iyak ko at nanatiling nanginginig.

Isang mura pa ang narinig ko. Hindi makaangat ng tingin dahil takot sa lahat.

"Si Manuel to." he growled huskily. Natahimik ako sa iyak at unti unting inangat ang tingin.

Nanginig ang aking labi at mas dumami ang luha. Lumuwag ang sumisikip na dibdib at nawala ang takot. Umigting ang panga nito at nakita kong may dugo ang kamao.

Inangat ko ang kamay para hawakan ang kanyang mukha pero sa sakit ng katawan ang pagnginginig hindi ko magawa. Nanatili iyon sa ere pero siya na ang umabot ng kamay at dinala sa kanyang mukha.

"Let's go.." Aniya at sinikop ako sa lupa. Hindi ininda ang putik at dugo sa aking katawan. Naramdaman ko ang kaginahawaan sa kanyang bisig. Binaon kopa ang mukha sa kanyang dibdib.

"U-uuwi ako,n-nag-aalala s-si lola-"Natigil ang sasabihin ng dumampi ang labi nito sa aking noo.

"Ako na ang bahala. Matulog ka muna.." ramdam ko ang kontrol na galit sa kanyang boses at panginhinig ng kamay nito. Tila galit parin sa isang bagay at gustong magwala.

Download stories to your phone and read it anytime.
Download Free